Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
ask ko lang po doc magiisang taon na po akong walang nagpabunot wala pa po akong dentures makakasama po ba yung sa allingnment ng mga ngipin ko 🙁 magpapagawa pa lang po ako bukas ..
Check mo yung previous reply ko. Lahat na ng post nireply-an mo ng same message.
Pwde po b mgpabunot n ang gagamting anestxg ay ung mkktulog k!
Pwede. Pero mahal ang babayaran mo.
Hi sensible dr. I just have my odontectomy today –3rd molar. The tooth behind it is damaged. The dentist told me I should haveundergone RCT. However, she said too that I can have it filled first and have my braces. I have two dentists — the one who did my odontec and the other one I paid for installation of braces.
May I ask if I can have the 2nd molar filled or pasta and have my braces installed on Jan 3.
May I have my 2nd molar filled four days after my odontec?
Thanksss
Your wit is totally commendable.
1. Pwede.
2. Pwede.
Doc, 11 na po ang napastahan sakin tapos po may mga ngipin ako na sungki, bungi at panget. May chance pa po ba ito? Gusto ko po sana magpabrace kaso hindi ko po afford. Ano po maipapayo niyo po? Thanks po. Edu 🙂
Laging may chance basta may pambayad ka para magkaroon ng chance.
Doc normal lang po ba na may sadden pain po sa pinaroot canal ko pero mild lang naman po…. hindi pa po kasi nalalagyan ng permanent pasta…. for now temporary lang po ung nilagay sa pinaroot canal teeth ko po…. nauubos na po kasi ung temporary pasta eh sa wednesday pa daw po ako babalik for permanent teeth … normal lang po ba un? Salamat po sa reply…
Kung nakita sa xray na pulido ang pagkaka-RCT sa ngipin, eh wala kang dapat aalalahanin.
sinabi ko po sa dentist ko na kapag nakakagat ko po ung na root canal na front teeth ko may nararamdaman lang po ako hindi naman po masakit may mararamdaman lang po ako pag kinakagat….. inexray po ako ulit … pinakita nya po sakin ung exay result sabinya po wala nadaw pong nerve…
Oks.
Advisable Po Bang Magpa-Pasta Sa ———————— ??
Mura Lang Po Kasi Dun .
Yes. Walang pipigil sayo.
Hi Doc,
Ano po ba yung normal treatment sa Supernumerary (Mesiodens) tooth para matanggal? Is it advise to remove then ipapabrace para mag align yung teeth? or denture.. Mahal po ba ang treatment ng ganitong teeth problems?
Thanks, Nel
Depende sa budget mo.
Doc ok lng ba n ung brace walang kinabit na molar bands ring
Mukhang fake ang dentist mo.
Doc tsaka natanggal ung braket hindi n ikinabit ulit ok lng ba pag d kumpleto braket???
Hhindi dentist yang gumagawa sayo. Mapapariwara ngipin mo kung fake dentist yan.
Doc,
pwede po bang pastahan ang ngipin na may butas tas sumasakit ? pag wla un sakit pede ba papastahan ..? thanks po
Read my previous reply.
Hi Doc. Sumasakit na bagang ko and I dont think pag pinabunot to e mapapalitan pa?kasi permanent na yata e at the age of 25. Question po. Pede ba magpalagay ng pustiso kahit isang bagang lang ang nawala? Second from the last siya left side. Thanks more power.
Yes
Doc my diploma naman cia nka display sabi niya kaya hndi dw cia nglalagay ng molar band ring kc dw nkaka badbreath dw un dw npapasukan ng kinain mga gilid tpos kaya d kinakabit natanggal n brace kc ayaw n dw kumapit ng braket san b ko pede magreklamo at mkasigurado kung tunay n dentist
Hanap ka ng ibang dentist. Ganyan usually nangyayari kapag naghanap ng cheapest.
Kc doc pantay pantay naman ipin ko mejo hiwalay lng ngaun dikit na nga hnde nmn na pantay pantay my nkapasok my hnde kaya parang naging mas sungki p nga
Oks.
Doc para anu po b ung molar band ring n un s brace???? Pag po ngpapa adjust ako every month palit lng po ng ruber ginagwa gnun lng po b ung adjustment n dpat gwin?
Hanap ka ng ibang dentist.
Doc, may tanong lang po ako . nagpabunot po kasi ako ng apat 1st molar or premolars . pwde pa po ba ako ipabraces? kahit wala na ung 1st molar ko? and may naka-usli po akong ngipin sa taas maayos po ba un ng braces?
