Jenie: Doc, nagkafracture yung isa kong ipin, tabi ng pangil malapit sa mga molars. May pasta siya before pero biglang nagcrack and nabasag ng tuluyan yung gilid, nakikita ko pa yung pasta pero pag kinapa ko ng dila ko, may part na butas. Sumasakit na siya ngayon, pwede pa kaya itong pastahan? kahit parang abot na sa gumline yung fracture? Hanggat maari kasi ayoko pabunot kasi medyo malapit na siya sa front teeth, makikita pag nagsmile ako na may gap. Nung pinapastahan ko to mababaw lang naman siya, kaya taka ako why bigla nabasag. Btw, pinastahan siya i think 2 years ago. Thank you
Ask the Dentist Philippines: Hi Jenie. Base sa pagkakakuwento mo, malamang na nagkaroon ng recurrent caries yang ngipin mo. O pwede ding nagcrack dahil sa may nakagat kang bato sa kanin, o iba pang matigas na bagay. O pwede ding nagcrack lang talaga, dahil siyempre ginagamit mo naman lagi ang ngipin mo. Hehehe! Hindi na yan pwedeng pastahan. Base sa kuwento mo, malamang infected na yan. Ang pwede mong gawin, iparoot canal treatment mo. Kapag sumakit na, ipaRCT mo. Kung infected, hindi pwedeng pastahan lang. Lalala lang yang kalagayan ng ngipin mo.
Ang ginagawa sa RCT, nililinis ang infected na canal, kapag malinis na, lalagyan ng gutta percha pamalit sa infected na soft tissue na inalis sa loob ng ngipin mo.
Pagkatapos ng Root Canal Therapy, depende sa laki ng sira, pwedeng pastahan o lagyan ng dental crown. Sa Pilipinas, ang cost of root canal treatment is P3,000 up bawat canal. Sa premolars, 2 to 3 canals yan. Kaya P3,000 times 2 or 3, kaya equals P6,000 – P9,000 ang gagastusin mo. Ang presyo naman ng dental crown is P5,000 up (mas mura sa probinsya). Read: Dental Crown Cost – http://www.dentalcrown.tv/dental-crown-cost/ and Fixed Dentures – http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/ for more info about dental crowns. Dapat porcelain or porcelain fused to metal dental crown ang ipagawa mo ha. Huwag acrylic o plastic jacket. Unless siga ka, pwedeng plastic jacket crown.
Pwede mo rin ipabunot. Pinakamurang paraan.
Sabi mo, “mababaw lang noong pinastahan”. Kadalasan, ang cavity, mababaw lang pag titignan mo sa ibabaw, minsan dot lang sa liit. Pero sa loob, malaki. Malamang hindi yan mababaw. Malaki yan sa loob. Pwede ding mababaw nga talaga noong pinastahan, pero nagkaroon ng caries sa loob at lumaki nang hindi mo napansin. Maihahalintulad mo sa chicharon. Hollow sa loob. Akala mo solid pa, yun pala may sira na sa loob.
Sa Root Canal Treatment nga pala, ini-X-Ray yang ngipin mo. Huwag kang maniniwala sa RCT na walang X-Ray. Ang tamang RCT, may X-Ray. Unless kayang hulaan ng dentist kung ilan ang extra canal at gaano kahaba ang canal ng ngipin mo.
Pwedeng mali ang sagot ko sa tanong mo. Kaya dapat ikonsulta mo sa Dentist at wag mo gawing absolute na tama ang nababasa mo sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist. Karamihan sa nababasa mo online ngayon gawa ng simpleng writer lang o kaya mga web developer lang na gusto kumita sa ads.
Hanggang sa muli. Merry Christmas!

doc,thanks for replying so fast. ask ko lng po kung pwede b mag pa RCT sa PGH Department of Hospital Dentistry?tnx po
Punta ka na lang. Hindi ko sigurado.
Gud am.doc,malaking problema ko po ang binunot sa akin way back 2001 until now matindi parin po ang sakit na nararamdaman ko hangang sa ngayon.pina x-ray ko na po ng 2 beses pero wala po nakitang naiwan na ngipin. doc,hirap na hirap na po ako sa tindi ng sakit kada minuto sumasakit at walang tigil araw araw sa ngayon po habang ginagawa ko ito liham napaka sakit at kirot ang nararamdaman ko gusto ko pa sana malaman kung saan ako pwede magpa konsulta o operahan. sana po matulungan ninyo po ako. marami po salamat. lubos na gumagalang, eduardo cruz
Hindi lang naman naiwang ngipin ang dahilan kung bakit sasakit. Madaming sanhi yan. Magpakita ka sa Dentist. Ikwento mo yang sakit, tapos ipapanoramic xray ka niya. Baka Trigeminal Neuralgia yan.
Gud am doc itatanong ko lang po kung magkano pa root canal?
Hi des. The cost of root canal treatment is P3,000 pataas bawat canal. Halimbawa sa molars, 3 to 4 canals yan. Kaya P3,000 times 3 or 4, kaya equals P9,000 – P12,000 ang gagastusin mo. Pag sa harap usually 1 or 2 canals, kaya 3 to 6 thousand pesos ang gagastusin mo. 🙂
doc hi po,itong wisdom tooth ko yung dulong bagang po ba yun?walang butas pero masakit mangilo pag bumabanga sa ipin sa lower part.anu kaya ito doc may butas o bulok na yung loob?plan ko bumalik sa dentist bukas,worry ako doc kasi ang hirap na walang ipin pag kumakainn ng matigas need na naman palagyan ng pustiso.
1st at 2nd molars mo meron pa? Ipa-x-ray mo para makita kung ano nga ang problem, kung 3rd molar nga ba o yang katabi ang may problem. Hindi na nilalagyan ng ngipin sa pustiso ang 3rd molar. 🙂 Ano ano ba ang bungi sayo?..
Hi Doc, doc may prob po ako sa teeth ko kasi po na accident po ako last time then nabasag po yung teeth ko sa harap tabi ng pangil medyo nahati po sya sa gitna then, nag pa check up na po ako sa dentist tapos sabi daw po kelangan ko daw po ipa RCT tapos daw po papastahan nya pansamantala tapos daw po lalagyan na ng jacket tama po ba yung required sakin ng dentist ko? tnx doc! 🙂
Kung yan ang resulta ng kanyang pagexamine sa ngipin mo, tama yan. 🙂
Good morning po, magkano po yung pagpapa root canal ng front teeth? thanks po 🙂
P3,000 pataas.
Good afternoon po, yung upper left lateral ko po may abscess na..tapos payo po sa’kin na kailangan daw RCT, tanong ko lang po magkano po estimate na magagastos ko? from dental x-ray hanggang maayos siya? sorry po meju makulit ^_^
P3,000 pataas sa RCT. Sa final restoration, depende sa kung anog kailangan, pero kadalasan crown, kaya plus P5,000 pataas depende kung may kakapitan pa ang crown at kung anong klase ito.
pwede pong malaman saan po pwede mag pa root canal po?
na ang cost is P3000 po?
tsaka ano po location? salamat po 🙂
Per canal yan Edlyn. Yung ngipin niya ay isang canal lang. Basahin mo yung post for more info. 🙂
ok po salamat po 🙂
by the way po
pwede po ba kayo mag refer po ng dentist or dental clinic po na mura lang po ang RCT? 🙂
yung 2nd molar po yung ipapaRTC ko po bale po 2 po yung canal nun kaya 6K po yun acc. sa mga post po right? 🙂
http://www.askthedentist.tv/clinics/ Saang city ka ba? 3 – 4 pataas ang bilang ng canal ng molars.
sa dasmarinas po 🙂
salamat po ^_^
Oks. Sa Tagaytay ka pinakamalapit.
Hello Doc, Hingi naman po ako ng advice. kakatapos ko lang i rootcanal today. After 3 sessions (1hr each) natapos din yung dentista ko, 3 canals daw sya for 1 tooth. Im now in the stage na nag hihintay for the filling/or crown (my next schedule is not until January) – depende daw sa preference ko pero he suggests na crown kasi malaki na yung butas.
Anyway, ang question ko is, pwede kaya na ang crown ay sa pilipinas ko na lang ipalagay? uuwi ako ng april next year. do you think magandang idea yun? and how much will it cost to have a permanent crown? Thanks in advance.
Saang bansa? Bakit daw January pa? Ask mo kung pwedeng within one month gawin na ang final restoration.
Hindi magandang idea yun kung next april pa. Unless gusto mo magpaRCT ulit kung sakaling may leak na pala yan dahil sa sobrang pagsunod mo sa batas ng mga abangers. Tandaan mo, mga spartan lang ang may kakayahang hindi mapa-final restoration kahit lumipas na ang 300 na buwan.
Wala akong alam na permanent na bagay sa mundo. Pero kung mabibigyan mo ako ng x ray through FB baka sakaling makapagsuggest ako. Iba’t ibang klase kasi ang crown, iba iba din ang presyo at iba iba din ang galing ng dentist. Pero yun lang, wala talagang permanent na bagay sa mundo. 🙂
Sa Sweden po, ganyan ang style nila. grabe talaga ang hintayan para sa next schedule dito lalo na kung government dental clinics (hence mas mura, pero para ka pa rin na holdap ng bongga), january pa daw ang open na schedule nung dentista.
re: the permanent crown sorry naman doc sa term – ibig ko sabihin eh yung matibay tibay na version.
So i – go ko na lang ang January na proposal nila para sa filling/crown ko? akala ko pa naman brilliant ang April idea ko. subukan ko mag request ng xray. Salamat sa advice.
Ideally within one month. ASAP ang next option. 🙂
dok ung pangil ko po kasi nabasag so wla napotlga siyang ipin pero alam ko po na may naiwan pang ipin sa gums ko ngayon po namamaga na ung pangil ko ano po ba dapat na treatment doon
Madalas na pwede pa sa root canal treatment tapos jacket crown, pero para makasiguro, magsend ka ng photo ng x-ray ng ngipin mo through facebook para makita ko. 🙂
ok po thank you po
Walang anuman.
doc totoo po ba pag narct mangingitim ang ngipin?
May ginagawa para hindi mangitim. 🙂
thank you po doc
No problem. 🙂
gud evening doc natural lng po ba na sumakit ang ngipin after ma rct?
Yes. Nagheheal pa yan. Pero after ng ilang buwan at hindi natanggal ang pananakit, ipakita mo ulit sa nag-RCT.
Pagka-RCT dapat maseal yan. sa onlay or crown. Depende sa laki ng sira. Kapag hindi kasi naseal, maaring maimpeksyon ulit. Kapag naimpeksyon, uulitin ang RCT.
doc ok lng po ba na khit may maga pa e puede na i-rct?
Punta ka muna sa dentist, siya ang magdedetermine through tests kung puwede ka i-RCT sa kasalukuyan mong condition.
tapos na po ako na-RCT kahapon lng po first session sa front teeth para po kasi lalo lang siya namaga ngayon.
Oks.
doc tanong ko lang po.yong pinastahan sakin sa wisdom tooth ko is nagkakabutas na naman at sensitive siya kpag malamig kumikirot, nagpatingin na po ako sa dentist at ang sabi my infection daw need ko daw ng RCT or extraction. pwede po ba paabutin pa ng 5 months ito hindi pinapbunot? ano po mangyayari kpag pinatagal ito?.. pwede po ba antibiotic muna inumin pansamantala para panlaban sa infection?. balak ko sa pinas nalang magpagamot. thank you doc.Godbless.
Mahirap mag-RCT ng 3rd molar. Depende sa condition kung kaya pang hintayin.
ganun po ba salamt sa response doc. it helps me alot sa pagdecision.Godbless po.
Oks. 🙂
ask ko lng po doc kasi naka 2 session na po ako RCT nung tuesday e up to now masakit pa rin po ngipin ko normal lng po ba yun khit iniinuman ko po ng mefenamic di po nawawala skit..
Oks.
Doc, root canal treatment n lng tlfa ang kelangan para ma-save ang sirang ngipin? Basag na kasi ang ngipin ko hanggang gumline
Kung gusto mo manatili ang ngipin, RCT nga. Ganito gagawin : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
After RCT yang nilink ko. Lalagyan ng post, tapos ika-crown.
doc naka 3 session na po ako rct gang ngaun di pa rin nawawala sakit sbi saken ng dentist pag di pa daw nawala bubunutin na lng daw kasi ung pinakaroot daw nya may laman na tumubo di ko mataandaan ano twag dun s sinabi nya.pano po yun doc e di parang walang nangyari sa RCT ko.
Mukhang nag jo-joke ka. Wag mo ipabunot punta ka sa ibang dentist. Kunin mo yung last x ray mo, send mo sa FB ko.
Ikwento mo kung ano nangyari diyan. Saka kapag magsusulat ka ng tanong, tapusin mo sa question mark para alam ko kung ano ang tanong mo. Ask the Dentist website ito, kung walang tanong, walang sagot. Hindi ito website ni Madam Auring na huhulaan ko pa kung alin diyan ang tanong mo.
ok po salamat.
Walang anuman. 🙂 Send mo yung x-ray para malaman ko kung ano na nangyayari.
hi po.., nagpapasta po ako 6 months ago na sa may front teeth po tapos po biglang sumakit at namaga po ito nakaroon din po ng butlig tapos may nana, ano po kya pwede kong gawin, bukod sa ipabunot ko sayang po kc ayoko din po magpapustiso.. salamat po!
Root canal treatment. 🙂
Hello po..its going to be my 1st time na ipabunot ngipin ko advised by doc. Or root canal po. I think its my second molar po?,counting starting sa wisdom tooth ko eh yung pang 3rd po butas at masakit na. How much po yun all in all? Nasa may alabang po ako,may masasuggest po ba kayung magaling at cheap? Also RCT po tlaga? Kung sakaling nagpabunot ako mghihiwahiwalay po ba teeth ko pag tumagal? Thank you po 🙂
Pa-root canal mo na lang. Kung gusto mo pa-x-ray mo muna tapos send mo sa FB ko yung photo ng x ray para malaman kung pwede pa iroot canal. Kapag nakita ko na ang x ray saka natin malalaman kung magkano. Oo, kapag may nabunot, laging maghihiwahiwalay. Maliban na lang kung 3rd molar ang nabunot. Oo madami akong kilalang magaling mag-RCT. PM mo ako sa FB.
Hi Doc, kakagaling ko lang dentist kanina, sadly apat na ang sirang ngipin ko dahil sa trauma ko sa dentist. ngayon napilitan akong ipagamot kasi super lala na ang sakit. to the point na pag sumasakit, parang nagmamanhid ang kanang bahagi ng buong mukha ko. sabi kanina nung nagalaw ng dentist yung 2nd molar ko kasi tiningnan niya kung pwede daw masalba pa, sabi niya pwede pa pero kailangang i-root canal. pero pag isipan ko daw kung pabunot or RCT ang gusto ko. depende kasi sa budget siguro. nung ginlaw niya super sumakit at may sinabi yung isa niyang kasamang dentist na i-sedate daw? ( what does that mean in Dental world? ) after nun may nilagay siyang color blue na cream sa part na yun, and upto now andito siya sa ngipin ko. alam kong hindi pasta ito kasi malambot e. pero nalimutan kong itanung kung pwedeng tangalin kasi ang sakit e. as in super sakit. nung nilagay niya to, after 5 mins nawala yung sakit. pero ngayon, which is 7hours after niyang ilagay ito. masakit na ulit. hay.tingin nyo doc pabunot ko naba? may paraan ba para hindi lumuwag yung ngipin ko pag pinabunot ko ito? thank you!
Sa tingin ko hindi ko pa nakita. Hehehe! Send ka ng x ray kung gusto mo para makita ko. Lagingg may paraan basta may ibabayad ka sa gagawa. Iyan lang ba ang magiging bungi mo pag ipinabunot mo?
Kung long term, mas makakamura ka sa RCT versus ipabunot mo. Kaya kung balak mo pang mabuhay ng matagal, RCT na lang.
Kahit gaano kagaling ang dentist mo, hindi niya matutularan ang ngipin versus pustiso. 🙂
Hello po dok.tnong ko lng po may pasta po ang ngipin ko pero bgla po itong sumkit at nmg.nagpumta po ako sa demtist.rootcanal daw po ang kailangan.ask ko pwede po bng rtc khit mg cya.?tpos saka daw po i jajacket.
Anong “mg”? Mukhang nagbabasa ng website ko ang dentist mo. 🙂
Hi doc ulit. Sory po.hmmm what usually happens pay prolonged tooth ache ginagamot nlng ng pain reliever.pinagiipunan ko pa root canal KO.but now kc intense na say. Raradiate sa left temple KO.though natotolerate KO.nakaka teary eyes na ako..
Ang pinaka sa pinaka super duper extreme na malas na pwedeng mangyari ay cancer. Sa ngayon, habang hindi mo pa nareremedyuhan, magtoothbrush ka lagi para hindi sumunod ang iba mo pang mga ngipin..
Thank u po kung nag decide pro akong ipabunot.may possibility na maghiwalay siya .tapos okay lang po ba rct later nalang after KO pagipunan? pero meron po ba way na di maghiwalay hiwalay teeth ko kung sakaling babunot KO muna later nalang rct?
Hindi ko yata maintindihan. Kapag ipinabunot mo, ano pa ang ipapaRCT mo?
Hi, Doc..
Mga magkano po ang estimate ng root canal plus gold crown
bale isang ipin po ang ipa RCT
maraming salamat at mabuhay po kau
ANong ngipin? Gold crown o porcelain fused to gold crown?
Hi doc., how much does it cost for braces. Nghiwalay kc ung teeth ko. Years back when I didn’t know the importance of teeth I decided to have my molar and premolar extracted. Yeah! my mom wasted some money on me ‘coz those 2 extracted teeth undergone RCT. When my crown cracked up I decided extract my teeth, though the orthodontist told me that my teeth could be saved and restored. Stubborn as I am I didn’t follow the dentist, and here I am with full of regret. If only I could turn back time. I want to have some braces kc meduo nghiwalay na nga ung teeth ko.
Thanks..
Depende angpresyo kung gaano kalala.
Doc plano ko ipabunot yung 3rd molar sa upper part ng ngipin ko.. May butas na kasi at hindi na kaya ng pasta. Sabi ng dentist ko either RCT or ipabunot ko na na lang daw. Wala kasi akong budget, ok lang ba ipabunot ko yung 3rd molar ko? kelangan ba talaga may pustiso pagkatapos bunotin ang ngipin o pwede wala lang?
Pabunot mo kung 3rd molar nga yan. Kung yan lang ang missing, hindi na kailangan ng pustiso.
Hi po….alam nyo po ba kng anong uri ng pna2kit ng ngipin ko….since May 2011-hanggang ngayon po..mag 2-2years n po ito…hndi ko na po magamit ang kanang bagang ko sa pag kain ksi smasakit kapag nalalagyan ng kanin,ulam,kung ano ano pa-PLS ANS> I NEED YOUR HELP
Bale ano ang tanong mo?
Doc, tungkol sa root canal.. ibig sabihin kung mag pa-root canal ako ng ISANG molar ang magagastos ko ay P9K to P12K? since 3-4 canals meron ang molar, tama po ba?
Yes.
ano din po mas ok esp. in terms sa paglilinis.. pustiso o fixed bridge?? may isang premolar kasi bubunutin dahil di na daw kaya ng root canal wala na pagkakapitan pasta, at magkakaron na po ng missing tooth sa pagitan ng 2 healthy tooth.. magkano din po estimate nyo gastos for each?
Sa paglilinis, malilinis mo silang pareho. Magpaturo ka sa dentist na gagawa kung paano linisin. Sa pangalawang tanong mo, estimate saan?
estimate cost po ng pagawa ng pustiso for 1 tooth at estimate kung fixed bridge naman.. ano po ma-recommend mo sa dalawa? thank you po.
Fixed bridge ang mairerecommend ko.
Doc, baka may marecommend ka naman na dentist na magaling at convinient here in mandaluyong. kakapa RCT ko lang kase last month 8k mukang meron na naman kailanagan iRCT sa akin.. I need sana yun medyo convenient.
Hanapin mo pinakamalapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
Doc kapag po ba kalahati nlng ngipin mo di na pwede IJacket yun? ayoko kasi magpapustiso e.. thanks po
Ipaxray mo. Kung may infection na ang pulp, ipaRCT muna tapos crown.
Doc i read all your reply, D best ka idol…
Oks thanks.
hi po gudevening…ask ko lang po yung price ng rct sa central incisor????plzzzz reply po tnx
3 thousand din pataas.
hi doc. hm, u mentioned po kasi that root canal will cost 6-9k.. payment na po ba yan sa lahat ng sessions nya? how many sessions po ba ang RCT? kada session po ba i will have to pay that amount? salamat po 🙂
Depende sa ngipin. Ano bang ngipin yan?
Hi doc,ask ko po sana kung totoo ba yung sabi sabi na hindi daw maganda ang pustiso?saka doc pwede pa kaya pastahan yung ngipin ko sa front teeth sa taas..malaki na butas nagpa check na ako sa dentist at ang sabi root canal at jacket na lang ang gagawin..di na daw pwede ang pasta,,kaso ang mahal yata..2800 ang isa root canal na yun with jacket,,ok lang ba yun doc?
Kung ikukumpara sa tunay na ngipin, talagang hindi maganda ang pustiso. Walang tatalo sa tunay. Pero kung bungi ka, syempre mas maganda ang pustiso kaysa bungi. Maliban na lang kung may dugo kang Spartan o kaya’y isinasapuso mo ang pagiging taong grasa. Siguraduhin mo lang na root canal treament yan ha, dahil ammura. Mahirap gawin ang RCT sa ganyang halaga, na with jacket pa. Yung quality ng treatment may presyo, kung ganyan kamura, nagpapakalugi ang dentist mo kung gagamit siya ng high quality na materials. Wag mo ding kakalimutang ang galing ng dentist ay nagmumula sa training niya matapos niyang makagraduate. Ang training sa Endodontics, mahal ang bayad. Kung siya ay nakapagtraining, sigurado mahal ang bayad mo sa RCT. Hindi ganyan kababa.
good evening po doc… 17 y.o pa lng po ako ipinabunot po ng ninang ko ang 4 kong ipin…pumayag po ako noon kasi hindi ko po alam kung gaano kahalaga ang permanent teeth…ngayon po balak ko po sanang patamnan ito… 16 years na po ang nakaraan mula ng akoy nabunutan…
magkano po ba ang babayaran yun lng pong pinakamura pero may quality na man…
salamat po…
Bale ano ang pangarap mo? Ano ang gusto mong makamtan
good pm po. ung wisdom tooth ko po ay tumutubo at sabi ng dentist ko,tinutulak niya yung katabing ngipin kaya sumasakit. binigyan nia ako option, either bunutin wisdom tooth or i root canal yung sumasakit na ngipin. ano po bang pros and cons ng root canal? 2 na lang po kasi molars ko s right side kaya as much as possible,ayoko ipabunot yung wisdom tooth..
Patingin ng xray. Send mo sa FB ko.
Hi doc! nagpa-temporary filling po ako ng premolar ko nung oct. I-rct daw po dpat. Pero hndi na po ako nakabalik sa dentist dahil wala pong pera at nakakatakot po sya. Ang problema po, natanggal na po yung filling ngayon. Pwede pa po kaya to ipa-rct? Tnx po.
Oo iparct mo.
Hi doc, kakapasta ko lng po ng front teeth ko.. And them may inadvice sakin ung dentist na ipaRCT. 2 po daw ung may sira sa taas.. Ano po bang mas maganda rct or ipabunot na lng then pustiso?
RCT. Pero kung taong grasa ka or may dugo ng Sparta, kahit ano pwede.
sa edad ko 53 maari pa ba mag pa RCT?…. 60th daw
Yes.
Hi doc.wisdom tooth nlng po kc ang ntitira kong pang nguya s kanan kso nagkabutas po maliit lng kaso sumasakit po..rct po b ang best option dto o pwd pa po ipa pasta?dko p po napa check s dentist kc.and how much po lhat2 ng gastos kng rct ang remedyo?tnx po
Paxray mo muna. Mahirap magRCT ng 3rd molar. Kaya mas mabuti makita ng dentist.
Hi doc, sumasakit po yung two upper front teeth ko kapag nagba-bite ako ng hard foods. last year, pinastahan po siya kasi may sira na daw. nung pagpunta ko po sa dentist kanina, ang sabi niya sakin i ru-root canal na daw yung dalawang ngipin ang then ijajacket sya. Pero sabi ng mom ko doc, ipabunot ko na lang daw tas mag pustiso na lang. Ano po bang mas maganda dun sa dalawang front teeth ko? Yung ipa RCT or ipabunot then pustiso?
Btw yung RCT po nabasa ko dito dapat mag x-ray muna pero parang wala namang nabangit yung dentist ko na gagawin namin yun tas ang price daw po is 2500 per root. Mga ilang root ba doc pag front teeth? And yung jacket daw po is 3000 porcelain na. Maganda na kaya yun doc? Thank you po
RCt ang mas mabuti. Ang RCT laging may xray. Kung hindi nag-i-xray ang dentist mo sa pagRCT sayo, magpalit ka ng dentist.
hi doc. sumagit ung ngipin ko recently tas namaga ung gums ko. mag ruroot canal na daw kami kaso kailangan muna mawala yung maga kaya nagbigay sya ng antibiotics. after 2 days nagkaroon ng parang lobo sa taas nung ngipin ng ipapa root canal. parang lump sya doc. side effect po ba yun ng antibiotic?
Alam mo, para mabuild ang trust mo sa dentist mo, siya ang tanungin mo. 🙂 Hehehe! Punong puno ka ng pagdududa.
Goodevening po, merun po akong tanong, nabasag po kasi ung 1St premolar teeth ko po sa leftside after po kumaen ng bayabas, anu po bang dapat ko gawin? Pag nagpacheck up po ba s dentist kasama po na po ba sa charge ng consult ang x-ray? Saka po ano po possible n gagawin sa basag ko pong premolar, rootcanal din po ba? mga magkano po kelangan kong budget. Thnkyou po in advance.
Ipaxray mo para makita kung ano ang extent ng damage. Kung may impeksyon, or umabot sa pulp ang fracture, ipaRCT mo. Mga 6 thousand pataas, hindi pa kasama angg crown.
Kapag po ba ng padental xray kasama n po ba sa charge nila ung consultation, kung ano halimbawa gagawin sa ipin ko po? Saka po doc, after po ba mgxray dapat po agad mgparct na pde po bang lagyan po muna ng temporary fillings, kung halimbawa wla pa budget? Thanks po ulit in advance.
Madalas na may hiwalay na bayad sa consultation. Para sa akin, sa dental practice ko, hindi ako naglalagay ng temporary fillings. Madalas, kapag ang pasyente nilagyan ng temporary fillings, ang ginagawa ng pasyente, hindi na bumabalik. Lalo lang mapapasama ang kalagayan ng dental health ng pasyente dahil sa temporary fillings.
Kung malinaw ang xray mo, picture-an mo tapos send mo sa FB ko.
Pogi ka doc!
Thanks!
Doc anu po fb nyu po?. napicturan ko npo kc ung xray sana nde mlabo. Mejo mdilim po kse.
Nun ngpaxray (peri-apical) & consult po ako kanina po, ung findings nya po is “extensive caries on disto-occlusal surface of tooth #35., at ung recommend nya po rct. Kya lng po super mhal,sbi nia 10k po total nun rct sknya.,kung sa probince po ba, particularly laguna areas mgkno po?.. sa case ko po b asap na dapat po? And if ever po kung wla talaga budget pde nman pong bunutin?
Hindi malinaw yung picture na pinadala mo. Para ka lang nag send ng picture ng pet mo kagabi. Send ka ng picture na pwedeng makita.
FINAL na magpapaRCT ko … Doc may maerecomment ka bang dentist? area ko navotas nalalayuan ako sa Trinoma…maski mahal basta magaling.. Thanks..
Tignan mo pinakamalapit: http://www.askthedentist.tv/clinics/
pwede po bang mag pa rootcanal ulit after 5years?nagcrack kse sya. ano po ba pwedeng gawin?
San ang crack? Magsend ka ng xray ng ngipin mo sa FB ko.
Goodmorning po doc ! 🙂 ask ko lang po kasi nag pa pasta po ako 5 years ago.then few months after pastahan sumakit at namaga na sya.hanggang last year po nagcrack na yung isang side.sbrang sakit po nya hanggang ngayun. 🙁 help po doc . thanks 🙂
Ipa-RCT mo. 🙂
mahal po kasi doc mag pa RCT di kaya ng budget ko.ano po b mga disadvantage pag pinabunot ko po sya?
Papangit ka. Mahirap kumain kumpara sa tunay na ngipin. Maliban na lang kung may dugo kang Spartan. Lalo na kung kamaganak mo si Leonidas, exempted ka sa sira sa ngipin.
doc tanong ko lng po mgkanu po kya ang mgpa dental xray para s wisdom tooth para mlaman ko po sna kng pwd pang pastahan ung ipin ko or rct n tlg.wla po kc kong budget kng rct,bka ipabunot ko nlng po kng rct ang option. thanks po
Kung wala kang budget, syempre gawin mo yung mas makakamura ka.
Hi Doc! Ask ko lang kung adviseable ba talaga root canal. So expensive para sa isang ngipin na gusto isave. Last november temporary pasta ginawa sa ngipin ko habang nag-iisip pa ko kung paparoot canal. Kaso last march natanggal na ung temporary pasta. Medyo kumikirot na sya ngayon. Ang laki kasi ng butas. Sabi kasi ng ate ko pabunot ko na lang. Need pa ng crown after root canal.
Kung ako ikaw RCT. Pero siyempre buhay mo yan.
Hi Doc!12y.o pa lng po ako kumikirot po ksi ipin ko past 2days tapos po uminom na po ako ng Mefenamic hnd po sya tumatalab at nung uminom po ako ng Alaxan FR. medyo nawawala po yung kirot pero matagal po mawala yung sakit at malaki na po yung butas ng ipin ko. pwedi ko na po bang pabunot yung ipin ko?? at ano po ba ang magandang gawin ko sa ipin ko para mawala ang sakit at kirot. tnx po
Pumunta ka sa dentist para makita agad ang kalagayan ng ngipin mo. Hindi yan masosolve hangga’t hindi ka pumupunta sa dentist.
Hi doc, magkano po ba magpa jacket? Yungangil ko po kasi sa right side parang lumihis ng tubo, gusto ko po sana ipaasyos and some of mmu friends nagsasabi na ipa jacket ko daw.. Magkano po kaya doc? Maraming salamat po!
Magpabraces ka na lang.
doc nakaka 3 na akong balik sa dentist for root canal. yung last is nung isang araw, nilagyan nya ng temporary daw. di ko lang alam kung ano yun basta kulay white sya doc, hehe! sumasakit po yung ngipin ko mula pa nung gabi na nagpadentist ako. Bakit po kaya sumasakit yun? di naman ako makabalik sa clinic nila kasi once a week lang sya andun
Normal lang. Kakaract eh.
Dapat ishare mo itong website ko sa FB. Tignan mo yan, hindi mo makontak dentist mo pero nasagot ang tanong mo ng website na ito. Ishare mo sa FB nang matuwa naman ako.
Hello po doc, mairorootcanal pa po ba ang decayed tooth?
Thank you po
Yes.
Kahit kalahati nalang po?
Oo.
(inedit ko yung nauna kong sagot dahil hindi ko nabasa yung main topic ng reply mo)
Eh paano po kung Hindi na gaano kalaki?
Ano po ang gagawin?
Gaano kalaki ang “hindi gaano kalaki”?
Hi. Pakitanong ng direct to the point yung tanong mo kasi magpapaikot ikot tayo. Oo, pwedeng iroot canal treatment. Punta ka sa dentist.
Sige po punta na po ako bukas sa Dentist , Excited na po ako mag pA Root canal 🙂 pa xray po muna kami.
Sige po salamat po 🙂 tas ipapa braces daw po ako 😉
Bye!
Oks. 🙂
Sige po punta na po kami bukas sa dentist.
Excited na po ako mag pa RCT hehe
Tsaka ipapabraces daw po ako 🙂
Sige po salamat po 🙂
Sorry po kung na doble doble kasi po Nagloloko internet namin e
Sorry po
Alright. 🙂
Oks. 🙂
Hi Doc! May way pa po ba para magkadikit dikit ulit yung hiwalay kong ngipin? at tsaka hindi po straight yung mga teeth ko eh Kailangan ko po ba magpa-braces para ma-straight yung teeth ko? at tsaka po pala dugo ng dugo yung ngipin ko tuwing nagtu-toothbrush ako ang dami pa mandin dugo everyday eto matagal na po eto nagdudugo eh.
Nagdudugo kasi kada isang dekada ka magpalinis ng ngipin sa dentist. Nakakalungkot mang malaman, pero every 6 months dapat magpatingin ka sa dentist.
Ganon po ba? Salamat po.
Oks.
Doc,anu pu ba pwedeng gawin kung ung teeth ko po ay parang may lamat ng itim
wala po syang butas pero may parang nasisira na sya anu po ba pwedeng gawin ipapasta ko po ba un ?
Oo. Ipapasta mo.
tapos po doc natanggal na po ung pinapasta ko
6 years po ung tinaggal ng pasta pro hndi po sya sumasakit
nu po ba ang gagawin ko ipapasta ko po ba sya ulit ?
Oo, ipapasta mo. Hindi remedyo ang suicide.
Thank you po Doc ,
mag kamo po ba mag pa pasta?
Usually 500 pataas kada butas.
Doc pwede po i pa retainer ung baba ng teeth ang pag kakaalam ko po kc sa itaas lng ung retainer pwede rin po ba un sa ibaba>?
Bakit ka magriretainer? Nagpabraces ka ba?
doc mag kano mag pa pasta ?
500 pesos pataas kada butas.
doc mga gaano katagal ang root canal ? bkit po mas mahal yung crown kesa sa root canal?
Depende sa kung anong ngipin at sa klase ng crown.
doc paano po mag send ng pic? ipapakita ko po sana ung ngipin ko para malaman ko po kung ano pa remedyo dun
Sa FB ko.
Hi Doc,
panu po sa front teeth magpapa root canal. possbile ba na matatanggal ung fronth teeth?
Walang tatanggalin sa root canal treatment.
hi doc, ask ko lng. nagkaron kc ng parang singaw sa pre molar teeth ko sa upper left.. naka brace po ako (2 years n po), nung nagpunta po ako sa dentist ko for allignment is nagulat po cia. nag break n daw po pla ung dati kong pasta. at ang nakikita daw n tratment is root canal.. nilinis niya po muna ung loob ng ngipin mdyo malalim n nga daw po ung butas at nilagyan ng temporary n pasta. ask ko lang po doc kung may chance po n makuha sa antibiotics then saka po i permanent pasta para po hindi n po ako mag root canal treatment.. baka po makuha pa po sa antibiotics.thank you po. -mr. gee
No. KUng infected na ang pulp, kahit ilang antibiotic inumin mo. RCT ang remedyo or bunot. Unless may dugo kang Spartan. Ipa-xray mo para masiguro natin na for RCT yan.
Isa pa, walang permanent pasta na nag-i-exist. Maliban na lang kung mamatay ka bukas. Or ginawa ng dentist na may dugong Spartan. Kaya nga kahit 300 lang sila eh tumagal sila laban sa napakadaming warriors.
Doc ask ko lang po. may butas po yung likod ng ngipin ko tapos under the gumline sya. pwede pa ba irootcanal? hindi naman po sya sumasakit..
IPaxray mo muna kung fro RCT na yan.
tnx doc for your advice.. im noticed that you are a fun of spartans.. LOL 🙂 godbless doc! mabuhay ka! 🙂
Ano fun? Anong fun yan? Oo masaya ang maging Spartan.
good evening doc, ask ko lang po if bakit ala sa list nyo ang ———————— care —)?.. ibig po ba sabihin, d un approved dental clinic?.. dun po sana ko magpapa-dental treatment kc may gc po ako nila.. balak ko sana kc ipa-rct un front teeth ko sa baba, nabasag po kc at sumasakit pag nagagalaw… o tinatamaan pag kumakain ako o pag nagto-toothbrush ako.. minsan nga po, di ko na lang tino-toothbrush-an un part na un..
sayang naman po kc un gc ko, eh.. nagpa-rct na po ako dati, kaya lang naging useless kc sumakit at namaga.. nun dalhin ko sa ibang dentist, advised nya na pabunot ko na lang.. kaya ayun, pinabunot ko.. kaya mula nun, if d na kaya ng pasta, pinabubunot ko na lang dahil nadala ako sa rct kahit ang advise nila eh rct.. kc ang mahal-mahal tapos bandang huli, bunot din pala ang bagsak..
ngaun dahil ayoko ng mabawasan pa un natitira ko pang mga ngipin, balak ko nga po sana na ipa-rct un nabasag na ngipin na sumasakit na… kaya lang gusto ko po sana sa approved dental clinic… kaso nga po, ala sa list nyo un d—–clinic.. bakit po kaya ala sa list nyo?.. confused lang po..
sayang naman po kc un gc ko if d ko cya magagamit… at malaking tulong din un para konti na lang gagastusin ko though aabot din ng ilan libo ang magagastos ko dahil sa mahal ng rct.. thanks po..
Hehehe! Desisyon mo yan kung gusto mo sa recommended dentists ko. Guide lang yan. Kumbaga, alam ko ang klase ng gawa ng mga dentist na yan. Nasa sayo kung ano ang misyon mo sa buhay.
good evening po uli..
hehehe.. grabe naman po kayo maka-MISYON.. cge, pag-isipan ko muna po, if kaya kong balewalain un gc ko worth 5k.. if not, at talagang manghihinayang ako, go na lang po ako dun kc malaking kabawasan din po un… at d po biro un, ah, if ever na cash ang ibabayad ko sa halip na gc..
if ever naman po na ma-isip ko na, “o cge, ok lang… 5k lang naman un (kaso lang po, labas po sa ilong ko un, eh… kc, kakahinayang talaga)”… ala po ba kayong alam na approved dental clinic located in mandaluyong na ma-i-i-recommend?.. just asking lang po, if ever na desisyunan ko na wag na gamitin un gc ko..
thanks po uli sa panahon na inilaan nyo para sa previous post ko.. definitely appreciate your reply… and i felt well accommodated by it..
cyanga po pala, happy independence day po… though i was always asking this to myself, “are we really free”?.. is it really the real FREEDOM… or do we really have the FREEDOM that we want?.. oppss, sorry po!!.. i think, out of topic na po i2.. hehehe..
again, thanks po..
Sa tingin ko dentist ka sa clinic na yan. Kasi parang gusto mo ilagay ko yang clinic na yan dito sa website.
itong dentista na ito napabait.alam mo kitang kita sayo na napakabuti mong dentista sa pagsagot mo palang ng tanong e napakabait mo na. kung ganyan ka lang din naman sasagot sa tanong ng mga tao na may halong papuri . Napakabuti mo bossing. Crush na kita. Napakaganda ng ugali mo online na kitang kita ng mundo how much more sa personal? Sana makita kita. I love you!
Thanks John Paul sa papuri! 😀
gudeve po doc..pwede pa po ba mafill ng artificial molar teeth?napabunot ko kasi matapos magcrack yong molar na bago lng napastahan kaso masakit na kya pinabunot ko nalang..pls give me advice..tnx.
Malamang fixed bridge ang tinutukoy mo. http://costdentures.com/ask-the-dentist/denture-for-upper-incisor/
dok, sira na po ang dalawang frontal teeth ko sa taas. halos parehas po ang sira. ang sabi po ng dentista ko eh, i roroot canal ung dalawang ngipin tapos ung sa left teeth is jacket ang ikakabit sa kanan naman is pasta. tapos na pong iroot canal ung left teeth ko, the rest of the process ay di po nagawa kc nagpunta pung australia dentist ko kc naospital ang mother nya. magkanu po kaya ang cost nito pag lumipat ako Ng dentist. thanks
Hindi ko masabi hangga’t hindi ko nakikita ang xray mo.
good day! nagparoot canal treatment ako. natapos n ung third session, ung next session daw susukatan na ung ngipin q para s crown. ppaliitin at babawasan daw ung ngipin q. tanung q lang po kung ok lang n hindi n ixray kc ndi nmn sumasakit. never p po naxray ang ngipin ko. tska panu q po malaman kung porcelain nga po ung crown n ikakabit sa ngipin ko?at ganu po itatagal nitong root canal treatment? sure n po b n hindi n masisira itong ngipin ko?
Ina-RCT ka na hindi ini-x-ray? Tagasaang planeta ang dentist mo? Malamang hindi dentist ang gumawa ng RCT mo. Humanap ka ng tunay na dentist.
may mairerefer po b kau sa akin n tunay n dentist sa taguig or near la salle,taft or pulilan bulacan?
Tignan mo pinakamalapit: http://www.askthedentist.tv/clinics/
ok po.thanks.. tapos yung singil po pla sakin ay 3000 for RCT tapos 5000 for crown, ngaun, tinanung ko po kung hndi muna b ieexray ung ngipin ko, ang sagot po, pwede naman may addtl payment nga lang me n 500 pesos. tama po b un? tsaka po silver po ung permanent pasta n ilalagay daw dun s butas ng ngipin ko.
Naguguluhan ako. Anong papastahan? Ang sabi mo ia-rct. Ano ang papastahan?
Ini-x-ray ang ngipin sa rct. Hanap ka ng magaling na dentist.
tapos na po magrct. yung butas po papastahan tsaka pa lang lalagyan ng crown. silver yung pasta n ilalagay.
Oks.
Hi doc! Dati po kasi (2002) nilagyan ng jacket yung 2 front teeth ko, pero hindi naman nirootcanal. Sabi ng dentist ko patay na daw ang nerves kaya no need na. Wala din ginawang xray. Ngayon kasi balak ko magpajacket ulit pero sabi nung isang dentist i-rct muna then jacket. Possible po ba talagang hindi na need ng xray at rct bago lagyan ng jacket?
Kailangang i-xray muna. Makikita sa x-ray kung kailangan i-RCT bago lagyan ng bagong crown.
Hi doc. Nung 2002 nilagyan ng jacket ang 2 front teeth ko. Pero hindi naman na xray or na-rct. Sabi kasi ng dentist patay na daw nerves ko nun. Possible po ba talaga yun? Kasi balak ko na sana ipajacket yung isang ngipin ko kasosabi nya sa akin derecho jacket na ulit. E nagpaconsult po ako sa ibang dentist ang sabi kailangan ixray then rct muna. Any suggestions? Balik pa ba ako sa dating dentist ko? Thanks doc
Kailangang i-xray muna. Makikita sa x-ray kung kailangan i-RCT bago lagyan ng bagong crown.
