Mary : Bakit sa iba kapag nabunutan nakikita ang space? Hindi cea dikit na dikit?
Ask the Dentist : Ikaw ba si iba? 🙂
Itanong mo sa Dentista!
Mary : Bakit sa iba kapag nabunutan nakikita ang space? Hindi cea dikit na dikit?
Ask the Dentist : Ikaw ba si iba? 🙂

Malu Reyes : Tanong ko lang po. Maganda ba ang jacket sa teeth?
Ask the Dentist : Ang kagandahan ng jacket (dental crown) ay nakadepende sa gagawa at kung anong materyales na pinili mo. Ang gagawa ay pwedeng Prosthodontist at pwede ding ang paborito mong dentist. Ang materyales na pwedeng gamitin ay acrylic o metal ceramic o all ceramic. I-exclude na natin ang acrylic dahil inferior talaga ang acrylic kung esthetics ang pag-uusapan. Ang metal ceramic na kilala ding porcelain fused to metal crowns ay madami ding uri. Ang all ceramic na kilala din sa tawag na all porcelain crowns ay marami ding uri.

Porcelain fused to metal crown. Photo credit: Cost Dentures
Para maging maganda ang crown mo, kailangan mong maghanap ng magaling na dentist na kayang gumawa ng maganda at functional na crown. Natural looking at nagagamit pangngiti, pangsalita at pangkain.
Bukod sa galing ng dentist mo, nakadepende din sa materyales. Mas maganda ang all porcelain crown sa porcelain fused to metal crown. Pero mas mahal ang all porcelain crown, mga 5x or 10x ang halaga kumpara sa porcelain fused to metal.
Mary-Ann : Hello! Natatakot na akong magpabunot ng ngipin, kc twice na ako ngpabunot ng ngipin up and down cea sa my bagang on the same side.. But if u are going to check it wala ceang space dun sa pnagbunutan and ung mga tooth na katabi nung mga pnagbunutan is dikit na dikit.. Then ngeon feeling ko parang nag.Adjust dn ung jaw ko kc mnsan nglolock cea.. My koneksyon ba un sa jaw ko ? Or normal lang ba un na ngdidikit ung 2 ngipin na katabi nung pnagbunutan ng ngipin ? Ndi ako makapagpacheck.Up kase walang time.. Busy sa work.. Thanks..
Ask the Dentist : Oo connected yang ngipin mo sa jaw mo. Oo kapag nabungi, gumagalaw paunti unti ang ngipin mong natira sa puwang at unti unting magiging abnormal ang kalagayan ng ipinangkakain at ipinangngingiti mo.
Pagpahalagahan mo. Hindi ka mawawalan ng time sa mga bagay na mahalaga sayo.
Sheryl : Hi doc. Fake yata ang dentist ko. Ano ba ang dds?
Ask the Dentist : Hi Sheryl. Apat ang nakikita ko na common DMD, DDM, DDS at BDS. Ang DDS ay Doctor of Dental Surgery. Mga dentist na graduate sa US ang kadalasang may DDS. DMD at DDM ang madami sa Pilipinas. Ang BDS ay madami sa India. Ang gamit nila ay nakadepende kung ano ang ibinibigay na title ng School kung saan sila nagtapos. Pare pareho lang silang Dentist. Para makasiguro ka, laging nakalagay sa dental clinic sa Pinas ang school diploma at PRC Certificate. Required yan ng batas sa Pilipinas.
Nicole : doc ask ko lang po, plan ko po kc mag pabrace eh for xray pa nman ako. yung case ng ngipin ko is may kulang na 2 sa front teeth ko hindi ako tinubuan taz ung lower gums ko medyo maga daw. ok lang ba na i-brace nako khit hindi pa natritreat yung maga na gums ko? tnx po. eh ang sabi lang nya i-floss ko daw yung gums ko na maga
Ask the Dentist : Kailangan ma-treat muna ang gums mo. Kailangan maayos muna ang periodontal problem bago simulan ang orthodontic treatment.
Sthepen Cohen : Dok! Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Ang tanong ko po ay: Mahal ba talaga ang root canal treatment?