Panoramic x ray tapos send sa FB ko.
Doc ano po b success rate ngapicoectomy vs tooth extraction kung may dental cyst na po.Failed kse root canal ko. Nxt option dw either apico or extraction.. Takot po aq s surgery. Thnks..
Magpa-RCT ka.
Btw s front topright tooth ung ngfailed na rootcanal. Sumkit kse bgla tpos 2-3 days aftr sumkit prang ngka gumboil after non niroot canal nwala pain pro aftr 1wk prng ngkton ng dentalcyst need dw iapico kung gsto maretain ipin.worry ko lng po safe po b eto at worth it?thanks..
Oks.
Hi doc nagoabunot ako ng first molar kasi after ng pasta nag. develop pa rin ng pus. Prior sa extraction may gum abscess na kasi. Ma.aayos pa ba ng braces kahit papano ang gap sa teeth q malaki kasi first molar q doc. Thanks
Possible.
Doc! weak ang ngipin ko sa harap. pwde b to maibrace? ano posibleng ggwin pra kayanin ng ngipin ko ang brace?
Aayusin muna ang pagka-weak bago i-braces.
Doc naka usli po kase yung dalawang ipin ko sa harap(taas) yung parang rabit. Kapag poba nag pa brace ako papasok puba yung dalawang ipin?
Possible.
Doc yung dalawang ipin ko kase nakausli sa harap yung para akong rabit kapag ba nag pa braces ako papasok ba yung ipin?
Possible.
Hi Doc, Pag nagpapadjust po ba, dapat mafefeel mo yung pressure sa ngipin mo?, kasi ako, after ko magpadjust hindi ko nafefeel na may pressure or mejo sumasakit, parang wala lang, kaya parang hindi nagmomove ang mga ngipin ko eh.
Oks.
Doc, yung left lateral tooth ko sira na. maitim sa likod pero hindi naman sumasakit. Pwede pa ba to pastahan or RCT na?
Kung hindi pa sumakit kahit kelan, pwede pa pastahan
Hi doc! goodmorning po. im still a student, well, nung bata pa ako. i had a dentist na di ata marunong. kasi naalala ko. pag may prob ngipin ko, nasira or what, binubunot nya. so ngayon. ang pangit ng ngipin ko sa taas. way back in high school. di ako conscious sa ngipin ko so i seldomly visit my dentist. eto po kasing sa unahan na ngipin ko. yung 2 front teeth na malaki, di po sya pantay. tabingi sya pero di masyado obvious and the other one is longer. at yung ngipin ko between the FANG tooth and the front tooth is missing sa right side ko. and after the FANG tooth, missing ulit ngipin ko. di ko alam kng ano gagawin ko dito. can i please ask you kung ano po magandang gawin para po mabudgetan ko po. i need your genius advice doc. 17 years akong di makapagsmile na labas ang ngipin T_T
Oks.
Hi doc, Pwede po bang magpabunot kahit sumasakit at namamaga yung ngipin. Hindi ako makatulog sa sakit ng ngipin ko tapos namamaga pa yung cheek ko. 🙁
Punta ka sa dentist para makita kung ano ang dapat munang gawin.
is it ok na mag pa cleaning/prophylaxis na nakabrace?
ilang months ang recommendable mag pa cleaning pag nka braces na? 🙂
Mukhang hindi dentist ang nagbraces sayo. Bakit hindi niya naexplain yan?
hello po.. ask ko lang po….
ano po kayang pwde pang remedyo sa ngipin ko.. last year na pa jacket po ako ng ngipin.. 1k pa nga ang isa.. ang ginawa para kinikil… pinaliit ipin ko tapos pinasak ung jacket… ngaun nkta ko naninilaw na at
di na mganda… ayoko naman po ipabunot ipin .ayoko po mag pa pustiso help po… nung nakita nga po nung isang dentist ung ginawa sa ngipin ko nagtaka yung dentist napangitan sya at anung klaseng ginawa… nagkamali po ata ako help po
Ipajacket mo ulit. Wagka maghanap ng cheapest.
maraming maraming salamat po sa inyong sagot… mga magkano po ba talaga yung karaniwang presyo ng pa jacket ng ngipin? ano rin po ba ang dapat kong hanapin kapag magpapajacket? may mga klase klase pa po ba yun ng jacket na ikakabit?
maraming maraming salamat po sa inyong sagot… mga magkano po ba talaga yung karaniwang presyo ng pa jacket ng ngipin? ano rin po ba ang dapat kong hanapin kapag magpapajacket? may mga klase klase pa po ba yun ng jacket na ikakabit?
