Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Doc ask ko lng bawal pa po ba magpapasta o mgpabunot ng ngipin ng wala png isang taon n kapapanganak? Dahil daw bka mbinat pa?

  2. Pag pinatanggal ko po yong jacket possible bang masira ung unit? Medyo mahal po kse yong jacket. Thank you for you quick reply doc

  3. Hi po doc, yung isang front tooth ko po pina-rct ko po. Kaso masyadong maniis yung natirang ngipoo on nung pinastahan, nabali po. Ano pongpwedeng gawin? Pwede pa po bang ikabit at palagyan ng crown? May sungki din po ako, pwede pa po ba akong magbraces pag nagpalagay ako ng crown? Or ipa-bunoto nalang yong mga sungki ko at mag-fixed bridgee nalang? Thank you po.

      1. in case po ipa-crown ko tapos mag-braces ako, pano po ikakabit yung mga bracket sa ngipin ko? sabi po kasi nung dentist ko mahirap daw kumapit sa crown ang brackets…

  4. Doc. may tatanong lang po sana ako ung ngipin ko po kasi sa harap ung dalawang ngipin mo na malaki ung parang RABIT teeth po ung isa po kasi parang nasira ung nawasak po ung hindi na po buo ano pong gagawin ko para mabuo ulit un ?

  5. Ano po kaya causes ng pag sakit ng gums/tooth
    After 1 or 2 years after ng root canal treatment? Namamaga po kasi pisngi ko ngayon at may bukol sa itaas ng na root canal na ipin.

  6. doc may ngipin po ako na untiuntung nababasag tapos may bulok sya sa loob. di ko po alam gagawin ko di po maganda tignan pinipilit ko galawin para umuga at matanggal. pls help po thnks

  7. Yung lower retainers ko nahati sa gitna nung isang araw, nagagamit ko parin naman sya pero medyo may sakit lang sa gitna, may effect parin ba yung retainers ko kahit ganun? 🙂

  8. Doc, pwede pa po ba talaga pastahan ang ipin na may sira at sumasakit na? Kasi po ginawa ng dentista samin pinastahan pa rin nya. Ano po bang mga procedures bukod sa pasta na pwedeng irestore ung ipin? Ayaw ko po kc ipabunot kc canine tooth po sya. Thanks po doc.

  9. Hi Doc, nag pabunot ako ng isang ngipin sa bagang last Sunday at hindi nbunot ng demtist lhat.. Parang nbasag ung ngipin atay part na naiwan.. I ask him and he said na it’s okay.. Ngayon mag oone week n after nya ko bunutan but still maskit parin ung part na binunot nya at para pomg nag nana.. Anu pong pwedeng gawin? Thanks

  10. Doc natanggal po ung jacket crown ko na dalawa sa front teeth tapos kasama ung ngipin mismo bali naputol siya. ano po kaya ang pwedeng gawin? ok pa naman po ung jacket ko kaso my ngipin na kasama. pwede po ba kaya ibalik to? ididikit na lang bali sa dalawang gilid ng pangil na ngipin.

  11. Hi doc. Wala na po akong wisdom tooth. Plano ko po magpabrace dahil nagproprotrude ang ngipin ko sa unahan kaya parang nakanguso ako sa side view ko. Yung arc ko po ay parang v shaped at may konting crowding ako dahil siguro thumb sucker ako. Muka siyang straight at ako lang nakakapansin na pangit ngipin ko. Yung isang dentist na nagbunot ng wisdom tooth ko hindi nagbubunot ng bicuspid. Protrusion po kasi main problem ko gusto ko sana mahila paloob yung ngipin ko. Mahihila po ba siya kahit hindi iextract ang premolar bago magpabrace? Lilipat po ba ako sa ibang dentist?

  12. Doc, ask ko lang po if reasonable price na po yung 5k na crown yung my metal daw po sa loob. O——– C—— O—— DENTAL CLINIC… alam nyo po ba dito?

    Ilan taon po ang itinatagal nito?

  13. Hello po doc! May braces po ako ngayon and crowded po lower front teeth ko dahil sa impacted wisdom teeth. Napatanggal ko na po impacted teeth ko. Until now po di pa po nagfoforward yung mga crowded teeth ko. Ang ginagawa po ng ortho ko tinatabasan po yung mga ipin. Concerned lang po ako kasi parang maliliit na yung teeth. Doc, ano po ba mas better coil spring pag crowded or tabasan ang crowded teeth? Nakita ko po kasi sa iba na nakaspring sila, i just thought lang na baka pwede rin ako sa ganoon at wag na bawasan ngipin. Thanks po 🙂

  14. Hi doc. Tanong ko lang po kung napapansin po ba ng dentist kung bulimic ang pasyente dahil sa ngipin? At kung may case na po kayo na napansin nyo na may bulimia ang pasyente?

