Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Doc, ask ko lang po sana price range ng pagpapakabit ng braces. Alam ko po na it depends sa oral needs, sa braces, sa dentist at sa braces mismo, pero at least po may idea ako kung anong papasukin ko. Thank you.

  2. Hi doc, anu kayang magandang gawin sa upper front teeth ko? My gap po kc between my two middle upper front teeth. Then ung dlawa ko nmang teeth na katabi ng two middle upper front teeth n my gap my bulok po sya, ano po kyng magandang gawin sa ngipin ko doc para maayos. Help me po Doc thank you and God bless, and mga magkano po kya yun

  3. Good day p doc. Meron po akong Braces almost 3 months na gumagalaw parin ang 2 front teeth ku. kasi tumatama ang lower teeth ku. And ang dentist ku sa Province pa. How can i prevent doc para di na gumalaw. salamat po

    1. Puntahan mo yung dentist mo sa province. Every month ang adjustment yan. Hindi ka dapat magpaadjust sa iba ibang dentist dahil iba iba ang tingin ng dentist sa isang bagay at iba iba ang diskarte nila para maayos.

  4. Ask ko lang po kung how much po ba magpapabunot ng sungking ngipin Apat po sya bubunotin tapos sabay postiso narin po yun . Mga mgkano po?

  5. Doc ask ko lang po. Pwede pa dn po ba ako magpa braces kht sira na ang dalawang wisdom tooth ko at ung katabi ng wisdom tooth sa kaliwa? May isa pa po akong sira ung sa itaas. Kalahati lng nman po ung sira kasi pasta lng po iyon. Ano po ba maganda kong gawin dto? Any suggestion po? Salamat po sa mgging sagot nyo doc.

      1. Ask ko lng po ulit doc. Di po sya kasama sa lalagyan ng braces? ung baba lng nman po ang problema sakin. mas mabuti po bang tanggalin nlang ung mga sirang ngipin ko po?

        1. I second the motion. Yes, they should be pulled out if the wisdom tooth have broken down. If you are getting ortho treatment done, tatanggalin muna yan.

  6. Doc, last week po kasi pumunta ako sa dentista sabi niya po sa’kin open bite daw po ako at kailangan ko magpa-brace. Wala naman pong sira ang ngipin ko or anything. Magkano po ba aabutin pag nagpa-brace ako? Salamat po 🙂

  7. Hello po,ask ko lng po.
    May pasta po ung harap ko more than 10 years n po un, then naisipan ko ipapasta uli last month kasi madilaw na po.
    Nung pinasta medjo nanibago ako,tapos ngaun po after a month,sumasakit ung pinasta pati na din ung ibang teeth ko.
    Bakit po kaya ganun? Hindi kaya panget ung pagka pasta sakin? Or pede ko po ba xa ipapasta uli.?

    Thanks.

      1. dun po sa gums sa ipin na iruroot canal. naroot canal na po sya doc. kaso di pa po tapos. 2 sessions pa po. fistula po pala tawag dun sabi nun dentist. di na po sya masakit ngayon. ask ko lang po kung gano po kaya katagal bago mawala yun fistula dun sa gums? di na naman po sya ganun kasakit.

  8. Can I ask? Matatanggal paba ang sungki? Kasi before I go in the dentist sabi hindi daw pwedeng tanggalin?

  9. Hello po doc ask ko lng po sana.magpapabunot po aq sana nang isang bagang ngipin q pero matibay pa po pero malaki po ung butas .pwd po ba ung bubunutin kase natatakot aq na sumakit ung ngipon q .at magpapabreeze q din sana .mag kano po yon lahat doc qng sa akala nyu lng po magkano kaya lahat doc ?
    Salamat doc

    1. Ang presyo ng breeze at dami ng powder ay depende sa dami ng lalabhang damit. Available na din ang Breeze na nakasachet. Para sa karadagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website: breeze.com.ph

  10. Hi doc gsto ki po sna magpabrace kaso po may dalawa akong ngipin na sungki magkatabi sa itaas as in nkalubog po.. pwede po ba yun.