Madaming klase ng jacket crown, ito ang pinakamura: http://costdentures.com/fixed/porcelain-fused-to-metal-crown/
Yes. Iba ibang materials. Ito ang pinaka ok : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/
Good Evening po. Ask ko lang po kung okay lang po bang magpa-brace kahit kakabunot lang po ng isang molar tooth ko? Salamat po.
Bisita ka sa dentist para maipaliwanag niya sayo kung ano ang pwedeng gawin base sa kung ano ang condition ng mga ngipin mo.
magkno po ang dental bridge? 3 unit?tnx
Ilan ang missing? Magkakatabi ba? Send photo. http://costdentures.com/category/fixed/
Hello po. I just wanted to ask, naputol po kasi yung parang hook sa right ng lower hawley retainers ko. Pero nasusuot ko pa naman po yung retainers and sa right naman po yung kailangan ng support para hindi magmove. Kailangan ko pa po bang magpagawa ng bagong lower retainer o hindi na po? Thank you
Yes.
Doc, nagcrack po yung ngipin ko sa tabi ng canine (first premolar yung tawag nung sinearch ko po). Nung nagpatingin po ako sa dentist, hindi na daw po kaya ng pasta. Doc, pakipaliwanag naman po kung ano yung Root Canal Treatment in layman’s terms. Pwede po ba yun para sa nasira kong ngipin? Thank you po.
Yes pwede.
Mas advisable po ba yun kaysa implants po? Thank you po Doc.
Kung magaling ang mag-a-RCT sayo ay RCT. Kung magaling ang magiimplant sayo ay implant.
Doc, ano po ba yung qualifications/requirements para magpa-RCT?
Kailangan ay isang tunay na ngipin ang ia-RCT.
Kahit po yung ngipin ay cracked na? Kita na po yung laman at almost bungi na po? 🙁
Possible. Send an x ray sa fb ko.
Tanong ko lang po doc mag 4 years na po akong naka brace kaso parang wala pong nangyayari lalo na sa lower teeth ko medyo disappointed din po ako sa service ng ortho ko. Mabagal po sya gumawa tas lagi pang natatanggal bracket ko. Almost 6 months na din akong di bumabalok dahil nga sa inis ko nawala pa nya bracket ko tas sinigil pa din sakin. Parang lagi nalang pera pera. Kailangan ko na po bang lumipat? Tas eto pa mag mimigrate pa ko nxt yr. advice naman po pls tnx
Yes. Maximum of 2 years ang treatment. May mali kung lumampas nang hindi man lang naayos. Pero duda ako sa kwento mong walang nangyari. Mayroong nangyayari, nagiexagerate lang kadalasan ang pasyente kapag nagkwento na.
Hi doc almost 4 yrs na din po ako naka braces pero parang wala naman nangyayari sa ngipin ko yung taas medyo umayos yung baba hindi kasi sobrang bagal gumawa ng ortho ko nakakainis din kasi nawala nya bracket ko sakin pa nya siningil. Kada sched nya sakin pupunta ko wala naman nangyayari tinitignan lang nya tas papabalikin na naman ako. Hay lagi pa natatanggal bracket ko di nya dinidikit ng maayos parang pera pera nalang. Ano po bang dapat kong gawin? Tsaka eto pa po mag migrate na po ako nxt yr. pls help i need ur advice tnx
Yes. Maximum of 2 years ang treatment. May mali kung lumampas nang hindi man lang naayos. Pero duda ako sa kwento mong walang nangyari. Mayroong nangyayari, nagiexagerate lang kadalasan ang pasyente kapag nagkwento na.
Hi Dr. Tanong ko lang po kung normal lang yung binabawasan yung gilid ng ngipin kapag nakabraces para daw po gumalaw yung ngipin. Thank you po.
Kung ang purpose ay gumalaw ay hindi. Pero kung esthetics ang habol niya ay oo.
Naku, ang sabi nya po lahat daw ng ngipin ko babawasan nya ang gilid para daw po gumalaw. Ano po ang pwede kong gawin?
Hehehe!
Hi Doc, Good day. Itatanong ko lang sana. Last June 2013 ako nagpapasta ngayon po sumsakit yung pinapasta ko. Kailangan ko naba ito ipabunot? Thank you and More power. 🙂
Ipa-RCT mo.
ahh doc pag nalagyan na po ba ng pustiso yung tabi ng nag mesial drift na ngipin titigil na po ba yun sa paggalaw ??
