Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Hi doc! Ask ko lang how much yung cost ng paghila ng impacted premolar? I mean sabi po kasi hihilahin yun para mapulldown and maialign sa teeth ko. Gagamitan daw po yun ng chain. How much po kaya yun? Thanks
Kasama sa cost ng braces yun. Iba iba ang presyo depende sa kaso.
Doc, mag tthank you lang po ako sainyo kasi sobrang dami niyo ng natutulungan sa mga katanungan nila. Halos nasagot mo na agad yung tanong ko kahit di pa ko nagtatanong.
Thank you.
Oks. 🙂
Normal po ba makaramdam ng sakit habang binubunot yung ipin? Yung pamangkin ko po 15yrs old binunutan po kasi ng 3 ipin isa sa harap 2 sa bagang..yung huli po binunot sa bagang sumigaw po sa sakit pamangkin ko pero binunot parin po sabi ni doc pudpod na daw po kaya masakit..pero yung dalawa nauna wala pong sakit salamat po doc 🙂
Nabunot na. Wag mo nang isipin dahil stress lang yan. Nakakamatay ang stress.
Doc may anak akong may Autism, di sya masyadong cooperative, 5 years old na sya at sira na mga ngipin nya at malamang po i sesedate sya. sa palagay ninyo po magkano ang aabutin? (para mapag ipunan ko po)
Thank you
Ipakita mo sa pediatric dentist. May ibat ibang specialization ang dentist. Pediatric dentist ang dapat sa bata.
Hi doc. Magagasgasan ba ang porcelain fixed bridge ko pag nag retainer ako nung metal? Kakatanggal lang kase ng braces ko Tapos sabi nung ortho ko. Yung clear daw dapat gamitin ko na retainer para hindi magasgasan yung porcelain kaso ang mahal po eh.
Yung dentist mo ang magdidecide.
doc pag nagpabrace po ba normal lang po b sa nakabrace yung parang mabilis masira ung ngipin tas parang umuuga?
Hindi masisira kung regular ka nagpapaadjust at nalilinis mong mabuti.
Doc, totoo po ba na by force ang kulay sa braces? Kung dark po, heavy ang force, kung light, light lang ang force? Thanks po in advance.
Gusto kong sagutin ang tanong mo. Pero kung ikaw ay isang pasyente, hindi mo na kailangang malaman. Yung dentist mo ang bahala sayo.
Hi doc tanong q lng po magkano po pa RCT? TNX PO
depende sa kung anong ngipin.
Pwede pa pu bang ibrace kahit marupok na ang ngipin
Hindi.
Pwede po ba magpbunot ng ngipin ang puyat?
Matulog ka muna.
How much po yung cost ng frenectomy? Thankyou po doc
20 k pataas.
doc natural lang po ba mangalay ang panga pag may braces?
Possible. Hindi “natural”. Kasi kapag natural hindi mo tatawagin yang “mangalay”. Tatawagin mo yang “natural” kung yan ay “natural.”
Hi po Doc. Mag kano po kaya pa brace dipende po ba yun sa sira ng ngipin?
Depende sa lala ng aayusin.
Doc ano po bang dapat gawin para di maghiwahiwalay ang ngipin after magpabunot ng bagang sa baba?
Papalitan mo ang nabungi. Pwede ang implant, bridge o pustiso. Browse :
http://www.denturesaffordable.com/?s=bridge&x=0&y=0
http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
http://costdentures.com/
Magkano po yung labial frenectomy? Salamat po doc
20k up.
good day po doc ngaun ko lang po nakita to web nio itatanong ko lang po sana kung may iba po bang pde ipandikit sa temporary jacket ang layo po kasi ng dentista na pinuntahan ko amd lagi sya wla palagi po natatanggal ung temporary jacket ko…ako nalang sana magdikit kung maymabibili sa mga drugstore salamat po
Ipadikit mo sa dentist mo.
Doc ask kolang po doc kung ano gamot sa may nana ang ngipin para po reafy nako mabunutan nitong week
Magpareseta ka sa dentist.
