Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Doc gusto ko po sana magpabunot ng bagang butas napo at sira na parang kalahati nalang yung pader , ano po mas masakit magpatuli po o magpabunot?

  2. Hello po. Tanong ko lang po, ano po ba ang mga treatments para sa demineralized teeth at magkano po ang aabutin? Yung ibang ngipin ko po kasi pudpod na tapos yung iba po lubak lubak yung surface tapos manipis na din po yung enamel ko. Madali lang po ba ito solusyonan? Natatakot po kasi ako baka abutin ng libo libo? Salamat po.

  3. Doc nagpabunot po ako ng ngipin namamaga at masakit pdin ung gums after mabunot bale 3days npo kc .. anu po kaya magandang gawin

    1. Magandang gawin ay follow post operative instructions na binigay sayo. I am dead sure na binigyan ka ng verbal instruction ng dentist mo. Not only that, binigyan ka din ng “expected post operative symptom after ng dental extraction.” Expect, discomfort and swelling. With that, INOM KA NANG PAIN KILLERS kung yung discomfort bothers you and to hasten healing, mumog ka warm salt water. Wag na wag na wag mong aabalahin yung extraction site or else the area will be bothered from healing fast.

  4. doc. nagpabunot po ako after 3wks mejo nagsara na ung nabunutan pero may mga durog na ngipin na naka usli. anu po dapat q gawin? hindi po ba delikado yun? thanks

    1. Hi doc, pwede po bang magpabunot kahit sumasakit ung ngipin? (Sabi kase ng iba, hindi daw tatalab ang pampamanhid sa sumasakit na ngipin kaya mararamdaman mo ang pagbunot)

  5. doc pano po kapag nagpabunot ako ng bag ang tapos may natira papo dun sa ilalim nd nabunot lahat mamaga po ba un .. parang root po ata ung ngipen na un

  6. Good morning Doc. Gusto kong ipabunot ang isang bagang ko sa baba sa dulo kasi sira na at butas na. Kaso natatakot ako kasi malaki yung ngipin ko. Anong treatment po ba gagawin kapag bubunutin na sya?

  7. Hello po ask ko lang po 2 months na po ako nanganganak pede na kaya ako mag pabunot ng ngipin? Kc ung fixed bridge ko nabasag na papalitan ko na sana kaso mwawala n ung mga kinikil na ngipin kc naputol na pede kaya sa pangil nlng ipapakikil ko para my kakapitan ? Bali 2 pangil po papakikil ko then ung 4 teeth ko sa front papabunot ko na po? Thanks po

  8. Hello doc! Okay lang po ba magpabunot ng ngipin kahit nagbbreastfeed po ako sa 10months old baby ko?

      1. Hello po Doc.ask lng po nung wednesday nagpa pasta po ako gang ngayon po sumasakit ang ipin na pinastahan bakit po b sya sumasakit Doc.kasi dati msakit nmn sya pero kinabukasan ok nmn n sya ngayon tuloy tuloy sakit d ako mkatulog prang lalagnatin ako sa sakit…thank u po..

  9. doc pwde po ba kumain ng balot? nung october4 nagpabunot kase ako ng ngipin.
    at ano ang mga bawal pag bagong bunot ang ngipin.. maraming salamat 🙂

  10. Doc, sumakit ngaun week ang ngipin ko n pina-pasta ko sa dentist ko, then namaga at inpeksyon after 4months, kailangan ko na po ba pabunot or root canal, un po suggestion ni dentist ehh. Or pa re-pasta/ re- filling ko baka may butas kasi ehh..

    Ung pina-pasta ko ay sa upper right magkatabi ung pre molar and molar part sabay ko pina pasta pero parng pinag isang pasta sila baka open po ung sa gilid ng ngipin dun kasi masakit

  11. Doc pinabunutan ko po ng ngipin yung anak ko na 6years old dahil puro bulok po ngipin nya… gaano po ba katagal yung pagtubo ulit ng ngipin nya? salamat po

  12. Hi doc, nagpabunot po kasi ako ng ngipin last monday, so pang 1 week na po today kaso ang sakit pa din po parang namamaga po yung gilagid na pinag bunutan ng ipin at yung sakit po nya ay parang sakit din ng ipin nung hinda pa nabubunot. bakit po kaya namamaga at nasakit yung gilagid ko. TIA

  13. Hi po doc. Kakapabunot ko palang po kaninang umaga siguro mga 11:00 po, pero until now nag dudugo pa rin po 5:50pm na po. Okay lang po ba yun?