Ask the Dentist : Hi Sthepen Cohen. Oo, nasa mabuti akong kalagayan. Nasagot ko na ito dati: RCT Cost. Mura ang root canal treatment kung long term ang iisipin mo. Kung ang plano mo ay mabuhay pa ng matagal, mura ang root canal treatment kumpara sa ipabunot mo saka bridge o pustiso. Mas conservative ang onlay or crown para sa na-root canal na ngipin kaysa pustiso sa bunging ngipin. At mas masarap ipangkain ang ngipin o ngipin na may crown kaysa sa bridge o pustiso. Basahin mo na lang ang inilink kong post para sa impormasyon.
Cora De Leon : Doc, paano mawala ang dilaw na dilaw na ipin?
Ask the Dentist : Hi Cora de Leon. Depende ito kung ano ang rason kung bakit dilaw. Pwedeng tanggalin sa simpleng oral prophylaxis. Pwede mo din itong ipa teeth whitening sa iyong Dentist. Pwede itong lagyan ng laminate o dental crown, kung talagang malala ang kondisyon ng ngpin mo.
Continue reading “Teeth Whitening Philippines”
Carla : Dearest dentist, my son has sweet tooth and he’s only one. A few weeks ago i noticed his front teeth has this brownish stain near the gum area and its breaking a little when you scratch it. Im worried it will turn into toothache and eventually fall. Can you suggest whats best to do? Thank you so much.
Ask the Dentist : Anong location mo? Punta ka sa pediatric dentist. Pero sa ngayon, turuan mo magbrush. Tapos, turuan mo magbrush. Tapos turuan mo magbrush. Kahit kumain siya ng matamis, turuan mo magbrush. Gamit ka ng may fluoride na toothpaste. Pumunta ka ng dentist, pediatric dentist ang puntahan mo dahil mas alam niya ang dapat gawin sa condition ng anak mo.
Carla : Sa laguna po. Safe po b just in case he swallows a little of the toothpaste while brushing? Should i make him drink water after brushing just to wash any residue left? thank you.
Ask the Dentist : That’s why kailangan mo makahanap ng pediatric dentist. Turuan mo maggargle. Or spit. Dumura. Wag mo paiinumin, syempre.
Ask the Dentist : Safe ang toothpaste, pero wag mo namang painumin o sadyain na makainom para lang mabanlawan yung toothpaste.
Paul : Hi po Doc! Ask ko lang po sana kung pwede po bang magpa-braces muna bago magpa-pasta? Tsaka ask ko din po kung pwede pa rin magpa-braces kung may jacket yung front teeth ko. Thanks po.
Ask the Dentist : Hindi. Sa Orthodontic treatment, ang pinakainiiwasan natin ay tooth decay. Mahirap mag-maintain ng kalinisan sa bibig kapag nandiyan na ang brackets at wires ng orthodontics. Kaya ang dentist, sinisigurong alam ng pasyenteng linisan ang kanyang mga ngipin kapag nailagay na ang braces.
Kaya bago pa man ilagay ang braces, dapat wala nang papastahan. Dapat pastahan muna lahat ng dapat pastahan bago ikabit ang braces.
Isa pa, may tendency ang pasyente na hindi na magpapasta kapag nailagay na ang braces. Sigurado na kapag nailagay ang braces at hindi ka nagpapasta, lalala nang lalala ang caries ng mga ngipin mo, hanggang sumakit ang mga ngipin mo dahil sa infection.
Para sa pangalawang katanungan mo. Oo, pwede kang magpabraces kahit may jacket ang front teeth mo.
Juan McCkraken : Doc, ilang araw ang pustiso? Ilang araw po ba bago ko maisuot ang pustiso mula sa unang pagbisita ko sa dentista.
Ask the Dentist : Depende sa uri ng pustiso. Ito ba’y : Complete denture or removable partial denture or fixed partial denture. Depende din sa kung anong uri ng complete denture, uri ng removable partial denture at uri ng fixed partial denture.
Ito ang tandaan mo, mas matagal gawin, mas maayos ang denture treatment. Mas madaming balikan ng patient sa dentist, mas maayos ang kalalabasan ng denture treatment. Maniniwala ka bang kapag ni-rush ang isang bagay ay magiging maayos ang kalalabasan? Kahit ikaw kapag minadali ka ng boss mo sa isang trabaho, tiyak mo bang mapapaganda mo ang kalalabasang resulta?
Kung susundin ang treatment plan, matagal dapat at ilang balikan dapat.
Para sa akin, minimum ang 2 weeks. At lampas apat na balik ng patient.