Wala nang Pang-nguya

Joyce : Good day, doc! Hindi ko alam kung madali lang talaga masira ang mga ngipin ko, especially yung mga molars, or lack of proper hygiene na din. Yung premolars up and down ko malaki na ang sira. Honestly halos lahat ng molars ko nasira na and nabunot na din yung iba. Medyo may takot din kasi ako sa dental procedures kaya napabayaan na ng tuluyan yung mga maliliit na sira dati. Ayaw ko sana ipabunot yung premolars ko kasi it would affect my smile kasi mahahalata na. Gusto ko lang po sana itanong kung may pag asa pa marestore yung ipin ko. Nagsisisi ako na napabayaan ko yung teeth ko, lalo ngayon nahihirapan na ako kumain kasi sumasakit na sila at wala na halos ako pang-nguya. Hindi pa ako nakakapagpacheck sa dentist kasi busy din ako sa work and wala pa din kasi akong pera. Ano po kayang dental procedures ang pwede para sa akin? Thank you po, doc!

Joyce : As much as possible, ayoko po sana mag dentures. May ibang procedures pa po ba na pwede and how much po kaya?

Ask the Dentist : Sa kasamaang palad ay wala akong bolang kristal para mahulaan kung gaano kagrabe ang sira ng ngipin mo. Ang pinakamabuti mong gawin ay magpa-panoramic x ray nang malinaw at isend dito para malaman natin kung gaano kalala.

Ayaw mag-Dentures

Ivy : Doc naka dentures na po yung four upper front teeth ko, may ibang way pa po ba para di na ko mag dentures maliban sa implants? Thank you po

Ask the Dentist : Bridge. http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Ivy : Kahit po ung four upper front teeth na mag kaka dikit pwde po yun? Super thank you po doc

Ask the Dentist : Possible. Basta apat din ang kakapitan na ngipin.

Ivy : Super thank you po doc, hulog ka ng langit!!

Nangitim na Pasta

Mae : Good day doc! Gusto ko lang pong malaman kung talaga po bang nangingitim yung pinastahan? April last year po pinaulit Kong papastahan yung two front teeth ko kasi akala ko bukbok. (dati na pong may pasta yung teeth ko)Eh sabi nun dentist na stain daw yun. Mahilig po kasi ako uminom ng tea kaya siguro po nagka-stain.After popastahan,tinanong ko po yung dentist bakit may nangingitim, ang sagot nya po eh di na daw nya tinanggal yun itim kasi mangingilo daw po ako pag tinanggal nya..sa isip isip ko eh talaga namang mangingilo talaga ako eh,, Hindi na Lang po ako umimik,, feeling ko po nagmamadali yun dentist kasi marami po syang pasyente,,

Pasta
Pasta

Mae : At kung bukbok man po yung nangingitim sa loob ng ngipin, hindi po ba la laki yung bukbok kahit maayos yung pagkakapasta?
Thanks po in advance ,, hoping po for your immediate response,, hehe

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Huwag maghanap ng cheapest.

Naputol ang ngipin, Natanggal ang jacket crown

Paula : hi doc ask ko lng po kasi yung jacket ko sa front teeth natanggal na cguro po sa katagalan nadin kasama sa pagkaputol ung pinagkabitan ng ngipin ko so pudpod na ung totoong ngipen.. pano po kaya yon makakabitan pakaya ng bagong jacket o tuluyan ng bubunutin at dentures nlng? thanks inadvance

Paula : doc

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita ko kung pwede pa isave. Send mo dito yung file or photo ng xray.

Gusto gamitin ang lumang brackets para Braces

Von : doc, may braces po ako dati,pagkatpos po nun ngretainer n po, 1 month lng po ako ngretainer,pagktpos po nun hindi ko n po sya ngamit,npansin ko po ngkakaroon n nmn po ng gap ang nipin ko,tanong ko lng po kung kaya pa pong ayusin ng retainer ang ngipin ko? isa pa pong tanong,pwede ko pa po ba ulit ipakabit sa dentist ko ung braces ko dati?panibago po bng bayad un? 5 years n rn po kc ung nklipas

Ask the Dentist : Braces. Oo, panibagong treatment.

