Caryl : Hi Doc! I have a cousin in Canada, she’s a dentist and she said na kailangan ko ng rapid palatal expander kasi narrow daw ang palate ko. I went to my dentist sabi niya 75K-100K daw. It’s really expensive and I’m not sure kasi most braces cost 50 to 60 lang naman right? How much ba talaga ang magpa-RPE/Braces? Please answer my question. Thank you very much!!
Ask the Dentist : Depende sa pinagaralan. Hanap ka ng may Masteral para siguradong hindi papalpak.
Ohohmelody : doc nung bata pa po ako , takot po ako sa dentist kaya hindi ko po pinabunot yung ngipin ko , then may tumubo po doon sa may canine tooth po, hindi naman po sya nag overlap sa ibang ngipin ko , pero ang origin ng tooth na ito ay nasa mas mataas na parte ng gums ko. doc, maayos pa po ba ito ? T_T
Ask the Dentist : Madali lang yan, ipabraces mo. Pero ang napansin ko, parang may periodontal problem ka. Kailan ka huling nagpalinis sa dentist?
Ohohmelody : ayy , mabuti nlang.. salamat po sa pagsagot pero ano po ba yang periodontal problem ? heheh. matagal na po nung last ako nagpalinis, 2009 pa po yta yun, nung nagpa’pasta ako. ang napansin ko po kasi sa ngipin ko , palagi nman po ako ng to’tooth brush , gumagamit ako ng mouthwash and nag fo’floss po ako , pero madali lang tlga masira ngipin ko. T_T.
Ask the Dentist : Kailangang magpalinis sa dentist every 6 months.
Ohohmelody : uhm , salamt po sa pagsagot pero parang hindi nman po ganyan ang form ng teeth ko, parang katulad po nung kay angeline quinto. sungki po yta ako eh. parang pangil po kasi itong teeth ko.
Ohohmelody : Takot sa Dentist – askthedentist.tv
Ohohmelody : front view at side view po
Ask the Dentist : Hindi ko sinabing ganyan. Sinagot ko yung tanong mo tungkol sa periodontal problem.
Madali lang yan. Ipabraces mo, maaayos yan.
Ohohmelody : hehe. ok po doc magkano po ang magpabraces kung ganito po ang ngipin, magkano po aabutin ?
Ohohmelody : 0_0 .. naku ! paano ko ito sasabihin sa nanay ko ? ang mahal pala talaga. cge po doc . maraming salamat po sa pag’answer :))) God bless po
Farah Christie : And saan po yang clinic ninyo?
thank you po…
pa quote po kung anong material ang ginamit i need a cheap but efficient enough to last na denture since i could not afford to always buy thanks po ulit
Ask the Dentist : Sorry hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Tignan mo na lang bagong recommended dentist ko.
Charisse Mae : ..gud morning poh,,tanong ko lang poh kung pwede pong ipa-jacket ung isang ngipin ko,,may pingas poh kasi ung isang ngipin ko sa harap,,nadapa poh kasi ako dati nung bata pa ako at napingas poh ung kalahati nung isang ngipin ko sa harap..mga magkano poh kung ipapaayos to o papadugtungan?.
Ask the Dentist : Pwede, kung hindi pa sumakit at wala pang infection sa pulp.Mga 5 thousand din pataas.
Young : hello doc tanung ko lng sana kung mgkanu mgpa lagay ng brace pra ma correct ang class 3 malocclusion ko..
Ask the Dentist : P40,000 pataas.
Young : mga gaano katagal pra ma correct po?
Ask the Dentist : 1-2 years depende sa lala.
Young : kasama na po ba sa 40k ang mga session na gagawin?
Young : doc ask ko lng pwd ba ako mgpa kabit ng braces kahit 2days ako galing ngpa bunot ng ngipin..
Ask the Dentist : Nagdecide kang magpabunot muna bago mo napagdecide-ang magpabraces?
Young : oo eh.. sabi kasi ng dentist ko nung bunatan ako ng ipin kung gusto ko daw ipa correct ung underbite ko punta lng daw ako sakanya.. pwd po ba mgpa brace 2-4 days after ako nabunutan?
Ask the Dentist : Ask your dentist. Baka may plano siya. Ayaw kong “sabi ko” laban sa “sabi niya”.
Young : doc upper ang lower na ba pag 60k ang mababayad mo so pgpa braces?
Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Kung may nagsabi na upper lang, magpalit ka ng dentist. Kung sinabing lower lang, magpalit ka ng dentist.
Young : hndi nmn sinabi ng dentist ko na lower or upper lng.. may nakita kasi akong dumaan may parang brace pero lower lng.. na curious tuloy ako
Young : doc bakt sa upper lng nilagyan ng brace ung ngipin ko taz sa baba ay appliance lng daw muna ilalagay nya. curious lng ako doc
Ask the Dentist : Tanong mo sa dentist mo. Bakit hindi mo siya matanong?
Binayaran mo ang dentist mo, kaya pwede ka magtanong tungkol sa braces mo.
Alain Jeff : i have braces po,mga 1 week palng na install then my dentist suggest not to eat nor drink milky foods daw po? tama po ba ito? why po hnd pd mag milk??thanks
Ask the Dentist : Para mabuild ang trust, tanungin mo ang dentist mo. Nasesense kong wala kang tiwala sa dentist mo. Sigurado ako nasa sayo ng number niya. Text mo siya.
Alain Jeff : cause this past days po, i have 3 brackets fall off.. Im just worried po. coz everytime my brackets fall, i have to pay 150 pesos for the recementing..
thanks.
Ask the Dentist : Normal sa kakakabit na braces. Lalo na’t malala ang sungki.
Alain Jeff : Thanks po sa response. Meron po bang dental floss specially made just for braces? Gaano po ka severe ang need ng floss when you have braces installed?thanks
Ask the Dentist : Naku! Hahaha! Tanungin mo ang dentist mo ha. Hindi dapat siya nagkakabit ng braces kung hindi niya itinuro yan. Next adjustment mo magpaturo ka.