Cyst sa Pinagbunutan ng Ngipin

Belle : hi im belle from UAE, mas tiwala kasi ako humingi ng advise sa pinoy na dentist, inattached ko po ung gusto kong i consult senio after ko po mg pabunot my tumubong parang cyst sa pinag bunutan ng ngipin ko, ano po kaya ito? waiting for ur reply .. salamat po

May tumubong parang cyst sabi ng pasyente. - askthedentist.tv
May tumubong parang cyst sabi ng pasyente. – askthedentist.tv

Ask the Dentist : Ilang araw na yan?

Belle : mg 1 week napo, akala ko extra tissue lang po pero ngaun lumalaki po. ano po kaya ito?
pero di po sha sumasakit ang concern ko lang parang lumalaki po sha at sa exact na pinagbunutan ko po sha tumubo..

Ask the Dentist : Napakalinaw ng picture mo. Sa sobrang linaw hindi ko makita.

Inumin mo yung nireseta sayo. Mas mabuti bumalik ka sa dentist at ipakita mo. Mag-chlorhexidine mouthwash ka ngayon.

Dental Cost

Gino Ray : Hi doc,
Galing po ako sa dentist kanina at eto ang quote na binigay sakin for the following procedures. Standard po ba yung presyo o medyo mahal?

Tooth extraction – 2.5k
RCT ng molar – 15k
Dentures – 25k

Ask the Dentist : Mura lang yan.

Gino Ray : Ah ok, thanks doc! So mas mahal pa pala ang singil niyo dyan?

Ask the Dentist : Depende yan sa hirap ng case. Kung kaya ijustify ng dentist mo yan, then mura yan. Kung specialist ang gagawa, then nakamura ka na. Madaming klase ng pustiso. Tulad nito, 25 K usually ang bawat isang ngipin nito:
All Ceramic Bridge with CAD CAM Milled Zirconia Framework

Ask the Dentist : Sa mundo, you get what you pay for. Kahit ikaw siguro, kung mura ang pasweldo sayo sa isang company, hindi mo mapapabuti ang trabaho mo, at tiyak maghahanap ka ng ibang trabaho.

Gino Ray : Ay pag mababa JO, di ko tinatanggap doc. Kaya masipag ako lagi sa trabaho ko to give them what they pay for. Hehe.

Salamat doc idol!:)

Gino Ray : Nga pala doc, napadpad din ako sa page niyong http://www.askthedentist.tv/affordable-dentures-manila/. Yung affordable ba na yun e mas mahal pa dun sa 25k na quote ng dentist ko?

Ask the Dentist : Syempre mas mura yan. Kailangan sa Manila yung pasyente at hindi nagmamadali.

Gino Ray : Aba kung mas mura pala doc, interesado ako dyan! Hindi naman ako nagmamadali doc at taga-Metro Manila ako, sa Paranaque.

Ask the Dentist : Okies. Describe mo problem mo sa ngipin.

Gino Ray : Sa upper part, may missing tooth sa right side malapit sa molars. Sa left side kumpleto pa naman.

Sa lower part, missing ang first and second molar sa left side. Sa right side naman, papabunot ko baka next week yung first molar.

So bale 3 missing teeth now pero by next week baka 4 na.

Ask the Dentist : Bakit mo papabunot yung first molar?

Gino Ray : Sira na doc. After i-clean at temporary filling e nag-swell naman. Either extraction or RCT daw. E yung RCT 15k, it hurts doc idol!

Ask the Dentist : Sinong dentist mo ngayon?

Gino Ray : Di ko alam pangalan doc. Pero dito sa global city yung clinic. Bakit mo natanong doc?

Ask the Dentist : Buo pa yung ngipin mo na sumasakit?

Gino Ray : Buo pa doc. Di na sumasakit after temporary filling. Pero may swelling nga so sabi may infection pa rin kaya dapat i-extract or i-RCT

Ask the Dentist : Kung gusto mo ipaxray muna. Panoramic x ray. Tapos send mo sa akin yung picture.

Bridge sa School

Tin : Doc magkano po b ang pasta sa mga dental school? Mdmi kasi ako ipapasta n mga bagang. San po ba maganda? Kasi tga olongapo pa ko pero ok lng bumyahe prang mas makakatipid din po kasi ako. My fixed bridge din po b sa mga dental school. Missing n po kasi mga bagang ko sa baba sabi nung dentist n ng bridge ng ipin ko sa taas. Mkakaapekto daw un sa ipin sa harap. Gusto ko po kog ngpbridge ako ung mura na kaya willing din po ako pmunta ng manila.

Ask the Dentist : Mahihirapan ka. Pabalik balik ng mas madaming beses pag sa school.

Sobrang Sirang Ngipin

Lanx : pwede pa po ba ipabunot ang sobrang sirang ngipin (molar) wala po kasing pang RCT ee
Ask the Dentist Philippines

Ask the Dentist : Pwede.

Lanx : Panu po pag wala ng pagkakapitan yung ngipin na bubunutin kaya pa kaya yun ng simpleng bunot lang

Ask the Dentist : Depende. Hindi ko masabi dahil hindi ko makita yang ngipin mo at x ray.

Naka-dentures, gustong magpabraces

Paloma : doc, I have dentures po sa upper teeth..yung harap talaga, five teeth po..tapos, feel ko, parang umuurong na din yung ilang nigipin ko, kasi,nabunutan na rin ako sa interior part ng teeth ko..pwede ho bang iPa.brace yan?..para din masabay ko na sa lower teeth ko ang pag papa.brace..salamat..

Ask the Dentist : Possible. Pero mahirap case mo.

Paloma : Salamat po..

Tooth Reshaping Philippines

Michelle : Good am doc, yong friend ko po kasi nagpatooth reshaping, ask ko lang po if pwede magpabrace after tooth reshaping.thanks doc

Michelle : doc! yoohoo!

Ask the Dentist : YUng kaibigan ko din nagpatooth reshaping. Sagutin ko lang, oo pwede.

Michelle : salamuch doc!

Michelle : ah doc ok lang po ba kung 4 na magkakatabing ipin ipaimplant? tapos ok lag din po ba magundergo mri kung may implant na?

Ask the Dentist : Yes. Yes.

%d