Pwede po bang magpalinis ng ngipin ang puyat? Pang gbi kasi ako sa work at gusto ko paguwi ko kinabuksan magpapalinis ako salamat doc
Oo.
Hi. Kaka pabunot ko Lang po ng teeth. Normal po ba yung parang namuong dugo Sa gums? Pano po matanggal? Thank you.
Oo, pagsasara ng sugat.
Kakapabunot ko Lang po ng teeth. Uh, may parang namuo after. Ano po ba yun? Namuong dugo po? Pano po aalisin? Thank you.
Wag mo alisin.
Doc nagpabunot ako ipin tas Hindi sumara yung pinagbunutan anu magnda gawin
It takes time para mag form ng gummtissue and close the surgical site. Give it some time
doc ok lang ba yun yung dentista ko hindi nya binunot sirang ipin ko tapos hindi nya rin nilinisan ipin ko basta kinabitan nya nalang ako ng braces ngayon 1month na braces ko nag pa adjust na rin ako ang kapal na ng tartar doon sa likod ng lower teeth ko ok lang ba yon ganung stilo doc?
Hindi okay.
Doc! Tanong ko lang po paano po ba malalaman kung permanent na ang ngipin? At ano po ang gagawin pag namaga ang ngipin?
Base sa age. Sa xray. Kung dentist ang titingin alam niya agad yan kapag nasilip ang ngipin mo kaya punta ka na sa pinakamalapit na dentist.
doc. delikado po ba ang pamamaga ng wisdom teeth ko po yung sa bandang pangako po ay sobrang tigas po ng maga ano po ba ang magandang gawin doc. natatakot na po ako dalawang beses na po ako nag punta sa dentist..
Punta ka na mamaya sa dentist at ipakita.
Doc, Magkano po aabutin kapag pinabunot yung Bagang? Normal lang po na sumasakit yung tengga ko? Sobrang sakit po ng ngipin ko.
Punta ka sa dentist at ipakita. Itanong mo kapag nakita na. Hindi ko masasabi ang presyo hanggat hindi ko nakita ang ngipin mo at x ray mo.
Di pa po nilalagyan ng dentista ko ng bucal tube yung braces ko kase daw po e dpa daw po na labas yung lateral incistor ko e medyo underbite po taas lang po pina brace ko tapos ni recomenda nya po sakin yung bite plate para daw mo lumabas yung lateral incistor ko tama po ba yun ?
wala po kong bucal tube?
Read : http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
Doc nag pabrace po ako taas lang tapos po di pa po nalalagyan ng bucal tube kase daw po e underbite daw po yung lateral incistor ko baka daw po pumasok ng tuluyan kaya binigyan po ako ng Dentista ko ng bite plate para daw lumabas yung lateral incistor ko tama po ba yun na wala akong bukal tube at hihintayin ko munang pumasok yung latetal incistor ko
Upper at lower lagi ang braces. http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
Pwede po bang lagyan agad ng braces after pastahan at the same day?
Oo.
magandang hapon po doc. tanong ko lang po kung anu po ba dpt ang gawin ko sa ngipin ko kasi ung bunny teeth ko sungki taz ung bwat gilid nito nasisira na. sabi ng dentist ko jacket crown hindi po ba pwd yong pasta nlang.
Send photo sa fb ko.
good afternoon doc. tanong ko lang kong anu ba dapt gawin sa sungki ko’ng bunny teeth at sa gilid na ngipin nila ay nasisira na.. thankyou doc.
Ipapasta mo tapos pabrace ka. Browse : http://www.denturesaffordable.com/dental-filling/
edi waw!!! snob moko huh…anyways thank you sa walang reply…
Itanong mo ulit. Bawal ang maarte dito kung hindi ka magandang babae.
Pwede po bang magpa retainer kahit plastic jacket yung 2 ngipin ko sa harap? Tapos may missing 2 teeth din po ako and marupok na yung isang bagang. Magkano po ba kung sakaling pwede man ?
