Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Doc, saan po ba pwede magpapasta kahit may nakakabit ng braces sa ngipin ko? Sa cheap online kasi ako nagpakabit ng braces. Wala naman pala siyang pakielam kung may sira sa ngipin mga customers niya, basta nagkakabit lang siya. Nagtry na akong lumapit sa mga clinic malapit sa amin pero ayaw nila akong pastahan. Hindi ko na alam gagawin ko.

  2. Hi doc. Anong antibiotic, yung affordable, pera s fistula… (not sure as stash) May rebuild up s gums after buksan nya ung ngipin ko for root canal. Without explaining n irorootcanal nya. After 2days, Nung babalik n ko my buildup nga s gum s gilid ng ngipin n binuksan nya. Hindi rin sya ngperform ng xray.. ngtotooth brush nman ako lagi at gargle. Pls adv thanks

  3. Pag ngumingiti po aq kitang kita ndi pantay ang labi q dahil s pangil na ngipin q s kaliwa, anung dapat qng gawin pra maremedyuhan toh

  4. Good day doc, ilang days po ba ang pagpapagawa ng pustiso? pwede na po bang magpapustiso after mabunutan ng ngipin? sa may front po yung bubunutin na ngipin. thanks.

    1. Depende sa klase. Kayang gawin ng prosthodontist sa loob ng isang araw. Pero asahan mo na mahal ang ibabayad mo, dahil isasara niya ang clinic niya para lang gawin ang denture mo. Pero usually 2 weeks pataas. Para maganda ang pagkakagawa, wag mo iparush.

  5. hi doc ask ko lng sna nagpanuboykasi ako nun monday lng..nmay natira kasi sa gilid ng gilagid ko maiit lng nman,..ask ko sna kng ok lng ba un?oh nid ko tlaga bumalik sa dentist?

      1. anu nga doc hahaha. di po kasi pantay ung pisngi ko malaki po ung kaliwa, kpag po ba natanggal ung impacted wisdom tooth ko po ehh babalik po ung dati kong pisnge magpapantay na po ung pisngi ko tnx doc 😀

          1. ahhhh tnx po doc. kung sa pamamaga lang po un pwede pa bumalik pwede pa po pumantay ung panga ko.At khit kelan po pwede ko po patangal ung impacted wisdom tooth ko.sobrang sakit po ba nun?

  6. good noon doc, ask ko lang po kc nagpajacket po ako 6 units fixed bridge..dapat po ba un buong 6units fixed bridge na jacket ko ay may wire o bakal sa likod for support?..kc nun una po nabali yung nilagay nila sabi nun dentist dapat daw kc may wire o bakal yun sa likod for support nga, so pinalaitan nila, meron ng wire kaso hnde buo, un dulo un sa mei central incisor ko wla ng wire..xa din un nabali dati, ngaun nabali na nman po..do you think mei pagkukulang yun dentist ko dun..tnx

      1. accident po kasi, nasira po yung tooth mismo, safe naman po yung iba pero yung isa po hindi. di naman po nagkabasag basag or nag crack pero half na po so bukas po kailangan na po tanggalin. front tooth po yung aalisin. may sira na din po pala yung tooth kaya siguro mahina na. ano po ba mas magandang gawin? basta hindi po denture. at yung cost po uli 🙂

        1. Ang gagawin, ichicheck sa x ray kung hindi umabot sa pulp ang fracture. Kapag hindi apektado ang pul, jacket crown ang ilalagay. Pero kung umabot na sa pulp at sumakit na, RCT muna tapos jacket crown.

    1. Intindihin mo yung sagot ko. Nasagot ko na ang tanong mo. Kung hindi mo maintindihan, tawagin mo ang nanay mo ay ipabasa sa kanya at sabihin ipaliwanag sayo kung ano ang nabasa niya.

  7. Doc , Possible Po Ba Ang Fixed Bridge Kahit Hindi Magkakadikit Yung Bunging Ngipin. Sample , Front Teeth , Left And Right Molar.

  8. Gud am po doc… how much po denture nio sa upper 8 and sa lower 7 po? Or if ever magpa fixed bridge po how much po kaya un? Salamat po..

