Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

    1. Madaming dahilan. Isa diyan, maagang nabungi. Isa pa diyan, nandiyan na ang kapalit, hindi pa natatanggal ang pinapalitan. Isa pang dahilan, nasa lahi na mabilis lumaki ang upper or lower jaw, kaya yung tubo ng ngipin apektado.

  1. Doc san ko po pwede ireport yng nagbebenta ng diy braces po? Nung una po kasi naglunwari ako na interesado tas tinanong ko po kung safe kahit alam kong hindi pero ang sagot nya sa akin safe daw po yun at huwag kodaw sya sana siraan.

  2. Hi po, im 3mos pregnant po at natanggal po ung sirang ngipin ko, d po ba ito dilikado? Thanks…

  3. Good Evening po, tanong ko lang po, kasi kulang na po talaga yung mga ngipin ko, wala na po akong bagang, bukod sa wisdom tooth ko baba at taas po, so ayun po yung ngipin ko po sa harap sa taas, akala ko nung una, normal lang na parang nag-iiba yung form, not until napansin po ng mama ko na tumabingi na siya, nabother na po ako, hindi po alam kung kailangan ko siyang ibraces dahil may mga gap na po in between dahil nga po kulang na po yung mga ngipin ko, at isa pa din po, yung lower teeth ko, mas abante po siya sa upper teeth ko. Braces po ba ang kailangan o pustiso na po ?

      1. Magandang araw po Doc. I’m 20 years old going to 21 this coming august. Meron po kasi akong pasta sa harap ng ngipin yung katabi nung dalawang ngipin sa harap. sabi nung dentist sakin nun, palitan na daw yung pasta na yun kasi pangit na, 16 years old palang ako nung unang pinastahan yun. then nung pinapalitan ko siya, during operation may naamoy akong mabaho. then after nun, mga 3 days to 1 week, may naamoy ako sa ngipin ko na pinastahan, same lang yung amoy niya mabaho din. mga ilang days pa, may bumilog sa ngalangala ko, then bumalik ako sa dentist at ang sabi nana daw yun. Doc sa harap kasi yun kaya hanggat maaari ayoko sana magpabunot, kung may iba pang paraan? starting nung sunday afternoon umiinom ako ng amoxicilin, 3 times a day pagkatapos kung kumain until now ganun pa din siya pero pag natatamaan yung bilog sa ngalangala ko kapag kumakain, di na masyadong masakit, kasi nung bago pa at di pa ko nkakainom ng amoxicilin naiiyak pa ko sa sakin tuwing nababangga. maraming salamat po doc. ayoko na kasing lumala to, pero ayoko ding BUNGI ako sa birthday ko. Thank you..

          1. masusunod doc.. maraming salamat po. mga magkano kayo yun ? doc san ba clinic niyo ? sa inyo nalang sana.. bukas ba yan kahit sunday? or kung hindi tuwing kelan at anong oras ? salamat po.

  4. hi good morning po tanong ko lng na ngingilo ang isang jacket ng teeth q s harapan actuallg 2 teeth sya pero isa lng ang na ngingilo last 2012 ko lng to pina jacket porcelein sya ano kaya reason and ano pede remedy wala nmn sira ung mga katabi suddenly na ngingilo ung isa…sna po ma help nyo aq thank you po

    1. Pwede. Pero hocus pocus yan. May kasama ding abracadabra. Samahan mo pa ng espiritista power. Malalaman mong matino ang dentist na mapupuntahan mo kung nagrequest ng panoramic x ray at ceph x ray.

  5. hi doc, totoo po bang nakakawala ng tooth cavity ang oil pulling??? paano po gawin yun??? Thanks po

    1. Oo, kung taga-Sparta ka or kalahi ni wolverine. Kasi ang mga taga-Sparta hindi tinatablan ng sakit na dental. Pero nabalitaan ko lately na effective din yan kung isa kang certified espiritista.

  6. hi doc yun sister ko nakabraces may sungki xa sa taas e kaso umalis na dentist nya kelan lang bumababa ipin nya pero parang lumaki tignan and worse is bakit parang numinipis gums?

  7. Gudam doc ung anak k po 4yrs old may bulok po syang ngipin lagi po nasakit ngaun po may nakaumpok n laman po don sa tabi nya ung 2buan ng bangang pag 2bo po b ng bagang masakit Po b? Pinapainmon k po sya ng mefenamic at paracetamol ok lng po b un? Ganun edad po b pwd ng bunutan? Salamat po doc.

  8. doc asked lang po.
    pwede po bang taas lang muna ibrace?

    un kasi sabi ng dentist ko kasi my ikakabit padaw na inclined plane para sa sungki ko pra mamove forward.
    pagdaw aligned na ung teeth ko sa taas tsaka nia daw kakabit ung sa baba eh.
    thanl you po.