  14. Good day po..ask q lng po if possible po ba na magkaroon aq ng periodontal deases. Kasi ung pasta q in my front teeth

  15. Doc, Bubunutin papo ba yung mga bulok na ngipin ko sa bagang bago po ako lagyan ng braces? Di pa po kase ako nakakapag tanong sa dentist. Thankyou

  16. Massara pa po ba a ng but as na dulot ng pag bunot ng ngipin, pangil po kasi a ng nabunot ngkaruon po ng butas mtapos bunotan, masasara pa po na yon?

  17. Doc masakit po ung ipin ko bagang. May butas po. Pwede ko po ba yun ipabunot kahit masakit pa? Two days ng diretsong masakit po eh.

  18. hi doc, katatapos ko palang mag pabunot ng ipin last october 3 pero til now nasakit pa din un katabing ipin pero wala naman sira un at feeling ko parang maga pa din un pinagbunutan at un mga katabing mga gilagid

      1. hi doc, bumalik ako ng dentist nun tuesday… sabi nya it takes 1 month daw talaga bago mag fully heal ang pinag bunutan….and wala naman binigay na meds, til now nasakit pa din, any vit pede inumin para mag heal na agad?, thanks po

  19. Doc, mga ilang weeks po ba ang pag galing ng pamamaga ng pisngi? Kasi binunutan po ako ng bagang nung monday, hanggang ngayon nakaumbok parin pisngi ko.

  20. Dinidikitan no doctora yung isang ipin ko na natanggal yung brace which is OK naman Sana. The thing is ibang kulay ng glue yung ginamit nya kaya ibang iba sa iba kung ngipin ang panget Tuloy tignan parang my kanin na kausli sa ipin ko … Pwede ba yun maalis .

  21. may black po in between teeth ko not sure kung may na stuck na something kasi flinoss ko di matanggal tapos di naman siya sumasakit.

  22. doc ask ko lang po, after ko bunutan pag ka uwi ko dun ko lang naramdaman na parang may naiwan pa na ipin, makakasama po ba yun, kelngan po ba ipatingin ko ulit?

  23. may 6 teeth pa ako sa upper jaw pero bulok nadin pwede ba bunutin lahat sabay sabay?

    pwede ba bunot ngipin sabay implant?

    ilan implants kaylangan para sa whole upper jaw dental supported bridge?

    thank you for answering my 3 questions 🙂

    1. Pwedeng bunutin lahat ng sabay sabay, given you are not medically compromised — wala kang sakit sa puso, wala kang high blood, hindi ka diabetic.
      Pwede bang bunot ngipin sabay implant? Pwede. Pero, may indication kung kailan pwede. Usually, we do bone grafting procedure first to enhance the bone.
      To support a Full Mouth Implant Fixed Restoration, about 8-12 implants.

      1. ilang implants dapat sa whole jaw para sa implant supported bridge? 8-10 ba?

        nabasa ko po yung all on 4 implant mas mura sya kasi apat lang pero ano disadvantage ng all on 4? tsaka bakit d maganda yung mini dental implant?

        nagwoworkout ako, pag nagpadental implant ako kaylan ako ulit pwede magworkout sa gym after ng implant?

        1. Because the possibility of placing of 4 implants only may likely to fail eventually in time. God designed man to have 32 teeth in their upper and lower jaw; 16 to be exact on each jaw. Just imagine the occlusal stresses that these all on 4 implants will receive. Its not enough if you ask me. So yes, 8-10. Ikaw kung ano trip mo, kung gusto mo i pursue yang all on 4 then its your choice as a patient. Pwede kang mag work out after 2-3 weeks

      2. Katapos ng dental implant surgery kaylan po ulit ako pwede magworkout sa gym?

        Kung bubonutin lahat ng ngipin ko sabay sabay, papatulugin po ba ako or hindi?

        Hindi ba ako mahihirapan kumain after ng dental implant surgery?

        Hindi ba ako mahihirapan makapagtrabaho after ng surgery?