Depende sa gagawa.
Doc, magkano ang reasonable price sa pagpapatooth contouring? Yung sa pagpapareshape po ng ngipin. Aabot ba ng 1k pataas?
Reasonabl ay nakadepende sa standard mo.
hi doc,
ask ko lang po kase ang 6 years old daughter ko pinakabitan ko ng crown jacket.. nung una temporary paste lang po nilagay para daw po madali matanggal pag need na tanggalin.. kaya lng after an hour natanggal kagad so the dentist decided to put a permanent paste.. sabi po nya pag tumubo na daw ang teeth tataas daw naman po ang crown na nakalagay … ok lng ba talaga doc na permanent paste ang nakalagay and tataas po ba talaga yun if tumubo na teeth nya? yung crown po ba pinapatong lng talaga sa gums then nilalagyan ng white paste para kumapit?
Paste. Ano yan elmer’s paste? Hehehe! Walang permanent na bagay sa mundo. Ang crown ay para sa ngipin.
hi dok! ok lng b mag pa brace na pang porma lng?
No.
Tutubo pa po ba yung molar ko kung 17 yrs old na ko? Ano po ba pwwdeng gawin? Salamat doc.
Ang pwedeng gawin ay magpapanoramic x ray kung meron pa ngang ngipin sa loob.
hi doc, 2 months na po tong braces ko. i had a problem last week natanggal po yung arch wire sa band and natangalan din po ako ng elastic na isa. eh di po ako makavisit sa ortho this week kase po christmas vacation. is it ok na tumagal pa po to ng 2 weeks!? or more!?.
Text mo yung dentist mo.
Hi. Itatanong ko lang po kung sa RCT, kasama na po ba dun yung crown/fillings? How long does it take and how much does it cost? 🙂
Hindi. Hiwalay yun. Ganun din ang bayad sa tubig, MERALCO at upa sa bahay niyo next month. Hiwalay.
Magkano po ba ang aabutin kapag ganon ang ipapagawa ko?
Anong ngipin?
Doc nbblok n po ung dlwa.qng ngipin s unhan ung asa taas po. Pd p po b ipapasta un? My butas n po ung isa ehh. Tnx po
Pwede. Hind pa ba sumakit?
Hello po. Nagpabunot po kasi ako sa upper right. Buo po yung ngipin ko parang nagkabutas lang tapos nabulok kaya pinabunot po. Eh nagpabrace po ako dati. Sabe nung dentist kailangan daw lagyan ng teeth or root canal ba yun para daw po hindi masayang yung binrace ko dati kasi mag momove daw po kasi sa gitna yung binunot. Kailangan po ba talaga?
Ang root canal treatment ay para sa ngipin, hindi para sa bungi.
Hi Doc,
Kakalagay lang po ng fixed bridge ko ngayon. Normal lang po ba talaga na parang nag-iba yun pronunciation/diction ko? Lalo na po pag letter “S”. Mawawala o magiimprove din po ba ‘to after a few days o weeks o kailangan ko po pa-adjust na?
Anong klase ng bridge?
Porcelain po tapos may metal sa loob nung pinakita sa kin nung dentist, para daw po mas matibay. Upper front po yun bridge ko. 5-tooth, tig-2 abutments each side. The rest of my teeth are natural na at wala naman po akong pronunciation issue before having the bridge.
Normal lang daw po ba at temporary lang na magka speech issue particularly sa letter S pagka ganito? O may need pa-adjust o pa-recontour o pabawas? Nagwo-worry po kasi ako lalo pa’t sumasali ako minsan sa mga public speaking contest. Badly need your reply Doc. Many thanks!
Pwedeng naninibago ka. Practice ka. Kung hindi nagimprove, magpagawa ka ng bago. Pero magbabayad ka ulit. Mahirap magtanggal ng bridge. At may cases na mahirap irestore ang dating speech kumpara sa natural na ngipin.
Hindi mo option ang recontour. Kapag nagkamali ang dentist mo sa pagbabawas, mababasag yan.
gud eve po doc 1 week lng po ung bngay sa akin n bakaxon then balik po aq agad abroad..sira po ung 2 ngipin ko s taas dati po xa may pasta at ngaun itim na at sumasakit na xa at ung s may gilid s itaas po wala ngipin,ano po recommend nyo,ilang session po tatagal?? di ko po kc alam ano gnagawa s jacket binubunot po ba ang ngipin pag jacket??taga pangasinan din po ako..saan ko po pwede puntahan clinic nyo..thanks po
Magpaxray ka, send mo sa FB ko para makita ko. Mahirap sagutin yan dahil kadalasan sa jacket crown ng nagaabroad, ay may malalang problem sa perio. Kaya ang 1 week ay hindi magiging sapat.
