Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Goodpm doc. tanong ko lang po ano pede kong gawin kasi yung isang bracket sa brace ko ay natanggal yung dikit at umuuga po yung isang bracket. Bulacan pa po ko at sa Antipolo pa po ako nagpabrace may remedyo po ba na pede ko idikit yung bracket. Salamat po

      1. Hi Doctora,
        Last Friday ( jan.15,2016 ) nag pabunot po ako but untill now masakit pa din po siya at may at lagi napapsukan ng kanin so tinatanggal ko yung kanin gamit ng dila mejo masakit pa din at may time pa po na parang naninigas leeg ko connected sa ngipin at mejo sinisinat ako..
        ako po kaya ito.???

          1. doc nung nag pa bunot pokasi ako nasira po yung gilagid ko nabutas po siya e isa palang po yung bunot tutubo parin po ba o hindi na po need ko lang po kasi po binabalak ko po mag pa implant

  2. nagpabunot po ako pero after a day, may mga food residue na dun sa binunot na part .. sinubukan kong alisin pero ayaw matanggal. i tried to gurgle it out with water and tried to lightly brush it off but to no afford. fourth day na today pero may food residue pa din dun. nagwoworry ako baka sya yung dahilan kung bat di pa nagkoclose yung wound. is it normal? shoud i stop worrying ?

  3. Doc.masakit po ba mag pa teeth cleaning? May anesthesia po bang nilalagay bago i cleaning? Madalas kc mangilo ung ipin ko eh malapit fun sa gums ung ulti mo mahanginan lang o kaya mag mumog ng tubig nangingilo na agad.

  4. Hi doc, kakatanggal lang po ng braces ko and napansin ko lang yung gum ko sa may sungki ko dati parang nag recede, ask ko lang ano po bang pwedeng solusyon sa nag recede na gums? Thank you!!!

  5. Good morning doc..7months na po skong pregnant pero hindi ko na po kaya ang skit ng ipin q sa bagang halos hindi na po ako nakaka2log sa gabi sa sobrang sakit..pwede po ba ako magpabunot? Ano po kelangan kung gwin?

  6. Doc pwede ko ba ipabunot ngipin ko kahit na sumasakit ito feeling ko po din kasi mdyo namamaga ung gums ko. Ilang buwan ko na po iniinda tong pag sakit ng ngipin ko(right side sa bagang sa baba).

  7. doc nagpa rct ako nung december tapos nilagyan ng post. sungki po ung na rct . sabi po ng dentist ko dina daw muna lalagyan ng crown. braces daw po muna para umayos ang alignment ng ngipin ko tska nya lalagyan ng crown pagkatapos ng braces. okay lang ba un doc? thankyou doc sana masagot nyo po

  8. Doc ask KO lng po Sana kasi may libre po na pasta dito sa health center namin. Safe po ba yun kahit don ako magpa pasta at Hindi sa private dentist? Thanks po and God bless

  9. e doc okay lng bang hindi nako magpa cast? ung parang clay po na nilalagay sa ngipin . diko na po matandaan kung ano tawag dun. pero un po ung sinabi nung dentist ko bago ako ibraces pwede pong panoramic xray nlng gawin sakin? wag na ung cast? natatakot po kc ako baka magcrack ung na rct na ngipin ko . weak na po ang ngipin pag na rct diba doc?

  10. hi po. ask ko lang kung magkano estimate na cost para mapa straight ung ngipin ko sa harap. at kung ganu katagal ung paayos?
    may 1 sungki at 2 ngipin na denture sa harap. nawawala na po kasi self-confident ko humarap sa tao.

  11. Doc may pasta po ako sa 4 na front teeth ko sa taas at wala na po ako bagang sa baba , bali 2 sa magkabilang side yung binunot sa baba, pwede pa po ba ako magpabrace? Reply po pls thank you:)

  12. Doc 1 week na po akong nagpabunot. hindi pa rin naalis yung pamamaga ng mukha ko. may singaw din po ako sa gums ko. sobrang sakit po ano po bang dapat kong gawin?

  13. Doc, pwede po ba magpa-retainer kung wala naman pong sira sa ngipin? Totoo po ba na nakakasira ng ngipin ang retainer?