        1. The sedation procedure can be added to the surgery treatment but thats an additional fee.
          Mahihirapan ka kumain after ng surgery. You will be put on soft diet for the next 2 weeks.
          Makaka experience ka ng discomfort during initial healing phase. If your work requires you to lift and do strenuous activity, I am sorry but you are prohibited to do any of those.

  24. DOc my itatanung po AKO kanina po kasi nadapa AKo at nadamay po Sa pagkakadapa ko tong ngipin ko kaya nabawasan po at sumasakit po ngayon, may posibilidad pa po bang bumalik sa dati yung ngipin ko o kung Wala man po Anu pong dapat gawin para maibalik po sa dati? Salamat po

  25. Doc nagkaroon po kasi ako ng Dental Abscess kasabay ng trangkaso ko. Ang nireseta po saken ay Cefixime na antibiotic para sa Bronchal infection ko. Mattreat na din po ba nito yung pamamaga ng gums ko or pwede ko siya sabayan ng Augmentin?

    1. Hehe. Maawa ka sa sarili mo for drinking so much antibiotics. NIRESETA din ba ng physican mo ng additional augmentin? Kung wala, wag kang iinom. You’re damaging yourself if you do so. Follow what is only prescribed by your doctor, not your own self prescribed medication. Hindi ma ti-treat ng gamot ang infectioncompletely. You need to see your dentist soon after you recover from your flu. You may need root canal treatment or extraction procedure.

  26. Hi Doc,

    Nag pa tooth extraction po ako yesterday, any suggestion po for oral hygiene and/or ways to help improve healing?

    Thank you .

  27. Hellow there, what if po may 5 pcs ako na pustiso tapos natanggal yung isa sa gilid may chance paba na papagawa ako ng isa o kailangan talaga na palitan lahat?

  28. Doc.
    Ask k lang po
    Nagpabunot p kc ako ng bagang medyo sira na po eh, pakiramdam ko po may naiwan konting ngipin nakakapa po kc ng dila ko.
    Ano po kaya ang posibilidad na mangyare??

  29. hi doc my pasta aq s gitnang ngipin mga 2014 un ung bang nilalagay n gingamitan n parang laser xa taz kakulay ng ngipin im not sure kung anhng twag dun ngaun bgla xa sumakit n at prang umuuga n gusto ko n papalitan mgkanu kaya aabutin nun thanks

  30. hello pro doc… itatanong ko Lang po kung magkano po per tooth kapag nagpapustiso sa inyo? may dalawa pong ngipin na napagputulan ng nabasag na ngipin Pedro Hindi naman po masyadong pudpod…magkano din po yun?

  31. Hello po. Ask lng po pwd na po ba magpAbunot ng ngipin ang 3yrs old kung anak. Bulok na po kc ung 1 bagang nya sa left side saka lage daw po masakit. Thank you po. God bless. ?

  32. Doc, sira po kase yung bagang ko dalawa po sa left side at isa sa right. If ever na ipabunot ko pa sila luluwang po ba yung ngipin ko or maghihiwa hiwalay?

  33. Doc, sira po kase yug dalawang bagang ko sa left side at isa sa right side. If ever po ba na ipabunot ko di ba luluwang ung ngipin ko or maghihiwahiwalay?

  34. Good Morning po Doc. Ask ko lang kung okay lang ba magpabunot ng ngipin kahit kakainject lang sakin ng Anti-Tetanus last week pati PVRV and VERORAB VACCINE.

    1. Ok lang– Based on research, I am citing the references as well:

      There is no evidence that recent vaccination increases risk of complications from surgery and anaesthesia. The immune response to surgery and anaesthesia is well documented in the literature and involves changes in neutrophil, NK and lymphocyte number and function. However in those studies which show diminished responses, the effect is transient, and the magnitude of the effect would be extremely unlikely to affect clinical outcome in the normally immune competent child. – J.N. siebert et al: Influence of Anaesthesia on immune responses and its effect on vaccination in children: review of evidence. Pediatric Anesthesia 2007 17: 410-420

      There is no evidence that there is any modification of immune function as a result of immunization that has an impact on outcomes of either anaesthesia or surgery. There is no evidence, that such side effects have an adverse effect on outcome. However if it is considered that these side effects may complicate the postoperative assessment of a patient then there are grounds to delay the surgery if the vaccination has already been given. This is
      only likely to be an issue in the first 48 hours after administration of an inactivated vaccine, and may really only need to be considered when contemplating major procedures.
      – Immunization against infectious disease – ‘The Green Book’: Department of Health, October 2007