    1. Hindi ko masasabi kung magkano dahil hindi ko makita. Madaming klase ng denture at iba iba ang price. Iba iba din ang hirap ng paggawa sa isang pasyente. Sa dami ng bungi mo, malaki ang posibilidad na hindi ka pwede sa bridge.

  9. Hi Doc. I’m planning magpabraces. Yung friend ko dentist ang girlfriend nya. 30k na lang offer nya up and down and libre na pasta at bunot. Tama lang po ba ang presyo nya o kaduda-duda? Licensed naman po sya. Iniisp ko na lang kasi siguro new dentis sya, 2010 lang sya nagstart magpractice. What do you think po? Tama lang po ba ang presyo nya? thank you po

  10. Nabasa ko halos lahat ng posts at comments dito, halos lahat hinihingan nyo po ng x-ray. Ganon ren ba pag nag-pa veneers? Kailangan ren i-xray before ng procedures? 🙂

    1. Imagine, paano ko makikita sa bibig ng pasyente? Kahit makita ko sa photo, makikita ko ba ang loob ng ngipin? Kahit tumingin ako sa bolang kristal at kumunsulta sa albularyo, hindi ko makikita.

      SOP ang x ray bago treatment. Hindi lang ginagawa kung walang pera ang patient. Pero dapat meron bago simulan, para sigurado ang ginagawa. Nakakadagdag sa gastusin ng patient pero kita lahat ng problem.

  11. Hi po. May problem po kasi ako about sa wisdom tooth ko. Kasi po parang ang mahal ng 12k na sinisingil sa akin ng dentista ko. ang tubo po kasi nung wisdom tooth hindi patayo. Pahiga po siya. Deretsong pahiga po. And medyo dikit po siya sa katabing ngipin. Tama lang po ba ung price na 12k? Thank you po.

  12. Hi Mr. Dentist, good morning po. Tanong ko lang po kung anong dapat kong unang gawin sa teeth ko, kung braces po ba or implants muna. kasi po yung pangil ko sa left noon e sungki tapos tinanggal. so may siwang na. e balak ko po sana magpalagay ng braces kasi yung front teeth ko po naka-overlap ng konti. kung uunahin ko po yung braces edi magmu-move na yung front teeth ko dun sa gap, mawawalan na ng space for implants. kung palalagyan ko naman na po muna ng implants, okay lang po ba na palagyan ng braces afterwards? puwede po ba yun? Sana po nagets niyo. hehe 3:)

  13. doc possible pa din po ba na ma pustisuha yung both canine ko sa upper teeth kahit matagl ng nabunutan? then now po sumasakit yung ibabangbipin ko ung tapat ng canine ko sa left side may butas po. anong dapat gawin? gusto ko sa ipabunot tapos ipapa-pustiso ko yun kasama un dalawang canine…possible po ba?

  14. Dentist, kumain ako ng almonds kasi kasama sya sa chocolate na kinain ko kagabi. Nabent ung wire ng braces ko. Anong gagawin ko?
    Saka naging visible ung ilang roots ng teeth sa bottom right ng teeth ko. at parang nagulo ung ibang ngipin mula sa posisyon nila sa last adjustment. I can’t go to dentist pa gawa ng sched ko. Bale 4days pa bago ako makabalik. Anong gagawin ko for the meantime? Masama ba ito? Nasira ba ang prognosis sakin? Hahaba ba ang prognosis? please do reply doc.

  15. Doc, balak ko po sana mgpa brace kasi ung teeth ko sa baba e umuurong kc kulang na xa ng two teeth i think bagang un left and right.. sbe nung dentist na pinag check up’an ko bubunot dw ng 2 teeth sa baba ko bago ibrace. Nag tataka lng ako kulang na nga teeth ko kya na urong tpuz babawasan pa. Doc ok lng b hndi bunutan ? Auko kc bunutan e hndi nmn sira. Sayang ung teeth ko. Tpuz sbe pa pag ok ndw ipin ko at pag wla na brace e need ko dw mag pustiso bka dw kc gumalaw ulit or retainer.. skin lng bubunutin auz nmn na ipin tpuz ppustisohan.? Auko mag postiso or retainer ano un maintenance ko na hangang pg tanda ko.. kya gusto ko mag pa brace pra po maaus ipin ko, pag alis ng brace after a year ok na ipin ko. Tama po ba sya doc.??

