Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

6,981 thoughts on “Q&A”

  1. Hi poh buntis poh akoh ng 4months bigla poh kci natanggal ang jacket koh sa fronth teeth koh anu poh bng dpat gwen…patulong nman poh salamat

    1. You may see a doctor to recement the crown, given the abutment tooth is still healthy and free from any infection. PS. Your dentist will most definitely take xray of the tooth and will have you sign a form

  2. Hi doc, i have root canal before sa lower milk teeth ko po, and still nangingilo parin sya pggising ko ng umaga, balak ko po sanang mgpacrown bridge ung zircon po, how much po ba kapag ngpacrown bridge? Salamat po.. GODBLESS

  3. Hello po Doc. Ask ko lang po kung pwede po akong magpabrace kahit wala na po yung first and second molars ko sa lower teeth ko sa left side po. Thank you po πŸ™‚

  4. Hi! doc ask ko lang po kung ilang araw po magagawa o matatapos kung mag papa irct at jacket po ako?? On the spot ko na po papagawa sana lahat pati bunot. Tsaka kung magkano po kukulangin po ba ako kung 20K lang ang hawak ko?. Pahingi narin po ng recommendation na dentist nyo. Salamat.

    1. Hi Cleng Cleng. Depends on the tooth condition. IF
      1. There is a huge infection going on dun sa ngipin , then treatment may lengthen. Considering may crown pa, pwedeng tumagal yan to a month.
      2. If kaya in one appointment the root canal treatment, then in 2 weeks time.

      1. nag wowork po kasi ako doc. Pag pinagawa ko po ba lahat yun bungi ako nun? so hindi talaga ako makakapag work?

          1. Doc, paano po ako makakapagtoothbrush kung bagong bunot?. pwede po ba mouthwash nalang po gamitin?.

  5. dok nagpabunot po ako ng wisdom tooth sabi ng dentista may natirang fragment ng ngipin ko hindi daw nya matangal at dikit na dikit sa buto ko… ok lng daw po yung ang sabi ng dok ko… may epekto po ba yun dok…? salamat po sa sagot…

      1. doc bahong brace aw den after few days namaga un gums ko sa ngipin n sungki po un ilalim at ibabaw ng teeth po normal lng po ba un? thanks sana magreply kau

  6. hi po, ask ko lang po sana if normal lang po yung sumasakit na pinagbunutan skin. pina tanggal ko na po kasi yung nasa taas ko 12po, then last bunot kopo is nung monday. mag w 1week napo sumasakit yung last na binunot skin is this normal po ba? im also taking a painkiller mefenamic (dolfenal) medyo ntakot po ksi ako na bka kesyo mapano pa daw ako dun. ano pa mgandang gawin? hndi po kse ako pinerescribe ng doctor ko ng antibiotics. simula po ng nagpabunot ako nkaka 4takes po ako ng dolfenal in 1 day dhil mskit talaga, ayoko nmn po kse tiisin ang skit dhil sobrang akit po talaga. thankyou po.

    1. Did you follow post operative instruction [s] ? You are supposed to go back to your doctor for a tissue check and relay all your concern as the doctor who did the surgery is fully responsible of you.

  7. doc itatanong ko lang sana kung tutubuan pa ba ng ngipin ang batang 6 years old bale napalitan na po kc ung unang ngipin nya tpos nadapa po xa at nauga ung isang ngipin at isa po nag kabasag balak ko sana ipabunot tutubuan pa kaya xa ng bagong teeth?

  8. Doc ask KO lang. Last sat nagpabunot ako ng ngipin. After pag uwi KO me biglaang dumating na bisita .nag inuman kami after pumunta kami ng disco. Mga 2 hours ata kami nagsayaw. Kinabukasan I know its hang over dahil masama pakiramdam KO. Pero yung part na binunutan sakin parang namamaga pa at minsan minsan kumikirot. Normal lang po ba un. Thank u po

  9. Good morning po ask KO lang po kung normal lang nararamdaman KO. Nagpabunot po ako nung June 17 after nian may unexpected visitor ako. Nag inuman po kami after pumunta kami disco. Mga 2hours din ata kami nagparty. Until now po medyo nakirot pa sya at prang namamaganpa rin. Thank u po

    1. Bweno, binigyan ka ng post operative instruction ng DOCTOR mo na BAWAL ANG ALCOHOL, BAWAL ANG STRENUOUS ACTIVITY. You should have opt for Bed Rest. And that’s a possibility na meron kang DRY SOCKET.