  35. ask lng poh ok lng poh ba magparebond kahit kakabunot lng ng ngipin o ilang days poh after ng bunot pwede? tnx…

  36. Hi po..ask q lng po kung bkit prang lhat po ng ngipin q s baba ngsskitan pti po ung gums q s right side s bndang dulo ng bagang…tnx po

  37. Doc my tanong ako please pasagot po. Nag pa adjust po kasi ako kay doc nilagyan niya ng empala yung both sides ng ngipin ko then after 2 days namaga yung gums ko then pinbayaan ko muna nag mumug lng po ako ng salt with water after 3 days namamaga parin napansin ko nag loose na po yung isang ngipin ko na worry na ako then nag pa appoint na ako ng check up then pag ka check up ko sabi ni doc tatanggalin na yung ngipin ko huhuhu nadissapoint Ako ng sobra kasi paayos na yung ngipin ko tatanggalin na yung braces ko next month. Then yun pala masisiraan lng ako ng ngipin in the end sabi niya lalagyan nlng daw niya ng jacket crown parang compensation niya nlng sakin. Hindi ko alam kung ano yun pero para sayo doc anong best way na gawin dun sa natanggalan ng ngipin?

  38. Doc ask ko lang po 3 day na po nung nagpabunot ako ng ngipin pero sumasakit parin po ang gilagid ko na pinagbunutan ano po ang dapat kong gawin..

  39. Hello Doc, Nag papasta po ako ng dalawang ipin central at lateral nun august po, ngayon may oras na nasakit at nangangati. naka upper denture po ako. Ano pong dapat gawin di pa po kasi ako mabigyan ng appoinment sa dentist.
    Salamat po.

  40. Good afternoon doc, nagpaExtract po ako ng ngipin (13 teeth) 2 weeks ago, Hindi naman po sya sumasakit, at medyo close na din po ung gums.
    – Pero napansin ko ung sa isang part na parang malaki pa ung gum at may laman pa pero Hindi naman po sya sumasakit. Feeling ko lang po talaga may ngipin pa sa loob ng gum. Dapat ko po bang ipatanggal un or natural lang po talaga to?

    – and then doc, may parang bone na lumalabas sa gilid (Hindi sa taas) ng gums, according sa dentist kapag daw po nasuot ko na ung dentures, mawawala din daw po un. Totoo po ba doc na mawawala din un?

    Marami pong salamat. Mabuhay po kayo

  41. Ask ko lng Doc ung bagang ko po sumasakit na hndi naman ganoon kasira so inopen po sya nung dentist ko after a month po sumakit na naman sya binigyan ako ng Cefalexin ng one week tpos nung bumalik ako sa dentist naka 3 anesthesia na ung doctor ko pero nung bubunutin na masakit so hndi sya tinuloy. Nag another set ako ng antibiotic then balik ulit sa dentist hndi na sya sumasakit so nag anesthesia na naman kami nung try lng bubunutin ang sakit na naman prang may gumuguhit sa may tenga at ulo ko para akong hihimatayin sa sakit. Ano po ba dapat gawin, nagka phobia po tuloy ako sa pagpapabunot kasi ilang anesthesia na e.

  42. Doc. hiwalay po ang front teeth q! I mean my space sa gitna medyo lumalake and may parang laman sa gitna na dapat gupitin! bago mag pa brace!! ano po tawag dun sa ganung case ng ngipin and ano po ang dapat gawin surgery po ba? magkano po kaya aabutin pag ganun?

    1. You schedule for a consultation para magawan ka ng treatment plan. You will be given series of treatment that shall be done before the actual Orthodontic treatment. I wouldn’t know how much that would cost as I have not seen you clinically with diagnostics.

  43. Hi doc.gandang gabi tanong q lng po sna kung pwd po bang bunutin ung ngipin ko agad agad na kht na medyo hindi healthy ung gums na mismong tapat nong ngipin n bubunutin?