    1. My answer is yes. Malalaman ng kahit sinong dentist yan. Ako, personal dentist mo, dentist sa kabilang bayan, sa kabilang rehiyon, sa ibayong bansa. If you want to be seen in private regarding your case, you contact us. Our contact numbers can be found at “contact us”

  15. May 2 big front teeth po kasi ako, pwede po ba ipacut yun para maging pantay sa ibang ngipin?

    1. Doc, follow up question lang po, if natural shade ng ngipin is dilay, may pagaasa parin po bang pumiti ito?

  16. Doc I have elastics on my braces. Gaano katagal ko dapat gamitin yun? Sabi ng dentist ko 2weeks daw. Gusto ko na itigil kasi sobrang nakaka bother at nakakaconscious pag nagsasalita. Malaki po ba ang epekto nito sa treatment ko? Thanks!

  17. Hi doc nakabraces po ako ngayon and halos every month natatanggalan po ako ng brackets particularly dun sa molar ko sa baba. Normal lang po ba yung ganun? I use to eat a lot. Nabobother po ako kase baka po magalet yung dentist ko saken kase every visit ko sa clinic for adjustment eh may natatanggal na brackets. If ever po ba kayo yung dentist ko magagalit kayo!?

  18. Hi doc. Ask ko lang po kung ano pong magandang solution dun sa ngipin ko na pinastahan nila. Kaso parang ang pang pangit parang kaliskis yung pasta sa harap na halatado. Pwede po bang i pa brace yun para lumubog sya ng konti at hnd na mging halatado?

  19. doc anu po procedure dapat gawin kase papunta na ako sa underbite taz po yung 1 ko front teeth wala na, isa nalang natira, yung left and right wala na rin ngipin. yoko po mag padenture..my solution pa po ba?possible po ba sya sa braces?

  20. Doc,meron akong supernumerary tooth in between sa two front teeth ko…anu po kayang pwedeng remedyo?nawawalan kasi ako ng confidence…tsaka nagpaextract ako ng ngipin sa right side which is kitang kita pag ngumiti ako…please help

  21. Doc may marerecommend ka ba na clinic na magaling gumawa ng partial dentures? Yung huling pinagpagawaan ko kc hndi maganda. Yun pong sana parang natural tingnan.. Malapit na po kc ung wedding ko. Thanks po and more power

  22. Doc maaayos po ba yung ngipin ko kasi po tuwing magi-smile ako yung front teeth ko po napunta sa likod tapos po yung back teeth ko napupunta sa harap.Naaayos po ba ng braces yung ganoong pwesto ng ngipin.

  23. Pag po ba pina root canal yung ngipin ko pong naputol yung pong may natira pa na nakakabit mababalik po sa dati yung ngipin ko ?

  24. Doc nakabrace po kase ako ngaun . Gusto ko sna mapabilis yung pag ayos ng ipin ko ,. Pede po bang dlawang beses magpaadjust sa loob ng isang bwan ?

  25. ano po kayang pwedeng reason kung bakit po parang namamaga yun sa may gilagid po yun gums sa sa may bagang?

  26. doc ask ko lang pag ayoko ipapustiso ung ngipin ko sa harap ano kaya pwede at mga magkano nman kaya un thanks

  27. hi doc,,sa tingin ninyo ok ba ang jacket crown na plastic fused to metal..

    at legal ba talaga ang paggamit ng plastic crowns?? kasi po kapag nag sesearch ako wala ako mahagilap o mahanap tungkol dito lahat puro ceramics etc…..

    ty.

  28. doc paano po solution pag wala po akong left central kasi po nung bata ako nagkamali ng bunot ung dentist lumaki po ako may bungi sa left central bali nag shift po ung teeth ko gnawa nalang nung bago ako magcollege jacket para ung lateral magmukhang central. sobrang nahihiya at nalulungkot po ako lagi pag naiisip ko ung about sa teeth ko naapektuhan talaga life ko. Sana maayos to ito lang ang gusto ko mangyari kuntento na ako

    1. Madaming tao ang hindi tinutubuan ng lateral. Kaya kung ang dati mong lateral ay ginawang itsurang central ay walang kaso. Wag ka magalala, ang gusto ng babae sa isang lalaki ay ang galing nila magpatawa. Kung kulang ng isang lateral, walang problema.

