Sobrang Sirang Ngipin

Lanx : pwede pa po ba ipabunot ang sobrang sirang ngipin (molar) wala po kasing pang RCT ee
Ask the Dentist Philippines

Ask the Dentist : Pwede.

Lanx : Panu po pag wala ng pagkakapitan yung ngipin na bubunutin kaya pa kaya yun ng simpleng bunot lang

Ask the Dentist : Depende. Hindi ko masabi dahil hindi ko makita yang ngipin mo at x ray.

Namaga ang Bagong Bunot

Nikerose : hi doc! namamaga kasi ung bagong bunot ko.. natural ba yun? if yes hanggang kailan yung maga? plsssss reply

Ask the Dentist : Oo, kasi isa kang normal na tao. Kung may dugong Spartan ka, hindi yan mamaga. Inumin mo ung inireseta.

Nikerose : hahaha.. natawa naman ako dun sa spartan. thanks doc! pero for how long usually ung pagmamaga? yung nireseta sakin
mefenamic lang nman..

Ask the Dentist : Wag mo pansinin para gumaling agad.

Nikerose : haysss. okkkk. thank u doc!

Sumakit yung katabing ngipin

Michelle : Doc , may tanung ulit ako. Uhm, binunutan po kasi ko kanina doc, is it normal na sumakit yung katabi na ngipin na binunuTan? na fi-feel ko po kasi na may pain po dun sa katabing ngipin e. thanks doc.

Ask the Dentist : Itext mo yung dentist mo.

Ask the Dentist : Hindi ko masasagot kasi ang mangyayari, yung sinabi ko laban sa sinabi niya. May mga ginawa siyang ginawa niya batay sa nakita niya sa bibig mo.

Michelle : ah ganun po ba doc, sige po , salamat doc

Wisdom Teeth Extraction

Regz : doc magkano po aabutin ng wisdom tooth extraction. 2years na po yung wisdom ko na tumutubo pero di pa din complete, impacted lang yung gums. sabi po nung school dentist namen kelangan ng surgery. magkano po kaya per tooth, pati pre and post medication? thank you.gbu

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/odontectomy/

Regz : saan po clinic nyo? gumagawa po ba kayo ng ganung procedure?
sa clinic po ba kayo or hospital?

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/clinics/

Regz : i mean yung clinic po na kayo mismo yung doctor salamat po

Ask the Dentist : Hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website kaya hindi ako nagpapakilala. Sorry.

Regz : ay ganun po…sige lang po, i understand. may kilala po ba kayo sa chin.gen.hospital na magaling gumawa ng ganung procedure kasi may mild hypertension po ako?

Ask the Dentist : Sa PGH ka na lang. Look for Dr. ____

Regz : natatakot po talaga ako kasi never po ako nakaranas mabunutan ng ngipin. plus more or less magkano po aabutin? say sabihin ni Dr. _____ na yung 4 na wisdom ay aalisin na para mapaghandaan ko naman po. Im 22 BTW na may mild hypertension :))

Ask the Dentist : Ako din natatakot pero kailangan kong harapin ang mga pagsubok. Hindi ko siya kilala ng personal pero alam ko na magaling siya. Sa kanya ka na magtanong. Kasi sinagot ko na yang tanong mo. Hehehe!

Regz : salamat po Doc…babalitaan ko po kayo kapag katulad nyo, naharap ko ang pagsubok :))

Impacted Teeth Surgery Cost Philippines

Ry : Hi Doc, my name is Larry, an IT engineer working overseas. Tanong ko lang if pwede pa i-remedy tong first molar ko, hindi sya totally sira, mga 25% or less has decayed away, pwede pa ba to pastahan? Can this be remedied and prevented from further decay without resorting to extraction?

And one more thing, magkano extraction for wisdom tooth, pretty much all my wisdom teeth are decayed, yung iba sirang sira na at halos wala nang natira sa ngipin, bale apat lahat ‘to and I’m planning to have them all pulled out pagbakasyon dyan sa pinas, pwede ba yung ganon sabay ang apat na ngipin? Kung sakaling pwede mga magkano lahat approximately for 4 wisdom teeth na sirang sira na.

Kung oks lang penge na din ng contact number nyo para tawag ako to set an appointment cause I would have a limited time pag-uwi.

Thank you very much!

Larry

Ask the Dentist : Malamang may infection na sa pulp. Kaya RCT ang dapat gawin. Sa extraction ng 3rd molars, usually 5 thousand pataas bawat isa. Mas mabuting 2 muna tapos 2 ulit after para makakakain ka din sa 1 side. PM mo na lang ako pagkauwi mo.

Affordable Tooth Extraction Philippines

Charizza : hi doc online kba? hehe

Ask the Dentist : No. Why?

Charizza : hehehe ask ko lang po kasi kakabunot lang ng 3 ngipin ko kanina isang bagang tapos 2 sa may gilid sa left side po..tanong ko lang po kung pwede po ba ako ulit magpabunot sa wednesday? kasi may 2 sirang ngipin pa po ako sa may right side po. magpapapustiso na po kasi ako next week.

Ask the Dentist : Pwede, kung kaya mo nang kumain sa left side sa wednesday..

Charizza : lugaw nalang po kakainin ko total holy week naman.. fasting ako nyan.. hehe

Ask the Dentist : Pwede. Hehe!

%d