  44. Gud evening doc.ask ko lng po sana kung pwede po ba bunutin agad agad ung ngipin q kht ung gums ng mismong tapat ng ngipin n bubunutin ei nd masyadong healthy?pwd po bang turukan ng anestesia ung gums po?

  45. Follow up questions po.kaya po ngkaganun po ung gums ko,dahil po dun sa jacket na ngipin ko.inuurong po ng ngipin ko ung gums ko.gusto na po sna pabunot ung natitirang maliit na ngipin ko na pinagkabitan nong jacket na ngipin.pwd po bang pagkatanggal ng jacket na ngipin ei pwede n po bang bunutin agad ung natitirang ngipin?tnx po doc sana mbgyan nyu po ng kasagutan ang aking mga tanong

  46. Hi doc,binunot po ung 3 ngipin ko kc magpapabrace po ako,4days napo ngaun pero hnd pa tuyo ung sugat..ilalagay napo sa friday ung brace ko,aus lng po un?hnd po ba mamaga ung mga gums ko o lalong matatagalan ang paghilom ng sugat sa pinagbunutan..tnx po doc

  47. Hi doc, tanong ko lang normal ba magkasingaw after bunutan? Parang meron kasi ung mismong binunutan sa may bagang. Salamat

  48. Hello doc ask ko lng po meron kasi akong mga sirang ngipin sa ilalim po sa right side po 2 and sa left 1 po mga bagang po doc,and also sa taas 2 tig isa bawat side,ask ko lng po kung pwede po ba ako magpa brace kasi hindi po maganda ang alignment ng teeth ko lalo na sa lower part..pwede po bang di nlng epabunot?

    1. Hindi pwedeng maiwan yang bulok mong ngipin because that will definitely be a source of infection and possible decay of adjacent tooth. Kapag nag undergo ka ng orthodontic treatment, the mouth has to be in its best shape. If you cant keep up with that, im sorry to tell you but i wont even advise you to undergo orthodontic treatment.

  49. Pwede pa pubang bunutin ang pupod at bulok na ngipin? Hindi pa naman sya totally pudpod na pudpod. Kelangan pabang hiwain yung gums para mabunot?

  50. hi doc, namamaga po kasi ung ngipin ko pinalagyan kona siya ng pasta kaya lang sumasakit nnmn gsto kona sana ipabunot. kaso pag may diabetes daw iba daw na anesthesia ang gngmit, totoo ba un? chaka pde bang bunutin kahit masakit?

  51. doc , question ko is , normal lang po ba dat i’m having a bad breath after ko po mabunutan ng ngipin ??? how many days po na ganito po ung amoy ng bibig ko po ?? is there any remedies po na pede gawen po ????

  52. Elow,,,ask qoh lang po doc,,,nung pinabunot qoh ung ngipin qoh my natira pong maliit na ngipin tapus ngaun natabunan na po xah ng gums. Mawawala po ba to doc??

    1. Para mawala? Psychoanalysis.

      Iisipin mo na parang wala nalang bulok mong ngipin kahit nandiyan. Iisipin mo nalang na hindi masakit kahit masakit. Iisipin mo nalang na hindi ito nakaka bad breath kahit nakakabad breath.

  53. Hi po natural po bang may ngipin na hindi umaligned siguro mga 1 week na po yung braces ko. Yung ngipin ko sa gitna hindi na pantay doon sa isang ngipin slmat po

  54. masakit po ngipin ko sa unahan pero sa tingin ko nmn po wala nmn po sira ung ngipin ko. 3days na po masakit. Balak ko po sana ipabunot kaso po wala nmn sira. Ano po kaya ang pwedeng igamot dito para tuluyan ng mawala ang sakit?
    Thankyou po

      1. Thanks po doc meron akon dto doc screenshot lang po.. thanks po. Worried kasi ako sa TMJ q doc. Ung dentist q for my braces nahirapan sya mag adjust ng lower teeth sa midline ko.. 🙂

  55. Doc tanong ko lang po. Parang namamaga po kasi yung bagang ko hihingi lang po ko ng advise kung pwede ko po ito ipa bunot na kasi po di ko na po kinakaya yung sakit e tyaka di ako maka tulog ng maayos.