  29. doc, legal ba ang jacket crown na plastic?? kasi po pagnag sesearch ako tungkol dito puro porcelain ang lumalabas .. ty

  30. Hi. Gusto ko lang malaman if there are any insurance companies that cover dental implants kahit partial coverage lang. My sister needs them. Salamat!

  31. Hi doc ask ko lang po bat po kaya sumasakit ung ipin ng jacket ko mag 4yrs na po sa front teeth .ano po pwede gawin para mawala sakit? Salamat

  32. Hi, Ask ko lang if pwede i pa Rootcanal yung 4 Na ngipin ko, Pustiso kasi sya. And balaka ko na sya ipaayos. and How much aabutin? Thanks !

  33. uns sis qoh po gusto mgpa brace pero bungi na ung 4 na front teeth nya .. anu po na pwde ?? bridge muna bago nrace or brace to bridge ?

  34. Nasira po kasi ngipin ko den naexpose ung dentin. Habang nagtotoothpick ako. Accidentally na butasan ko ung dentin tas natamaan ko ung pulp. Sobrang skit. Tapos pag kumakain ako. Grabe sobrang sket pag natatamaan ko ung pulp pag nagchchew ako. Naapektuhan talaga ung diet ko. Konti lang nakakain ko kasi ang hirap tapos dikopa nachechew ng maayos. Ano pinaka magandang measure kasi di talaga ako nakakain ng maayos. ASAP. salamat po 🙂

  35. I accidentally poked my exposed dentin and i think i hit my pulp. Everytime i eat, it hurts and i cant chew my food well. Whats the best way to get rid of this pain. I cant eat well and it affects my eating habit . Thank you

  36. Ask ko lang po about sa case ko. Missing po yung left central incisor ko, naka braces po ako ngayon, ask lang po ako ng advice kung ano po pwede kong ipagawa sa dentist para maging natural po yung missing central incisor ko. Di po kaya ng budget ang implant.

  37. doc tanong ko lan po kse masakit po un bagang ko tska sa my pisngi prang may nana po sa loob tas sa my bagang mejo nangangapal po na prang my sugat tska sumasakit na dn po un lalamunan ko at ulo . pls reply . tnx !

  38. dok wala n po kc akong bagang s ibaba pero may ipin p nman ako s harap, mgpapa false po sna ako kso humaba n po mga ipin ko s harap dhil s katagalan n wala akong ipin s ibaba. mnsan nga po msakit n gilagid ko s ibaba kc ntatamaan n ng ipin. pano po un dok? slamat po

  39. shalom..plano q po sana magpa implant pag uwi q ng pinas magkano po kaya ang magastos q sa baba at taas po lahat po ng ngipin..tnx

  40. Doc.ask kulang. Balak ko sana mag pa fixed bridge sa taas. Then brace sa baba? Pwede po ba un? Then ask kunadin po kung magkanu then kung sakali saan po ofis nyo. Tnx. At how long yung procedure. Center po kasi ako nag work eh. Blk ko din mag leave. Bk maapektuhan pag sasalita ko eh. 🙂 tnx for the rep.

  41. Hello, doc! Nalaman ko po na ang bridge at jacket ay magkaiba sa website niyo po. kasi po meron akong 3 teeth na nakabridge wala po bungi yung 3. Nagtaka lang po kasi ako sana jacket yung ginawa. Di naman po naexplain sakin bakit bridge. Doc, absolute ba na ang bridge ay para sa bungi lang? 🙂 thanks po

  42. Hi po ulit! Doc, tama po kayo na jacket crown po na magkakadikit at yes, made in the province po 🙂 uso po ba ang method na yun sa probinsya? 🙂 nagiging inferior po ba ang gawa pag bridge ang ginamit kesa sa magkakahiwalay na jacket? Gusto ko po kasi magpagawa uli pero yung hiwalay sana, wala naman po akong bungi. Hirap po kasi linisin ang bridge 🙁

  43. Ask ko lng po,.yung pamangkin ko po is 10 years old,.nagpabunot xa last april pa sa isang dental mission,.kaso ngayon po madalas sumakit yung part na nabunutan,.bkit po kaya nagkaganun,..tnx

  44. doc.. ilang araw po ba ang kelangan para makapag buhat ng mabigat.. tuesday pa po kc ako nabunutan ska wala na po akong nraramdaman sa binunot saking bagang.. thanks

  45. Doc tanung ko lang po pwede bang gawin pustiso ung jacket crown kasi ayos pa ang jacket crown ko. natanggal lang ang ngipin ko kaya wala na siyang kakapitan. salamat sa sagot po.