  10. Hi Doc. I’d like to ask how much ang fixed bridge due to missing tooth. I had braces in the past and now, I am wearing retainers so may ready na space for it. Please help. Thanks

  11. Hi Doc, ilang araw po ba ang required na pahinga after mabunutan ng ngipin magkabilaang bagang? Nakakaramdam po kasi ako ng matinding kirot specially kapag 8 hours akong nagpho-phone time. 2 days rest lang po ang ginawa ko,di po ba yun nakakabinat?
    Thank you po and God Bless 😊

  12. Good morning! I just want to ask something. Kasi tinry ko pong magpabunot kahapon pero hindi ko kinaya yung sakit kaya pinatigil ko na. Nakailang shots na kasi ako ng anesthesia Pero unbearable padin ang sakit. Is there any other way para mabunot yung ngipin ko? May nana na daw kasi sa pinakaroot. Pwede bang magpainject ng pampatulog o anything para mapabunutan kopadin yung ngipin ko? Thank you po sa sagot

    1. You should have a soft food diet on the day of surgery and the day following surgery. Soft foods include ice cream, pudding, jello, yogurt, soup (lukewarm), pancakes, mashed potatoes, scrambled eggs and pasta. Drink lots of fluids to rehydrate. Avoid hard, crunchy foods such as chips that may disturb the extraction site for at least three days. After the third day, you may eat anything you wish, unless given other specific instructions by the doctor. No alcoholic beverages should be consumed for at least twenty-four hours following general anesthesia or as long as you are taking pain medications.

  13. Normal po ba kapag hindi sumakit ang ngipin after magpalagay ng braces? Kasi yung mga kaibigan kong nakabrace, lagi akong sinasabihang masakit daw. Pero hindi naman sumakit katulad nung sinasabi nila. Siguro sumasakit lang kapag nagtatama yung ngipin sa taas at baba, pero hindi katulad nung kanila na hindi sila makatulog sa sakit. Normal lang po ba yon? 😭 Salamat po.

  14. Doc totoo po ba na pag nabunot na yung wisdom teeth atsaka yung kasunod na teeth maghihiwahiwalay na yung natirang ngipin sa baba po?

  15. hi po ask ko lang po nagbraces po ako 2yrs po aq nkbrace kakaremoved lng po khpon napansin ko po ngipin ko ngsspace n agd normal po b yun maaayos p po ba yun ng retainer n ikkbit ng dentist ko??

  16. Totoo po bang may posibilidad n bumaba ang baba ng anak ko once n mabunutan xa ng ngipin sa bagang? 6 years old palang po xa.
    Normal lang po b n mamaga ang pisngi nya?

  17. Good eve po doc.normal lang po ba s 6 y/o na mamaga ang pisngi after mabubutan ang won left side ng bagang nya?

    Maapektuhan po b shape ng facw nya aftee magpabunot s bagang?hahaba po ba ang baba nya?
    Thank u and i hope u will be me coz im still worry.

    1. Swelling is VERY VERY NORMAL AFTER Tooth Extraction. Maapektuhan ang mukha for couple of days , about a week. SWELLING is part of healing. HINDI HAHABA ANG BABA NIYA DAHIL SA EXTRACTION, UNLESS Genetically determined [ meaning the parents or genes of family have long chin].

  18. Doc, nagpabunot po ako 3 days ago. Ngayon po, parang may matulis na bagay po dun sa area na binunotan ng ngipin. Ngipin po ba to na naiwan? Maliit lng kasi sya and nakakalat sya around the area. Thank you po. God Bless.