  56. Masakit po butas na ipin ko posible po ba ung lagnat ko dahil sa ngipin ko I think gums na ung infected . 3 days nakong nilalagnat

    1. Did you follow post operative instruction? Do not suck the area. Compress the surgical site with a gauze. If the bleeding doesnt stop, get a tea bag and bite on it. Do notmuse straw. apply cold compress for the first 24 hours. You are prohibited from eating hot food, spicy food, nuts and seeds.Contact your doctor now!

  57. Gudpm ask ko lng po sana f wat gawin s ipin ng anak ko ung baby teeth nia nd p ntatanggal tpoz tumubo n po ung 2 teeth wat gagawin ko mga pudpud n ngipin nia

  58. Ano pong gagawin Pag sobrang pudpod na ng ngipin ng bata..ooperahan po ba un? Yung tipong gums na lang halos ung nakalabas..d pa po siya nagpapalit ng ngipin..4yo pa lang po

    1. Napabayaan! Angie, time and again, you as a parent should be responsible of your child’s oral health. Kung kailan may problema at pain dun lang mag coconsult is an attitude or way that must be stopped. Bring your child to the dentist now. If your child is unccoperative, you will have to see a Pediatric Dentist

  59. hi doc,

    kapapabunot ko lng today ng 3 ngipin( isa s front,pangil and kasunod ng pangil may bandang bagang). pudpod na and brittle un ngipin ko. hndi ako snurgical extraction ng dentist. sabi nya after 3 days daw balik ako s knya kc baba nmn rw un ngipin ko (un supposed to be nabunot kaso hndi mabunot lahat kc nadurog na un kakapitan) at doon rw nya tatanggalin. tama po ba un procedure n ginawa nya sakin ?

  60. Nagpapasta ako noong octber 29 2016 apat na ngipit ang pinasta sakin dalawang bagang at two front teeth na d ko naman balak ipapasta pero sinabi nya need na daw kaya pumayag ako kinahapunan natangal ang pasta ng front teeth gusto ko ibalik ang problema sarado na ang clinic nya tapos nabalik ko sya 31 at na ayos na. Kagabi november 4 natangal nanaman ang basta sa parehas na location ng ngipin ko sa front teeth. Pwede ko pa ba maibalik ko sa dentista o need na ng ibang treatment ng ngipin ko salamat

  61. Gaano po ba katagal ang session ng bunot sa ngipin?
    At gaano rin po katagal need para alagaan ung mouth pagkatapos ng bunot.
    Thanks po!

  62. Hi Doc. Tanong ko lng po bawal po ba bunutin ang ngipin kapat masakit eto at may butas .kelangan po ba talaga muna uminom ng antibiotic ng 7 days dahil kapag hindi daw po ito ininuman ng gamot at kpag may nana pa pagka tinurukan ng anestisia hindi ito i epekto? Thanks po

  63. hi doc. tanong ko lang po, may basag na po yung dalawang pangil ko. kitang kita na po kase yung siwang medyo malaki na sila. naka pustiso po ako ( apat sa harap). ano po bang magandang gawin dito na medyo abot kaya maliban sa pagpapabunot.? maraming salamat po.

  64. Masakit po ang mga gums ko masagi lng masakit sa may bagang tapos kpag inuuga ang bagang parang mabaya ang sakit. Pwede b pbunot khit ganto yung status nya?

  65. Doc, basag at may ka chalk yung ngipin ko po. madali po syang mapulbos. eh gusto ko pong umayos yung ngipin po ano pa po ba yung pwdeng gawin maliban sa pagpapadenture po.

  66. Hi Doc, mag lilimang araw na po masakit yun nabulok na ngipin ko,iniinuman ko ng cefalexin 500mg,nawawala at biglang babalik ang sakit,pakiramdam ko nasa loon ng ngipin yun bacteria.Maari po ipabunot ang ngipin ko sa bagang ng masakit?
    Maraming Salamat po.

  67. My dentist recommended a RCT on my front tooth and lateral tooth and then jacket crowns after the RCT. Is the jacket crown really needed right after the treatment? I don’t have the budget for it yet. Hindi po ba mawawala yung discoloration ng tooth after RCT?

  68. Doc, tanong ko lang po. Yung bagang ko po kasi sa kaliqa is nabunot yung gitna, butas na po kasi tapos yung kalahati po nakakabit pa tapos namaga sya kagabi. Pwede na po ba ipabunot yun?

Leave a Reply

%d