Hi goodmorning po..ask ko lang po normal lang po ba na mangilo ang ngipin kapag nakabrace..almost 5 months na po ako nakabrace then winter season po ngayon dto sa taiwan kaya mas lalo ko po nararamadaman ang pangigilo ng ngipin ko now..almost 2 days na din po kasi ito nasakit…thanks po
Nasaan ang dentist mo?
doc ask ko lang po anu kayang solusy0n kc pustiso ung 4 na teeth s upper part tpos ung 2 pangil n ktbi mejo nakaumbok xa or mejo usngal, anu kaya pdng gawn d2 doc? gs2 q kc umurong naman para d usngal kaso d ito bnun0t kc mtibay tska mlalim po ung ba0n ng teeth, salamat
Send a photo. Siguro, pwede maayos kapag nagpabridge ka for your missing teeth.
Tanong ko lang sana , nung mga nakaraan po kasi, sumakit ngipin ko at namaga ang pisngi ko. Then mga ilang araw nawala na ung sakit ng ngipin ko, yung namamagang bagang 2weeks na nd pa din nawawala at parang lumalaki ito ngayon, pero nd na masakit ngipin . bulok din po kasi yung ngipin ko na yun. Bakit po kaya ganito? Ano ang dapat kong gwin?
Kung bakit ganyan ay alam mo na ang sagot. Nakuwento mo pa nga kung bakit. Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist ngayon.
Doc. mag kano po ba magpa clining ng ngipin and then yung papasta narin po?
Kung magkano ay depende sa lala.
Doc . ask ko lng po anong tawag dun sa mga gumagawa ng pustiso?? anu yung proffession nya pag ka ganun??
Denturist
nagpabunot po ako ng sungking bagang sa itaas pero hindi po mahugot kasi daw po baka daw po nakaharang ang isa pang bagang nabasag at naiwan po ang kalahati ng bagang kaya inadvise po sa akin na mag pa xray kasi baka daw po ( angelus, angkelus) (sorry po hindi ko maspell)para malaman daw po ng dentist kung saang way nya ipapadaan ang paghugot sa bagang totoo po ba yun? at yung naiwan po na kalahati ng bagang posible po ba iyon maimpeksyon? ano po ba ang dapat gawin para maiwasan ang pag kaimpeksyon?? may isa pa pong inadvise sa akin ang dentist ang sabi po hayaan ko muna dahil bababa din daw po iyon totoo po ba iyon??? at nung nawala na po ang anestesia kapag ikinakagat ko yung bagang na katabi ng binunot na sungking bagang sumasasakit po posible po ba yun ang nakaharang sa naiwang kalahati ng bagang na hindi mahugot??at magkano po ba ang magpa xray sa ngipin???
Hindi ko na binasa sa haba at dami ng question mark. Isa lang ang sagot sa lahat, sundin mo ang sinabi ng dentist mo.
Hi doc nag pasta po ako .. then after 5 days namaga po sya… at masakit din ipin ko pag tinatamaan.. ukinom o oo pain reliever pero mas lalo sya namaga .. naka sched ako tom dentist ko.. pero i wannna hear from you ano suggestion nyo.. thanks po.
Ipaxray mo.
Good day doc.. nagpapasta po ako last 5 days ago.. now namamaga po sya ipin at gums ko.naka sched ako tom para check up.. ask ko lng p9 ano po pede ko gawin.. thanks
Ipaxray mo. Para makita kung bakit sumakit.
sir nagpabunot ako ng ipin sa bagang anu mga dapat kong gawin
Ang dapat mong gawin ay sundin ang sinabi ng dentist mo. Depende sa nakita o nangyari noong binunutan ka kung ano ang dapat gawin. Usually, inumin ang inireseta at hintaying gumaling ang sugat. Kung ikaw ay kalahi ni Wolverine, magmotor ka na mamaya at patalunin sa bridge ang motor sabay talon sa gilid upang hindi ka masama sa pagkahulog ng motor.
doc maipapantay pa po ba yung dalawang ngipin ko sa harap sa taas na may parang curve curve sya gawa ng teeth grinding ??
Yes.