  9. Good morning po! Pwede po bang tanggalin ung expander sa teeth? Lower part po ng teeth ko ung may expander and ung upper part po is naka-bracket na. Thank you in advance po! God bless!

  10. Hello po, tanong ko lang po. Nangingilo po ksi ung ngipin ko nung una, at may maliit na butas so pinapasthan ko po tpos pagkatpos mapasthan sumskit till now at mas lalong sumakit pagtpos mapastahan. Nawawala wala ung skit, ung nailagay po na pasta sakin magaspang, tapos po after 3 days ung isang napastahan sa ngipin ko nag crack tas ntanggalan ng maliit na bahagi. Napansin ko din po na parang ndi pulido ung pagkakapasta sakin kasi po nkakapa ng dila ko ung dulo ng pasta sa ngipin ko mlpit sa gums, parang may uwang. Ano po kaya dhilan ng pananakit ng ngipin ko? Kelngan ko na po bng ipa rct o pangit lang po ung nagawang pagkakapasta sa ngipin ko?

  11. Doc balak ko po mgpagawa ng bagong partial dentures sa upper teeth pero underbite din po ako. Tanong ko lang po sana ano uunahin ko magpagawa ng bagong upper denture or ipa brace ung lower teeth ko. Tnx po

  12. Good evening doc, tatlong ngipin ko po sa baba hihiwalay na hindi po sila close sa isa’t-isa ano po sa tingin nio kaya po ba ng brace iayus uli o crown jacket na !..

  13. hi po doc..tanong ko lang po doc. kung tutubo ‘yon teeth ko sa harap mismo sa gitna nakita po kasi sa x-ray..kasi ang gagawin po bubunutin yon magkahiwalay ko pong teeth sa harap..then ijajacket po..hindi kasi sure nun dentist ko na kapag nakajacket na kung tutubo oh hindi yon teeth nakita sa x-ray nasa gitna mismo sa guwang ng teeth ko sa harap na hiwalay…

  14. doc. may itatanong lang po ako. sana po masagot nyo 🙁 yung baby ko 26 months na po sya tas naputol po yung teeth nyang isa sa gitna. may natira pong konti na ipin. ts after 18days sumasakit daw tska namaga ng konti. ano pong magandang gawin doc? salamat po sa reply. god bless you po always :'(

  15. doc tanong ko lang po ang baby ko ay 6yrs old na .. pero hindi pa po naaalis yon mga ngipin nya na mga milk teeth po ..kahit isa po wala pa po naalis. ngayon po may tumubo na ngipin sa ilalim nya. naging sungki po .. maaalis po ba yon or pernament na po ba yon ???

  16. Hello! Doc, I had my braces installed last Monday. My orthodontist told me to go a back a week or two after para tanggalin yung first premolars ko para daw magkaroon ng space para sa pagmove nung ngipin since crowded sila. Questions are: Okay lang po bang tanggalin yung 4 teeth? Masakit po ba? Is there any alternative way for this? Thanks. 🙂

  17. Hi Doc! Nagpacleaning ako kahapon. Advise ni Doc na palitan na daw yung isang pasta ko sa 2nd to the last tooth sa dulo. Pagkatanggal niya ng pasta, narealize niya na malalim pala at malapit na siya sa nerve. Ang naging action plan–temporary pasta muna, then after 1 month, balik ako (hopefully kung makarecover) para sa permanent pasta.

    (1) May mga ways ba para makatulong ako na marecover ang ngipin at di siya tuluyang mabulok–sa 1 month sa period na binigay sakin ni Doc?
    (2) Natanggal yung temporary filling pero yung bottom part nandun pa rin, sabi ni Doc ayus lang daw yun. Ang temporary filling ba, kahit temporary lang siya, strong enough siya para magstay ng 1 month? Natatakot kasi ako na pag magbrush ako, matanggal siya totally.
    (3) Just in case hindi marecover ang ngipin, at bunutin (worst case scenario), meron bang other options para may ngipin pa rin? Galing kasi ako ng braces, sayang naman yung alignment ng ngipin ko kung mawawalan ako ng ngipin.

    Sobrang salamat po, Doc!

    1. Balik ka sa kanya. Kung temporary pasta yan, dapat nakaseal ng “temporary pasta”. Dahil kung ganyan na natanggal, balewala yan at hindi yan “temporary pasta”, kundi “natanggalan ng temporary pasta”.

      Option mo ang RCT para hindi mabungi.

  18. Doc nagpapasta po ako ng ipin 2 months ago, tapos biglang sumakit last week ung pinasta then ngayon po namamaga na. nalaman ko po na hindi na pala dapat i-pasta ung ipin na sumasakit na pero ung dentista ko po pnasta pa rin nya kahit na sinabi kong sumasakit na. Ano po ba pwede ko gawin ipapabunot ko na po ba?kasi sobrang napakasakit po. Thanks po.

