Braces Cost in the Philippines

Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?

Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.

Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?

Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.

Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.

Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.

Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

1,976 thoughts on “Braces Cost in the Philippines”

  1. Hi po doc…gusto ko lng po itanong kung applicable ang braces sa case ko…nabunutan po kc aq ng ngipin sa ibang harapan n part ng ngipin ko dahil sa gum problem. Un lng po yung kulang pero aside from that kumpleto nmn po yung iba kong ngipin may sungki nga lng po aq sa upper front. Mgkno po ang magagastos ko para mgdikit dkit yung ngpin ko sa baba at maiadjust yung sungki ko sa upper front.tnx

  2. hi po ako po si fil .. gud day po may sungki po akong ngipin na medyo matindi po ang pagka sungki kasi nasa loob po e ano po kaya ang dapat kong gawin doc..

  3. may i ask a question? there’s a gap between my 2 middle teeth sa baba…. actually hnd naman sia nabunutan…. kasi nung bata ako… tinooth pick ko ng tinoothpick hanggang sa maghiwalay sia…. now naging gap sia na parang nabunutan ng ngipin? anong dapat gawin po? pustiso o brace? thank you po…

  4. sir another question po… masakit po ba magpabrace kasi ung kawork mate ko dati sa bpo… after nia magpabrace nilagnat sia dahil daw masakit pag nagpalagay ng brace…

    saka 2nd question po…. pag naayos na ung gap pwede na ba alisin ung brace?

    3rd question po…. ano ang dapat at hnd dapat kainin pag nagpabrace kasi mahirap alisin ung mga food remains na maiiwan sa braces po….

    1. 1. Depende sa pain tolerance mo. Ang mga maydugong Spartan, hindi nasasaktan.

      2. Kapag naayos ang lahat bago aalisin.

      3. Soft na pagkain. Syempre bawal ang unas, tubo, sugar cane, mansanas, bayabas, etc.

  5. ang ngipin ko sa baba ay may gap na po dahil pinatanggal ko po yung isang ngipin ko dahil iyon ang sabi ng school dentist namin worry na po ako kasi habang tumatagal eh lumalaki yung pagitan ng ngipin ko, required o kailangan na ba ito e braces ?

  6. Hi po doc, ask ko lang po kung pwedeng magpa-brace kahit walang sungki ang ngipin? Kase gusto ko mag move backward yung upper teeth ko. Haba kase tignan nguso ko tapos tinutukso akong rabbit. Pwede po kaya? Kahit in good condition ngipin ko? And mga how much po kaya total brace lang naman ipapagawa ko. Thanks po.

      1. Gudam doc. Yes wala po sungki upper teeth ko pero ung lower meron. Ang want ko lang ask kung pwede ako magpabrace kahit good condition upper teeth ko? gusto ko din kase umurong sila backward kase po humaba nguso ko dahil sa ngipin ko. 😀 rabbit pa dalwang ngipin ko sa harap. hehe.

      2. Gudpm doc. Yes po, walang sungki yung upper teeth ko, but yung lower teeth ko meron. Ang want ko lang itanong isa kung pwedeng magpabrace kahit good condition yung upper teeh ko kase problem ko lang po kase ee mahaba nguso ko dahil sa ngipin ko tapos rabbit teeth pa ako hehe. 😛

          1. yng lower teeth lang naman po my sungki. pero wala naman problem di naman nakikita yun pag nagssmile yng upper teeth lang po poblem ko. gusto ko umurong :p tska nga pla doc db rabbit teeth ako pwede kaya ipabawas para pumantay sa iba? curious lang kung may ganun? thanks po pla sa answers.

          2. Ipabraces mo. Dahil sa nakikita ko, tuliro ka. Hehehe! Alam mo yung alam mo na ngang may sungki base sa kuwento mo, pero sinasabi mong wala. Rabbit teeth ka. Anong tawag mo sa rabbit teeth? Hindi sungki?

            Madaming pasyente ang nagsasabi ng “Doc, wala namang problema, pero” doon sa after ng salitang pero madami palang problema.

            Example, “Doc wala naman problema, pero may bukol na malaki sa ngala ngala ko na umuumbok sa leeg ko pababa.” Wala palang problema pero may bukol na malaki? Hehehe!

  7. Hi po! Do I still need braces even if I have small spaces in between my teeth sa taas po? And since I have this teeth at the back part po na parang pumasok po going inwards kasi po when I was younger I used to have rotten teeth there and then while waiting for it to come off po, the permanent teeth started going out na po so it grew nalang there inwards..
    I hope you kinda understand how I explained it. Haha. It’s kinda hard po kasi to explain.