Mga taong natapos lang sa braces ang dapat magretainer.
Hi po
Ask ko lang po bunot na po ksi ibang ngipin ko sa bagang 10 nalang po mgkakadikit sa ngipin ko sa baba. Yung 2 nkahiwalay na dhil my nbunot na. Pwede pa din po ba ibraces yun?
Send panoramic x ray sa fb ko.
Hi po doc. Gusto ko po sana mgpabrace kaso bunot na po ngipin ko sa lower 10 nalang po natitira sa dulo po meron pa kaso nkahiwalay na ngkaron po ng agwat sa dulo yung isa po 2 ngipin. Yung isa po 1 ngipin. Pwede pa po kaya ibrace yung baba kong ngipin
Salamat po
Send x ray sa fb ko.
Doc pwede po bang magpabunot ng ipin kapag puyat kasi po dipo ako makatulog sa sobrang saket
Matulog ka muna.
Doc, kapag po akoy fully paid na sa aking braces, pababayarin pa rin po ba ako kapag nag change ng wire? 3 months po kasi ako hndi nakabalik at yun sabi ng dentist ko: mag change sya ng wire kaya may babayaran ulit ako. Thanks!
Kayo ang magusap ng dentist mo.
Isa pa ho doc, pwede po bang sa ibang dentista na ako magpalagay ng retainers kung sakaling tapos na ko sa braces?
Sa orthodontist mo ka dapat magparetainer.
Doc meton po akong problema sa front teeth ko ung dlawa po naipasta ko po sya 10 years ago na tapos ung katabi po nun nagkaton ng sira peto naipa root canal ko na po dto sa saudi..ung two front teeth po mejo naghihiwalay po sila nagkalaron ng space sa gitna anu po kaya ang pwedeng treatment dto.?
Send photo sa fb ko. Iquote mo itong tanong mo.
Doc pwedepo bang magpalinis muna ng ngipin bago magpabunot?
Oo, ganun ang dapat.
doc bakit po sumasakit po ang ngipin ko na may jacket crown ? namamaga na rin po ang pisngi ko pls help me..
Ibig sabihin infected yung ngipin sa ilalim ng crown. You need to see a dentist for evaluation and treatment.
Doc 14 na po ako feeling ko po matatanggal na ung isang ngipin ko ung sa baba po pag pinabunot ko po ba yun may tendency na tumubo ulit?
kung milk tooth yung inextract, then yes may kapalit pa yan. Pero kung permanent yan, I am sorry pero wala na.
Matatanggal ba ng paglinis ng ngipin sa dentista yung may itim sa molar kahit wala namang butas?
Please read my previous reply
Doc nagpapasta ako sa bagang 2 years ago tapos ngayon sumasakit sya. Ibig sabihin ba nun hindi sya nalinis ng maayos?
Ibig sabihin napabayaan mo. Hindi porke napastahan yang ngipin, magiging super tooth na yan na hindi massisira ulit kapag napabayaan. Kapag sumakit, ipa-RCT mo. Read : http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
DOC MAG KANO BA PABUNOT NG WISDOM TOOTH ???
8k pataas.
Doc, ilang days ako pwede ng mag-jog pagkatapos ko po magpabunot ng ngipin?
Agad. Ihanda mo lang ang sarili at tatagan ang loob oras na dinugo ka.
doc ano ba ung dental examination may bunabagsak badun puro sira na ngipin ko ?
Oks.
Doc pano po ba tangalin ng pasta ko
Through a dentist.
Matatanggal ba ng paglinis ng ngipin sa dentista yung may itim sa molar kahit wala namang butas?
Kung cavity itong “black” structure, sorry hindi. You may need some fillings.
Doc bakit po ba bawal magpa retainer kung hnd po nagpa brace?
Kasi hindi mo kailangan.