  19. Pag tpos pong magpabunot pwede po bang kinabukasan mag work out? In case po hindi mga ilang days po pwede??

  20. Hi! Masakit po bang magpabunot ng teeth kahit maga pa yung gums? Gano po kasakit yun? Sabi kasi ng dentist ko bubunutin nya na daw kahit may maga pa. Halos 3 weeks na po namamaga πŸ™

  21. Doc nagpabunot ako. 2 anesticia natural poba na yung pinaginjectionan na gums is parang mag look like singaw? Sakit po kase. Thankyou

  22. doc aq po nag pabrace july 15 den nun july 18 namaga po hn s sungki n ngipin ko un gums po ok lng po ba un? normal lng po ba un ibabaw at ilalim ng teeth namaga po thanks sa reply

  23. Pwede na po bang bunutan ng bagang ang ngipin ng tatlong taon? Kasi lagi sumasakit tuwing napapasukan ng pagkain kasi po butas na.. namamaga minsan at nag ka nana na..

  24. Hi po. Pwede po ba mag pa bunot ng teeth khit walang tulog pang gabi po kc work ko 8 am sked ko for dentist today thanks po.

  25. Doc ,, yung bagang ko po pinapaexray ng dentist ko .. di po niya binunot .. ipaxray ko dw muna then kung bubunutan 4k daw po ang bayad or depende sa dentist ? malaki na rin po yung butas ng bagang ko kaya want ko na din ipatanggal pero sabi ng mcu free dental kung maxray daw nila pde pa daw maagapan at maroot canal.

  26. Hi Doc. masakit po kc yung ngipin ko na na pasta about 2-3 days na nag pacheck up po ako kahapon sabi ng dentist ko may nana daw sa loob yung ngipin ko at kailangan na daw i pa root canal kaso wala po ako budget and may second suggestion sya na pwede nman bunutin kaso daw yung ngipin ko sa harap mag momove daw po. Ano po mas maganda gawin? O safe nman po bunutin kahit medyo masakit pa sya?

  27. good evening doc. ilang minuto o oras po ba bago mawala amg epekto ng anesthesia pag natanggal na ang wisdom tooth??.. ngayon nalang kasi ako mabuhunutan ulit ng ipin kaya medyo kabado po ako. salamat po doc sa sagot and god bless. πŸ™‚

  28. Hi po mag kano bo pa mag palagay ulit ng original na ngipin if nabunot na yung hindi po posteso yung ngipin talaga na lalagyan pa ng metal para doon dumikit yung ngipin

  29. Hi doc magkano po ba mag palagay ulit ng original na ngipin if nabunot na hindi yung posteso yung ngipin talaga na lalagyan pa ng metal para doon dumikit yung ngipin?

  30. Hello po. Napansin ko po after 4 days na makabitan ako ng braces, eh may nakita po akong mga guhit na kulay itim sa wire nito. Tatlo po sa upper front at isa sa lower front. Kalawang po ba un or normal lang? Tsaka napansin ko po na may itim din sa ngipin ko na parang may konting sira. Ano po dapat kong gawin sa dalawang case na yan

  31. Goodpm One of a kind Doctor, Totoo po bang Ice cream lang ang kakainin para gumaling agad ang sakit ng bagong bunot na ngipin? Thank you! Godbless po. More power doc ☺️

  32. Hello doc tanong ko lng po yun braces ko bagong lagay lang po sya lagi po natatanggal yun bracket ko nkailang balik na po ako sa dentist ko tpos pinaltan nya na po ng manipis na wire ..ano po bang problema bkit po nagtatanggalan yun bracket ko? Tpos wala akong mramdaman na sakit nun kinabit na yun manipis na wire ganun po ba tlga pag manipis na ginamit?

