Affordable Jacket Crown Cost

Gilbert : musta po? may jacket (crown) po ko sa front isang ngipin lng after 15 years naputol po ung pinagkakabitan na ngipin. nilagyan ng turnilyo nung dentist para maikabit uli ung crown at ni RCT ko. pero after 1 week nauga na ung crown bumalik ko para ikabit uli kaya lng after 2 weeks umuga na nman. dati 15 years ung tinagal kung hinde pa naputol ung ngipin ko hinde siya matatanggal. Maiikabit pa kyo ung crown ko na kasing tibay nung dati, takot tuloy ko kumagat bka kasi bigla matanggal. May kilala po ba kayo magaling na dentist sa laguna at medyo affordable po.magkano po kaya magagastos? d2 ko nga pla pinakabit uli sa saudi kasi d2 naputol pero sa pinas ko pinagawa ung crown ko.. uuwi po kasi ko sa december..salamat po

Ask the Dentist : May gagawin diyan para hindi matanggal agad. Malaki ang possibility na papalitan ang crown mo. At babaguhin din yang kakabitan. Ang karaniwang magagastos mo para siguradong hindi matanggal agad ay mga P12 K. Kung mabibigyan mo ako ng copy ng X-Ray mas mainam. Mahirap na hanapin ang combination ang “Magaling + Affordable”. Yung mga magagaling, kaya magagaling ay nag-aaral sila. At ang pampaaral ay pera. Bayad sa tuition at bayad sa gamit ng mag-aaral na dentist. Expect na may kamahalan ang mga dentist na naglalagay ng crown na hindi matatanggal agad.

Hanapin mo na lang kung ano pinamadaling puntahan.
http://www.askthedentist.tv/clinics/

Gilbert : maraming salamat po..

Ask the Dentist : No problem

Permanent Dentures Philippines

Troy : Hi magkano po kaya yung root canal? May dentures po ako gusto ko sana yung hndi na po natatangal?

Ask the Dentist : Hindi pwede i-root canal ang denture. Ngipin na may infection lang ang pwedeng i-root canal.

Troy : Ah.ganun po ba ano po ba tawag sa permanent na pustiso yung hndi po natatangal? Bridge po ba tawag dun? Thank you po!

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Ilan ba ang missing na ngipin?

Troy : 6 po sa taas may dentures naman po kaso gusto ko na po sana ipaayos kasi nahi2ya na po ako humarap sa tao e kaso bka po kasi mahal mag paayos ng ngipin wala pa naman po ako trabaho! Kaya po tntanong kung magkano para po mapag ipunan.

Ask the Dentist : Picturan mo para makita ko.

Troy : My clinic po ba kayo? Bka po pwde pumunta na lng?

Ask the Dentist : Oo may clinic ako.

Troy : Saan po location? Salamat po

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/clinics/

Troy : Ok thanks

Jacket Crown Cost

Jacket Crown Cost
Jacket Crown Cost

Kelv : Bale ang tanong ko po. Ano po pwede pang gawin dito? I mean para mas maging maganda tignan. :'(

Ask the Dentist : Papalitan ang crowns mo. Aabot din ng 20 thousand yan.

Kelv : Pag po napalitan ano po mangyayari? Mas magiging okay na po?

Ask the Dentist : Pag napalitan na, congrats bago na ang crowns mo. Hahaha! Syempre, maghanap ka ng magaling na dentist. 🙂 Manila ka?

Kelv : haha ganun lang sir tapos okay na???
Pampanga ako doc 🙂
Eh doc yung tatlong pinaliit hindi na pwede maayos? I mean marestore?

Ask the Dentist : Marerestore iyan sa crowns na lang din. Hindi na pwede sa pamamagitan ng pasta. Hanap ka ng magaling na dentist. Malayo ka, Manila at Pangasinan ako. 🙂

Kelv : Paano ko po ba malalaman if magaling yung dentist? -___- AH bali crowns lang din po ang solusyon? :'(
Pupuntahan ko nlng kayo doc okay lang kahit malayo basta pagwapuhin mo pa ako lalo doc haha! 🙂

Ask the Dentist : Bwahaha! Sure!

Kelv : Weh promise doc? hehe pero seryoso my pagasa pa po ba yan? For me to have a better smile? Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa. 🙂

Napapalitan ba ang jacket?

Napapalitan ba ang jacket?
Napapalitan ba ang jacket crown? Photo credit: Dentures Price

Belen : hello,,ask qo lang po,napapalitan ba un jacket sa ipin,kasi sira na po kc un pinag kakabitan,,at mag kano un isang ipin pag nag pa jacket per teeth ba bayad nun?

Ask the Dentist : Oo napapalitan ang dental crown. Kung may sira gagawin ang sira. Kung masakit na dapat itong i-rootcanal. Oo, per teeth ang bayad. 5.5 thousand pesos pataas ang bayad.