    1. Pwede. However, please secure dental clearance from your obgyn. Ipa indicate ang mga sumusunod:
      – dental procedures she is allowed
      – types of xrays and number of xrays she is allowed
      – precuationary measures the dentist needs to be aware of when your wife is seen

  11. false teeth po kxe ako ung gums ko naipit po sa loob ng false teeth ko namaga na po xa hanggang sa namaga at may hiwa na sobrang laki na po nia. pano po matatanggal at magkano magagastos?

    1. It’s hard to imagine your case honest to goodness. I highly suggest the following
      1st : you make a consultation appointment with a dentist, perhaps your own dentist, or with us.
      2nd: you make a consultation A S A P coz lalala pa yang condition ng gum tissue mo kung ipagpapaliban
      3rd: wag kang mangamba sa pag konsulta. Its our job to take care of you

    1. Hello Jane. Let me just enlighten you on your question. Orthodontics braces are done on you to correct your bite and occlusion, improve your smile and facial esthetics. Now, retainers are prescribed after the orthodontic procedure. Whoever is reading my answer, retainer appliance is not utilized to correct anything in the mouth but rather to retain. Hope this enlightened you somehow

    1. Root canal treatment is a procedure done on infected tooth (a cavity that has reached the nerve/pulp) to repair and save it (maretain ang ngipin for a longer period of time), instead of extracting (bunutin) it.

  12. Hi Doc! Di po aligned yung jacket ko sa upper. 4 units po. Pangit po ang gawa, cheap lang po eh. Braces muna po ba then jacket para ma-align? Or kaya na i-align pag nagpagawa ng bagong jacket? Thanks doc!

    1. Maghanap ka ng magaling na dentist that will do your Fixed Bridge first then orthodontic braces. Schedule for a consultation appointment para magawan ka ng sequence of treatment plan. Never compromise quality when it comes to dental treatment upang di ka mapariwara. The more na nagtitipid ka, the more magiging complicated ang sitwasiyon.

    1. Hindi maiiwasan ang white spot lesion lalo na kung naka orthodontic braces ka. Maraming factors apparently. Mainly dahil sa bacterial plaque, fermentable carbs. Now, what to so? Take care of your teeth until you finish your orthodontic treatment. Optimum ang very good oral hygiene. And when I say very good… Brush, floss, and mouthwash twice/thrice a day.

      Fluoride varnish can help remineralize tooth. That is applied on the lesion site and susceptible areas of caries.

  13. doc. Nag braces ako sa upper para sa crossbite ko tapos after a while tinanggal ung wire lang para mag dental trainer. Binayaran din namin ung dental trainer na palpak rin ung ginawa sa ngipin ko. Paulit ulit kaming pumupunta dun at nakakalimutan niya ung mga ginawa niya sa ngipin ko. ang labo. mahal pa naman.

    saka nalunok ko ung isang bracket ko. putang ina naman kac wlang wire. d nmn ako mamatay? 😀

    1. Upper at lower lagi ang braces. Usually, napipilitan ang dentist na gawin yang upper braces kahit mali dahil ang pasyente ang namimilit dahil naghahanap na din siya ng cheapest. Sa cheapest price, low quality lagi ang matatanggap mong treatment/serbisyo.

      Kapag nalunok ang bracket, usually, maita-tae mo din yan. Malas ka na lang kung hindi mo maitae. Para masigurong naitae mo yan, pwede ka magpaxray ng bituka. Unless, kinakapa mo lahat ng tae mo mula noong makalunok ka. Hehehe!

  14. Hi po..

    ask ko lng po, pwede po bang magpa-brace kahit nabunutan na or may missing tooth?
    ano pong bang proper procedure para dun?

    Tsaka, ang price/cost po ba ng pagpapa-brace ay dipende sa case ng ngipin mo? mas mura po ba ang pagpapabrace pag walang sungki sungki sa ngipin? Plano ko po kaseng magpbrace.. mayos naman po ang ngipin ko, wlang sungki sungki tsaka sabi nila pantay nman daw…. un ngalang may missing tooth sa loob…. tsaka po naghihiwahiwalay sila… brace po ba ang dpat kong gawen???

    Thanks po sa pag sagot..