  33. Doc tutubo parin po ba yung ngipin ko? Nung 2013 or 2014 po kasi natanggal na sya tapos tumubo ulit,maliit lang po yung tubo paranf baby teeth po pero lumipas po yung ilang linggo umuuga na po sya tas ngayonf 2017 lang po sya natanggal tutubo parin po ba ito? 14 yrs old na po ako

  34. Goodafternoon. Paano po ba gagawin kasi nabasag yung gilid ng ngipin ng sa mama ko ano po ba pwedeng gawin ?

  35. Doc, yung isang ngipin ko po kasi sa harap natanggal napo sya dati(2014 or2015),tumubo naman po sya pero maliit lang po parang baby teeth po sya pero mga ilang weeks lang po ay umuuga napo sya tas ngayong 2017 lang po sya natanggal. 14 yrs old napo ako tutubo pa po ba ito? :–(

  36. Hello po, yung upper first molar tooth ko po ay sira na po so iniisip ko na pong ipabunot and also magpagawa ng dental bridge. How much po ba kapag metal? And how much po kapag porcelain? Thank you

  37. Hi doc ask ko lng po kase yung wisdom tooth q po eh namamga naun po doc hnd ko n po mabuka ng maayos yung bibig ko kung impacted po sya o hindi hndi din po ako sure kase hndi ko pa po n papacheck kase ung ipin po eh nasira na din po magkano po kaya ang gagastusin ko kung sakalaing ipabunot ko na po

  38. Hi po, question.. may sched po ako sa aug 1 ng bunot. wisdom tooth sa upper left side at bagang po ung isa.. almost 2 weeks na po akong umiinom ng mefenamic acid, tatablan po ba ako ng anethesia?

  39. Hi po Ask ko lang po kung ano po pwede mg epekto ng hindi pagpapabunot ng sirang ngipin never pa po ako nagpabunot ng ngipin kung sumasakit man po sya naidadaan ko naman po sa paginom ng gamot pero never ko po pinabunot ung sumasakit na ngipin ko kasi takot po talaga ako magpabunot once ko na po nasubukan magpabunot pero hindi po sya nabunot kasi nung ginagalaw na ng dentista kahit may anestesia na ramdam ko masakit parin sya kapag binubunot wala pong pamamaga ung ngipin na binubunot nung dentista ..sana po masagot nyo ang katanungan ko at kung may paraan po ba na mabunutan ako ng ngipin na wala po talaga ako mararamdaman ma sakit kapag binubunutan na. Salamat po

  40. Dok ano po bang pwedeng ipang dikit sa plastic jacket ko kasi po nalalaglag po kasi kpag kumakaen ako.

  41. hello po.
    magkano po kaya magpa gawa ng splint kc po may TMD ako? at ano po ang second phase after ng splint? i can send u my xray result of open and close TMJ utrasound. thank u

  42. Hi doc. Tanong ko lang po, nabasag yung frontmost tooth ko sa back part nya and then it created a sharp tooth and may pangingilo pag uminom ako ng mainit o malamig. Ano pong procedure ang pwede ko i apply dito and how much it will cost? (Ung pinaka low cost lang po ha marami po kasing pag gagastosan)

  43. ask lang po kung pwede po ba ipabunot ang ngipin kahit hindi umuuga..ang panget po kase ng tatlong ngipin ko,dalawang malaki then maliit sa gitna.balak ko sana ipabunot then ipapustiso nalang pero di naman umuuga

  44. doc..ask lang po kung pwede ipabunot ung ngipin kahit hindi umuuga..ung dalawang ngipin ko kase malalaki then maliit sa gitna ang panget po tingnan gusto ko sana pabunot then papustiso ko nalang.. pero di naman po umuuga e

  45. hi doc ask ko sna kung paano po kng malunok mo ung isang piraso ng braket ng brace ?? ano po kya pd magawa dun ?? maitatae po ba un?

  46. Pano po pag pinabunot ko sungki ko tas pinalagyan ko ng braces pwede po bng umurong yung ngipin run sa bakanteng ngipin gamut ang braces?

  47. Hi po, ask ko lang po kung pwede pa pong ipapasta yung ngipin na may crack at medyo kumikirot paminsan o bunot na po ang kailangan?