Doc Good Am. Naaksidente po ako kagabi nabungal po yung front tooth ko tapos po yung katabi niya naputol yung dalawa pong main na teeth sa front. Ano po kaya magandang solusyon? Thanks Doc
Send photo sa fb ko.
doc ok lang ba hindi ipatanggal yung impacted wisdom tooth kahit namamaga? masakit kasi yung surgery and costly din.
Kung kaya mong tiisin ang pamamaga, sakit at kung ano ano papng pwedeng mangyari bakit hindi.
I have 8yrs old daughter, ngaun po kc umuuga n ung bagang nya s taas ei malambot n po..pwede naman n po ung tanggalin ng dentist o kusa nlang po un mattanggal?? Slamat po
Hanap ka ng pediatric dentist.
Haha funny ka tlaga doc!! ikaw na ang gwapo..!! 😉
Oks.
doc yung bagang ko po parang pudpud na kaya pa po ba itong bunutin or ooperahan na? nasakit na po kasi madalas. thanks doc.
Yes
doc kaya pa po bang bunutin ang ngipin ko sa bagang kahit mejo pudpud na sya. or ooperahan na? tsaka doc mga nasa magkano ang range ng ooperahan na ngipin? thanks po
Oo. 5k pataas.
Doc may chance po bang tumubo ulit yung ngipin pag nabunot na ito .. 25 yrs. Old na po ako at nabunot na po ung wisdom tooth ko last year lang .. pero parang tumutubo ulit yung wisdom tooth ko .. 2 pa .. pakisagot po doc .. maraming salamat at godbless ..
Kung permanent tooth and nabunot, very likely wala nang papalit dito. See a dentist for xray evaluation.
Hi po 🙂 Meron po akong konting katanungan. Natural lang po ba na matanggal ang brucket ng brace sa dulo? Pabalik balik po kasi ako sa clinic para lang ikabit yung brucket ng brace ko sa dulo. Madalas po kasi natatanggal.
POssible na matanggal.
hi doc
nagpapasta po ako kso temporary lng ask ko lng po ilang oras po bago po ba iintayin ko para tumigas to? pwede na po ba kong kumain ng kanin paglipas ng 3 oras?o anu po ung dapat kong kainin?
PWede na. Pero be wary of your diet for couple of days. Soft Diet na muna; nothing sticky, nothing hard, don’t chew on the side where the tooth has a temporary filling on.
pasagot po agad please?
Oks.
Doc i got my braces 5days ago nkakain na nmn ako ndi na kc masyado masakit pero yung panga ko nasakit normal bayun?tnx po
Kapag normal yan hindi mo yan ididescribe na “nasakit” bagkus, tatawagin mo yang normal.
Normal lang po bang sumakit ang panga pag may brace? May gamot po ba?
Kontakin mo yung ortho mo. Sulitin mo yung binayad mo at tanungin siya ng gamot at kung bakit sumasakit ang panga mo. Kailangan kong makita ang ngipin mo at xrays mo para masagot ko ang tanong mo.
pwede po bang mag pa brase?
Oo.
doc.. ano kaya problema sumasakit ung gums na binutan ng ipin kasabay nito sakit din ng tenga ko at panga..? dati po ung ipin lng kasama tenga kaya po pinabunot ko tapos 1 week after ayon halos araw araw na sumasakit?
INumin mo ang iniereseta at hintaying gumaling. Kapag gumaling na at sumakit pa. Ipaxray mo para makita ang dahilan ng pananakit.
hai doc! ask ko lang po kung pwede na ba akong magpapasta ulit ng ngipin sa front? kce po nagpapasta na po kce ako kaso di ako kuntento sa kinalalabasan kaya nagpaplano po akong magpapasta ulit. ok. lang po ba iyon doc? magpapasta ulit one week after? makakasirA po ba yan ng teeth?
Oo.
hi. ask ko lang po if pwede pa pa akong mag pa brace sa upper part kahit 5 na ang wala?
Oo.
Doc pwede po ba ang ten year old na magpa retainer kase hindi pop antay pantay ngipin ko
Walang inaayos ang retainer.