    1. Per
      1st question: pwede ka mag brace kung nabunutan ka or missing. Pero kung tipong NAPAKADAMI ng ngipin ang nawala sayo, hindi na advisable. Ibang treatment option na iyan.

      2nd question: ano ang proper procedure? Kung bagong bago palang ang bunot, i highly suggest to make a consultation appointment with your dentist/ orthodontist and he/she will creat the necessary sequence of treatment plan for your case. Kung patatagalin, your teeth will continually drift apart and of course your smile will become unesthetic eventually.
      3rd question: yes price depends on the severity of the case. I cant make any quotations particularly on you as I have not seen your case clinically and radiographically (through Panoramic Xray and Cephalometric xray). So if you’re planning to have braces and you have lost tooth or teeth already, consult with your dentist S O O N to avoid further complication and span of treatment. The earlier you address the problem, the easier for your part.

  15. Hello doc ung ngipin ko may braces kaso ang problema sumaskit ng ngipin ko bagang ba tawag dun tpos namamaga ano dpat gawin bubunotin ba un?

    1. Maine, call your dentist. You are currently under the treatment of your dentist. That is your ultimate right: to ask queries, worries, issues, and voice out your concerns per your treatment. Again, your concern is an emergency case. Call your dentist to schedule for a check up appointment.

  16. Doc tanong ko lng po if kaya pa bang bunutin itong ngipin ko kc pudpud na po bali hanngang gums na po…. intry ko pinabunot sa dentist nuon sbi ng dentist hndi nya rw kaya kc wlng pag hawakan….. saka pg sumasakit po my lumalabas na bilog or bka namaga lng cgro….thank you doc

  17. hi doc good morning, ask ko po sana kung pwede pa pong e-pastahan yong 3rd molar ko kasi may butas, di naman po sumasakit ang noong lastweek lang po nabutas, para po maagapan kasi ayoko magpabunot. 🙂

  18. Hi doc nagpabunot po kz aq ng ngipin tpos kinabukasan nagwork na po aq..ngaun po sobrang maga ano po kaya magandang inumin na gamot??

    1. Kevin, normal ang swelling within the next 2-4days. Gamot? Nagkaron ba infection? Grabe ba ang pain mo?
      Management: hot compress ka na dapat. 5 min on, 5 min off. Gargle warm salt water today 3x a day. And dont eat hot or hard food/beverages. Avoid chewing on the extraction site. Dont carry heavy stuff or do anything strenuous. Emergency cAses, call your dentist/surgeon

  19. doc hi po im 17.. 1year n po siguro nung nagparetainer ako ng di ngcoconsult sa doctor.. ngayon po nahihirapan ako magsalita tapos parang natabingi labi ko pag nagsasalita.. dahil po ba to sa retainer ko? ano po ang best kong gawin. natatakot ako:(

    1. Ang retainer ay isinusuot ng mga tapos nang magbraces. Yung nangyari sayo ay madalas mangyari sa ibang taong nagsuot ng retainer para pamporma lang. Patingin ka na sa dentist, wag mo na daanin sa online.

  20. hi po doc. Nagbraces po ako before kaso po after 6 months ng treatment e di na ko bumalik kasi po sobrang sungit ng dentist ko. Ngayon po magbebraces uli ako. Dapat ko po ba ituloy sa kanya at tapusin ang procedure? or maghanap nalang po ng iba??

    1. Bweno, may kinalaman sa tanong mo… Ikaw lamang Lorraine ang makakasagot niyan. Gusto ko lang sanag idiin ang mga sumusunod na punto:
      – Kung nasungitan ka ng dentista mo, sa tingin mo eh may pinagdadaanan siya?
      – Sa tingin mo ba ay hindi mo din siya nasungitan? (Sungit attitute begets sungit attitude, respect begets respect)

      Bweno, sa kahit anong relationship… Mapa-love, mapa-kaibigian, mapa-professional, dapat mong tandaan na harmonious relationship is a lasting relationship that brings the best out of every aspect.