Doc kaka patanggal ko lang po ng 4 upper front teeth ko may dentures nadin po ako. Pwde ko po ba ipa bridge ung upper four front teeth ko para di na ko mag dentures?
Send an x ray para makita ko.
Doc
Oks.
Doc pwede pa adjust sa nyo khit gawa sya from othr clinic..from province po kc ako and mtgal na ako d nka uwi..hoping po sana..thank u
Hindi. KUng sino ang ortho mo doon ka lang.
Para saan po ba yung molar bands?
Sa braces.
ahh panu po doc hehe ?? curious lng po
Sa pamamagitan ng concentration. Pakikumpleto ang tanong mo.
Doc dati po yung sensitive teeth ko nagtitrigger lang pag umiinom or kumakain ako ng malamig, sabi po ng friend ko try ko daw gamitin yung sensodyne kaya triny ko naman po but then parang mas lalo pong lumalala ngayon kahit kakain lang ako ng something nagtitrigger yung sensitive teeth ko ano po pwede kong gawin? Thanks
Ang dapat mong gawin ay bumisita sa dentist kada-anim na buwan at huwag kada dekada.
Hi Doc!
Galing akong dentist kanina. 4 lang dati ang jackets ko sa upper front. Nung papalinisan ko sana, sabi nila wala nang popostehan kaya magiging 6 na. Yung isa dati kasi ay na extract(?)/nabunot na, then when they checked, yung dating poste needs to be extracted too. Yung katabi nung dating poste ay sungki. Tanong ko lang po, possible bang gawing poste yung sungki? Sorry po. hindi ko alam ang tawag sa bawat teeth so sana naiimagine po ninyo. And last na po, dati, dalawa sungki ko sa taas, yung isa binunot so yung isang sungki lang ang naiwan (which is yung popostehan nga). E normal po kaya yun na magiging parang 5 yung teeth ko sa harap? Haha O.o
IpaRCT mo yung may sira at siyang gamiting poste.
Hi, ask ko lang po kung pwede mag pa braces kahit yung isa ko pong front teeth is naka jacket.
Possible.
Pwde po ba magpacleaning muna bago magparct?
Yan ang dapat.
anung tawag sa bukog na tumubo sa gilagid? napansin ko Lang ito mula ng magpa-brace ako.
Bukog? Ang tawag diyan ay hindi mo nalilinisan ng sapat ang mga ngipin mo.
magkano po ang porcelin crown sa upper front teeth?? naroot canal na po aq. pagsukat at .pagkabit nlng po ng crown ang kulang..tanx po doc
Porcelain fused to metal crown, 5 K pataas. All porcelain crown 20 K pataas. http://costdentures.com/fixed/porcelain-fused-to-metal-crown/
Pwede pa po ba sumakit ang ngipin after na rct? Yung sa akin kasi parang sumasakit.
Oo. Kaya kailangan makahanap ka ng magaling na dentist. Wag cheapest ang hanapin mo.
Hi, I’m 19 and I have severely crooked teeth and though I am lucky the front ones aren’t as bad as the others, I don’t feel comfortable smiling. I often get insecure meeting people becuase of this so I am thinking of getting it fixed; either by getting braces, dentures, or replace it completely with implants. To be honest, I don’t have much financial resources but I want to get maximum or at least passable results (can you please note the price range of the procedures?). I just need advice on this matter. Thank you!
Ganun talaga ang mundo. Lahat ng tao kailangan ng pera. Hindi maaayos yan ng wala kang pambayad. Mas mabuting unahin mo ang pangangailangan mo para mabuhay, tulad ng pambili ng pagkain.
Maraming tao ang nauna sayong nabuhay na sungki. At nabuhay silang masaya.
Ang dapat na iniisip mo ngayon ay kung paano umasenso, para hindi mo problemahin ang pera.
Kung bukog po yun, ano po ang pwedeng gawin para maalis yun? 3 years na po kc ito. Minsan maliit, minsan lumalaki at me nana.
Ano yung Bukog?
Doc natanggal g isang bracket ng braces ko. Ok lang ba na kumain ako at matamaan ng kaunti yun?
Kontakin mo ang dentist mo. Text mo siya tungkol sa nangyari.
hi doc.. I mean bukol na tumubo sa taas na gilagid ng ipin ko. ano kaya ito? tumubo Lang ito mula ng magpabrace ako 4 years ago. December 2009 nung kinabit at April 2011 nung inalis ang brace ko. Hope you can help me. tnx
Usually dahil mula noong inalis ang braces mo ay hindi ka na pumunta sa dentist para magpalinis ng ngipin. In fact, sa online ka nagtanong sa dentist para itanong kung bakit may bukol.