  19. nagpakabit kasi ako ng braces, kaso hnd n pina xray ng dentist ung ngipin ko tas ung kelangan bunutan n ngipin s next nlng dw n balik ko after 3 weeks..ano po kaya un?oks lng b ung gnun?thanks

    1. Kailangan ng xray para mapagaralan ang kaso mo. Maaaring may bola siya ng kristal at huhulaan niya na lang kung ano ang nasa loob ng buto mo. Hindi oks yun dahil dapat sa dentist ka pupunta at hindi sa manghuhula.

  20. Doc meron na po ba dito sa Pilipinas na gumagawa ng Cu-sil dentures. Im not sure kung yan talaga tawag dun. Yung parang full dentures po pero my holes para sa remaining teeth. Thank u po.

  21. Hello. Nagpabrace ako nung friday. She is a licensed ortho. I even checked it on PRC website. Pasado siya. She just created mold then she put my braces. As far as I know, bago kabitan diba dapat may x-ray muna. Pero sabi naman nya, dapat next adjustment, may x-ray na kong dala.

  22. hi doc.. yung daughter ko po nabungi na yung 2 front teeth nya sa taas… balak ko po sana ipabunot na yung katabing teeth nung nabungi baka po kase magsungki ang tubo kase medyo maliit po space nung nabungi.. ok lng po ba yun doc na ipabunot na yung katabi? she is 6 years old

    1. Hindi. Napaaga yang pagbunot. Patingin mo sa dentist kung oras nang bunutin yung katabi. Magiging maliit ang mukha ng anak mo paglaki niya kung matangahan mo dahil sa plano mo. Pediatric dentist ang hanapin mo.

  23. Doc yung pinsan ko po na nagpa rct at pasta pinabunot na rin nya pero pnabunot nya rin after a year. Nag nana po kc ung pna rct nya. Yung officemate ko rin po pgtapos magpa rct eventually pinabunot na din nya. Ano po kaya nagiging cause ng failed na rct? Salamat po

    1. Usually dahil naghanap ng cheapest. Kung nagnana ang pina-RCT niya, dapat magpaRCT siya ulit. Kung tama ang gagawin ng dentist at susundin niya lahat ng dapat gawin, at susundin din ng pasyente ang part niya sa pangangalaga, napakaliiit ng probability na mag-Fail ang RCT. Kung ang pasyente ay naghanap ng pinakamura, syempre asahan mo ang dentist magtitipid sa materials, magsushort cut. Ang quality ng gawa ay may presyo. Kahit saang parte ng buhay natin, ang quality, may presyo.

  24. Doc ask ko lang po yung last na bagang ko sa taas sira balak ko
    po sanang ipabunot, pwede po bang magpabrace kahit wala 3rd molar sa left side?… ask ko rin po yung bulok na bagang ko sa baba halos 3/4 na lang pwede pa rin po ba pasta yon ?

  25. Hi doc. Tanong ko lang po kc ung cuspid tooth ko po sumakit 4 days ago then ngaun po hndi na sya masakit. Pero an sakit po pag pinepress ung cheeks mlapit sa gilid ng nose.. parang ung roots yata un ng cuspid tooth. Pag ngumungiti dn po ako masakit kc pg nababanat. Ano po kaya ang pwede gawin para mawala ang sakit n un? 3 days na rin po kasing ganun. Many thanks

  26. Hi doc. I’m 14 may Kulang na 2 teeth sa may bagang ko sa baba, even if mag braces dw ako, maghihiwa hiwalay parin dw po ung teeth ko Kasi May space dahil nga dw dun sa Kulang so mag reretainer po ako hanggang kailan?

    1. Maghanap ka ng magaling na dentist. Ikaw yata yung nag-PM sa FB ko. Maganda ka, huwag mo pabayaan ang ngiti mo. Alagaan mo ang ngipin mo. Magsepilyo after kumain, magfloss bago matulog, magpalinis ng ngipin sa dentist kada anim na buwan. Maghanap ka ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara. Oks?

  27. Hi doc. Tanong ko lang po kc ung cuspid tooth ko po sumakit 4 days ago then ngaun po hndi na sya masakit. Pero an sakit po pag pinepress ung cheeks mlapit sa gilid ng nose.. parang ung roots yata un ng cuspid tooth. Pag ngumungiti dn po ako masakit kc pg nababanat. Ano po kaya ang pwede gawin para mawala ang sakit n un? 3 days na rin po kasing ganun. Many thanks

  28. Okay lang po ba na sa baba lang ang lower braces ko? Naka tmj splint/applicance po kasi ako sa taas. Tama po ba ang pamamaraan ng dentist ko?

          1. Hindi po nya ako hiningan ng panoramic. Cephalometric lang po kaya yun lang po ang meron ako. Okay na po ba yun? Or ang kailangan mo po ay panoramic talaga?

  29. ask kolang po bakit namaga yung panga ng mom ko,pero hndi naman daw masakit ang ngipin nya o gilagid?

    1. Hindi kailangang sumakit para mamaga. Kung mataas ang pain tolerance ng nanay mo, hindi niya mararamdaman ang sakit. Usually, dahil yan sa impeksyon mula sa sira/bulok na ngipin. Ipa-x-ray mo upang makita kung anong ngipin ang source niyan.

  30. doc. ask ko lang. natangal po yung ngipin ng pustiso ko kasi kumaen ako ng matigas. anu po bayung pwedeng ipandikit dito?

  31. Doc I am 9 weeks pregnant pero lage masakit ung ngipin ko sa upper left side meron po sya maliit na butas. Di naman po xa namamaga pero sobra sakit nya lage na di ko na matiis. Pwede ko po ba ito ipabunot? ano po pwedeng remedies para dito? tnry ko na po un toothache drops sandali ang un effect nya masakit pa din.

    1. Punta ka sa dentist mamaya para makita kung ano ang condition. Base sa condition niyan, kung ano ang next na pwede gawin. Wag ka magtoothache drops at kung anu ano pang reseta ng albularyong kapitbahay niyo. Oks?

  32. doc, im marc. 18 years old.
    aks ko lang po magkano po ba magba fixed bridge sa upper front ng ngipin ko?
    kasi yung 1 ngipin ko sa harap, infected yung root canal, then gusto ko ipabunot at i pustiso yung fixed bridge. magkano po na magpa fixed bridge?

  33. Doc.. Ask ko lang naghihiwalay po kase yung mga ngipin ng asawa ko.. Tpos may pustiso n po sya.. Ano po ba mainam n gwin para mwala n po yung gap ng teeth nya?

      1. Doc onboard po kse sya… Nag ask n din po ako s dentist.. Ang sabe po mdli lng dw yun pero… May doubt p rin ako kase.. Sa knya ko pinagawa braces ko.. Wala man lang xray n hiningi…at proven po b yung orthobands n sinasabi.. Mwawala po b yung gap ng teeth dun? Tnx po..

  34. Good day po ask ko lang pwede po ba magpabrace ang kaanak palang…july 6 ,2014 po ako nanganak..nagpapadede po ako breastfeeding..pwede ba ko magpabrace…baka kasi di ako makakain ng matagal kawawa si baby..

  35. Good evening po , andame ko na po kaseng bulok na ngipin at namamaga na po , gusto ko na po sana ipabunot kaso sabe bawal pa daw kase po nag breastfeed po ako . ano po dapat ko gawin?

  36. Hi po ano puweding gawin kung wala na akong ngipin sa bagang sa left side po. Puwede ba un pa implant or forever na akong mag titiis mag nguya sa right po thanks

    1. Kailan ang huli mong Medical consultation? Malalaman ko na candidate ka for braces kung papakitaan mo ako ng recent Hemoglobin A1c test mo. Kung meron ka na niyan, mag pa set ka ng schedule sa dentist mo upang matignan ang kondisyon ng ngipin mo. Mula doon, malalaman mo kung tunay na candidate ka.

  37. May nabasa po ako about cosmetic bonding. Pwede kaya yun sa ngipin ko? Kakatapos lang ng braces at may retainer pa kaso nagkaroon ng konting siwang after kumain ng nilagang baka. Sana hindi na kelangan ulit ng braces. 🙁

  38. Doc, nagpabunot po ako ng bagang yesterday morning, tanong ko lang po kung pwede na ko maglakkad ng malayo or matagtag today?

  39. Hi good am pwede po ba magtanong ano pwedeng gawin pag wala ka ng ngipin at ayaw muna mag papustiso? May ibanpa po bang praan? Salamat po.

  40. Hindi ako maka decide kung Dental Implant or all porcelain E max. ano kaya mas maganda Doc? sa ngayon Acrylic fixed bridge lang yung sa akin. natatakot kasi ako mag dental implant, nakita ko kasi ang procedure. hanggang ilang years ba nagtatagal ang all porcelain E max or pede ko yung isuot habang buhay?

    1. 5 years pataas. Usually kapag pumatak na ng 5 years ang bridge, nagkakaroon na ng sira or pangit na. Implant ang ideal na treament sa bungi. Pwede mong isuot habambuhay kung ang buhay mo ay nawala, nauna sa pagkasira ng bridge mo.

      1. Pinaliit na ng dentist ang ngipin ko, para may kapitan ng Fixed Bridge. ano ngayon ang gagawin sa ngipin ko? pede pa ba yun pastahan/tapalan na lang?

  41. doc, may sira na po ung upper na bagang ko, tas may nabali na din dto, ngaun sumasakit sya lagi, anu po dapat kong gawin? Ipabubunot ko po ba o ipapapasta?

