Ang mga dentistang sumasagot sa inyong mga katanungan ay si:
Dr. Jesus Orlando M. Lecitona
Tiktok : https://www.tiktok.com/@dentistphilippines
FB : https://fb.com/DrJesusLecitona
Pagasinan Dental Clinic
FB : https://fb.com/PangasinanBraces
Please be aware that all material provided by the AsktheDentist.tv website is provided for information purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions or recommendations with respect to your symptoms or dental condition.
Maari din kayong bumisita sa clinic para makita nang personal ang inyong dental problems:
Anoticel Dental Clinic
18 W. Paz Street Sta. Elena Marikina City
https://www.facebook.com/AnoticelDentalMarikina
Anoticel Dental Clinic
2nd floor, Capital Bldg,
Mac Arthur Highway
Urdaneta Pangasinan
Anoticel dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
Lecitona Dental Clinic
5 Gomez Commercial Building
Sangguniang Bayan St.
Pozorrubio Pangasinan

Doc panu pag naqpa Bunot k tapoz hnd mu alm n 1 1/2 k n pregnant anu po b unq side effects nun pra s baby
Wag mo na isipin kung ano, dagdag stress lang yun. Ang mabuti mong gawin ay makipagccordinate ka sa OB Gyne mo at sabihin sa kanya ang nangyari. Magdasal ka na din mamaya at araw araw. Makakatulong yun.
Doc, mag 6years old na anak q pwde na po ba bunutan ng ngipin bulok na po kc lahat ng ngipin nya
Pwede given cooperative ang patient. Pero if you never brought your kid to the dentist and you are bringing him / her for the first time and extraction procedure ang gagawing first ever treatment niya with the dentist, remember this, it will TRAUMATIZE YOUR KID forever.
Ask q lang po pdi ba q magpalinis ng ngipin? Kahit 7months nqo buntis, 3 months mahigit na po ako di nakakapalinis ng ngipin naka brace po kasi q.
Yes. PWEDE.
Doc yung wisdom tooth ko ang my sira pero bakit yung nasa harapan nya ang masakit at namamagapa 2 days na po
Ipaxray mo. Makikita doon kung bakit.
Pwede bang makipagsex kahit bahong bunot ng ngipin
Oo, Ihanda nyo lang ang sarili nyo sa pagdurugo. Maaring magdugo ang sugat ng pinagbunutan.
Hi. 8 months po akong pregnant. 6 months na po ako hndi nagpapaadjust kasi sabi po ng OB ko bawal. Kaya lang po sobrang sakit na nga ngipin ko. Tapos parang naglalaman na po sya at bumalik po ang mga sungki ko. Makakasama po ba tlaga ang adjustment? At may mga brackets din po ako natanggal na makakasama po ba ung pandikit na gagamitin? Sana po masagot to. Maraming Salamat po! Godbless
Yung adjustment ng braces mismo, walang problem sa buntis. Pero maaaring maselan yung pagbubuntis mo na yung stress na mararanasan mo (byahe, paghihintay, inip etc) na pagpunta sa dentist ang iniiwasan ng OB Gyne mo. Kaya, mas mabuti pa ding sundin ang OB mo.
Pde po ba aq gumamit ng toothache drops sa skit ng ngipin koh buntis po AQ ngaung July nah po AQ mangaganak.
Hindi.
hello po ask ko lng po bakit po yung pamagkin ko nag uugaan ang mga ngipin tsaka po napupudpud ano po bang sakit yun ganun.
Ilang taon na ang inyong pamangkin? Please send photo of the patient’s teeth
tanong ko lng po ano po bang solusyon pra maibaba ang taas ng ngipin ko kse po umaangat po sya e nahihirapan po ako
Send photo of your teeth to our facebook page. ask the dentist philippines
doc pwde po ba mag pabunot ang 1week palang na buntis?
Ikunsulta mo sa physician mo. Usually, hindi. Pero ang physician mo ang magdidecide. Kung papayagan ka niya, pagawa ka ng written clearance at dapat may pirma niya. Yung clearance na yun ang ipapakita mosa dentist mo.
May tmj daw po ako. Pinapasubok ako ng dentist ng splint. May iba po bang cure sa tmj?