  16. Pano ba malalaman na legitimate ang dentistang mapupuntahan mo? May nakita kasi akong tarpaulin sa Makati na mag ingat sa mga dentista na nag malpractice at pumunta sa legitimate.

    Sapat na ba makita ang Diploma at mga BIR related papers sa clinic nya?

  17. Tanong ko lang po namamaga po ung panga ko pero di naman masakit sya kaso sa loob nya ung ipin ko po di maka tubo ng maayos kasi may naka harang na laman

    1. Ang gagawin ay papatigasin ang ngipin sa pamamagitan ng pagalam sa dahilan kung bakit malambot at tatanggalin ang dahilan ng panlalambot upang tumigas. Maari itong haplosin at umasang tumigas. Ang paghaplos ay epektibong pamamaraan sa pagpapatigas.

      1. Hahahaha, Doc mukhang ibang ngipin naman yan eh. Ayos talaga, naentertain naman ako dito sa site mo. Ngayon lang ulit ako nakavisit 😛

          1. Hindi ko din sure kung ano, wla na kasing ibang ngipin sa katawan ng tao bukod don sa nasa bunganga. Hahaha Ayos naman po ako doc, maganda pa rin. Echos! Aba nasa Gresya ba kayo ngayon? Ahu!Ahu! Kayo na ba ang tatalo kay Xerxes?

          2. Ha! Ngayon ko lang nalaman na hindi ngipin yung isang tinutukoy ko. Hehehe! Kailangan ng katibayan yan, dapat makita sa photo kung maganda pa rin. 😀

          3. Hahaha kasi naman doc, wala na talaga kong maisip na ngipin bukod sa nasa itaas na bahagi ng katawan. Hahaha nasa convention din po ba kayo ng mga dentist ngayon? Seryoso ka ba doc, padadalhan ko kayo ng updated kong picture, yung may sunburn sunburn pa. Hahaha

  18. Hi doc gud morning po. Meron po akong bungi. Isang ipin lang po. Ano po magandang ipagawa? Jacket crown po ba? Mga ilang araw po ang healing process doc? May trabaho po kasi ako araw araw. Mamamaga po ba yun? Salamat po

  19. Doc, I had 6 surfaces filled on my lower molars. After the restoration which took 30-45 mins., my jaws ached very badly. My dentist said it’s because my molars are maloccluded. In your experience, is it really unusual for patients to complain of very painful jaws after they’ve had them wide open for more than 30 mins?

      1. Thanks! One other thing please doc. My lower teeth feel uncomfortably crowded, as if I was lightly pressing them towards each other. I don’t remember how long I’ve felt this way (years probably) but it’s only starting to bother me now. I have all my lower teeth except for my 3rd molars and I have overlapping central incisors. Would you have any suggestion as to why I have this sensation of pressure and should I be alarmed?

        1. Ang pinakamainam mong gawin ay magpa-panoramic x ray. Tapos send mo sa FB ko. Kung ibabase ko lang sa description mo, ay malabo. Kahit yang problema mo sa masakit na jaw ay pwede ko malaman ang dahilan, basta magsend ka ng malinaw na xray. Kung digital x ray mas mainam.

  20. Doc sumsakit po kc ung napastahan n ngipin ko.last aug 2013 ako ngpapasta at ngaun sobrang kumikirot po cia ilang gb n ko d makatulog sa sakit.d dn po nkukuha sa pain reliever like medicol advance at dolfenal.ano pong ggwin ko?

  21. Doc, yung two front teeth ko po medyo discolored ano po kayang pwedeng gawin dun? Maaalis ba un pag cleaning lang ginawa?

  22. Doc pano kaya maalis yung white spots sa ngipin ko? Tapos sa harap pa. Hirap tuloy magsmile kasi kitang kita. Kasi parang stain na sya eh. Matatanggal pa ba yun?

