Bien : doc, nakita ko po yung fb page nyo net. maari nyo po ba akong maadvise tungkol sa pinarct ko na may recurring infection? binalik ko na po sa dentist ko at sabi nya wala namang prob, baka gum infection lang daw. ito po yung xrays:
Bien : hindi po ako totally convinced. gusto ko pong magamot ng tuluyan ung condition ko. nilinis at inirrigate nya po yung pimple sa gums ko at pinaiinom ng coamoxiclav. bale 3rd time na ito. 1st was after the initial rct , 2nd noong nagkapimple after a year at binuksan ulit and 3rd, ito na. please advise po kung ano yung mga treatment options ko. thanks in advance and more power.
Ask the Dentist : Malabo xray mo. Kelan yung 3rd?
Bien : mga 2.5 yrs ago na po yung rct. after mga six months, nagkapimple po kaya binuksan at niretreat. 3rd flare up po mga 1 year ago nagstart habang nasa overseas ako. recurrent infection na since then. ngayon lang po ako nakauwi to have it checked.
Ask the Dentist : IpaRCT mo ulit. Retreatment ang tawag. Hanap ka ng dentist na magaling. Hindi yung cheapest. Ang nakikita ko, hindi naseal after maRCT. Possible ding may canal na hindi makita. After RCT, dapat maseal yan, sa onlay or crown. Sa pasta, kasi hindi yan maseseal. Kaya ang tendency, pasukin ulit ng mikrobyo. Kung nasa pinas ka pa, iparct mo ulit dito. Kung nasa Aus ka na, diyan mo na ipa-RCT. After RCT dapat ipaonlay mo or crown. Oks?
Ask the Dentist : Agad agad ang onlay ha, hindi pagkatapos ng isang dekada matapos ang RCT saka ka magpapaonlay or crown. Agad agad.
Bien : thanks doc. di po ba parang lumampas yung filling o guta percha sa root? sa may left root po.
Ask the Dentist : Malabo x ray mo. Pwede tayo maghakahaka kung aaninagin lang natin yan.
Bien : ok doc. thanks!