Ang magaling na dentist, kinikuhanan muna ng x ray bago lagyan ng crown ang ngipin.
hi doc. im confused. my black filling yung tooth ko(from black pasta) sa first molar ko. nagspread na sa half ng first molar tooth ko. my dentist told me na dapat e root canal na yong tooth. sabe ng assistant 3 canals yun. you mentioned in this page na 3-4k or more every canal pag magroot canal. so that would cost me 9-12k+ magroot canal sa tooth ko. tapos crowning. how much po yung crowning? pag poreclain crowning ba, 3 crowning din yun kase 3 ang roots sa first molar ko? or sa isang tooth na molar, 1 crwoning lang yun after root canal treatment?
Isang crown sa isang ngipin. Usually 5 thousand pataas ang isang porcelain fused to metal crown: http://costdentures.com/fixed/metal-ceramic-crown/
thanks doc. by the way, how much yung range ng procedure pag magpa change ng black filling to white filling?
500 pataas kada butas.
Hi doc, ano po kaya treatment mai-recommend mo po kung yung dalawa ko pong ngipin sa harap ay may sira po?? Thanks po.
Ipakita mo sa dentist. Kung kaya pang pastahan, ipapasta mo.
hi doc, nagpalinis kasi ako ng ngipin at napansin ng dentist yung ngipin ko sa front (incisors) na basag, dati ko na po yun pinapastahan mga 4years na ang nakalipas, at dun ko na po inopen yung matagal ko ng iniisip na problema sa kanya na parang may part sa right face ko malapit sa ilong (halos tapat ng ngipin ko na basag) ay lumalaki at yung nga napansin niya din na di nga pantay yung left at right face ko na dati ay ok naman, nag advise po siya ng root canal tapos ijajacket daw,
ang tanong ko po ay yung price ba na 3000 per molar na nabasa ko sa taas is the same price pag sa harap ang ipaparoot canal? at same po ba yung jacket na sinabi ni dentist sa crown na sinasabi niyo doc? pa estimate na rin po sana ako ng cost hanggang sa final restoration? at suggestion kung ok ba advise ni dentist, salamat po ng marami!
Molar na 3,000? 9,000 pataas usually ang cost kapag molar kasi 3 to 4 canals ang molar. Kaya 3 x 3,000 = P9,000 pataas ang RCT ng molar.
jacket crown = crown = jacket = cap. Depende sa kung anong klase ng crown. Yung porcelain fused to metal crown ang pinakamura. 5.5 K pataas yung mukhang ngipin na porcelain fused to metal crown. See for more info sa types: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Hindi okay ang suggestion niya. Ang dapat na una mong gawin ay magpa-panoramic x ray para malaman kung ano yang lumalaki, kung gaano kalala, at kung root canal treatment nga ba ang solusyon.
Doc Good day! kakatapos ko lang po ng 1st session ng RCT yesterday 7k daw po aabutin ngipin to sa harap isang ngipin lang mura na po na yun? hindi pa daw kasama ang jacket taytay area po ako. thanks
Yes.
doc pag po ba may implant pde pang magpabrace? mgkano po pala ang implant?
Magpabrace ka muna bago implant. http://www.dentalimplantscostguide.org/dental-implants/
Hi doc.. my pasta po kc nun dalawang front teeth ko twice ko n po nppasta to.. ung pang 2nd nyan pasta after a week my tumubo po na prang pimpol sa taas ng front tooth ko.. mejo masakit po sya nun pero now nawala na sya at mejo umuuga po ung isa sa front teeth ko.. and now my braces po ako mag 3mons na po.. ngaun sumasakit ung front tooth ko n dating tinubuan ng prng pimpol and sobra masakit po sya now .. abscess po ba ito or dead tooth??? ano po bang treatment dto???
Send ka ng xray sa fb ko, para malaman natin ang treatment na dapat gawin.
Hello po. pano naman po kung sa gilid po ng ngipin ko po hindi pantay nagka sapaw po pero isa lang tapos sa front teeth po tiko rin, Sbi po nang doktor ipaparetainer ko daw bgo pa brace. Tapos po hindi po ba ak pwede mag pa rootcanal nlng? Eh kasi mas mura medyo mkatipid sa budget 🙂 wala naman pong infect at sira yung ngipin ko. Hindi nga lang sya pantay-pantay. . magkno po bang halaga ?
Hi dhonaline. Hindi ko maintindihan ang tanong mo. Pero magpalit ka ng dentist.
Doc tanong ko lang po, may pasta na po yung front na ngipin ko at medyo sumasakit po sya. okay lang po na ipa braces ko pa ito?
Ipa-RCT mo.
good evening po doc. ung 3 front teeth ko po ay may lamat na po and may black na din.. tpos po ung 2nd and 3rd molar ko po sira na din xia… recommended po ba ang RCT for my condition? ilang RCT po kaya un? if ever po ba sabay sabay po un gagawin? never been to dentist pa po ako.. 🙁
Kung sumasakit na, RCT. Kung hindi pa, ipapasta mo lang.
mas ok po ba na ipabunot nalnag ang ngipin kesa gumastos ng mahal para sa root canal?
Mas makakamura ka sa RCT kung long term ang iniisip mo.
gud am! doc san po pwede mag pa consult if meron Trigeminal Neuralgia,gn2 rin po nararamdaman ko gya ng sakit n nararamdaman ni Eduardo N. Cruz..ala po mka detect na dentist kung ano po tlaga e2,sv rayuma ng ngipin.
Simulan mo sa recommended dentists page ko.
Doc magandang araw!
Nagpapasta po kasi ako sa 2nd molar ko 2 weeks ago, ang sabi malapit na siya sa pulp kaya i-expect ko na sumakit pa rin after few days. Pero ngayon doc sumasakit pa rin siya (2weeks after)
Uminom na ako ng iba’t-ibang klase ng pain reliever pero di pa rin nawawala yung sakit.
Hindi naman po mataas yung pasta saka sumasakit siya lalo pag umiinom ako ng malamig o mainit.
Candidate na kaya ako for RCT doc?
Thanks! ANg cool mo po. 🙂
Yes.
ASAP po ba doc?
is it still safe kung i-delay muna ang RCT?
Kung may dugo kang spartan, pwede. Kung wala, sugal na yan.
Hi doc. Ano po ang range amount for doctor’s/dentist’s fee?
Depende sa kung ilang canal. Anong ngipin?