  23. Doc yung dentist q tawag ng tawag sken kasi hndi na po ako bumalik kasi nirecommend nyu na magpalit nq ng dentist kasi nga nung ngpabrace ako ndi ako xray tsaka walang molarbands.. E ndi q po kasi sinasagot ung tawag nya.. Then nagtext na gagawa na daw sya ng action.. Parang magdedanda.. 🙂 Anu po ba maganda gawin? Down pa lang kasi nababayad q sakanya. Possible po b na mademanda ako? Thanks

  24. doc umuuga po ang ipin ko s baba harapan po, kasi ung gums ko nung nag buntis ako nasira, pag nag totoothbrush ako noon nag dudugo,.. ano po bang dapat kong gawin? ayaw ko po sana ipabunot,.. papano po kakapit ulit ung ngipin ko? 3 ipin p nmn po s harap

  25. Good ask. Ask ko lang po, ano yung pinaka worst possible outcome pag nagpa surgery ng impacted wisdom tooth? Masakit po ba yun? Kung di po ipapatanggal ano po pwede mangyari? Thanks in advance.. God bless.

    1. Mas mabuting magsend ka ng panoramic x ray para masagot ko ang mga tanong mo. Ang masasagot ko lang ayang worst possible outcome pag nagpasurgery ka. Kamatayan, lalo na kung hindi ka sa dentist pumunta.

  26. Doc, gud PM. Ask ko lang po kung anong disadvantage pg ung bridge ay in-attach lang s isang ngipin. Sa nababasa ko po kc dapat sa dalawa sya i-attach. Missing po kc ung lateral incisor ko. Pag sa central incisor ko lang po ba sya in-attach gano po kalaki ung chance na matanggal sya compared pg sabay sya i-attach sa canine? Ano pong worst case scenario? As much as possible po kc, ayoko na ipagalaw ung canine ko, ok naman kc sya. Thanks in advance.

    1. Nag-PM na po ako sa inyo sa FB ksama ung photo. Follow up question po. Required po ba na iXray muna bgo gawin ung procedure or khit physical assessment ok na, Thanks ulet.

  27. What I meant with bunot was..like..a typical one with no cutting, no stitches.. And of course Im planning to go to a dentist since my problem is my tooth and thats why I asked you, a dentist.. But thank you for answering, youve been very helpful. 😀

    This is a link of what my teeth look like. (ITS NOT MINE) I dont have an xray yet..

    And thank you so much for taking time to answer my questions.

  28. Ngpabunot aq ng molar last monday ,then namaga po sid ng pisngi q kungsan binunutan.me nana pa nga.ibinalik q sa dentist q sbi nya continue lng dw antibiotic.until now prng di ngsusubside yung pamamaga.di nmn po aq mkainom ng iba gamot kc ngppbreastfeed q.wat do u think doc?until when kya pamamaga ?

  29. hello po doc 🙂
    tatanung ku lang po sana f ok lng mgpabrace khit my denture na ! ung ngipin ku po kc upper sa harap ee pustiso na ! kaso uztoh cu po sana mgpa brace kasi since bnunot ung 2nd molar cu up and down right side ee nagkaroon ng space mga ngipin cu lalo na sa baba .. ang pangit tuloy ! tsaka ngkaroon po ng butas sa gilid ung lower 2nd molar cu sa left ! anu po b mgandang gawin tsaka estimated cost po !
    salamat ng madami ! 🙂

  30. Doc ask ko lang po kapag tinanggal ko po ba ang sungki ko tutubo poba ulit yun? Tutubo po ba ulit siya sa tinubuan nito dati? O sa baba po? Kasi po wala po akong ngipin sa baba.

  31. doc paadvice naman po kung pwede ako magpalagay ng retainer, nagpa-root canal treatment po kasi ako sa may katabi po ng front teeth ko last year then after that po nung nag heal na po yung gum, nag sungki po sya medyo may space na po in-between sa ngipin ko

  32. dok,naka ilang balik na ako sa dentist ko dahilan sa 1 ipin ko sa harapan at sa 1 bagang sa taas na pina FIXED BRIDGE PORCELAIN ko pero natatanggal parin pero my kakapitan naman ang sabi ng dentist hindi daw sagad yung pagkaka fixed may uwang po ng kaunti.kaso kada balik ko automatic my bayad e 1 week lng ang tinatagal.Nang matanggal po ulit i decided na dikitan ko na lang ng mighty band at isinusuk ko at parang mas matibay pa.may maari bang komplikasyon na mangyari sa ipin ko.pero tinutbrush ko muna bago ko ikabit at pinatuyo ko para mas madikit.sa ngayon under observation kung tatagal yung dikit.