  8. hi doc. nagpacheck ako sa dentist dati since nagbalak ako magpabrace. the dentist told me na parang may TMD ako and hindi pantay ung panga ko kasi minsan nagkakaroon ng “clicking” sound when I’m chewing or pag naghihikab tapos parang naglolock ung sa may joint nga.. advise sakin nung dentist is ung taas muna ibbrace then ung sa baba e lalagyan ng parang mouthpiece for 6 months daw tapos nun eh dun na lalagyan ng brace. tama po ba un or pedeng straight to braces na ko?

  9. doc.diba sabi nyu di pwede magbraces kung lower lang..paano po ito may pustiso po ako sa upper ko tapos lumalaki na din ang spaces o gap ng ngipin ko sa baba ?

  10. hello po Doc. I’ll be having my braces on on Saturday, ask ko lang po what color suits best for a yellowish teeth? at saka po, bakit po may mga instances na twice po nagapabrace? thank you po.

    1. Hehehe! Ayos sa tanong. Neon green. Kung hindi natapos ang orthodontic treatment o kaya’y hindi magaling ang dentist o kaya’y pasaway ang pasyente. Madaming dahilan.

  11. hi doc! what is your fb acoount?
    may i ask if pag nagpabunot ka ng ngipin natural ba na namamaga? if yes, for how many days yunng maga?

  12. Hi Doc, tanong lang po. Pag may sira kang ngipin at pinabunot mo. After mabunutan, pwede na po ba yan lagyan nang braces agad? thanks po.

    1. No. Masisira lang ngipin mo niyan lalo na’t pabaya ka. Kapag may braces, may mga ginagawa ang pasyente na pangangalaga na hindi kayang gawin ng pasyenteng tulad mo na “style” lang.

  13. Doc, if ang case ko may isang ngipin sa taas at sa baba na medyo naging underbite ang itsura (positioning baliktad, yung taas nasa likod at yung nasa baba naman ay nasa front) maaayos pa ba ito gamit lang ang braces? Yung ibang ngipin okay ang position ito lang talagang dalawa ang may problema.

  14. pahabol na question..dahil nga medyo na underbite ang dalawa kung ngipin sa isa;t isa, yung nasa taas parang tumatago na sa likod sa katabi niyang ngipin? Maaayos pa kaya ito gamit lang ang braces kasi I think ang braces “vertical push” force lang talaga ang effect at hindi “side pushing” force?

  15. To extract or not to extract a tooth para sa braces. Makatarungan ba? Bagong pasta pa sya.

  16. May retainers po kasi ako kaso naputol po yung, maaayos pa po ba yun, pag dinala ko sa dentist? Kung di naman na po, magkano po pagawa ng teeth retainers po ngayon, upper lang po?

  17. Doc, pano po pag kulang ang teeth ko sa front di ba po ba dalawa dapat ung malaki sa gitna. E doc wala po ung isa nabunot na nun, impacted kasi. Okay lang po ba ipabrace un? Tas ano po gagawin? Brace na lang agad un? Hindi na maglalagay ng jacket teeth? Thanks po.

  18. Pag nagpacheckup na po ba doc? At nagpasukat? Magbabayad na agad? At ah? BTW, ilang weeks po ginagawa ang BRACES? 😀 kasii magpapasukat na po ako sa june7. 13 na po ako

      1. ay soryy. Di ko alam eh. Haha 1st tym ko magpabraces eh.pag nagpasukat naba ako? Ilalagay na rn agd in an Hour?

    1. Depende yan sa perception mo ng mura. Madalas ang murang hinahanap mo ay hindi nag-i-exist. Kasi kung magaaral ng orthodontics ang dentist, mahal talaga. Malaki ang gagastusin ng dentist. Saan niya kukunin ang pampaaral niya kung mura ang singil niya.

  19. doc ano po ba maganda sa ngipin na hiwa hiwalay…taas lang po pero pantay naman xa..yung nga lang hiwa hiwalay lang talaga.
    Thnx

  20. Hi Doc. ask kulang kung magkano magpabraces kasi ung ngipin ko magkahiwalay sa upper part ung mismong harap. .hindi naman gnun kalayo ung agwat sa isat isa. .magkano po kaya ung magagastos ko?

    thanks 😀

  21. hi doc medyo okay naman un taas na ngipin ko yung lower lang ang problema may isang cute ng sungki from cavite po ako meron po kayo kilala dito? and mga magkano po kaya aabutin? thanks

    1. Medyo gusto ko sagutin ang tanong mo. Pero medyo gusto ko pa matulog. Medyo antok pa ako. 🙂 Kailangan maevaluate muna ng dentist yan bago niya masabi kung magkano.