Belen : hindi po masakit un pinagkabitan ng jacket,yong nangitim un ipin lng sira ata s loob na,pag i-rootcanal ano gagawin s ipin wla po kc aqo idea,at magkano uli byad nun..thanks po,

Ask the Dentist : Ipa-x-ray mo muna. Tapos send mo sa akin para makita ko kung for RCT. Depende sa kung anong ngipin. 🙂 Harap ba?

Belen : ganun po ba un sa harap po kasi,dalawa ipin pinag kabitan..cge po salamat..

Ask the Dentist : Oks no problem 🙂

Canine tooth, delikado bang ipabunot?

Glenn : Good day po. May butas po ang left canine ko.parang abot sa gums. Minsan po may fluid na lumalabas and medyo mabaho. Pwede po ba i papasta ko nalang ito?

Ask the Dentist : Ipakita mo sa dentist kung pwede pa pastahan. Or, magsend ka ng xray sa akin. Sumakit na ba?

Glenn : sumakit na po ito dati. din namaga cheek ko malapit sa nose. but now indi na..ayaw ko din namang mag pa RCT.

Ask the Dentist : Kung sumakit na, sign yan na abot na sa pulp. Kung abot na sa pulp, kailangan I-RCT. Kung ayaw mo magpaRCT ipabunot mo.
Kung infected na ang pulp at pinapasta mo, sasakit din lang. Sayang lsng ang gastos mo. Para mawala ang infection, pwede mo ipa-RCT or ipabunot mo.

Glenn : masyado pong mahaba ang canine ko..baka delikado po ipabunot.

Ask the Dentist : Bale anong tanong mo?

Glenn : di po ba delikado ipabunot ang canine?

Ask the Dentist : Lahat ng bagay delikado. Kahit pagtawid sa daan. Pero nakikita mo ang mga tao, tumatawid. Delikado din ang kumain ng mamantikang pagkain, pero kinakain pa din ng tao. Delikado ang magpaulan, pero madaming kabataan ang naliligo sa ulan. Delikado ang makipagtext habang nadadrive, pero madami pa ding nakikipagtext habang nagmamaneho. Lahat ng bagay delikado, pero hindi sapat na dahilan ito para tumigil ang mundo sa pag-ikot.

Glenn : XD?
Ok po doc.

Ask the Dentist : No problem. 😀

Glenn : may kilala po ba kayong destist sa cebu na magaling at mura

Ask the Dentist : Mahirap hanapin ang combination na yun. Kasi ang dentist, nag-aaral para gumaling. Pera ang kailangan niya para makapag-aral. Saan niya kukunin ang gagastusin niya kung mura siyang maningil?

Tooth Extraction Philippines

Roxanne : hi gud eve 🙂
ask ko lng po ano dapat kong gawin nagpabunot po ako ng ngipin last nov2 sa bagang 2 po sya sabay magkatabi po kxe den nung binunutan po ako naramdaman ko po ung sakit sabi ng doctor my nana daw den ung nireseta nia lng po mefenamic ..hanggang ngaun po maga ung gums ko tsaka parang my nana pati ung side ng gums ko meron na ..iniinuman ko po ng amoxicillin ..help me pls natatakot po ako kse mag 1’1wik na po … tnx gbu

Ask the Dentist : Gumagaling pa lang. After 1 week ganun pa din, ask mo ulit ako.

Roxanne : ok po ..cge po ..madaming thank u po :))

Toothbrushing in Pediatric Patients

Josephine : Gud pm po,tanung ko lng po kung ilang taon pd ng toothbrush-san ang bata?salamat po

Ask the Dentist : Pagtubo ng ngipin pwede na.

Josephine : Ok n po b gmitan ng toothpaste n gmit ng adult ang 2 yrs old or mern pong toothpaste n para s knila,kung meron po,ano un,tnx po gud morning

Ask the Dentist : Yes pwede.

Fixed Bridge Cost

Christian : hi pde po mgtanong? mgkano po b mgpafixed bridge ? pde b kht isang ngipin lng?

Ask the Dentist : Ano ang isang ngipin? Yung bungi? Isa ang bungi?

Christian : hindi po bungi bale may damage lng po.

Ask the Dentist : Jacket a.k.a. crown ang gagawin.
Crown ang tawag.

Christian : anu pong ggwin s ngipin? tska mgkano po kya ung gnun?

Ask the Dentist : P5,000 pataas

Christian : aah gnun po b . hmm gnu po ktgal ung gnun?

Ask the Dentist : 1 – 2 weeks.

Christian : e ung lifespan ng crown?

Ask the Dentist : 7 – 14 years functional pa ang crowns mo.

RCT Cost Philippines

Brylle Yu : pwede po ba ipa rct yung front teet kahit malaki na yung butas nito ?? tnx.

Ask the Dentist : Oo.

Brylle Yu : sa tingin nyo po magkano po ?

Ask the Dentist : Sa tingin ko hindi ko pa nakita. 🙂 P3,000 pataas kapag isa lang ang canal. Tapos sa crown, P5,000 pataas.

%d