  33. ask ko lang kung my komplikasyon sa ginawa ko?sa ngayon worried lang ako.tsaka nga pala dok yung gumawa ng fixedbridge ko dati ay hindi yung dentist ko ngaun.

  34. doc bakit hindi pwedeng kumain ng kung ano ano right after ng linis ng ipin? puro oatmeal lang daw. jusko dok gutom na gutom na ko

  35. doc, nagpabraces na po ako before yung dentist ko po ay matanda na may history na ng stroke kaya po pinatanggal ko na sya. balak ko po lumipat ng ibang dentist, ok lang po ba na magpa brace ulit ako kahit nagbraces na ko before? tumutunog din po kasi ung panga ko. may history din po ako ng surgery due to impacted wisdom tooth.

  36. Hi doc! Nagpa bunot po ako ng isang ngipin kahapon. Naisip ko lang. May possibility po ba na mag move yung mga ngipin ko since may space na? Wala sana ko balak magpa denture kasi nasa likod naman at hindi nakikita. Kaso yun nga, baka pumangit alignment ng ngipin ko.

  37. hi doc . gusto ko po kc magpabrace kaso sira na po ung 4 na ipin ko sa dulo left and right , taas baba .pero papabunot ko na po tas may pasta po ako sa harap kong ipin . pwede pa rin po ba ako magpabrace? tnx po.

  38. Gustong gusto q na po magpabunot para maaus na ngipin q..ang problema q Lang po kc talaga takot po aq :'(

  39. dok, pag po missing ang pre-molars, ok po ba na bridge ang option? magkano po kaya ang aabutin non? thanks po dok!

  40. Doc ano pong magandang self ligating na halaga? sabi po kasi ng dental clinic na tinanungan ko 65k. yung iba po kasi inaabot ng 100k up kaya nagtaka ako bakit ang mura sa tinanungan ko. at ano po bang types ng fast braces?thanks po 🙂

  41. Doc, nagpalagay po ako ng braces. Kakalagay palang naman po, tas po paguwi ko e nauga na yung isang ngipin ko sa baba. Yung sa pinaka gitna. Normal lang po ba iyon?

  42. doc, ask ko lang. nagpabunot kc ako nung friday ng kanang bagang hanggang ngaun namamaga p din. tapos nung monday ung kaliwang bagang nmn. d nmn po namaga. pero ung kanang gums d p din nwawala ung maga sabi po sakin ng dentista ko tuloy ko lang daw ung antibiotic. mga ilang days po bago gumaling ung kanang gums?

    1. Kung ikaw si wolverine, pagkabunot wala na agad ang maga. Kung ikaw ay spartan, wala yang sugat. Kung hindi ka Spartan at hindi din si Wolverine, 1 week – 2 weeks.

  43. Hello! Merong weird na white patch sa ilalim ng dila ko.. Nagpunta ako sa dentist pero di naman nila ito tiningnan. Nagpalagay ako ng fillings sa ngipin ko pero di nila napansin na parang weird tingnan yung ilalim ng dila ko. Normal ba ito? O kailangan ko pumunta sa dentista uli? Ito yung pic for reference:

  44. Doc? Ask ko lang po kung gaano katagal maayos ang sungki ko kapag akoy nagpabrace? Dalawa po kasi yun eh . Left and right sa upper! .Gusto ko po sana maayos na toh . Palangiti kasi po ako talaga eh .tapos ngaun ndi masyado gawa nga poh ng sungki .mejo kita na talaga siya .thanks po sa reply . Godblesss .

  45. Hi doc. May mga pangil po kasi ako and gusto ko po sana eh mapantay yun sa iba kong ngipin. Ano po bang gagawin sa ngipin ko para mawala ung mga pangil ko? Thanks po

  46. Hi Doc, may problem po ako and hindi ko alam kung ano ang cause nito. May jacket crown po ako, dalawa sa front po. napansin ko po kasi na simula nung pinalagay ko po to, nagkaron na ako ng bad breath which is sobrang hindi ko na po mabare, Pag nagbbrush po ako ng teeth and nagmmouthwash yung part na yun pag hinahawakan ko may bad odor parin po. Kakapunta ko lang po sa Dentist ko, last two months ago. nagpacleaning and nagpapasta. Hindi ko naman po nasabi yung problem ko about doon sa crown. Please help me po doc 🙁 I badly need you help kasi magpapasukan nanaman po eh gusto ko po sana maayos na to. Thank you so much po Doc. I will wait for your reply po. 🙂