Doc pwde b ako mgpabunot 5mnths preggry ako sobrang sakit kc ng ipin ko di kc mak2log sa skit
Bisita ka sa dentist bukas para makita at malaman kung ano ang dapat gawin.
Hi doc, i have a question, magkano po ba ung fixed bridge for 2 teeths??tska ganu kasafe xa na hindi ito matatanggal??thanks sa reply
Madaming klase ng bridge. Madami ding klase ng materials. Kung matatanggal o hindi ay nakadepende sa laki ng pagkakapitan, cement at sa galing ng dentist mo. Kung naghanap ka ng cheapest, syempre wag ka magexpect ng high quality.
How much po ang ceramage crown/unit?mas okay b ito kesa pfm crowns?
Mas ok ang PFM crowns. Marupok at kapitin ng dumi ang ceramage.
alm ko mahal talaga ang full crown porcelain pro may nagsabi sa akin na ok rin dw ang plastic? ano po ba talaga doc?
Ang plastic ay pangtemporary lang. Provisional.
Doc ask ko Lang pag ba nag pa jacket kailangan bunutin? Ung ijajacket? Kasi malaki na Sira d n pede I pasta, tapos ka tabi xa ng 2 front teeth, ung 2 Pangil, and porcelain daw Gagawin , pag ganun ba pati ung 2 front teeth madadamay ? Kasi 1 ipin cost 4,000 then, lahat lahat daw 16,000 magagastos, then after 2months pa makakabit???, and magkano po ba usually ang fixed bridge? Per ipin?
Bridge ang tinutukoy mo. Ang jacket ay para sa ngipin. Malamang ng porcelain fused to metal yan. Mga 5K pataas per unit. Kaya 15K pataas usually sa kaso mo.
Thanks doc! Iloveyou
Oks.
Doc magandang araw po…Ask lng po, balak ko po sanang magpa-implant ng mga ngipin magkanu po kaya ang gastos per ngipin?
In addition po gaanu po kaya katagal yung estimated day/s to recover from operation?
thanks po! hope to hear from you… :))
70K pataas per ngipin. Pagkalagay ng implants, maghihintay ng minimum ng 6 months bago ilagay ang crowns or final restoration. http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/
Doc puro na poh may butas ung ngipin ko sa upper masakit na poh sya pede ko poh ba ito iparct kahit ngkabinat poh aq sa panganganak 6months na poh ako after manganak?
Yes.
Salamat po sa reply… reliable info 😀
Oks.
ask ko lng poh pag ang gums ng baby mg puti sa gilagid its means tutubo na po sya???
Malaki ang probability. ILang taon? Send a photo.
Ma’am just want to ask po if magkano po ang pustiso isang ngipin lang po front tooth
Depende sa klase. Send a photo sa FB ko.
Good eve po.. Doc, suggest naman po kayo ng dental clinic sa pasay na 500php below yung price ng tooth colored restoration/pasta. Salamat po ng marami! 😀
Ikaw na ang maginquire, simulan mo dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/
etoh poh yung gums ni.baby turning 6 months sya tutubuan n poh b sya ng ngipin
Oks.
Hi doc. May gap yung mga ngipin ko sa lower front part. Anong magandang gawin para dito?
Follow up question pa.. Pwedeng po bang lagyang ng pustiso yung missing tooth ko sa bagang? Both left and right meron so bale dalawa. If so, mga magkano po kaya ang aabutin ko?
Oo pwedeng lagyan ng pustiso. Kung magkano ay depende sa klase ng pustiso.
Magpabraces ka. Or Pasta.
Nagparoot canal po ako tapos pinasta ng dentist yung ngipin ko mga 2004 pa yun tapos ngayon maitim na yung ngipin ko sa front. Umiitim ba yung ngipin pag napasta? As in kitang kita yung difference ng kulay sa ibang ngipin. Pangit tngnan ano po ba ang dapat gawin?
5 years lang usually ang itinatagal ng pasta. After 5 years, ipapasta mo ulit.
Hi doc, balak ko po sana magpabraces pero sira na po ang mga bagang ko, ano po kaya ang pwedeng gawin? Salamat po
Ang pwede mong gawin ay ipaayos ang bagang mo.