  42. Hi Doc! Nagpabrace po ako. After installment, saka lang po sinabi na may bubunuting 2 upper molars kasi overcrowded po ung mga ngipin ko. Ok lang po ba ang extraction with braces? Nagtanong kasi ako sa friends ko na may braces. Ansabi nila dapat ok na lahat ng opera or extractions before installment. Anu po ba ang tama?

    Usually, how much po per extraction? Kahit. range lang?

      1. 3rd molar po ba ung wisdom tooth? Un daw po ang ieextract.

        Ok lang po ba mabunutan after mainstallan na ng brackets?

  43. Kapag mag all porcelain E max bridge ako, anong klaseng cement ang ilalagay sa akin at gaano ito katibay? fixed bridge na lang sa akin.

    1. Wag mo isipin ang cement. Yung dentist mo ang bahalang magisip sa cement. Wag ka lang maghanap ng cheapest, tiyak akong matibay ang cement niya. Kapag naghanap ka ng cheapest, isa ang cement sa titipirin ng dentist mo.

  44. Dok ask ko lng.. Tinanggal po kase yung 2 premolar ko.. Ano po ba next n ggwin after nung mbunot yung premolar ko?

      1. Ano po next procedure n ggwin… Di ko po kase maintindhan dentist ko.. May ikakabit dw syang molaf.. Di ko nmn alam kung ano sinasabi nya n yun.. Ar ngtnong ako s iba kong frends n nagpabrace.. Di nmn dw binunot yung premolar nila.. Kaya nag aalala po ako.. Tnx po

  45. Magandang araw po. Itatanong ko po kasi sana, yung bagang ko po kasi pina-pasta ko po, medyo malayo na kasi narating ng cavities…hindi naman po sya sumasakit pero nagkakaroon po kasi ng pus dun sa me gums malapit dun sa ipin. 🙁 sabi ko po dati sa dentist ko gusto ko nalang sana ipabunot…kaso sabi nya sayang naman. ayoko naman po kasi magpa-root canal for personal reasons (may nabasa kasi ako na article tungkol dun kaya hindi ako at ease ipagawa ang ganung procedure).

    Tapos napansin ko po may kulani na ako sa left side ng jaw ko malapit sa leeg. Tapos pwede daw kasi ang cause nun ay yung ipin infected na sya kaya rin sya nag dedevelop ng pus. Pwede po ba yun na hindi sya sumasakit pero may infection sya? Mabuti po ba na ipabunot ko nalang kasi makakasama po ba sa health ko yun?

    1. IpaRCT mo. Yung nabasa mong article ay ginawa para lang kumita yung mayari ng website. Kung gusto mo makatiyak, basahin mo ulit, pansinin mo na napakadami ng advertisement ng website.

      1. Salamat po sa sagot. May tanong po ako ulit. Pasensya na po. Dati po kasi akong smoker, pero may 3 years na po ako nag quit. May discoloration po kasi yung ipin ko sa itaas. Pero isang ipin lang po, yellowish sya compared dun sa ibang ipin ko. Kahit nakailang cleaning na po ako sa dentist di naman nagbago kulay..iniisip ko kasi baka dahil lang yun sa pag yosi dati dahil dun sa part na yun ako nag pu-puff dati. Tapos nabanggit ng dentist ko noon tungkol dun sa bagang ko na iba na yung kulay…mukang patay na daw. (hindi ko natanong kung paano nya nasabing patay kasi kasalukuyan nya nililinis ipin ko nun). Gusto ko lang po malaman kung paano malalaman kung patay na yung ipin?

          1. Good evening po Doc. Nagpa-panoramic xray na po ako. Nag send na po ako sa FB page po ninyo ng digital copy. Doc medyo mahaba yung message ko ha. Sana wag ka mainip sa pag babasa. Pinaliwanag ko lang po yung history ng ipin ko. Sana po matulungan nyo po ako. Thanks again. 🙂

  46. Paano po pag namamaga na yung bagang? Matagal na po akong nagpabunot pero ngayon lang po namaga. Ano pong gagawin ko?

  47. Doc, yung baking soda po ba ay effective to whiten teeth? Kung hindi, ano po kaya ang best remedy na I can do sa bahay?

  48. Hi. Ask ko lng po if what us possible suggestion sa case ng ipin ko kc hndi mgkadikit yun 2 na teeth sa harap up and low gusto sna maayos yung align o magdikit pero nsa ibang bansa kc ako balak ko sna pa self ligating brackets jan sa pinas paguwi ko…pwede po kaya? Thanks

  49. Gandang gabi po…tatanong ko lang po if cause ng pag’adjust ng retainer ang pamamaga at pag’nana ng gums?salamat po..

    1. Ang retainer ay gingamit lang kapag tapos na ang orthodontic treatment. Isa yan sa masamang epekto kapag gumamit ang taong hindi naman kailangan gumamit dahil hindi naman nagpabraces.