  47. Hi doc.
    Tanong ko lang po ano po ba ang gagawin ko kasi po tuwing kakain po ako o kaya po nganga lagi pong tumutunog ang mga jaw ko sa gilid

  48. Doc, ano po bang dapat gawin sa ngipin ko, bali problema ko lang po yung 4 front teeth ko. pinapasta ko po yan dati mga 6 yrs ago na due to financial matters di ko na napaayos sa ngayon nag sstart na masira ngipin ko. ewan ko kung di magaling yung dentist. may crack din yung 2 teeth ko. yung isang ngipin ko wala ng laman naalis na kasi yng pasta niya. tapos yung dalawang front teeth ko nagsisira na din yung sa gilid niya. di din ako makapagconsult da dentist kasi iniisip ko yung gastos.

  49. Dentures na po kase yung 4 front teeth. Ko. Ask ko lang po kung anong applicable na solusyon just in case na hindi na ko mag dentures. Yun po bang tooth crowning ay ok po?

  50. Goodmorning Doc.! Ask ko lang poh kung ndi masama ang pagbununot ng sungki kahit na pede sa result sa xray .dba doc parang magkakabutas ung gums kpag binunot, mawawala din poh ba un? .o mas maganda padin po ang ipabrace nalang? .thanks poh . Godbless

  51. Pwede pa po bang palitan ng dental bond yung ngipin na naka-jacket? At pwede po bang mgbraces pag naka dental bond?

    1. Ok po thanks. Simula po nung nagpajacket ako madali ng magdugo yung gums ko s paligidi nung ipin na may jacket tuwing mgbbrush. Bakit po kaya at paano yun mapprevent?

  52. Hi Doc! Tanong ko lang po mag kano ang estimate price ng pagpapa-implant ng first molars?
    Salamat ho and more power!

  53. Hi..kc po wala akong bagang sa left side.. wisdom tooth nalng. Ang nangyare ung isang ipin ko sa taas na walang partner sa baba nag slide down sia. Mas mahaba ung isang ngipin compare sa iba.

    Anu po ba dapat gawin kc nakakabother lang nakausli siya..

  54. Good day doc. ask ko lang po if totoo bang nababago ng braces yung shape ng face mo? thanks. hope to hear from you soon.

  55. doc mga ilang years bago tanggalin ang braces? pede ba na mag skip ng check up? kunyari everyother month lang ako mag papa adjust/checkup okay lng po ba un?

  56. Doc, may alam po akong clinic dito sa Mandaluyong City, kaso hindi ko lang po alam kung approved po itong clinic na ito. Gusto ko sana po magpabraces kaso hindi ko lang po alam kung kakayanin namin hehe. May gap po kasi dun sa teeth ko sa harap, madalas pong siyang dumudugo at pag pinipilit kong pasikipin lalong nagdudugo. Asides from braces, may iba pa po bang pwede gamitin? Thanks po. =)

    1. Malamang na hindi ka nagpapalinis ng ngipin sa dentist. Ang pagdurugo ay senyales ng impeksyon. Sa gilagid o sa mismong ngipin. Ang dapat gawin diyan ay gamutin muna ang pagdurugo, bago mo isipin ang braces.

  57. Doc, regarding dun sa sinabi ko kanina, madalas po akong nagpapadentist, saka malinis naman daw po ipin ko. Di ko lang din po alam kung ano dahilan.

    1. Ang pwedeng mangyari ay:
      Pwedeng lumala ang impeksyon.
      Pwedeng wala kang maramdaman dahil malakas ang immune system mo at nilalabanan ang impeksyon sa ngayon.
      Pwedeng lumala at magkaroon ka ng kanser balang araw.

  58. Hi dr nagpa jacket ako ng ipin (central incisors) mga two years ago. Pwede bang iresposition yong jacket kasi parang di sya well implanted sa gums sa bandang likod so ang tendenct my parang slighy opening sa likod. Thank you

  59. good day po .. ask ko lng po how much ang equipoise removable partial denture for lower second molar only… salamuch!

Leave a Reply

%d