Hello po, gusto ko lang pong itanong kung pwede bang madala sa pagpapalinis ng ngipin ang konting itim sa molars or kailangan na niyang pastahan? thank you.
Depende sa kung anong dahilan ng “itim”.
Doc. Papalitan daw ng dentist ung napastahang ngipin ko. Pwede po kaya na turokan ng anesthesia para di maramdaman kirot?
Pwede.
Hi! Doc ask q lang po
#1 Bakit ung ibang dentist minomonitor pa yung BP ko? Hindi daw pwede bunutan kapg high blood. Samantalang sa ibng dentist binunutan aq ng ngipin nang hndi n kinakailngng i-BP pa.
#2 Doc true or false,
totoo po ba na isang dahilan ng pagtaas ng dugo ng pasyente ay dahil may infected tooth?
#3 Doc true or false ulit 🙂
totoo din po ba na kaya bawal bunutan ng ngipin kung ito’y sumasakit ay dahil hndi tumatalab ang anesthesia?
TIA Doc ?
Hello Ma. Tanong.
1. Minimonitor nila ang mga patients na high bp for precautionary measures. If the patient has a very high bp and extraction procedure was done on the patient, the patient may die.
2. True. But such a case happens on a chronic level — there has been a long standing dental infection going on in the patient’s mouth for many many years.
3. True. Dahil the infection neutralizes the anesthesia. Result, walang effect yung anesthesia sa area because of the acidic pH ng infection
Pwede b bunutin ang sumasakit na sirang ngipin?
Oo. Tatagan mo ang loob mo.
May Anesthesia Naman Po Dba
Yes.
Doc good pm. Nagparootcanal po ako mga 8months ago kaso un ipin kung saan nairootcanal ay sumasakit padin at namaga. Dpat wala na akong mararamdaman sakit kasi namatay na ang ugat pero bakit namaga at sunakit pdin? Salamat
Send x ray sa fb ko.
puwede ba ipatanggal yun brace sa ngipin khit ngbayad ka na ng down?pwede bang hindi na ituloy yun adjustment?
Magusap kayo ng dentist mo.
doc yung nagkaroon ako ng braces bakit masakit yung ngipin ko pag kinagat ko po
Normal. Your teeth are moving
goodevening po,ask ko lang po nagpabunot po kase ko nung monday(may,23)
pero po bili na po ako ng yelo and ice cream di pa po sya naghihilom,saka po sa gilid ng pinabunot kung ngipin may kulay yello
thankspo
Okay?
Hi doc ask ko lng po sana yung sa pinaka front na ipin ko sa taas bale apat po yung ipin na may jacket ang problema po nasakit po yung isang ipin n may jacket yung tatlong kadikit nya ok nmn po isa lang po tlga yung nasakit ano po ba dapat gawin? Kung sakali po pwede po bang yung isang ipin lng na may jacket n sumasakit yung tangalin at palitan ng bagong jacket at wag na tangalin o pakielaman pa yung tatlong ipin na may jacket na katabi o kailangan po yung apat na jacket mismo yung tangalin? At kailangan po ba palitan ng bagong jacket? At mga mag kano po aabutin? Thanks po.
YOu need to see a dentist.
Hi po, okay lang po bang magpa-retainer kahit may Fixed bridge po?
Tapos ka na ba Mag ortho?
DOC MAY POSIBLE BANG YUNG DALAWA KONG NGIPIN SA BABA NA UMUUGA AY PWEDE PANG MAAYOS
Kung may good periodontal structure supporting the teeth and matanggal yung source of infection, yes and yes.
Saan po kaya pwedeng magpasponsor ng dental implants. I’m serious tho.
Walang ganyan.