  14. Hi po, tanong ko lang kase bago ako mag ka braces may wisdom tooth na po na tumutubo and nakalabas na po sya halos kalahati na po and yung second molar ko may pasta matagal na yung pasta and nitong sunday sumakit second molar ko bumalik ako sa dentist ko sabe kailangan daw bunutin na yung second molar ko kase nung tinanggal yung pasta halos wala ng natira sa ipin ko pinasingaw nya po muna para mawala sakit, and kaya daw sumakit kase yung wisdom tooth ko daw isa sa dahilan. Talagang kailangan po ba sya bunutin yung second molar ko? sabe nya kase yung wisdom tooth ko naman daw papalit sa second molar ko. Date naman po di nmn sya sumasakit so ayun po kailangan ba talaga bunutin yung second molar ko? tsaka pag binunot po ba sya masakit? Kase sabe ng iba masakit daw ewan ko if after mabunot or habang binubunutan, thanks po!

  15. Good morning po Doc, Pwede po bang magpa jacket crown ng isang ngipin lang? Ang sabi po kasi nung napagtanungan kong Dentist kailangan daw po ng suporta sa kaliwa at kanan. kaya magiging tatlo yung ilalagay. Magkano po ang jacket crown? Salamat po.

  16. hi po good day..im 35weeks pregnant…Gusto q po sana magpa change ng rubber ng brace q.sabi po ng clinic na pinuntahan q bawal daw po? dapat daw i fixed muna ung brace q…bawal po ba talaga?salamat po.

    1. Sa braces isa lang ang dentist mo, kung kanino ka nagstart doon ka matatapos para hindi ka maraiwara at hindi kapalpakan ang mangyayari sayo. Hanapin mo yung orthdontist mo at sa kanya magpaadjust.

  17. doc pa estimate nmn po kung mag kano gagastusin sa pag tanggal ng 1 sungki thanks po. at kung gano katagal bago gumaling

  18. Doc ano po pwde gawin kasi nagpabunot ako ng ngipin antyung part na tinirukan ng pampamanhid ay nagnanana?

  19. Doc ano dapat gawin sa bagang na may butas ? Namamaga po kasi yung bagang ko. Then nangangamba ako dok baka mamaya gum disease na to. Ano dpt gwin ko dok?

  20. Doc excuse po,sa dulo po kasi ng mga ngipin ko sa may bandang baba,yung gums po dun parang namumula at mahapdi ano po Kaya Yun at pano po gagamutin?

  21. Hi po doc! Ask ko lang kung pwede ko po bang ipabunot tong ngipin kong nangangamatis na daw (namamaga) ? Lagi napo kaseng sumsakit:(

  22. Hi dok tanong ko Kung magkano aabotin Kung magpapa dental bridge po ako ng isang 1st molar right upper saka isang 2nd pre molar left upper thanx

  23. Hi my question po ako gsto ko po ipatanggal n ung braces ko kc madami nang brackets ung natanggal ska ung wire natanggal n din taas at baba ung dentist kc n ng brace skn is wla na nag migrate na sa Canada tpos wla nmn syang inirecommend n ibang dentist n pwede ko punthan pra sa monthly adjustments ko ska ung file ko d dn nya bngy kya napabayaan kna ung braces ko mgkano po kya ipatanggal toh

  24. doc pwede bang ipapasta na lang ang white spot sa ngipin? gumagamit po ako ng tooth mousse pero sabi ng dentist ko di agad agad mawawala ung white spot

  25. Hi doc. Yun apat na molars ko sa baba (2left, 2right) bulok na. As in sa sobrang pagkabulok, hindi na sya nakikita. Tas biglang namaga ang right jaw ko. Kailangan po ba ipatanggal yun natitirang parts ng ipin sa loob ng gums? Masakit po ba pag pinatanggal ko pa ang 4 molars ko?

  26. good day dr… ung dentist ko kasi started root canal treatment bali binusan po nya sa likod ung porcelain infused metal na crown ko sa front teeth.,. then sabi po nya may possibility daw un mafall ung crown..ask ko lang sana kung mga ilang years bago maalis yung crown,?? thanks dr

  27. doc nung nagpakabet ako ng braces sabi nia iexpect ko na mgkakaroon ng gap ung teeth ko. at yun na nga, nagkaroon ng gap sa loob ng isang buwan. normal lng po ba un?