Aldrin, may TMJ ka talaga. Pati ako may TMJ. Lahat ng tao was created and designed with a TMJ structure. At lalong hindi pinapasubok sa iyo ito. I think the word should have been, pineprescribe.
Hi Doc, ask ko lang po kung magkano ang oral biopsy? pinakamura at pinakamahal. thanks in advance
It may range from 10-30k.
doc ano po ba ang pwedeng gamot sa pamamaga ng kanang pisngi dahil sa ipen 10weeks na po akong buntis . ???
Antibiotics but not all are safe for you. You have to see a dentist to provide you a prescription for that.
Doc pwede na po ba magpabunot ng ngipin pgkatapos manganak? Slamat po
Hingi ka ng written clearance mula sa physician mo. Kung pinayagan ka, ipakita mo ang clearance sa dentist na magbubunot.
Doc, May TMJ po ako, kahit hindi na po ipa X-Ray obvious na may TMJ sobrang layo ng bite ko. tapos medyo tabingi na yung mukha ko dahil sa panga. magkano po kaya yung therapy dito?
Obvious talagang may TMJ Ka kasi lahat ng tao may tmj. Schedule for a consultation appointment thanks.
Doc pde po ba mag pa bunot pag 4 months na ung tyan?
schedule for a consultation and secure a medical learance from your dentist to be signed by your obgynist. Only your obgynist will be able to tell if its okay or not. However, ideally we tell the patients to defer any extraction procedure on any pregnant patient until the baby is out.
Tanung ko lang po 5months na po tyan ko eh sobrang sakit po ng ngipin ko ano po gamot pwede ko inumin para pain reliever lang po.tnx
Biogesic. Yan lang ang pwede.
Pwde na po ba magpabunot ng ngipin 10months na po ako
10 months ka nang ano?
Doc, pwede po ba magpa brace kapag pasta ang front teeth
of course, yes.
Doc, pag nag pa bleach po ba ng ngipin, mag lalighten din ang kulay ng pasta? O kailangan bleach muna para maimath yung gagamiting kulay ng pasta? Thank you po.
No. The shade of your restoration will remain the same. Hence, after the bleaching procedure, your dentist will remove the existing restoration and change it to a lighter shade that matches your newly bleached teeth.
Doc nabasag po kasi yung ngipin ko sa harapan. Tumama po kasi sa tiles pag dive ko halos kalahati din po yung nawala ano po kaya dapat ko ipagawa sa dentist medyo nakakababa po kasi ng self confident lalo na nakikita ng ibang tao. Thankyou po in advance sa reply.
Tsaka how much po kaya aabutin.
Pa consult ka kasi kailangan kuhanan yan ng xrays as a reference for your doctor to provide you a dental treatment plan. Mukhang kakailanganin ng root canal treatment, post, and crown, given kung may good bone around the tooth at walang fracture na nangyari sa loob ng ngipin.
doc. tanung ko lng po kung pwede bang bunutin ang ngipin kapag sumasakit?? sa sobrang sakit po kasi di na tumatalab yung iniinom ko na dolfenal..
Yup. Pero kung may swelling, defer. You need to be premedicated first
Doc posible bang maayos ngipin ko . Nabutad kas yung gilagid ko sa harap mapapaayos paba to? Nung una kasi medyo maliit pa yung butas ngayon lumalaki na. Pano po ba to ipapaayos? At mga magkano po kaya magagastos?
Joan, kindly send a photo of the involved area. I might be imagining your description wrong. Send mo ito sa facebook page, tapos quote mo itong concern mo.
Hello po. ☺ Meron po kasi akong mild crossbite. Magkano po ba ang palagay ng palatal expander? Thank you po and God Bless!
Hindi expander ang sagot dyan.
Hello po. Misaligned po kasi yung upper teeth ko from my lower teeth. Tapos whenever I close my mouth, my lower and upper teeth is still touching. Do you advise palatal expanders? Magkano po iyon if ever? Thank you and God bless! ?
Hindi.
hello po, bago ko lang kasi nalaman na buntis ako, then mgpapabunot sana ako ng ngipin. pwede po ba yon?
HINDI PWEDE. Critical ang first trimester.
Hi..doc ask q lng po un anak q 6 yr old nabunot un baby teeth nya tpos may tumubo na bago kaso sungki tumubo paloob un bagong ngipin…nya qng ipapabunot q po ba un tutubo ba ulit ngipin nya
Hindi na tutubo.
Hi doc ask q lng kong ok lang ba ung alaxan inumin kong masakit ang ngipin…..kapapanganak q lng kc ayaw q muna magpabunot tnx doc
Pakita mo sa dentist, wag ka uminom ng gamot na walang reseta.
Hi doc 3weeks na po kme ng baby ko pwede na po ba ko magpbunot ?
HIngi ka ng clearance mula sa physician mo.
Doc, okay lang po bang magpabunot ng ngipin. 5months na akong nanganak then hindi din ako breastfeeding kay baby.
You should be fine. Unless you have a medical condition that will prohibit your doctor to do a surgery on you.
Doc. Ano po kadalasang iniinom ng buntis kapag sumasakit ang ngipin.like me im 8 months pregnant lgi po sumasakit ngipin ko, gbi gbi sumasakit.thanks doc.
Magpareseta ka sa dentist mo at wag sa internet ka umasa. Kapag may reseta ka na, ipakita mo sa ob gyne mo kung pwede yun sayo. Kung inaprubahan ng ob gyne mo, saka mo lang inumin.
gud am po do pwede po b magpabunot ng limang ipin s isang araw?
Yes. Anong trimester ka na?
hi gusto ko po magpadental implant,
sabay ba ang bone grafting tapos implant?
at makakagtrabaho ba ako ng maayos kinabukasan after ng surgery? may mga binubuhat kasi ako minsan na mga mabibigat sa trabaho ko..
Mga mga kasong sinasabay. Pero madalas, una ang bone graft.
Doc.. gd pm po..
Anu po bha ung gamit sa nangingilong kong ipin.. kc po pangil cya… pinapantay ko po kc.. cimula noon nangingilo na
Enameloplasty is a very conservative procedure, as it only involves smoothing/recontouring a thin bit of enamel in selective areas for a variety of reasons. In most cases, the benefits outweigh the risks (sensitivity). Go back to your dentist and relay the symptom
ang baby ko po kasi kaka 1month plang po ngayong sept15 ng malaman kong tinutubuan siya ng ngipin .. ask ko lang po ano ang reason bakit maaga ang pagtubo ng kanyang ngipin ay normal lang ba un sa bata ..salamat po .
May mga kasong ganyan.
Hello po. 6 months preggy na po ako. Pwede parin po ba ako magpabrace ng ngipin ko? Then isa pa po pwede po ba magpabrace kahit may pustiso isa sa taas at dalawa ng baba ng mga ngipin ko? Thanks po.
Defer. After pregnancy nalang.
Maitanong q lang po kung bakit nangingilo ang loob ng ngipin q na pinagkabitan ng fix bridge
Kailan naikabit yan?
Hi doc anong age po ba pedeng mgpabunot ang bata. Naawa kasi ako sa anak ko sumsakit ngipin nya she just 3 y.old. Podpod npo ngipin nya. Ty
You and your kid may have to see a Pediatric dentist. As early as 6 months, dapat dinadala na yan sa dentist para maalagaan ang ngipin. Hindi kung kailan there is pain present.
Hi doc puwede na po ba magpabunot 5 months p lng nakakapanganak nabutas na po kasi ung may pasta nadurog na po kasi ngipin po?salamat
Yes. Unless may medical condition ka that will prohibit your dentist to do any surgical procedure on you.
Doc, nagpunta po kami ni mama dun sa mga mismong gumagawa ng brace, ng pustiso at iba pa… Ngayon po, nagpabrace po ako kaso semi-brace lng po… Posible po png ang semi-brace ay maging isang tunay na brace mismo? Kc ung nangyayari po natatanggal at tumataas po siya kc parang pustiso po ung ginawa… Now, kung pede po? Magkano po ung ibabayad?
My first question is, did you go to a real doctor ?
Doc, nagpunta po kami ni mama dun sa mga mismong gumagawa ng brace, ng pustiso at iba pa… Ngayon po, nagpabrace po ako kaso semi-brace lng po… Posible po png ang semi-brace ay maging isang tunay na brace mismo? Kc ung nangyayari po natatanggal at tumataas po siya kc parang pustiso po ung ginawa… Now, kung pede po? Magkano po ung ibabayad?
Did you go to a real doctor?!
Pwede po bang mag brace kahit may impacted kahit hindi operahin kasi hindi pa naman siya lumalabas?
if the impacted tooth will cause issue on the adjacent tooth, yes it has to GO.
mapapa brace po sana ako ano po #cp nyo
details are posted up
Hi doc. May TMJ poko, wala pokong x ray, pero sa lahat ng mga napuntahan kong dentist kinoconfirm na may tmj daw ako kaya di ako natuloy mag brace.
Papa ko may tmj, ate ko din po, not sure kung nmamana po ba yung ganon.
Tnong ko lang po ako pong prevention pede ko mgawa para hindi sya magsakit or lumala po? May nabsa poko about dental splint na nkakagaling ng tmj, totoo po ba?
Kpag malamig mejo masket yung joint ko sa ipin, tas dikopo manganga ng maayos, sa left po sumasket kaya sa right poko ngumunguya, tolerable nman po yung saket basta wag ko lang ngunguyain sa left.
Thank you po doc pls reply
Ang TMJ ay parte ng katawan ng tao. Parang tuhod. Ang tao ay may tuhod. Parang kamay. Ang tao ay may kamay.
Hi doc , im planning to get my braces and sabi ng dentist ko since wala na akong isang bagang sa left sa baba bubunutan nya ako ng 2 ipin sa taas . Is that really part pf the procedure po? And sabi nya overbite po ako . Ayoko po sana magpa bunot ng ipin sa taas kasi kumpleto ito .
Send x ray sa fb ko.
Hi po ask ko lng pewdi n po b mag palinis at magpa2sta 2mon nko nkapanganak masakit n kz ngipin at mabaho din nakkahiya eh
Oo.
DOC pwede po bang mag panunot ng ngipin yung nakapanganak ng almost 4 months na nakalipas
Oo basta may clearance mula sa physician mo.
Doc pwede kaya ako magpabunot ng ngipin kahit sure n kung buntis mga 6days palang salamat po
Hindi.
Ask ko lang po ano pong gamot ang pwedeng inumin kpag masakit po ung ngipin .ang kso lang po nag talik po kmi nang asawa ko. Then ktpos ko lhng po ng menstruation.ano po ang pwedeng gmot sa ngipin kong masakit
IPatingin mo sa dentist. Depende sa condition kung ano ang gamot.
Doc anu po bang gamot sa singaw sa dila ..tsaka po .. Pwede po ba ko uminum ng gamot nilalagnat po at msakit po mga kamay ko at paa 8days na po akong buntis
Yung physician mo ang dapat na tanungin mo tungkol sa lagnat mo at sa singaw mo. Makipagcoordinate ka sa physician mo bago magpunta sa dentist.
Ok lang po ba gumamit ng toothache drop kahit buntis?
Hindi.
Pwede po bang magparebond after magpabunot ng ngipin?
Oo.
Doc. Ask ko lang po sabi kasi sakin nung dentist na kinunsulthan ko eh. Hndi na daw po pwede sakin ung ordinary na pasta which is mahal din 600 isang ngipin sabi po nya may gagawin daw po sya na mas mahal pero 1,500 po per teeth basta aesthetic something po di ko masydo narinig. Pero advise din po sana kung ano po bang dpat gawin sa teeth ko sa two front teeth ko po kasi naghhwalay na nung june 2016 lang po nagpapasta pero nasira agad kaya ayun po yung snabi ko kay doc ko. Sana may ma advised po kayo kung anong mas magnda at affordable na treatment for my teeth. thanks po.
Send photo sa fb ko. Tandaan mo lagi na walang maganda na mura.
Good morning po doc, ask ko lng po Sana Kung OK lng po ba n Mag papasta ako kc kagagaling ko Lang po sa kunan 2months n po Ang
nakararaan.? Thanks po!
Ano ang kunan?
Hi, Doc. Pwede po bang magpabunot after magpalagay ng braces? Or any other treatment like RCT habang nakabraces? Thanks po.
Nakadepende sa decision ng dentist mo.
Hi po doc pwde po ba magpa bunot ng ngipin month pregnant?
Hindi.
Hello po. Balak ko po kc ipa silver crown yung ngipin ng baby ko.5yr old npo sya to late napo ba para don?? Totoo din po ba na ang silver crown ay makakatulong sa permanent teeth para lumabas ng pantay pantay ?? Tnx po
Makakatulong yun.
May bulok po ngipin ko sa unahan, dati maliit lang po sya ngayon po lumaki na ang bulok nabutas na rin sya pero yung kalahati lang, gsto ko na po ipa ayos ano po kaya ang papagawa ko, jacket po ba??
Send photo sa fb ko para makita ko.
Good pm doc
Help po kung anu po e2 sa pisngi ku parang mumps.. Nung nag pa bunot ako ng ngipin sa isang health center medyo masakit at pagkalipas po ng dalawang araw biglang bumukul ung pisngi ko parang mumps malapit sa pinagbunutan ng ngipin ku po..
At nung nag pacheck up ako nag resita lang po sila ng amoxicillin pero feel ku wala naman po nang yayari.. Kailangan ku po ng advice sa inyo doc thnx
Ipakita mo sa ibang dentist. Kailangan makita yan nang personal ng dentist bago masabi kung anong problem at solution.
doc 7 months pregnant po ako ngaun tapos sobrang sakit nga ipin ko at gums yung dati ko kasing pasta yung sumasakit halos d po ako makatulog .. anong gamot po ba yung pwede Kong inumin ??
Sa ganyang kaso, yung physician mo makikicoordinate sa dentist mo. Wag mo itanong online yung gamot na iinumin mo, kailangan ng reseta na approved ng OB-Gyne at dentist mo.
good morning po ask ko lang nadapa mo kasi ang anak ko at tumama sa sahig ang ngipin nia. bumaon pa sa gilagid ang ngipin nia at nangalahati. masama po ba iyon? nangitim po ang gilagid nia at andun ung ngipin.
Oo masama. Dapat wag mo na idaan online, actual mo nang ipunta sa dentist.
Hi doc alvinpo pla…
Tatanong ko lng kung magkano po magpajacket ng dalawang ngipin sa harap
Madaming klase ng jacket. Iba iba ang presyo. Depende din sa lugar kung magkano. Depende din sa specialization ng dentist na pupuntahan mo. Read : http://www.denturesaffordable.com/?s=crown&x=0&y=0
Doc ano po b pwede ko inuming gamot ksi ngppsuso ako ng 1year old baby nasakit po kc ung gilagid ko 3 days n..thanks .
Ikunsulta mo sa dentist sa lugar mo. Malamang na gum disease yan. Read : http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/
Doc masakit po baag pabrase
Oo kadalasan. Depende sa tolerance mo.
Hi doc! Pwedi na ba ako magpabunot ng ngipin mag isang buwan na po bago ako nanganak.
Humingi ka ng clearance mula sa physician mo.
Doc, may Anesthesia Injection po ba ang Pasta at Filling?
Pwede mo irequest.
Hi doc may itatanong lang po ako , January 31 sumakit at lumaki ang mukha ko dahil sa ngipin ko umabot ito hanggang isang linggo. Tapos ang problema meron something na bukol sa may panga ko ano po ba ito ? Salama Doc.
Paxray ka. Send mo sa fb ko.
Hello p
Hi.
Doc ok lng po ba mag pa bunot ng ngipin kahit sumasakit?
Oo, tatagan mo lang ang loob mo.
Doc, yung baby ko 11 months old nabasag yung ngipin niya sa taas. Ano po kaya dapat gawin? Pwede na po ba i pa Pasta yuny teeth niya sa Ped.Dentis? Thank you po. Sna po mabasa
Hello Maricar. Yes you may bring your child to the dentist po. ASAP
Doc my baby is turning 1 on april 23 tapos napansin ko po na tinutubuan sya ng ngipin sa lower po n bagang nya. Yun po ung first tooth nya.normal po ba
yon?..
Yes.
doc nag papasta na po ako dati siguro mga 8 years old pa ako nun pero ngayon kumikirot na siya di pa po siya totally butas parang parte lang po yung butas kaya pa po ba maagapan yun ayaw ko po kse ng bunot eh di ko pa po naranasan
Hi Almira. May way naman para ma save ang teeth mo. Through Root Canal Treatment and Crown.
Natural po bang mamaga ang pisngi ko dahil sa brace?
Dahil sa singaw?