Doc. Ano po pwedeng gawin para matanggal yung bukol sa may gilagid ng sirang ngipin ko po ?? ano po sanhi niya po yun , nainfection po ba doc? Ayaw ko po munang pumunta sa dentist doc …
Ay nako dear, walang mangyayari kung pangungnahan ka lang takot.
hi doc ask ko lang po kung kelan po pwede magpabunot ng wisdom tooth 4 na buwan palang po akong nakunan. sobrang sakit na kasi po. may butas na ang ngipin ko. thanks po
Hello Virgie, just to be safe, your physician will have to sign a medical clearance to let us know kung safe to do surgical procedure on you.
wala na po ang 2 bagang na ngipin sa baba ng kapatid ko dahil pinabunot nya. ung huling bagang na ngipin nya after nung 2 pinabunot sira na po. ano po kya ang magandang gawin dun at gusto rin po nya magkaroon ng bagong ngipin yung pinabunot nya.
Dentures or Implant
Hello po , Kailan po pwede magpalinis ng ngipin ang bagong bunot?
After a week or two
Doc matagal na po akong walang ngipin sa taas gawa ng nasira na lahat at pinabunot ko ,napapansin ko lang na pag nagsasalita ako hindi na makita yung pustiso ko sa taas puro ngipin nalang sa baba nkikita at humahaba yung ngipin ko sa baba ,makukuha ba sa gum massage para bumalik yung size ng gum ko sa taas?
Hindi. Possible ang bone graft. Or paimplant ka na din. http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
doc anu po pwede kc ng pa plastic jacket ako tapos nasukan na ako for porcelaine crowm..tapos po pag kain natanggal po at naputol ung pinagkakabitan na ipin ko…
Go back to your dentist.
Hi po.ang splint po ba is a treatment for an underbite problem?
Nope. Definitely notttttt
doc masakit po ba mag pa bunot ng ngipin ? kinakabahan po kasi ako.
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
Good pm po. Ask ko lang po pano po ang gagawin sa ipin ko sa harap nagkabutas po siya.
Send photo sa fb ko.
Good day po . ask ko Lang bawal po ba mag pabunot ng ngipin ung 3months ng galing sa pag kabagok? Wala nmn daw pong namuong dugo sabi sa ct scan . nag pabunot sya nitu lang . ngayun sumasakit dw po abot hanngang ulo nya. Anu po bang dpat naming gawin? Slamat po.
Hingi ka ng clearance mula sa physician mo.
Hi doc .. nagpapasta po ako before sa two front teeth ko po? 4 yrs ago na po.. then nag visit po ako kailan lang sa dentist sabi nya pwedi pa raw ma jacket ang dalawa ngipin ko ..nag dadalawa isip po kasi ako if ok pa ? Kasi medyu nangingitim na po ? Sa tingin nyu ok paba talaga e jacket doc ? And if mag papa jacket po ako ? Ilang years po ba tatagal ? Thanks po.
Magpaxray ka muna. Makikita sa x ray kung pwede pa.
Doc pwede na po b bunutan ng ngipin ang anak ko na 3 yrs old ? Sira po kc ngipin nya bagang at sumasakit dn
If cooperative ang patient sa treatment, of course yes. If not, your child may have to referred to a Pediatric Dentist.
dok pwede ba mag pa cleaning ng ngipin kahit may bulok kang isang ngipin natatakot ako mag pabunot pa kaya mag pa cleaning at pasta muna ako sa ibang teeth ko. salamat dok 🙂 please answer me
Oo.
Doc, puede bang manigarilyo pagkatapos bunutan ng ngipin.
Hindi.
Doctor, ano po ang price range ng palatal expander at bite splint?
Yung dentist mo ang magsasabi.
Pwede po bang mag pa braces kahit naka dental bridge yung two front teeth ko? Nagkaka gap na po kasi yung ngipin ko sa harap e. Huhu.
Depends kung gaano kahaba ang dental bridge mo. Ilang units ito?
doc ok lng po ba magpapustiso khit my tirang upod na ngipen sa pagllgyan ng pustuso???
salamat sa sagot
Hindi okayy
doc ok lng po ba magpapustiso mg ngipen ng may naiwan na upod na ngipen sa pagllgyan ng pistiso salamatt
Hindi.
