RCT, Post at Crown

Janah : hello po, another question po. Based po sa na s-search ko sa internet, yung root canal pwede po na after non mag-lagay ng crown. Eh yung sira ko po kasi sa ngipin sa harapan po, (21,22 po ata yung sabi niya) tapos yung sinabi ko po sa dentist namin na ipapa-pasta ko, sabi niya ipa x ray muna daw tapos doon malalaman kung ipapa rct or hnde. Ahmm ask ko po kung ano po yung parang may nilalagay na screw (o kahit ano pa po yung tawag don), ganon po ba yung ilalagay pagtapos ng rct o i c-crown? Di ko po kasi maintindihan eh. Salamat po.

Ask the Dentist : RCT muna. Tapos crown. Kung wala ng bahagi ng crown after RCT, lalagyan ng poste. Yung poste ang hahawak sa crown. Pero kung meron pang parte ng ngipin na pwedeng kapitan ng crown, hindi na lalagyan ng poste. May mga klase ng poste, metal at fiber post. Yung screw na sinasabi mo, mga pangsinaunang dentist yun. Fiber post na ang nilalagay ngayon. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Janah : Ahh sinauna kasi po ang nangyari po sa ngipin ko, parang yung sinabi kong magpapapasta ako, ang ginawa parang tinanggal ung bulok tapos lumaki po tuloy yung sira. Sabi niya xray daw muna. Mag papa xray po ‘ko this month, tapos babalik sa kanya.

Magkano po ‘yung crowns? kasi po dalawa ang affected eh. Gusto po sana malaman ng parents ko before treatment

Ask the Dentist : Magbrush ka lagi. HIndi magkakaganyan ngipin mo kung nagbabrush ka lagi. Tapos magfloss tuwing gabi. Every 6 months magpalinis ka ng ngipin sa dentist. Papangit ka oras na mabungi ka. May potential ka, nakikita kong maganda ka lalo na kapag nagdalaga ka na. Kapag nabungi ka, pangit na.

Janah : opo nag b-brush na po ‘ko ngayon, dati po kasi nung bata ako over yung kain namin ng candy tuwing gabi di nag b-brush, so ngayun pumangit na talaga. Opo nag f-floss na po ako doc, evry after meal po and night tapos brush. Kaso talagang malaki na yung butas tapos sabi ng dentist na baka daw di na makayanan ng pasta. Sabi ko edi crowns and rct na (kung kailangang rct)

Ask the Dentist : Makikita sa xray kung kailangan iRCT. Litratuhan mo ang x ray nyan send mo dito.

Janah : Sige po salamat po. Masakit po ba mag pa rct?

Ask the Dentist : Hindi. Pag magaling dentist mo, hindi yan masakit.

Janah : Salamat po ulit. Family dentist po kasi eh. Thank you po ulit

Ask the Dentist : Alright.

4 thoughts on “RCT, Post at Crown”

  1. Hello po, nagparct po ako bago lang. 3days observation after the treatment ok naman po ako at wala akong naramdaman na kakaiba. Sa ika4th day po sumakit po yung ngipin na pinaRCT ko. Kinabukasan namaga na po ang pisngi ko. Ano po ang ibig sabihin nito. Failed po ba ang RCT na ginawa saken.?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *