Nasira ang Permanent Denture

Pepito McCracken : Bakit po ang permanent denture ko nasira agad?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Kahit yang denture mo. Gaano kaagad ba ang agad? Ilang taon? Anong klase? Nabagsak mo ba?

Yang denture mo, dapat i-adust yan every 6 month to 1 year. Dapat din pinapalitan yan every 7-14 years (depende sa klase ng pustiso)

Paano hindi magka butas sa ngipin

Lori : Hi doc. Paano hindi magka butas sa ngipin?

Ask the Dentist : Hi Lori. Toothbrushing ang pinaka-effective. Dapat malaman mo ang tamang pagba-brush. Madalas at matagal na pagba-brush. Hindi sapat angg brushing lang, samahan mo ng dental floss tuwing gabi.

Sa 1st birthday ng anak mo, naipunta mo na dapat siya sa dentist. As intro. Para kapag may problema, malaman agad.

Every 6 month ang bisita sa dentist.

Bukod sa oral prophylaxis, magsasasuggest ang dentist mo depende sa pangangailangan sa condition ng anak mo. Tulad ng fluoride application, varnish at sealant.

Sa kanyang paglaki, at tamang edukasyong pangdental, masasanay siyang alagaan ang ngipin niya at masasanay din siyang magpunta sa dentist ng regular.

Para hindi magkabutas ang ngipin, team effort yan. Ikaw at ang dentist mo. 🙂

RCT at Crown

Gabby : Ina-rct ang ngipin kapag itoy sumakit na diba? Kasi i ask a dentist before di raw pwedi i jacket ang ngipin pag sumakit. Eh ung 2front ko sumakit na dati. Pwede pa ba i-crown ito?

Ask the Dentist : Kapag ang ngipin ay sumakit dahil infected na ang pulp. ina-rct ito. Para marestore ang ngipin na ina-rct, dental crown ang inilalagay.

Estimated Braces Cost – Root Canal Cost – Crown Cost

Gerome : Hi po kapag i roroot canal ang 2 na ngipin at ipapa crown ang 3 ngipin mga magkano po kaya un? Saka pwedi ba mag pa brace kahit ung 3 ngipin ay naka crown? Thanks
Estimate price for 2root canal and 3crown po saka magkano po ang brace ngaun pag taas lng

Ask the Dentist : Una mong pag-isipan kung gusto mo magpabrace. Paraa maging mas simple ang treatment plan sayo ng dentist mo. Para din hindi gawing dikit diikit ng dentist mo ang crowns mo. Oo pwede ka magbraces kahit may crowns ka. Pero depende din sa pagkakagawa ng crowns.

Gusto mo ng estimate ko, kunyari patient kita. Dalawang anterior teeth na RCT, mga 6 thousand. Sa tatlong crowns mo 16 thousand.

Sa braces mo, P35 thousand pataas. Lilinawin ko lang yang pagkakaintindi mo sa braces. Oo may mga dentist na naglalagay ng braces na taas lang. Pero tanungin mo sila kapag may kilala kang dentist na gumawa, saan nila nabasa na pwedeng gawin yun.

Hindi pwedeng upper lang ang lagyan. Hindi din pwedeng lower lang ang lagyan ng braces. Upper at lower ang nilalagyan. Magkatugma yang maxilla ang mandible mo. Unless may kanser yang baba mo at tatanggalin, yun pwede kang lagyan ng braces sa taas lang.

Pwede pa po ba ipasta ang front teeth ko

Charlz : Pwede pa po ba ipasta un front teeth ko. nabali ksi siya!! medjo may butas na kasi siya coz of cavities.. ano po ang magandang solusyon sa ipin ko?thanks in advance 🙂

Ask the Dentist : Malaki ang possibility na involved na ang pulp. Kung involved na ang pulp, ipa-RCT mo tapos crown. Pumunta ka sa dental clinic, at ipatingin sa dentist.

%d