Natanggal npo doc yung umuugang ipin ng pamangkn ko (yung pangil kung tawagin) ano dapat gawin? Ipamumog ko po b ng maligamgam na tubig na may asin? Thank u doc!
Pwede. Para maganda healing.
Pwede po bang magpalinis ng ngipin kahit may bulok na ngipin?
Of course yes
Doc pwede po bang magpalinis muna ng ngipin bago magpabunot?
Yup
DOC ANO PAGKAKAIBA NG PASTA SA DENTAL BONDING
Pareho.
doc pwede na po ba magpabrace kahit kakabunot lang ng ngipin?
Yup. Pero baka hindi mo maopen ng maigi kasi yung mouth mo at mahirapan lang kayo parehas ng dentist mo.
ask ko lng po. Nabasag ung bagang ko pero naiwan ung ugat ng ipin. Ano po b ang dapat gawin? Slamat po
Please read my previous reply
Doc pudpod n ung bagang ko at kusa n po syang matanggal pero naiwan po ata ung ugat ng ipin? ano po b pwede gawin? Mga magkano po aabutin? Tnx po
Surgical Extraction. Ask your personal dentist how much it will cost as every dentist will have a price variation.
DOC PWEDE POBANG manigarilyo pag naka Jacket Crowns ang isang tao?
Pwede.
Doc bakit po sumasakit ngipin q wala namang sira? Namamaga pa po minsan. Pasulpot sulpot po ung sakit
Kapag mY pain, one of the causes is infection. See a dentist para ma evaluate yan
Doc magkano puba ang fixed na postiso?
Depende sa span at material.
Doc pwede po ba bunutin ang ngipin na kakapasta lang? Sumasakit po kasi.
Pwede. Pero better option ang root canal treatment. Save it
Doc ang sakit pa din po nung pinasta sa akin 2 days ago. ano po pede gawin?
Bumalik sa dentist as it will need a root canal treatment.
saan po ba dapat nagpapa xray ng teeth?
Periapical Xray should be available at most dental clinics
pwede n ba bunutan ng ngipin pag 3yrs old pa lang?
Yes pero if patient is not cooperative and is apprehensive towards the treatment, you might have to see a Pediatric Dentist.
Doc. After po ng temporary filling sumsakit n po ung ipin. Normal lng po b to? Kilngan po b observe muna ng ilang days. Sobrang sakit po kasi tlga. Ung ipin po n un, mula s front teeth s baba pang apat po. Pti po kasi neck sumasakit. Tpos sbi nia possible for bunot na. Pero nung nag papasta ako. Ipepermanent n nia kya lng nd ko kya ngumanga ng mtagal. Bat mag kaiba n cnbi nia. Pls explain further po. Thanks po.
The tooth possibly needs a root canal treatment and crown. The pain symptom is a sign of tooth infection.
Pls reply po thanks. D ko mkita ung first comment ko
Okay
After po ng temporary filling nananakit n po ng sobra hanggang leeg po pero dti nd nman. Pag nppsukan lng tyka sumskit pero pag ntanggal n ung pumsok dun s ipin, wla n dn ung skit. For observation p po b to? Mga ilang days p po kya? Khpon lng po ako nagpapasta. Sbi ng dentist possible for bunot. Pero titignan p daw nia. Pero nung una sbi nia pwede n ipermanent. Blik n lng daw ako pag kya ko na ngumanga ng mtgal(un po ung rason kya temp lng muna). Pls reply po and explain further.normal lng po ba un na manakit ung ipin ko kasi nag aadjust p xa sa pasta? Rate 1 to 10. 9 po ung rate ko s sakit. Thanks po
Hindi normal na manakit kasi ibig sabihin yung nerve ng ngipin is in its abnormal state– the nerve is infected. You will need root canal treatment to save the tooth and take you out of pain.
Pananakit after temp filling. Normal po ba? Rate 1-10. 9 po ung pananakit. Ilang days observation ko po kya bgo ibalik s dentista to. Thanks
Abnormal. Ibalik mo na sa dentist as it will need a root canal treatment.