      Karagdagan pa, kapag napagdesisyunan mo na itigil ang orthodontic treatment sa kanya at magpalit ng dentist/orthodontist, tandaan mo na panibagong kaso iyan. With that being said, that’s another out of pocket from you. If you stick with your dentist, what you need to bare with is the remaining months of your treatment and adjustment

  21. hi po..

    ask ko lng po… braces lng po ba ang way para magdikit dikit ang ngipin? May mga .5mm po kasing space ung Incisors (upper front teeth) ko…. masydo po kasing mahal ung bracing, nd po kya ng budget ko…

    thanks po in advance. 🙂

  22. Hi po ulet..

    ask ko lang po… mrerecommend nyo po ba ang LSTR??

    tsaka, may tatanung din po ako…eto po ung situation:

    a year go nagpa-pasta ako(teeth A)… ayos naman sya pero bnalaan na ako nung dentist na medyo mlalim na, pag daw sumkit balik agad ko sa kanya tas bbunutin nya.. pero naging ayos naman po.. tapos last week ng papasta ulet ako (teeth B).. katabi lang ni teeth A… 3hrs later sumakit ung side n pinastahan saken… nung bumalik ako sa dentist na nagpasta kay teeth B, si teeth A pla ung sumasaket… teeth A@B po is ung dalawang dulong ngipin sa baba..(molar ??)
    bkit po kaya ganun?? pwede pong pki explain? thanks, labyu! XD

    Nirecommend den po nung dentist na i-LSTR daw para masave.. par dw po ung root canal pero mas mura?

  23. 1week na braces ko, pro sa upper teeth pag hnahawakan ko tska pag knakagat prang umuuga. Normal lang po b yun? Pti sa ibang ngipin ko gnun dn..

  24. Hi doc. Paano po ggawin pg nauga yun ipin pangil po kasi nasiko po dumugo po yun gums ko.1week na po masakit po pg nakain ako

  25. Hi Doc, ask ko lang po, 2 months ago nagparootcanal po ako for my 1 front tooth then nafixedbridge pra sa missing tooth n ktbi. yesterday po sumakit po, kumikirot and namamaga un gums mlpit sa narootcanal. ano po bang dapat gwin? iniinuman ko po ng antibiotics ngayon. salamat po ng marami.

  26. Sige po ipacheck up ko. tanong ko lng po, nabasa ko po kc, pagnagfailed un rct, either uulitin un pagrootcanal or magunder go ng endodontic surgery, magkano po ba ang cost ng endodontic surgery? kasi po malaki na po nagastos ko sa pagrootcanal and pagpapafixedbridge sayang nmn po kung iremove un fixedbridge ko, kalalagay lng po kasi. salamat po ng marami!

  27. Hello po.ask q lng po pwede po bng mg pa brace kht na ang upper teeth q my 9 pustiso.pero complete pa ang lower teeth q.. lyk q po kc ipa brace lower teeth q..tnx po

  28. Okay lang po ba magpa brace kahit may missing tooth na. 3 sa taas at sa baba po? Yung sa baba 2 bagang po sa left tapos yung isa naman po sa right, Tapos yung sa taas naman po katapat lang po ng bagang na nabunot na sa left at right tapos yung isa po sa taas ay wisdom tooth sa right??

  29. good vibes!!
    doc tatanong ko lang po kung ano po b ang dapat kong gawin, kasi yung anak ko na 4y/o madami ng bulok na ngipin sa harap at bagang..kusa po ba itong matatanggal o ipinapabunot na po sa dentista? ilang taon po ba bago tumubo ung permanent teeth nya? salamat po..

  30. Anong pinagkaiba ng P15,000 na Fixed Bridge sa P70,000 na Fixed Bridge? Nagpa Dental Bridge ako months ago, pinaliit ang ngipin ko para ilagay ang Dental Birdge. Pede ba yun pastahan na lang/tapalan? Balak ko kasi mag pa dental implant na lang. Grabe Dental sa Market-Market. P75,000 ang 3 unit Fixed Bridge yung E max.

