Affordable Odontectomy

John Paul : Hi! Nag ooffer po ba kayo ng affordable na tooth impaction? Wala po kasi kame budget sobra po kasi mahal yung operation! Thanks po!

Sir yung dental access card po ba covered yung tooth impaction?

Ask the Dentist : Ask the Dentist po ito, hindi ito dental clinic. 🙂 Unless gusto mong bunutan kita nang Online.

Braces Philippines : Rocker Wally

Whally : dra/dr sa ipin…ask lng pano po kya maayos ang ipin q sa harap..4 sa taas at apat sa baba..kc sungki sya ee..pano po kya maayos un..ung iba nagka bulok bulok n..pabaya kc aq nung kbataan pa aq nung araw…ngaun 37yrs.old na aq..ano po doc..ang mgandang gawin d2???need answer po.
hindi 2loy aq mka ngiti ng bonggang bongga sa pic.d2 sa fb..hahaha..plaging nka tikom ang bibig toink!slamat po ku itoy inyong msasagot.

Ask the Dentist : Kosa! Ipa-dental braces mo. Hanap ka ng magaling na orthodontist. Kapag naayos na yang sungki. rakrakan tayo!

Whally : kya pa ba ng braces ito?cge pg uwi q sa pinas…ayoko kcng ipagalaw d2 sa doha bka pg praktisan lng…o cge…hanapan tau hahaha!

Ask the Dentist : Kaya yan. Habang may buhay, may rakrakan.

Whally : o cge sbi mo ee..ayos yan repapips.rock ‘n’roll!

Wally, ang Rakista
Wally, ang Rakista

Veneers Cost / Laminate Cost

Rubilyn : hi doc, ask ko lang po how much po ang Teeth lamination dito sa Pinas? yung cheapest po..thanks

Ask the Dentist : Piso. Tanggal agad kinabukasan. 🙂

Rubilyn : ah ok.. salamat sa maganda sgot

Ask the Dentist : Yung cheapest sabi mo eh. Kapag cheapest, automatic mababa ang quality. 🙂
20 thousand yung magandang tignan at hindi basta basta natatanggal. 🙂

Rubilyn : thanks, meron po akong napuntahan dentist sa mya medical plaza and sbi po 1200 or 1500php per tooth…so it means po di magandang klase to…

Ask the Dentist : Try mo. Give her a chance. Malay mo. May free soap ba at toothpaste?

E-max Porcelain Veneers
E-max Porcelain Veneers. Photo Credit: Porcelain Veneers Cost

Free Dental Braces Philippines

Edna Angle : Hi doc, I want to ask, where can I find free braces for teeth in the philippines?

Ask the Dentist : Dito sa puso ko. Pero maghanap ka ng braces sa buong pilipinas, mula sa puso lang ang free. Kung ang dentist mo ay kapatid mo, usually free ang braces. Kung ang dentist mo ay nanay mo, kadalasan free ang dental braces. Kung ang dentist mo ay tatay mo, madalas free ang braces. Kung ang dentist mo ay BF mo, usually free ang orthodontic treatment. Ika nga ni Mark Lapid, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!

Ilang days ang paggawa ng pustiso

Saudi Boy Adrian Ubando : Gustong gusto ko talaga ang mga Camel dito sa Saudi lalo na kung ako’y nangungulila. Hi Doc, ilang days ang paggawa ng pustiso?

Ask the Dentist : Hi Saudi Boy Adrian Ubando, kumusta naman ang mga camel sa Saudi? 🙂 Depende sa napagusapan niyo ng dentist mo. Kung rush o minadali, mas mahal. Kung fixed bridge at gagawing tama at eksakto sa procedure, dalawang linggo at kailangan mong magpabalik balik sa dentist. Pero madaming dentist na kakilala ko ang nagsusukat, pagbalik mo tapos na ang pustiso.

Kung ako ang gumagawa ng pustiso, average, dalawang linggo at kailangan mong bumalik balik para magawa ko ng tama. Pero mangilang ngilan lang kaming ganito kasi kadalasan na pumupunta sa aming patient ay yaong mga problematic na kaso na talaga.

Post, Core and Jacket Crown Cost

Gilbert : musta po? may jacket (crown) po ko sa front isang ngipin lng after 15 years naputol po ung pinagkakabitan na ngipin. nilagyan ng turnilyo nung dentist para maikabit uli ung crown at ni RCT ko. pero after 1 week nauga na ung crown bumalik ko para ikabit uli kaya lng after 2 weeks umuga na nman. dati 15 years ung tinagal kung hinde pa naputol ung ngipin ko hinde siya matatanggal. Maiikabit pa kyo ung crown ko na kasing tibay nung dati, takot tuloy ko kumagat bka kasi bigla matanggal. May kilala po ba kayo magaling na dentist sa laguna at medyo affordable po.magkano po kaya magagastos? d2 ko nga pla pinakabit uli sa saudi kasi d2 naputol pero sa pinas ko pinagawa ung crown ko.. uuwi po kasi ko sa december..salamat po