  46. Doc my fixed bridge kc ako sa front upper ung apat, sumasakit po kc ung bagang ko sa upper right side, kung ppbunot ko po ba ung bagang ko d po ba maapektuhan ung fixed bridge ko bka po kc maalis sa alignment,,

  47. Tanong kò po nagpalinis ako ng ngipin at nagpapasta yung nag pasta ng linisan nya yung papastahan may nasagi syang ibang ngipin at naramdaman ko na natapyas ng konti…nabaliwala yun matapos ang mga linggo naramdam ko na parang may Ibang kemikal na nalabas sa ngipin na yun.ano po yun doc…sa tingin ko po yung ngipin na may crack pag inano ng dila ko naamoy ko na amoy ngipin mas maamoy sya kasi po sa ibang ipin ko wala ako naamoy…lasa at amoy ipin po talaga..

    1. Kung yan ay may lasa at amoy, matagal na yang may impeksyon. Madalas ang kakaibang lasa at amoy sa mga taong minsan kada isang dekada lang magpalinis ng ngipin. Malaki rin ang possibility na napakarami mo na ding infected na ngipin, dahil ang lasa ay hindi makukuha sa simpleng nasagi lang. Ang pinakamabuti mong gawin ay magpapanoramic xray at isend mo sa FB ko.

  48. Hi Doc. MagpapaRCT po kasi ako tapos ang lalagay muna daw pong jacket sakin yung plastic crown kasi po balak ko magpabraces pero hindi pa ngayon. 😀 pwede po ba yun? O hindi maganda ang plastic?

  49. Doc gustong gusto ko po mag braces pero wala pong sira ang ngipin ko sabi po ng tita ko may maliit daw po na gap between my teeth, pero pag tinitignan ko po yung ngipin ko sa salamin wala naman po ano pong gagawin ko?

  50. Hi po , kasi po nagpabunot po ako ng ngipin , bagang po sya sa my upper right , ask ko lang po kung malaki po ba ang chances na magka hiwa-hiwalay mga ngipin ko po sa taas !? Pero po kasi yung papa ko pa hndi naman po . 17y/o po ako . tnx po .

  51. Doc ask q lang sana.. Every 6 months po.. Nagpapacleaning aq.. Kaso may isa po aqng ngipin na parang may nagbui2ld up na tartar.. Na nagcau2se ng bad breath.. If ever po ba.. Pwede q siyang ipabunot.. Kasi after 1 week qng magpalinis.. Balik n naman
    . Bad breath na naman aq.. Thanks po.. Gobless

  52. Good morning! I’ve been wearing a removable denture for my central and lateral incisors since 2006. My question is, meron bang ibang option para hindi na removable yung denture? and if ever how much will I have to spend? thanks!

  53. Doc, nung bata po ako na rct yung isa kong front teeth tas after nun pinapalit ko ng jacket na plastic lang. Eh gusto ko po mgpabraces ksi yung pre molar ko po sa right side hindi naka align. Possible po ba yon?

  54. Hi Doc. Nagpa veneer ako sa front teeth (6). 3 months palang may natanggal na 2. Wala naman ako natatandaan na kumain ako ng matigas para magkaron sya ng lamat. Posible bang hindi maganda ang pagkakabit? Salamat

  55. Pwede po bang magpabrace kapag yung front teeth na dalawa ay porcelain na (dahil sa dental bridge ata yun (may maliit na ngipin sa loob) at kapag yung isa pang ngipin ay napasta lang dahil sa sira (yung ngipin na un ay butas pero pinastahan na lang kasi tinanggal na yung black thing sa ngipin para hindi mabulok totally.) ?

    1. Doc follow up po, gusto ko po magpabrace kasi sungki po yung isa sa teeth ko sa harap (yung pinastahan dahil nagkaroon ng cavity pero nilinis naman po bago pastahan

    2. sabi po kasi ng kuya ko baka daw po masira or mabasag yung porcelain na teeth na dalawa kapag nagpabrace ako pero nung tinanong ko naman po yung dentista sabi nya pwede naman daw and pwede daw po na dental bridge or jacket ata para pumantay din pero gusto ko po sana braces kaya pwede po kaya yun ?

  56. Doc follow up po, gusto ko po magpabrace kasi sungki po yung isa sa teeth ko sa harap (yung pinastahan dahil nagkaroon ng cavity pero nilinis naman po bago pastahan

Leave a Reply

%d