    1. Ang kaibahan ay quality, esthetics, etc. Malamang na porcelain fused to metal bridge ang 15K. Ang 70 K ay emax, or all ceramics. Ganyan ang usual na price ng all porcelain (e.max etc). Talagang ganyan ang buhay, ang quality ay binabayaran mo. Kahit saang antas. Sa kotse na lang, ano ang kaibahan ng ferrari sa Toyota? Sa trabaho na lang, paglinisin ka ng buong Mall of Asia, bayaran ka ng piso, sa tingin mo ano ang quality ng paglilinis sa ganoong bayad? 🙂

    1. Dapat kung kanino mong dentist mo sinimulan, dapat sa kanya mo tapusin at ipatanggal. Pero may mga pagkakataon na pwede mo ipatanggal na sa iba. Kapag hindi mo na makita ang dentist mo, or naghihirap ka na at hindi mo na kaya ipagpatuloy. Pero mas makakatipid ka pa din kung sasabihin mo sa dentist mo ang totoo at sa kanya mo ipatanggal.

      Kung DIY braces yan, or braces na inilagay ng karaniwang tao, dapat mo na yan ipatanggal. Nakakalagas ng ngipin ang braces na inilagay ng karaniwang tao. http://www.askthedentist.tv/pekeng-dentista/

  31. hi doc. good afternoon po .. Ako po si Irish Gador 24yrs. magtatanong lang po ako .. paano po ba yung gagawin sa teeth ko tumutubo pa lang po yung wisdom tooth ko sa kaliwa almost half na po sya yung kanan naman po na wisdom tooth ko ay konti pa lang yung nakausli.May possible po bang sanhi yun ng minsang paglolovk ng panga ko ? Salamat po sa Doc. Wait ko po yung reply mo ..

  32. Doc bakit gagawin parang chain na yung brace ko sa oct.mag 2ndmonth plng po brace ko saka hindi pa po ako pinapasta prng May whitespot po yung teeth ko yung isa sa upper .

  33. Doc tanong ko lang po pwede ba kong magpa tanggaL ng braces sa ibang dentist? Yung dentist ko kse nasa quezon pa, andto na po ako sa bulacan ngaun, dnko mkkblk pa dun

  34. Doc,ask ko lang po ulit, hanggang gaano po ba katagal ang duration period observation ng niroot canal before iseal? kasi po ung akin, pang2nd month na mula ng irootcanal pero hndi pa naseal then first week this sept, nilagyan na ng dentist ko ng fixedbridge ung front 2 teeth ko. ngayo n po, sumasakit po ung narootcanal. pls advised.thank you po!

  35. Nbasa ko na pwede magkaroon ng sakit sa puso kpag may sirang ngipin, gaano katagal na sira dpat pra magkaroon epekto sa puso? Natanong ko kase may sira akong ngipin, (bagang) dati sya nka tempo pasta then ntanggal tapos sobra Lalim na ng butas sa gitna at nklbas na ang Laman sa gitna, mga 3 yrs na. Di sya sumasakit mliban kung ggmitin sa panguya. Pra mini taal volcano ang itsura nya, gilid nlng yung natitira. Tia

    1. Unang una sa lahat hijo, dapat ang kondisyon ng ngipin na iyan ay ikinokonsulta na ng personal at hindi na through website.

      Totoo ang nabanggit mo na contributory ang sira ng ngipin sa sakit sa puso. Maaring isang taon, dalawa, lima, sampu o higit pa ang tagal ng panahon upang lumabas ang masasamang epekto. Ngayon, pagnilaynilayan mo ang katanungan kong ito: maghihintay ka pa ba ng matagal na panahon kung alam mo na lalala pa ang kondisyong iyan? Hindi ba hindi katalinuhan iyon?

      Ang 3 taong pagtitiis ay masiyadong matagal na panahon na pinananatili mo ang impeksiyon. Bweno, lumalala pa ito at lalala pa sa susunod na panahon. Naway ang aking pag responde ay maging daan upang magpatingin ka na… Hindi sa susunod na taon o dekada. Umaksyon ka ngayon na.

  36. Hi doc, kapag ba nagkabutas ang pasta sa ngipin ko may posibilidad bang magkaroon agad ng cavity ang loob ng ngipin? Salamat po

  37. Hi Doc! Na-RCT po ako 10 years ago sa isang ngipin. Ngayon po napasin ko hindi po pink yung gums dun sa ngipin na na-RCT. Di naman po masakit yung kulay lang po, slight na nangingitim. Ganun po ba talaga doc pag na-rct na?