  28. Goodpm po. Nagpabrace po kasi ako kinabitan po ako hindi po pinasta yung ngipin kong may butas at hindi po tinanggal yung mga itim itim sa bagang? Okay lang po ba yun

  29. Hello po doc , pwede po ba ipabunot kahit wlang sakit? Kase po may tumubo sa pangel ko sa taas nhihiya po ako ngimiti kc nakikita, gusto ko po ipabunot . 🙁

  30. Good Am po Doc Masaki po ba magpa Cleaning ? Kasi po napanood ko sa youtube na tinutusok tusok yung gums … Balak po Kasi namin ng kapatid ko mag pa cleaning and pasta na din po salamat 🙂

  31. Doc, ask ko lang po pwede na po ba magpabunot ng ngipin kahit na kapapanganak palang? December 5, 2015 po ako nanganak .. Tnx po

  32. Doc,please ans. Po 1week ng masakit yung gums ko sa may wisdom teeth ko sa baba nahhirapan nrin ako kumaen akala ko singaw lang ngtry nako ng panggargle at gel pero wla prin. Prang namamaga sya ano po ba ggwin KO?

  33. Hi doc gusto ko lang sana itanong kung kailan pwede bunutin ang ngipin
    Kapag po ba medyo parang may dugo pwede po ba tanggalin yon?
    Saka po kasi ang sakit sakit ng ngipin ko halos maiyak ako

  34. Masakit po ba magpa alis ng bulok na sungki sa taas ng ngipin. Ung mlapit sa ngala ngala. Tinry ko ksi alisin gmit sinulid kumapit nman kaso ayaw matanggal ang sakit khit maliit nalang ang sakit kaya after nun namaga. Para ksing naka ipit na siya dun sa dalawang wisdom teeth ko kaya ayaw maalis. Mga magkano para magpaalis ng sungki? Masakit ba?

  35. doc how much mo pa nag re range ang surgery for class 3 malocclusion? i’m on my last year of having braces and im considering po ang surgery, sabi kasi ng dentist ko 10k lang daw ang cost ng class ko gawa ng mild lang naman at medyo na correct naman ng braces. Thanks po

  36. Hi doc, tanong ko lang po kung ano ang mga possible restoration process and magkano ang range sa ganitong situation na apat na ngipin sa harap! Thank you

  37. Anu po ung laman na prang lumobo sa dulo ng mga ngipin tabi ng bagang ko? Na nabubunggo po ng taas na ngipin ko thankyou po

  38. Hi po may implant na po ako. Sa Pampangga ko po ipinalagay almost 2 years ago. Gusto ko na pong ipakabit yong tooth kaya lang ayaw ko nang bumalik sa Pampangga kasi masyadong malayo. Maaari po bang dito na lang sa Naga sa Bicol at anong klasing dentista ang most qualified na magkabit ng tooth sa implant. Lubusin ko na po ang tanong. Ano po bang pinakamagandang materials sa tooth implant? Please advice. thanks

  39. Gudpm po doc. Galing po kami ng anak ko sa dentist, she’s 5 yrs old lng p Meron po xa isang ngipin na kailangang lagyan ng crown. Tanong ko lng po if ever ma tuloy po ung pag lagay ng crown sa ngipin nya kelan nman po un tatanggalin?

  40. nagpabunot po ako, pero parang may nakakapa pa ako tirang ngipin pero manipis na ngipin na lang siya, sabi po ng dentist, part na daw po ng buto yun…ano po dapat kong gawin…???