  22. Doc I wanna ask, kasi po may impacted wisdom tooth po ako. Is it necessary na matanggal muna yun before having braces? Gano po nagre-range young cost .ng surgery?

  23. Good Afternoon po doc. Ano po ba pinag kaiba ng LINGUAL braces, CERAMIC braces, METAL braces, at yung INVISIALIGN(yung parang transparent na mouth piece po na detachable?yun po ba yun?magkano po?)

  24. Hello Doc! Ano kaya pwedeng gawin sa upper teeth ko? Kasi pinastahan siya nung dentista ko tapos ngayon meron na sigurong cavity kasi umiitim na. Braces ba ang solusyon nito?

  25. Hi po doc! yung ngipin ko po kasi sa taas at baba underbite then yung mukha ko nadedeform nagtanong po kami sa ibang mga doktor sabi po yung ngipin ko daw yung dahilan kung bakit nadedeform, kasi daw maliit yung panga ko and malalaki yung ngipin ko, nung nagtanong po kami sa ortho ang sabi po 60k daw po yung aabutin. di po ba medyo mahal yung 60k?

  26. hi doc, magkano pu ba kung ang problem lang ng teeth ko ay yung 2 front teeth ko kasi po theres a space between them. do you think mahal po ito?

  27. doc, ano po pinagkaiba ng deep cleaning at scaling? un kase ang gustong gawin ng dental hygienist bago i-recommend for braces. pwede po kaya wag bunutin ang potruding lateral incisor sa lower jaw? thanks po. sana tama ung mga tanong ko 🙂

      1. Sa Singapore po. Si hygenist po ng ang basic cleaning… Then nag-check din si dentist. Tpos nag suggest sila ba dapat ipa-deep cleaning to prevent tooth loss. Per quadrant nga po ang presyo. Meron po kaya deep cleaning sa pinas?

  28. hi doc, I’m 14 years old po. I have my front teeth, ang it’s big. I wanna have braces. I’m not really confident smiling with my teeth out. kailangan poba walang bulok na ngipin bago mag braces?

  29. Hi doc, ask ko lang po kung pwede ibraces yugn ngipin ko may sira po ito sa lower sa taas naman po may bulok. ano po ba ang mga uri ng ngipin na hindi pwede ibraces?

  30. pag may case po magkano usually yung amount?? sungki po kasi yung sa taas ko .. thanks and magkano downpayment?

  31. Doc, magkanu poh magpa-pasta ng dalawang ngipin sa harap na nasa baba??
    Kahit estimate lng poh para meron akong target budget para mapa-ayus yung ngipin ko.
    Salamat.

  32. Hi Doc,magknu po pa Brace sa inyo??nghiwahiwalay na po kasi ung ibang teeth kpo sa harapan ng ngipin ko ehhh…..tas my gum probelm pko…Ung murang budget po Doc.

  33. Doc magkano ang brace pag mag papalagay po ako sa upper teeth q? At saka po necessary po bang mag lagai ng brace pag ang ngipin mu ay one sit apart?

  34. doc may dalawang crown po ako sa taas sa front teeth ko.kaso balak ko paliitan bago magpabraces,pwede po pa paaus un o papalitan nlang?ska may mairerecomend po ba kayo na dentist dito sa cabanatuan NUEVA ECIJA?

  35. bakit ganyan sumagot ung dentist ang pogi
    halikan ko kaya yan para masatisfy ako! Fafa!

  36. Doc, meron akong horizontal impaction ng third molar sa lower jaw (wow), kelangan bang ipatanggal yun para makapagpakabit ng brace? hehe.. di naman siya lumalabas sa gums ehh haha at ang problema ko ay overbite hehe

  37. hello ,,, nag pa brace ako upper and lower,,, then nag down ako almost a half of the whole price. monthly payment ko is 2k/month at kasabay neto ang monthly check up din,,, let say natapos ko na payment ko,, at meron parin mga adjustment at rubber replacement na kelangan… magbabayad pa rin po ba ako ng worth 2k for that? to be honest yun sabi sa akin ng dentist ko… how is it true?