  48. Doc ano po ba dapat gawin ganito po kasi teeth ng 9 years old ko.. yung tooth nya tumubo sa upper gums tpos medjo tumutusok kaya yung nagkasingaw sa tapat ng upper lip nya

  49. Good day, Doc!Kakalagay lang po ng brace skin 2 weeks ago sa lower ko, ung upper ko po is bridge, pero parang may sira na sya. If ever po ba pwde ko mag paundergo na sa denture procedure ung upper?

  50. Hello!

    Nagpa-root extraction po ako kanina kasi kailangan na daw and so my tooth was removed. Ask ko lang, are there other ways besides tooth implant para mapalitan yung ngipin?

    I searched kasi, and medj mahal yung tooth implant. Thank you! πŸ™‚

  51. Gudeve po plano ko po sana mgpa rct doc kaso mejo ntatakot po ko.. kasi nung last na nagpaRCT ako 2011 pa po sobrang sakit po mejo natrauma po ako dun. My ginagamit syang karayom na my thread ipapasok dun sa ngipin ko na sira para daw icheck kung patay na ung ugat ng ngipin ko. Sobrang sakit dok kaya simula nun takot na ko sa karayom. Pero nlaman ko dun sa pinsan ko nung ngpaRCT sya this year lng po na di naman daw sakanya ginawa un ng xray lang daw sya tas un na po nalaman na ng dentista kung patay na ung ugat ng ngipin nya. Ganon na po ba ung proseso ng RCT ngaun? Maraming salamt lo dok

  52. Hi po. Tanong ko lang po kung kunyare po ung ngipin sa harap nabasag ung bandang baba ng ngipin kaya pa po ba ipasta yun?

  53. Hi po, may basag po kasi ung ngipin ko sa harap pero sa baba na part po ng ngipin ung basag madadala pa po kaya un ng pasta

  54. Doc mga ilang araw po bago po ako pwede kumain ng kahit anong pagkain pagkatapos ko po magpabunot ng right side po na bagang ko

  55. Hi doc, masakit po ba bunutin ang tooth sa bagang? butas na po kasi sya at sumasakit na. And pwede po ba ipabunot yun kahit masakit? Or need muna uminom ng pain reliever? Thank you po.

  56. Hi po. Nagpapasta po ako anim sa harapan po. Nangingilo po siya pati po babang ipin ko nangingilo eh hindi naman po yun pinastahan. Ano po kayang prob.

  57. Hi Doc, I am experiencing burning sensation on my tongue since last week. Now my tongue turns out to be scalloped. What should i do doc? Salamat po.

  58. Hello doc! Ask ko lng kung ano mangyayare pag di naalis yung temporary pasta? Last june pa po yun til now di p natatanggal. Sabi kc 1 month lng un. Yung first 3days ng pasta masakit then wala na. Tas ngaun may nararamdaman akong parang maga sa site nung pasta. Ano po advice nyo? Salamat po

  59. Hello, doc. Ilang araw po ba muna ang palilipasin bago muling makapagwork-out ang isang taong binunutan
    ng ngipin? Thanks po

  60. hello po doc namamaaga po kase yung gums ko bandang taas sa bagang yung dulo. bulok napo kase butas napo yung gitna. 1month plang po since nung nanganak ako. pwede npo ba ko mag pabunot? or kung di naman po. anung pwedeng gamot? sa nag bebreastfeed? para mawala yung pmamaga?

  61. may abot kayang po kayong fixed rate for crown jacket? yung ipapacrown jacket ko po sana ay nasa incisors part, 2nd to the right po. hirap po kasi akong i-boost ang confidence level ko dahil sa bulok na part ng ngipin ko po.

  62. Hello po good day magtatanong lng po aq tungkol sa ngipin, ung pangil ko po kasi nasira na at tuluyan na po nawala na hindi ko po ito naipabunot at binalewala ko nlng
    28yrs old n po ako kya hindi n ito tutubo.

    ang problema ko po eh hindi po maganda ang amoy lalo na pgkatapos ko magkape o kumain

Leave a Reply