  41. Doc impacted po ako kabilaan up and down nakabrace ako pero binunutan ako para mag move doc pero sabi ng dentista patanggal ko daw yung impacted.pwede ba hindi na nagmomove naman eh… Salamat

  42. Doc. Pwede po kaya ipabunot yung sungki sa taas ng front teeth ? Gusto ko po kasi mag paretainer thanks po

  43. Good day po Doc, ask ko lang po kung ano ano po signs and symptoms ng tmj? Almost 2 years ago na po akong walang braces pinatanggal ko po kahit hindi pa maayos yung central incisor ko kasi po lagi akong may headache and wala din improvement. Ang adviced po sa akin ay lagyan ng retainer and ifill yung 1st molar ko sa right and 2nd molar naman sa left. Pero hindi na po ako bumalik kasi napansin ko po noong may braces pa ako, almost 2 years na yung braces ko wala man lang improvement. Then lately po bigla po nagka lockjaw then nawala after naman po nun laging may clicking sound minsan sa left minsa sa right ear ko kahit hnd po naka wide open ang mounth ko. Minsan din po may pain.

  44. Hello po,

    Doc, may pasta (covered every surface) po yung isang front teeth ko kasi tanggal na yung kalahati ng ngipin ko. Tapos magpapabrace po ako kasi hiwahiwalay na po yung mga ngipin ko. May possibilty po ba na matanggal yung pasta? Tsaka sa estimation niyo po, gaano ako katagal magbabrace base po sa picture?

    Maraming salamat po!

  45. Bagong pasta po yung dalawang huling ngipin ko. Yung isa hindi na masakit. Yung isa medyo kumikirot pa po. Normal lang po ba yun?

  46. Doc help naman natanggal kasi ung jacket ko need ko sana ung proper na pandikit…natry ko kasi yung mighty bond natatangal dn xa siguro mga 2 moths lang xa .salamat po

  47. Hi Doc!
    Underbite po ako. Effective po ba ang braces para macorrect yun? Could you please recommend a dentist around Biñan, Laguna? Thank You! 🙂

  48. Doc may sungki po kasii ako tapos yung sungki na yon plano ko na ipa jacket. ano po mas mabuti gawin? ipabrace muna bago ipajacket? or derecho na lng pajacket? thank you po.

      1. Doc yung pinsan ko po kasi may bulok yung dalawang side ng ngipin niya eh.. Permanent teeth na po yun pero konti palang naman po yung bulok
        . Ano po bang dapat gawin o gamot dun

  49. Hi Doc

    I’ve been using Oral-B Vitality Precision Clean electric toothbrush before I got my braces on last week and binigyan naman ako ng dentist ko ng tootbrush for braces. Ginagamit ko yung electric toothbrush for the back of my teeth and the top of my molars tapos sa harap pero hindi ko naman tinatapat sa braces or wires. Is it okay to continue doing this or should I stop and use the toothbrush I was provided with? Thanks

  50. Good evening po.. Yung ngipin ko po kasi sa bagang sa right side, napudpud na po xa, tapos umuga po at natanggal ng kusa.. Ask ko lng po kung ok lang po b yun kht hindi xa nabunot hanggang dun po sa loob ng gums? Wala na po kc tlgng ngipin na nkalabas.. Natanggal na po nung umuga ngipin ko.

  51. doc.. May dalawang podpod na bagang po ako. isa ay sa lower right and other one ay sa lower left. mtagal na po ito doc. nkakaramdam po lagi ako ng lymph nodes sa panga ko and minsan ramdam ko na nangangapal yun neck ko, minsan may chest pain po ako at masakit ang ulo. tanong ko lang po doc if pwede magpabunot if may mga nraramdaman po akong gnito. natatakot po kasi ako baka kung anu po mangyari sken.

  52. Good am po doc. Katatanggal lang po ng braces ko tapos napansin ko may malilit na cavities sa front pa po. Nagbablack na sya. Ung tatlong pagitan ng ngipin sa harap may bulok na din po. Ung isa may butas na so kelangan na ipasta. Ano po pwede gawin para di na mabutas ung iba? Napansin ko po na may bulok na sya kasi nung flinoss ko po may amoy na. Thank you po.

  53. Doc. Patanggal po yung bracket ng brace sa lower sa pinaka-dulo ng left side ko. Kaylangan ko na po ba agad bunalik sa dentist ko para ikabit to?

  54. Hi Doc, sumasakit po kasi ang ipin ko ngayon, pawala wala po sya, minsan may sobrang sakit. Pwde po kaya akong magpabunot ng ipin mamaya after work? Pangatlo po sya from bagang sa itaas ng ngipin ko, at andun ang last na bracket, pwede po ba yun? Sa tingin ko naman po kaya ko ang sakit, gusto ko na po kasing ipabunot to, kesa araw araw ganito.