      1. Ano po dapat gawin kapag ganon nangyari,na namaga ang gums at nagkaroon ng nana?pwd po ba gumamit ng betadine gargle?

  50. ask ko png po kung anu pweding idikit sa plastic jacket palagi po kc natatanggal msyado po magasto f plagi ipadikit sa dental clinic

  51. Hello nagcrack po kasi yung 1/4 part ng bagang ko pagkagat ko ng matigas na chicharon pinapasta ko po siya dati kaya siguro mdaling nagcrack . Mga magkano po gagastusin pag pinabunot ko yun ?

  52. mayron po bang treatment na pwede mag patubo ng ngipin, mag kano po? May porcelaine jacket po ako, natural lang po ba na mhrapan magslta kasama po ba un ng adjustment?

  53. Hi doc. Ask ko lng po kung maayos pa ang hindi align na midline? 1 year na po ako nakabraces pero tumatabingi po ang ngipin ko sa baba pakaliwa kc po may binunot na 1st premolar sa kaliwa. Wala na din po akong 2 2nd molar sa baba. Tnx po

  54. Hi doc good afternoon po, natanggal na po kasi ung left lateral incisor teeth ko so nka denture ako .. nahhrpan po kasi ako .. balak ko po magpa fixed bridge how much po kya magagastos and okey po kya xa? And balak ko dn sna mag pa implant mukang mahal ata how much po pnka cheapest for implant.. thanks doc

    1. Wag ka maghanap ng cheapest. Ang cheapest madalas pumalpak. Kahit siguro ikaw, paglinisin ko ng buong MOA, bayaran kita ng piso, kung papapaano na ang linis mo niyan. 70 K pataas ang implant. http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/

      Ang bridge madaming klase. Sa isang bungi, ang porcelain fused to metal bridge, 15K pataas. Ang all porcelain, 60K pataas para sa isang bungi. http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/

  55. common na po ba talaga sa mga dentista ang mag-RCT ng walang xray at tests kung dapat talaga mag-RCT? sa lugar po kasi namin, ilang dentista na po natanung ko para i-RCT ako, peru they all don’t need my xray. Is it OK?

  56. hi! doc ask ku lang po kung bakit sumakit yung ngipin ku na 5 months palang po syang my pasta,,? sa upper front tooth pa naman doc. medyo nag swelling po yung gums ko na malapit sa affected na ngipin,ko, usually mga ilang araw po ba ang swelling?

  57. Doc, Good afternoon.. balak ko po kasi mag pa fixed bridge, kaso isng ngipin lang ung lateral incisor sa left, singil sakin 6k per tooth.. bali dalawa pala kakapitan pag ganon.. bali singil skn 18k. kasi babayaran din daw pati ung 2 dalwang ngipin na pagkakapitan.. mura na ba un doc? thanks

  58. Doc, nag-paRCT ako ng first molar sa baba. nung una 2 lang ang singil sakin na canal, tas after 2 weeks pa ang next session kaya nilagyan ako ng temporary pasta .
    Peru hindi nanigas ung temp.pasta tapos nagkaron ng parang tigyawat sa gum, kaya pinatanggal na niya sakin (ako nagtanggal kasi asa bahay na ko) ung temp pasta para daw makahinga ung ipin ko at mawala ang tigyawat. peru for 3 days, hindi nawala ang tigyawat at sakit kahit na wala ng pasta, then after 3 days pumutok na ang tigyawat..
    pagkabalik ko after 2 weeks, 3 daw ang canal sa ngipin ko kaya nagkatigyawat, kaya dagdag na naman ako ng bayad para sa dagdag canal.. dapat pa ba kong mainiwala sa dentista ko? kasi hindi naman niya ko ine-xray peru nadetermine niya ang dami ng canals ko oramismo.
    ilan po ba ang canal ng first molar?
    at ano po ba mangyayari kung sakali pala na 3 pala talaga ang canal ng ngipin ko peru 2 lang halimbawa ang trineat niya?
    madami pa ksi siyang gagawin sa akin, like jacket crowns sa pangil at molar. then magpabrace nadin daw ako.. eh di kaya *niloloko* nalang ako dahil akala niya mayaman ako? btw, pina-RCT ko din sa kanya ang pangil ko prior to my first molar.. salamat po!

    1. Wag ka magpaRct ng hindi inixray. Bawat step yan, inixray. Sa molar, 3 or mahigit pa ang canal. Pwedeng malaman kung ilan ang canals kahit walang x ray. Pero masisiguro kung ilan sa x ray. Pancheck ang xray kung tama ang ginagawa sa RCT.

  59. Good evening po Doc., ask ko lang po kung nakakasira po ba ng ngipin ung pustiso na may kawit? Yung kinakawitan po ba mataas unh chance na macra din? Thankyou po.

  60. Good afternoon po! Ask ko lang po, 19 na po kase ako and until now may baby (milk) teeth parin po ako. Sabi sakin nung dentist na wag ko na daw ipabunot kase daw baka wala ng tumubong ngipin kase daw 19 na ko kaya pinastahan niya nalang. Ngayon, medyo mahapdi na po yung pinastahan at umuuga na yung ngipin. Ibig sabihin po ba nun matatanggal na at may tutubo ng permanent teeth or wala na po talagang chance na mgkaroon ng permanent teeth dahil 19 na at meron pading baby teeth. At yung pasta lang yung matatanggal at hindi yung baby teeth. May symptoms po ba or sign para malaman kung may tutubo pa na ngipin? thanks po

  61. doc ask ko lang po bawal po ba mapagod after mgpabunot ng ngipin at saka doc sumasakit po ksi ung ngipin ko pg-ngumunguya ako or pg-nsasagi siya ng dila ko kailangn na po bang ipa bunot yung gnun..

  62. Hi doc! Nag pa RCT po ako and nandun na ako sa part na ise-seal na lang ng jacket yung ngipin. Pero nay waiting period daw po iyon kaya nakabukas pa ngayon (1 week na po). Kapag minsan nagtotoothbrush ako nagdudugo yung gilagid ng ngipin na na RCT. Ano po ang problema kaya?

    Another question po: tama po ba na plastic ang jacket na ilalagay sakin kasi ibe-braces po ako pagkatapos?

    1. Trust your dentist. Hindi ko nakita yang ngipin mo, siya nakita niya. Sa kanya mo itanong. Masasagot ko yan kung nakita ko mismo yang ngipin mo at x ray mo.

      Tama yung plastic. Plastic crown muna habang binibraces ka.

  63. Doc 🙁 . May braces ako kso fashionable braces lang , kase aus naman na teeth ko . Bagay lang sken ung may retainer . Since inaya ako ng pinsan ko don , pumayag naq mag pa brace ng fashion lng . May 2 months na yata to , napancn ko nlng umuuga na ung ngipin ko sa gilid . 🙁 pag kumakagat ako na kakagat na sya ng ngipin ko , mdjo uga lng pero gumagalaw talaga . Papatanggal kona kaso . Iniisip ko pag pinatanggal baka matanggal ngipin ko doc help 🙁

    1. Punta ka na sa orthodontist. Ipatanggal mo. Bago maging orthodontist ang isang nilalang, 9 years siyang nagaaral. 6 years bilang maging dentist at 3 years na specialization. Imagine-in mo ang isang taong naglagay braces ng hindi man lang nakapagaral. ANg fashionable braces ay hindi nilalagay ng dentist, at kung may maglagay man na dentist, tiyak ako na hindi yun nakapagaral ng orthodontics. Kaya tiyak ako na dapat tanggalin yan. Malalagas ang mga ngipin mo kapag hindi yan natanggal. Lalo na’t isa kang magandang babae. Dahil kapag nalagas ang mga ngipin mo, hindi ka na maganda.

  64. Hi doc, ask k lng po sana kung ok lng po lagyan ng braces ung ngipin k na fixed nakabridge. Nakabridge po ung left canine, first and second premoral. Sabi po kc ng dentist na pinagawaan k ng bridge hindi n daw nya tatanggalin ung bridge wala lng daw po forced sa part ng nakabridge pagkinabit n ung braces.Possible po b un doc. Just need another advice kung ok lng po ung ganun procedure..

  65. HI, Doc.. ano po disadvantage ng fixed bridge? then ggmtn kc skn is porcelain-fused-to-metal crowns.. thanks

  66. Good eve po ask ko lang po katatapus ko lng po mag papasta peru sumasakit pa din ung ngipin ko kung san may pasta natural po b un or ndi maaus ang pagkapasta?salamat po

  67. Hi doc. May sumasakit po kasi sa bandang cheeks ko. ung malapit sa tenga. Tmj po ba un? And i feel pain in my ears though wala namang pong sugat sa loob sanhi ng paglilinis. pag sumasakit po ung banda sa tmj, nadiretso po ung sakit sa ear then papuntang head. ano po gagawin ko dito? sana po matulungan nyo ako. and my mom said na nag tteeth grinding ako kung paminsan but not always. also have teeth marks when i woke up. what should i do? thank you ho.

  68. doc na pogi. tanung ko lang po. i have sensitive teeth. mga premolars. pag nakain po ako ng malamig and sweets. i feel pain but only 2 to 5 seconds or less. and wala naman pong bulok or butos na malaki it is just a normal tooth. whatshould i do with this? kaya po ba ito ng filling? tia

  69. Doc, ano po ba dapat gawin bago ang araw ng pagpapabunot? Yung last time kasi na nagpabunot ako ng tatlong magkakatabing bagang ay grabe po pagdurugo. Magpapabunot ulit po kasi ko ng 3 bagang na magkakatabi ulit. Tska ok lang po ba na magpabraces kahit may anim n nawalng bagang? 3 sa upper right at tatlo sa may lower left. Salamat!