Good morning doc. 31 weeks and 6 days pregnant npo ako today at sa kasamaang palad sumakit po ang ngipin ko lasr saturday. Tolerable papo sya non kaya nmn. Toothbrush lng. Kaso po pag dating ng sunday iba napo yung sakit nya hanggang sa namaga na sya doc, at hanggang ngayon doc. 4 days napong namamaga yung gums ko at may nakakapa napo akong maliit na bilog sa ilalim ng panga ko. Sobrang sakit nya na po. Pati pisngi ko ang hapdi narin pag hinahawakan. Please doc patulong nmn.
Hello Sammy! You need to see a dentist!
Dok. Normal po b ng lagnatin after magpabunot ng ngipin?
Yes.
hi po.. ask ko lng po ano po pwde gamot sa sakit ng ngipin pag 7months ng pregnant?
Paracetamol.
pede papobang manatiling ipin ang natatangal na ipin? sa harapan po kasi yung ipin ko eh .. nag swimming po kasi kame tapos nag slide kame tapos pa harap .. paki ask nalang po Tapos po paki pray nadin po 🙂 ayaw kopo kasi matangalan ang ipin ko eh
Possible ibalik basta oras pa lang ang nakakalipas. Habang tumatagal, bumababa ang chance.
Dok 8 months buntis po ako tapos panay dugo ng mga gums ko as-in malakas po sobra nag pa consult napo ako sa dentist at hiningan ako ng clearance sa ob ko
Bago po ako bigyan ng clearance chineck po muna ni ob ko ung efm ng baby ko nung nakita nya po na ok at normal nag bigay o pumayag po sya na bunutan ako di po ba delikado un kasi sa anesthisia? Di poba nakakasama sa baby ko yun?
Yung OB Gyne mo, nakita ka. Ako hindi kita nakita. Sya ang tanungin mo at wag ako. Yang pagbubuntis, hindi mo ibabase sa online. Madaming fake kang mababasa online. Sa doctor mo ka umasa ng info dahil nakita ka niya, doctor mo siya. Wag sa kung ano ano online. 🙂
Tanong lang po Pwd na po pang magpabunot ng ngipin ang 10 months cesarean
Hello. When did she have her labor?
Hi dok pwedi po bang mag pa root canal kahit namamaga ung ngipin.
Salamat
Hi Cris. Kailangan makita muna ng dentist mo yung current condition ng tooth. Baka bigyan ka ng antibiotic prescrition.
3months ng nakapanganak ang asawa ko, pwede na ba sya magpabunot ng ngipin?
Yes. Affirmative pwede.
Pwede po ba magparetainer ang hindi pa nagpapabrace?
Hindi.
Doc, pwd po ba ako magpa brace khit breastfeed ako, kaanak ko lng po 3months. Thanks
Pwede.
tanung ko lang po nagpabunot kasi ako 3 week ago na sabe ng dentist may naiwan daw po maliit n ngipin sbe lulutang daw ito pero hanggang ngaun wla nmn po nalutang at pag sinisilip ko ay natabunan n ng laman. ndi din nmn po sumasakit anu p kaya gagawin ko
Ipatanggal mo.
Ask ko lang Doc, ano po yung treatment na kelangan sa ngipin ko. The problem is yung back side ng teeth ko ay unti-unti nauubos yung tooth at parang gums nalang na pumalit sa tooth and becaus of that nag shift yung alignment ng teeth ko sa upper part kase walang kabangga sa ilalim. What can I do po?
Send photo.
3 months pa lang po ako nakapanganak. pwede na po ba akong magpabunot ng wisdom tooth?
Hingi ka ng written clearance mula sa physician mo.
Hello doc. 3months na po nung nanganak ako. Pwede na po ba kong magpabunot ng ngipin? Ang dami na po ksing bulok. Tas yung isang bagang ko butas na tas yung sa upper po nun butas na din. Bali 5 yung ipapabunot ko after po ba nun pwede ako magpabrace kahit hndi na complete yung ngipin ko?
HIngi ka ng written clearance mula sa physician mo. Ipakita mo yung clearance na yun sa dentist na pupuntahan mo.
Doc ask ko lang po pwede po ba mag pa retainer kahit may denture teeth?
Mga natapos sa brace ang pwede magretainer.