  55. Goodmorning po doc ask ko lang po sana napasta na po kasi yung ngipin ko upper part po ng ngipin, after 4months sumakit po yung pinastahan then namaga yung upper lip ko. Ano po ang dapat gawin? Thankyou po

  56. Goodpm doc, ask ko lng kasi nakabraces nko, bale pinapapalitan po kasi ng new dentist ko ung brace ko , ok na po ung xray nsknya na, kaya lng po weeks n po ako pregnant, ok lng po ba na ituloy ko pag papabrace s new dentist ko?

  57. Doc.pwede po bang ituloy sa pilipinas ang pagpapaadjust ng braces kc uuwe npo ako next month gling taiwan at hndi pa po tapos ang brces ko..tinanggalan po ako ng 4 pcs na ngipin dlawa po sa taas at dlawa sa baba..?my kawang pa po kc.slamt po sa pagsagot…em

  58. Hi po. Ask ko lang po if pwede po ba ako mag pa brace kahit kulang bagang ko? Saka pano ko malaman kung for RCT napo yung ngipin ko. Minsan parang ngilo po eh napapastahan ko din po ito.

      1. Pwede ba mag pabunot ng may anesthesiang marame. Mga 4? isang oras mahigit kc ako binubunutan at dko makalimutan ang torture nila. Iyon pala tatlo roots ko. Baka kasi tatlo na nman to. Dlwang beses na kasi ng yari. pede po bang mga 4 anesthesia. Trauma na kc tlga ako eh. Please help

      2. Nasira iyong isang ipin ko sa taas, pero kung titignan wala na tlgang ipin, pero may natira sa luob ng gum na ipin. D masakit pero gusto ko mag p brace. Tatanggalin po ba nila iyon? O pede na mag pa brace?

  59. Hi Doc, tanong ko lang kung ano mgandang gawin. May sungki po ko sa upper, gitnang gitna talaga sya. Gusto ko sya matanggal at mapantay lahat like a normal teeth, para may confidence na po ako mag-smile.

  60. doc,ask ko lang po,,,yung sungki po ba ay maayos pa sa pamamagitan ng braces? tapos pano po pag yung mga bagang sa baba at taas ay bulok na pwede pa po ba yun?

  61. Doc, I am having my braces removed po at inadvice nung dentist ko bunutin ung impacted wisdom tooth kasi babalik daw sa dati ung ngipin. Kahit po ba nakaretainer babalik pa din sa dati?

  62. Doc ano po ggwn ko may sungki po ako s itaas tpos hnd n po pantay panga ko .pag nahikab po ako nalagutok po panga ko.ano pong dpt gwn ty

  63. Doc may sungki po ako s bandang itaas isa lng po tpos po ung panga ko hnd na po pantay,kadalasan po pag nahikab ako nalagutok po . Ano pong dapat kong gwin ? Mrming slmat

  64. Doc nag pa pasta ako Jan s pin as.dto ako Saudi ngayon.natangal pasta no sa harap.ano kaya pwede pandikit para bumalik sa dati?thanks

  65. Doc, pwede po ba nyo akong bigyan ng sample ng dental clearance? Para po mapakita ko sa dentist ko. Salamat po need ko po kasi na ng FIT TO WORK Dental Clearance for Employment ko. Thank you po!

    1. Kung tanga ang dentist mo, Hanap ka ng magaling na dentist na kayang gawin yang kailangan mo. Sobrang kabobohan na yang ganyan lang ay hindi pa alam gawin at sa pasyente pa pinapatanong sa ibang dentist.

  66. Gud pm doc sumasakit po yung ipin ko sa bagang pero wala ng ipin matagal na kasabay po sumasakit din tenga salamat po

  67. Doc, nagpapasta ako ng ngipin 1week na after but until now masakit ung likod ng tenga ko at parang may namamaga at kumikirot. Hindi po ba delikado ito?may natamaan bang ugat kya parang halos dko maigalaw bunganga ko?pls..pki sagot po sna asap..thanks so much.

Leave a Reply

%d