    1. Sa dami ng bungi mo, wag ka na magpabraces. Sa bilis ng pagkawala ng mga ngipin mo, tiyak na mas magiging mas mabilis mawala ang natira mong ngipin kapag may braces ka na. Halatang pabaya ka sa ngipin. Hindi indicated ang mga pabaya na maging pasyente sa braces.

      1. Sir nung highschool po kasi ko nagpabaya. Ngayon lang po ako nagpabunot kasi pinaaayos ko na, ngayon lang kasi nagkapera. So di na po ako pwedeng magpabraces since marami na kong bungi?

  70. ask ko lang po bakit po bawal bunutan ng ngipin ang may thyroid?marami n po kasi ako sira n ngipin papa pustiso na rin po ng bago…salamat po

  71. Hello doc! Pwede ho bang malaman kung ano range ng price ng brackets(pag natanggal at nawala ko) at wire(kapag naputol)?? kasi ho yung first na charge ng orthodontist sa wire na naputol ko last visit ay 300, tapos sa next visit ko naputol parin yung wire pero dumoble ho yung price naging 600 pati nung bracket eh sabi niya 500 naging 600 na din po. Tapos pinapabayad nya na ho ako para jan on that day. Last time eh pumayag pa ho sya na isali sa monthly payment yung bayad sa wire at brackets na nawala ko din last time. Hindi pa po ako nakapirma sa kontrata. Sa tingin nyo ho ba nag overcharge ho sya?

    1. Nakadepende sa kontrata niyo kung magkano ang bawat isa. Pero babayaran mo talaga yun, lalo na mawala ang bracket dahil para mapalitan yun, kukuha siya ng isa sa isang set na bago. Nakakapagtaka lang, ano ba ang mga isinusubo mo at napuputol yan ng ilang beses? Naglalaro ka ba ng palakol sa bibig kapag wala kang makitang bubble gum sa sasari sari store sa inyo? Hehehe! 😀

  72. hi doc..5 days na po akong hnd pnapatulog ng ngipin ko mgkabilang bagang po..then ung mga gilagid ko makakati..ano po bang dapat kong gawin ngaun..ano po bang bawal kapag nagpapabunot ng ngipin

  73. kinabukasan po tumawag po ako sa dentist kailangan ko daw po magpa th t3,kaya bawal daw po ako bunutan ng ngipin baka daw po delikado sa puso….

  74. Doc, nka braces po ako pero nagnnight grind po ako di po ba makaka’apekto yun sa pag aadjust ng ipin ko? at normal lang po ba na sumakit kahit ilang weeks na nakalipas nung nakapag pa’adjust ako? ayos lang din po ba kung mag bubble gum ako paminsan? 🙂 salamat po.

    1. Basta dentist ang gumawa wala ka dapat alalahanin. Kaya siguruhin mong dentist yang nagbraces sayo. At kung may problem, dapat alam mo ang phone number niya para matext mo siya anytime.

  75. Good evening po, I’m 17 po a yung dalawang ngipin ko po sa harap ay false teeth na,at dahil po dito nawawalan po ako ng self confidence sa sarili gusto ko po sana mag pa dental implant. Okay lang po ba sa age ko? and how much po mag ra range yung dalawang ngipin? Thank you po.

  76. good evening po…ask ko lang po kung ano ang pwedeng gawin sa premolar ko, nahati kasi sya. ano po kaya ang option na hindi ipapabunot….saka pwede po kaya palitan ung pasta ko sa harap pero hindi halata na pasta sya? kung pwede po, magkano po kaya? thank you po

  77. Hello! ;)) magtatanong lng sana ako, i have braces po kasi sa baba then parang naging babalo na tuloy ako, wala po kaso akong brace sa taas d naman po ganito ang panga ko before, tapos nangangawit ako sa panga ko, d man to ganito before. Pls do help me po. Okie po ba magbrace kasi may 3 missing teeth ako?

    1. Upper at lower lagi ang braces. Isa yan sa epekto ng lower braces lang ang inilagay. At kapag nilagyan ka ng lower braces lang, tiyak akong hindi nagaral ng ortho ang dentist mo.

  78. Hello! ;)) magtatanong lng sana ako, i have braces po kasi sa baba then parang naging babalo na tuloy ako, wala po kaso akong brace sa taas d naman po ganito ang panga ko before, tapos nangangawit ako sa panga ko, d man to ganito before. Pls do help me po. Okie po ba magbrace kasi may 3 missing teeth ako?

Leave a Reply

%d