Von : doc ibig po bng sbihin mgbbyad po ulit ako para sa bagong braces? hindi ko n po b pwedeng gamitin ung mga brackets n dating nkkbit s akin?

Ask the Dentist : Oo magbabayad ka ulit. Tiyak akong sira sira na yun.

Von : salamat po ng marami

Gusto Gumanda ang Ngipin

Jester : Doc help ampanget ng mga ngipin ko magknu estimate nyu dto pra mapagnda . At ano po mga tawag sa gagawen crown ba mga ganun? Pinapasta kopo yang sa front na ngipin po kaso matagal na 4 years na ata. Nag yyelow na. Dun po sa dagupan sa malimgas po me nagpa pasta. Tamad kc ako dati mag toothbrush tapos laging laro dati . kaen kendi choclte. Nkklmtan mag sipilyo nong bata. Ngaung mdyu binata na. Nag sisisi na. Tama nga cla nasa huli pag ccc. Haha.

Ask the Dentist : Ipabraces mo muna para maayos ang sungki.

Hindi Masyadong Natamaan ang Pulp ng Ngipin niya

Ichel : Hi doc

ASk ko lang po anu po ba pwede ko gawin.. yng isa ko po kasing ipin sa taas ung kalahati niya is kulay gray na.. then sa gilid may butas na.. masakit siya kapag tinatamaan.. ayoko po sana magparct e.. pwede ba pasta lang.. tnx po..
Ichel Mendoza
30 December 2013Ichel Mendoza
Hi doc

ASk ko lang po anu po ba pwede ko gawin.. yng isa ko po kasing ipin sa taas ung kalahati niya is kulay gray na.. then sa gilid may butas na.. masakit siya kapag tinatamaan.. ayoko po sana magparct e.. pwede ba pasta lang.. tnx po..

Ask the Dentist : RCT yan or bunot.

Ichel : Ok lang po ba magpabunot kahit masakit konti ung ipin

Ichel : Hi doc.. ask ko lang po.. nagpa xray ako kahapon.. for rct po ung ipin ko.. totoo po ba na 1hour lang ang pag rrct at 1 session lang?.. kasi po daw nd naman masyado natamaan ung pulp ko.

Ask the Dentist : Kung ang canal ng ngipin mo ay isa lang at hindi kumplikado, oo pwedeng 1 hour. Sobrang tama man or hindi masyadong natamaan, ang infected na pulp ay infected.

Ichel : ganun po.. pag mejo umuuga na po ung ipin nd na pde iparct tamo po ba..

Ask the Dentist : Tamo. Tamong tamo!

Ichel : Balak ko po sana magpalagay nlang ng flexible dentures for single tooth.. safe po ba un doc.. di po kasi me pwede bridge eh.. mahina na kasi ung pagkakapitan

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita ko.

Ichel : Napaxray ko na po kaso nasa dentist ko.. di ko naman po pwede kunin.. until now iniicip ko parin po kung rct or extraction gagawin ko..

Ask the Dentist : Hindi ko kayang sagutin kung ibabase ko lang sa bolang kristal or tarot cards. Sa xray pwede.

Ichel : Tapos doc. Ung cmula nung nagpapasta po ako.. ung pakiramdam po.ng dila ko iba.. ung parang nakakain ako ng hibla nh buhok.. di ko alam kung dahil ba sa mouthwash un
Cge po bka bukas try ko hiramin ung xray ng ngipin ko

Pumunta sa UK ang Dentist

Jessica : Hi tanong lang po, pwede po ba kong lumpipat ng ibang dental, kase po yung dentist ko umalis na papuntang UK wala pa po akong 1year na naka braces. Pano po yung every 2/3weeks na adjustment? Pano na po ako magpapacheck. Pwede po ba lumipat sa iba?

Ask the Dentist : Sa kaso mo, yes.

%d