  38. Doc, Gusto ko po sanang mag pabrace sa upper part lang pwede po ba yun?
    Saka po magkano po kaya aabutin kasi d naman po masyadong malala ung pagkasungki
    Dalawang teeth ko sa upper part lang po yung sungki (Yung parang teeth ni bugs bunny)
    If dapat po upper and lower part ang kailangan ibrace, how much kaya yun if ganun lang yung sungki ko

      1. So magkano po yung upper and lower if dalawang teeth ko lang po sa upper part ang sungki
        Kasi nasabi nyo rin po na depende sa sira ng ngipin yung price ng braces kaya curious lang po ako sa price nung akin
        Thnx po

  39. Doc safe ba ung mga nabibiling voucher na naka discounted price ng braces sa net? Alfamiliar po ba lau sa family dentistry sa ma— a…. bldg? Isa po kasi un sa nkita kong promo.daw.

  40. hello doc, paano kung dalawa lang ang ipapabraces sa taas ng ngipin dahil yung isa ko pong ngipin ay tumubo po sa ilalim magkano po kaya ang aabutin ng na price nya?

  41. Please Help! Doc, covered ba ng MediCard (Health Card) ang panoramic xray? kung sa ospital ako mag pa xray na accredited ng health card ko.

    Thank you in advance Doc.

    PS
    kung meron po dto nakaka alam please reply po kayo sa comment na to 🙂

    salamat!

  42. pahabol: doc, can u check if ang ortho ay legit? I can give u the name and loc ng clinic.

    super thanks!!

  43. Helo doc… I have my braces last 2009.. Inalis po last year yun braces sa lower teeth, then this year june naman po sa upper teeth pero.. Naayos po yubg spacing ko sa upper teeth but my bite is still anterior crossbite. NagkaTMD din po ako nayun. Sabe ng dentist i need to wear splint at mylower teeth to correct the bite.. Tama po ba ang management nya? Thanks!

    1. Naghanap ka ng cheapest ano? 🙂 Kung tama ay hindi ko masabi dahil hindi ko alam ang history ng kaso mo at kung ano ang napagusapan niyo. Pero maaayos yang problema mo basta makahanap ka ng magaling na dentist at willing kang magbayad.

  44. hi.good pm.pwede po ba magpabraces kahit may isang false teeth sa upper? then may gap sa upper po pero hindi masyadong malaki ung gap.tnx

  45. Doc. My tanong po ako
    Meron po kc akong sungki sa taas ng ngipin ko.. Naka brace po ako pero po nng lumabas yung sungki ko nasa taas po ng gum ko.. Ano po ba dapat gawin??

  46. Ultimate laugh out loud ako sa mga sagot mo doc. Anyway im having trouble in my upper teeth. . Bgla nlng nagkarun ng gap, like ive noticed small gap since I was high school, (2007 ) tpos ngaun lumala kasya na dlwang toothpick. . Disgusting right! And it made me uncomfortable to smile.. Ive heard na ngcocost dw ang braces 40k sumting and up! Can’t afford i cash out… I was wondering lng naman kng pwd Yn instalments. . Hehe!

  47. doc, natatawa po ako sa mga sagot nyo sa mga nag tatanong..hehehe! nawala antok ko sa mga sagot nyo sa iba. 😀

      1. saan po ba ang clinic niyo…i will ask lang po nung price dahil mahal po kasi pagpapa-brace dito sa amin eh…22,000 php. po kasi …upper part lang po un

  48. Doc,

    Sa front teeth lang po ba concern ang braces..kasi madami ng nabunot na ngipin ko sa may bagang..panu po ba un?..

  49. doc, pwede po ba magpa brace kahit kulang na ung bagang? left and right po kulang ng tag isang bagang.

  50. Hi magtatanong po sana ako kung ano ba dapat gawin sa ngipin ko. Nabunot na both left and right 2nd lower molar ko tapos yung both 3rd upper molar ko naman po ay nagsisimula na mag decay. Pag nag-smile naman hindi naglalapat front teeth ko, hindi pantay. Ano po uunahin ko need advice.

  51. Doc, I have decided to go for braces. Now, my Dentists suggested me to extract ng 2 ngipin. Tanong ko po: Is it advisable to put braces immediately after extraction ng ngipin? Thank you and more power!

  52. Opps Doc, pasensya na. Correction lang po sa spelling “Dentist” not “Dentists” nagmamadali magtype at nasa work. Ito po ang Dentist ko dito sa SG. May kamalan ang pabraces dito compared Pinas pero wala ako choice, kasi dito ako nagwowork. Worried lang ako kung safe ba ang bunot tapos braces. Thank you ulit.

  53. im now 23yo, but still i lack 4 wisdom teeth… gumamit na din po ako ng braces before pero di naman po ako binunutan ng ipin before magstart ang treatment. old strategy po ba yung pagbubunot ng ipin before putting braces?