Ask the Dentist : May gagawin diyan para hindi matanggal agad. Malaki ang possibility na papalitan ang crown mo. At babaguhin din yang kakabitan. Ang karaniwang magagastos mo para siguradong hindi matanggal agad ay mga P12 K. Kung mabibigyan mo ako ng copy ng X-Ray mas mainam. Mahirap hanapin ang combination na “Magaling + Affordable”. Yung mga magagaling, kaya magagaling ay nag-aaral sila. At ang pampaaral ay pera. Bayad sa tuition at bayad sa gamit ng mag-aaral na dentist. Expect na may kamahalan ang mga dentist na naglalagay ng crown na hindi matatanggal agad.

Philippine Dental Braces

Philippine Dental Braces
Philippine Dental Braces

Meth : hello po ask lang po ako kasi po yung teeth ko upper and lower hindi magka dikit cause po ng tumb sucking mahirap po mag salita specially letter S puro hangin lang lumalabas i pronounce it esth anu po bang dapat kong gawin para magkadikit na teeth ko any suggestion po?reply me asap po thanks 🙂

Ask the Dentist : Ilang taon ka na Meth? Dental braces ka dapat. 🙂 O kaya send ka ng photo ng smile mo, use MACRO sa cam, ngiti na naka-e. Wala ka pa naman bang missing na ngipin?

Meth : cge po mag send po ako ng picture bukas im 23 na po turning 24

Ask the Dentist : Bukas kasi magtu-24 ka bukas? 🙂

Meth : hindi po turning 24 this jan
dentist po ba kayo?i saw your site po kasi sa ask the dentist

Ask the Dentist : Sa kasamaang palad oo. Haha! Ikaw patient ka? 🙂

Meth : hahaha opo pero my time pa po kayo mag message doc ahh 🙂

Ask the Dentist : Nakita din kita sa website. 🙂
Syempre naman. Ikaw pa.

Meth : hehe cge po doc..san nga po pala clinic nyo?

Ask the Dentist : Sa Manila. Pero kahit nasa Manila, pwede mo pa din akong tanungin, for free. May promo kasi ako ngayon, magtanong ka, may isa kang free na sagot.

Meth : Isa lang ba?eh kung madami tanong ko doc ok lang ba?all for free din? ^_^

Ask the Dentist : Syempre. kada tanong may isang free na sagot. Kaya pag madami, madami ding sagot. 🙂

Meth : My missing na po ako na teeth sa front upper part tango isa tapos pinalagyan ko po ng denture magkano po ba ang implant sa tango?

Ask the Dentist : Ano yung tango? 70k pataas kada isang implant

Meth : yung parang pangil po

Ask the Dentist : Yung sa likod ng pangil?

Meth : yung pangil mismo

Ask the Dentist : Sayang naman.

Meth : ang pangit po ng ngipin ko nakakahiya anu po bang dapat gawin dito?

Ask the Dentist : Madali lang ang case mo. For dental braces ka. Yun nga lang dapat maghanap ka ng magaling sa ortho na dentist.

Meth : bakit po doc my pag asa pa po bang tumubo mga ngipin ko pag nag pa braces ako?

Ask the Dentist : Para maiayos ang sungki. Habang may buhay may pagasa.

Meth : hindi namn po ata sungki ngipin ko eh hindi lang po talaga magka dikit upper and lower teeth ko kasi nung bata pa po ako nag tutumb sucking po kasi ako kaya hindi sya tumubo…pag nagpa braces po ba ako mag kakadikit na mga teeth ko?
at sa picture lang po mukhang sungki tignan kasi po nagalaw yung camera pero maayos namn po ngipin ko sa upper part…

Ask the Dentist : Buweno, kung para sayo hindi sungki, ano ang tawag mo diyan? Sa presinto ka na magpaliwanag. Dental braces nga ang solution diyan. 🙂

Ask the Dentist : Sungki. Oks? Ano ang mapapala ko kung magsinungaling ako sa nakikita ko? Hahaha! Sinabi ko bang sungki out of nowhere? Sungki nga madam. Sungki. Sungki. Sungki. Hahahaha! Dental braces ang solution. Kung gusto mo ng ibang solution, meron akong kilalang barbero dito sa kabilang kanto. 🙂

Meth : hahaha masusunod po doc…anu ba yan!!haha thank you po 🙂

Meth : ouch! inulit ulit pa talga sungki talaga? cge doc kasi ang haba narin ng hair ko hahaha :v opo mag papa braces nalang po ako para maayos na ngipin ko ^_^

Meth : haha hindi naman po kayo mabiro….anu po ba yung jacket crown?

Ask the Dentist : Kapag ang ngipin ay may sira. At ito’y hindi na kaya sa pagpapasta, jacket crown ang inilalagay. Ito ang photo ng jacket crown: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

%d