  38. Hi po, tanong ko lang kasi sumasakit po ung ngipin ko last month, den nawala na rin siya. But now sumasakit na naman siya at namamaga ung gums ko dun sa ipin na sumasakit. As in namamaga na po siya na mahirap ng itikum ung bibig ko. Nakanganga nalang po ako lagi, kasi matatamaan kasi siya ng ibang ngipin ko, nahihirapan narin akong lumunok .

    Thank u

  39. doc ask ko lang po if pedeng ibraces kht kulang ung ngipin ko i mean 8 n lang po ung ngipin q s taas at 10 lang po s baba ..

  40. Good eve po doc. Ask ko lang po my bungi kasi akong ngipin sa tabu ng pangil ko. Kpg po ba ngpabrace ako maayos ung bungi ko? Thanks po.

  41. Goodmorning! Ask ko Lang po nagpabunot ako ng bagang 4 days ago, Normal po ba na medyo masakit ung kabilang ipin ko na tabi ng bagang na binunutan? Iniisip ko po Baka nahawa na ung iPin na un. Pag hnhawakan k xa at mejo gngalw k sumsakit. Hnd rn po ako nagtatake ng Mefenamic acid Bawal skin kc po may gastritis ako. Ano po dapat gawin? Salamat

  42. Doc okay lang po ba magpa braces kahit wala pong pangil sa upper left side and 2nd molar sa baba left and right side. Thanks.

  43. hi Doc, pasensya na madyo mahaba ang kwento… naka-sked po ako magpa-rct ng #25, sungki sya, dati pinastahan ito ng amalgam mga 3 yrs ago pa, kaso ilang weeks lang natanggal ng konti yung pasta, pero di ko naibalik kasi ayoko na bumalik dun sa dentist, hanggang sa di ko na naasikaso.

    then a few months ago, may malaking portion ng pasta natanggal, di ko pa rin pinansin. hanggang sa nitong month na ito sumakit sya. nagpatingin ako sa ibang dentist, ini-xray nya at pinakita sakin na malaki na ang butas at yung pulp, halos dikit na daw sa gums, kaya sinuggest nya rct or pabunot. sabi ko gusto ko ma-save ang ngipin. kaya lang daw pag rct nagiging weak sya kaya dapat i-jacket crown.

    eh parang may nabasa ako, di ko matandaan kung dito or sa ibang forum, na may iba pang option bukod sa jacket crown. pwede mo bang i-paliwanag yung iba pang option Doc? at kung alam mo magkano range ng presyo nya, kasi kung mas mura sa jacket crown, papa-rct ako, kung hindi, papabunot ko na lang dahil di kaya ng budget ko yung sinabi ng dentist ko na rct for 9k, kasama na daw po dun yung succeeding xrays (di na daw po nya singilin unang xray).

    thank you po Doc.

    1. If you are to compare prices, let me tell you how the process goes:
      If you want to save the tooth: rct and crown

      If you dont want to save the tooth: extraction (this might cost lesser than the rct procedure and crown but in few years time, you will try to find ways how to replace that particular tooth. Yan ang typical scenario. A prosthesis replacement, could be implant, bridge, or removable denture– these are costly replacements

      Save your tooth. Iba pa rin yung naka retain yung natural tooth mo. Pagawa mo yang rct mo sa magaling na dentist para di ka mapariwara. Thanks for inquiring

      1. iniisip ko lang din kasi bukod sa budget eh i am in my late 40’s na so baka di ko na need ireplace ang ngipin ko & no need na rin ng magandang smile he he he.

        26 yrs old lang po itong nahanap kong new Dentist ko pero she comes from a family of Dentists and sabi nga nya 6yrs daw nya pinag-aralan yun, tapos ipinagtanong ko din naman sya, mukhang ok naman… so good luck to me, i will follow the advice of the both of you.

        thank you very much for your advice, so glad to have found this site! God bless you & Doc Ask The Dentist 🙂

        1. As much as possible we want everyone to retain their teeth. Mahirap mawalan ng ngipin. Just cause you are in your late 40s doesnt mean your teeth isnt significant anymore. Everyday you eat and talk. The teeth present in your mouth has its own function related to eating and talking. Hindi lang naman pang-killer smile teeth mo.