  54. hello doc tama hu ba itong braces ko bakit po hindi siya na tatanggal..bakit po ito naka kabit talaga nang hindi matanggal kahit mag toothbrass ako tnx

  55. at gusto ku sana ipa tanggal ang braces ko..doc kasi lumipat na po kc ako dito sa mindanao dito na ako naka tira eh dun ako ng pa kabit sa manila..pwdi ho ba itong ipa tanggal s aibang dentis?

  56. hi doc,may pasta ako sa front teeth ko (2)and starting to decay na,gusto ko sanang ipabrace,.at ilang months ba bgo ilagay ang braces kc 1 mnth lng vacation ko..mahal kc dito sa Taiwan magkabit eh..thanks

  57. Doc pwede po ba ako magpa braces up and down kung naka dentures ung 3 ngipin sa front . Kasi po may sungki po ako want ko sana ma ayos sya e kaso po false teeth ung tatlong ipin sa harap. Possible po ba yun? Thank you and godbless.

  58. Hello po doc, tanong ko lang po kung [atleast] magkano pabrace up and down. May partial overbite po ako then sabi ng isang dentist n ngcheck eh 40k daw po, then my kakilala po ako na mas malala p saken ang overbite pero nsa 22k lang po sa knya. May mas mababa p po bng braces than 40k? Hoping for an immediate reply. Thanks. Rabbit teeth po ako pero d nman kalakihan molar teeth ko kya d ako mukhang rabbit ngumiti..

  59. magkanu po pa brace sa inyo? balak ko po kc ulit magpabrace kc po dati naka brace ako kaso pinatanggal ko muna cya kaso po mam may mollar band pa poi ako almost 1 year na po,, pwede po b yun na dyan sa inyo ipatanggal,, den kung mura sa inyo braces dyan na lng din ako magpapabracesa

  60. Hi Doc, i’m 13 and my malaking gap po sa lower teeth ko sa mejo loob dahil po sa binunot na ngipin. 1 year mula nung binunutan, di parin tumutubo. pernanent na ata un e.. di naba talaga un tutubuan? and pede po bang ibrace kahit ganun..

    1. Mukha ngang permanent yung nabunot. Pwede ibraces. Lagi kang magbrush pagkatapos kumain para maalagaan mo ang natitira mo pang ngipin. Pag napabayaan mo, baka wala ka nang ngipin balang araw.

  61. hi ask q lang naaksidente kc q sa motor naputol ung ngipin q sa harapan ung isa kaya lumabas ung sungki qu.. hnd kc xa halata dati .. kaya naisip q ipabrace auko kc ipabunot hnd naman xa umuuga putol lang talaga.. kaso po hnd na kumpleto bagang ko pwd pa po b aq mag brace? para maaus ngipin q then what pwd gawin sa na putol na ngipin po? pwd po b xng sbay? salamat po

  62. Doc, kulit mo!ayoko n tuloy itanong itatanong ko.katakot!anung meron sa Sparta at special mention lagi? 🙂

  63. Doc ano po bang effective na pampaputi ng teeth na ndi gumagawa nung mga treatment like Zoom, etc. naturally Lang po. I’m 2nd year hs. naiinis napo ako sa color ng teeth ko. 2x a day naman po aq nagttoothbrush. Di Lang po aq nakakapagtoothbrush after lunch dahil Nasa school po ako. What to do Doc.,?

    1. Wag mo problemahin ang kaputihan ng ngipin. ANg gawin mo, magbrush matapos kumain, at magfloss ka sa gabi. Ipacheck up sa dentist ang ngipin mo at siguruhing walang sira. Magpalinis ng ngipin ng madalas sa dentist. Kadalasan ang problema ng ka-age mo ay pagkabungi. Babae ka. Ikaw ang nililigawan. KUng nabungi ka, papangit ka. Paano ka ngingiti sa manliligaw mo? Mahirap ngumiti kapag nakapustiso ka. BUti sana kung si Piolo ka, ngumiti lang nilalapitan agad ng Sam Milby.

      Kaya, yang mga ngipin mo, alagaan mo. Wag ka tutulad sa karamihan sa nagtatanong sa akin, puro tungkol sa pustiso. Ibig sabihin, puro bungi at bungal na sila. Wag mo muna problemahin ang shade ng ngipin mo. Kung yellowish yan at sigurado kang hindi dahil sa dumi, eh okay lang yan. Ibig sabihin matibay ngipin mo. Magpalinis ka ng ngipin ng madalas sa dentist.

      1. Doc pag may fix bridge ako sa front teeth pero isa lng fix bridge and open bite ako doc ano dapat gawin ?

Leave a Reply

%d