Hello po, kakapatanggal ko lang po ng braces tapos napansin ko parang nakaslant yung 2 front teeth ko po yung isa naka-pasta yung isa hindi pero pareho sila slanted, lagi ko naman pong suot retainer ko saka dati ko pa siya napapansin since nakabraces pako kala ko magiging straight din siya pero hindi. Huhu ano po pwedeng gawin ?
Send photo sa fb ko.
Anu po bang gamot sa sobrang pamamaga ng mga gilagid?
By actually seeing your dentist like now.
Doc,pwede po ba akong magpabunot ng ngipin 16weeks pregnant na po ako..
Pwede pero as much as possible defer treatment especially extraction til you are done with pregnancy. However if deemed necessary to have the tooth be taken out, the only trimester for pregnant moms na mag pa extract is second trimester
Pwede na po bang magpabunot ng ipin kahit 2 months palang ako nakakapanganak? Kasi nagsswollen na po yung paligid ng ipin ko na need ng bunutin sobrang sakit din po kapag kumakaen ako.
YES
Hello po, doc tanong ko lang po sana kung pwede nako magpa.bunot habang nagpapa.breastfeed. 5months na po baby ko at cs po ako.. okay lang po ba?
Yes. PWEDE
Doc ask q lang po 3
Oks
Doc ask q lang po 3 months po aq preggy pwede po ba aq magpa bunot ??
Answer is no. Very critical ang first trimester.
Hi po doc, pwde po bang magpabunot ng ngipin khit bagong panganak palang? 5 months na po baby ku ngyon tapos C.S po ako, salamat.
PWede. Pero, you will have to ask a clearance from your dentist that shall be signed by your Physician and then you will take that back to your dentist.
Doc… Pwede po ba mag pabunot ng ipin and isang nanay na nag brebreastfeed? Diko na kasi Mathis sakit ng ipin ko…..
Oo.
Doc, 50 yrs old na aq, twice ko na pong naita try na ipabunot ang sira qng wisdom tooth, pero lagi dw aq highblood kada ppunta aq sa dentista,, ngayun po napudpod na siya(ofw kc aq at yearly kung makauwi at makapagpadental cleaning etc,),, nahihirapan po ako, minsan kc namamaga xa lalo pag nasagi ng pagnguya ng matitigas na pagkain. Mabubunot pa kaya ito, may white coat hypertension po kc ako kaya ayaw bunutin ng dentista ko.
Your dentist will have to give you a clearance form that needs to be signed by your Cardiologist or Physician prior to dental extraction. Your medical doctor will have to alter some of your medication prior to dental extraction based on the information that shall be provided by your dentist. Bring that clearance with you once your medical doctor signs and give that your dentist. Your dentist will have to review that clearance form.
Yun ngipin ko po sumsakit nun nagpalinis po ko parang namaga yun gilagid na may sira sa unahan …nu po dapat gawin mg 5 motnhs na po ko
5 months ka ng ano?
pwede po bang magpalinis ng ngipin ang may gingivitis?
Hello Mark. For periodontal or Gum Evaluation. If you have deep pockets, I am sorry but you will need Deep Cleaning, not regular cleaning.
Doc pwd ba magpabunot nang ngipin kahit nagpa breastfeed ?at kakapanganak lang nung june 14
You gotta ask for a clearance from your Dentist to be signed by your obgynist or physician. If your medical doctor gives your dentist the signal, then foregoing with the procedure should be fine.
Wala na po bang oaf asang mabuhay ang isang ngipin pag gumagalaw kunti?
Mabibigyang pagkakataong mabuhay ng mas matagal ang ngipin mo kung ikaw ay Magpapakita sa dentista mo para higit na mapangalagaan ang ngipin na matagal mo na sigurong hindi pinapacheck.
Hi doc ask ko lang po yung anak ko 4 years old turning 5yrs old on dec.
Yung buong teeth nya almost 80% nasira
Na and now namamaga yung rightside na teeth nya pwd bang pabunutan yung ganung age?thanks
Pwede but you and your kid will have to see a specialist for that. Your child will not be able to handle that big of a surgery, especially na conscious sya. You have to see a Pediatric dentist PER THIS CONCERN
Doc, pwedi po ba manigarilyo ang bagong bunot ng ngipin?
BAWAL.