          Take care of them. You need them til the end of time. Thank you! Keep shooting us your queries! We’ll be more than happy to answer them all

  44. Hello Doc. May 21 palang ako and may TMJ ako. Dahil hindi napa-treat, nagkanda sira sira nga yung ngipin ko ngayon. Sabi ng dentist ko, required na daw ako mag dentures and kailangan din maipa-ayos yung tmj ko kasi grabe na yung crossbite ko. Eto nalang po yung teeth ko ngayon. Sa upper 3,5-12. Yung 3 and 5 medyo mangilo ngilo na. Then yung 13 and 14 tatanggalin kasi sira na daw po. then sa lower is 22-28 nalang. Yung 21 and 20 tatanggalin na rin. and may isa pang impacted wisdom tooth sa lower right. Tanong ko lang po anong best treatment para sakin. And ano po mauuna dapat, if yung dentures muna or yung tmj treatment? thanks doc

  45. Doc gud pm. Ask ko lng po. Kc nasa province na ako amd yung dentist ko is nasa manila. Ok lng ba ipatanggal ko nlang to? And normallh po.mgkano kaya estimate para mgpatanggal ng braces?

  46. Doc. Ask ko lang po if ano pong pwedeng gamitin pag gusto ng idikit yung retainer?? Di po kasi afford magpabrace ee. Salamat. More power. ☺☺

  47. Hi Doc,, pwedi ba mabunotan NG ngipin ang taong operado sa ULO but 7 months now.

    Hoping to hear your reply doc.

  48. Anong gagawin po sa ngipin kong may white na parang mantsa? Dalawa po sa front teeth,. Tapos may papastahan sa mga gilid. Pwede po ba palagyan ng braces yung ganun?

  49. Doc. Usually how much ang inaabot kapag nagpa IV Sedation ako before tooth extraction? May 4 kasi akong teeth na dapat tanggalin in preparation for dentures. Salamat

  50. Hello Doc! May braces ako, fourth month ko na. I started to have this problem on my third month. Nababangga ng upper molar ko yung bracket ng lower molar ko. Hindi naman siya ganto nung first and second month. Hindi naman siya natatanggal kapag ako ay kumakain kasi hindi ko naman idinidiin ng bonggang bongga tsaka di ako kumakain ng matitigas. Natatanggal lang siya kasi may bruxism ako kapag tulog T___T always siya starting the third month. Kakakabit lang ng first day, pag natulog na ko sa gabi, natatanggal. Laging yun at yuon ang natatanggal

    Question #1, Ano kaya magandang solusyon dito? Wala kasi akong molar band. Does that help me not to lose the bracket anymore?

    Question #2, Maaapektuhan ba yung treatment kapag natatanggal yun parati kahit dulo lang siya? Flexible wires palang naman gamit sakin.

    Question #3, Babalik kaya ako bukas, kanina lang ako nagpa-adjust, kanina lang na natulog ako natanggal? Nakakahiya kasi lagi akong natatanggalan dun sa part na yun. Ahahaha. Tska nakakahiya, new rubber na naman yata yun pag nagkataon.

    Maraming salamat sa pagsagot doc! Mwahugs!!

  51. Doc, pwede bang malagyan ng braket ng braces ang may mga pasta, pustiso at may mga veneers sa harap ng ipin.

      1. Doc yes or no lang po ang sagot pili lang po. “Pwede bang lagyan ng brackets ng braces ang may pasta sa ngipin?”

  52. Hi doc..ask ko lang po 5 days na po sumasakit ngipin ko sa bagang maga po ung ilalim ng panga ko..umiinom mnm po ako ng pain reliver at anti bacterial na gamot pero sumasakit pa rin po..pwede ko po bang ipabunot na??at ok lang po ba kahit walang x-ray?tnx po

    1. Yes, if thats how you want it that could be taken out. But if you want yo save it RCT.
      Walang xray? If you were in my clinic, I’d say no. Imperative sa akin and most dentist ang xray prior to any dental surgery procedures.

Leave a Reply

%d