Good afternoon, doc. May maliit na maliit na gap po ung gitnang ngipin ko sa taas, pwede po bang ipapasta yun or ano pong pwedeng gawin dun? Thank you. P.S. ang cool nyo po. HEEHEE
Pasta o veneers. http://costdentures.com/fixed/esthetic-veneers/
Hi doctor. Sungki po yung tatlong ngipin ko sa baba, gitna, possible po bang ipaveneers ung mga sungki lng slmt
Possible.
Hello Doc, magaspang po yung ibang ngipin sa likuran. Ano po ba pwede gawin dun?
Ang pwedeng gawin ay kinisin.
hi doc.how much po un iplant dentures sa lower teeth…
70 thousand pataas kada ngipin. Kung lahat ng ngipin, tsk tsk!
i mean implant..un buong teeth sa baba??
Nasagot ko na ang tanong mo.
Doc nagpakabit kasi ako ng braces pero walang molar bands and may natanggal agad n bracket..
Oks.
Doc pag nagpa brace ba dapat may molar band? Wala kasi sakin e.. Ty
Punta ka sa tunay na dentist.
Pwede po ba ipa continue sa ibang dentist or bago lahat? Ty ulet
Last week lang po kasi to kinabit.. Sayang naman ung downpayment q..
Oks.
Bago lahat. Malamang na hindi dentist yang napuntahan mo.
hi doc. question po,. ngparoot canal po aq, 5 years ago s my front area po,. ngeon po ung ng-iisang ngipin s harap n pinaroot canal q, nangitim na po, discoloured n po, ang pangit n po tngnan kc halatang halata na. tapos ung katabi po nung tooth q n un, eh prang nakausli na ngipin..
ngeon po, ask q po sna if anu po pwdeng gwing procedure dun.. sv po ng tita q, mgpadenture dw po aq, eh kso iisa nman po ung discoloured tooth q tapos aftr mgpa-dentures, pa-brace aq,pra dw mapantay ang katabing ngipin nun.. possible po b un?
or ok po ung tntwag na porcelain veneer? if ever porcelain veneer po, mgkano po aabutin sa 2 teeth.. pls reply po..
Possible ang veneer kung hindi extensive ang sira. Or hindi extensive ang access sa likod. Send ka ng photo sa facebook ko.
hi Doc, sinundan ko yung payo nyo na mag-check sa http://apo.com.ph/ kung member ung dentist, pag wala ba dito ibig sabihin mejo hindi qualified yung dentist or optional lang naman ang membership sa Association of Philippine Orthodontics?
Ikaw ang magdecide.
doc, nasent q na po ung picture sa fb nyo.. sna po makita nyo agad..
Oks.
Pano po malalaman na dapat ay Porcelain crown or veneers ang pwedeng ipagawa (canine)? Salamat po
Sa laki ng damage or irirestore.
Nung nag canvas ako ng price ng veneers, may difference almost 5k per tooth (with cosmetic dentist sa name vs. sa wala). Iba ba talaga ang rate ng dentista na may “cosmetic dentist” sa pangalan? Anong specialty ng dentista ang pwede gumawa ng veneers? Salamat po 🙂
Kahit sinong dentist pwede. Hindi specialization ang “Cosmetic Dentistry”. 6 months ang training ng cosmetic dentist. Ang specialization, 3 years ang inaabot. Ang Ph.D, mas matagal. Prosthodontist ang pinakaok gumawa ng veneers. Konti lang ang may specialization ng Prosthodontics sa Pinas. Kung gusto mo ng maganda, expect na mahal yan. Tulad sa kotse, ang Bugatti wag mong asahang 600 K pesos lang.
Hi, doc! Medically speaking, alin po ba ang better, yung teeth na nagso-slope inwards or yung straight talaga ? Or is it all a matter of preference?
Hindi ko tinignan yang mga files na inilagay mo. Punta ka sa dentist para maipaliwanag ng actual sayo.
Doc as ko lang nagpabrace ako hindi na ako inexray dahil tumubo na daw lahat ng wisdom tooth ko so ang procedure chineck lang nya ngipin ko then go sa procedure tapos binunutan ako dahil wala daw uurungan ngipin ko tamang procedure po ba ag ganun?
SOP na may x ray bago simulan. Kung dapat bunutin ay makikita sa x ray at sa cast kung dapat nga.
Doc. Nag pabraces po ako simula noon namamaga lagi gums ko. Sabi ng dentist ko , natural lang daw yun. Ano gagawin ko
Namamaga dahil hindi mo nalilinisang mabuti. Magpaturo ka sa dentist mo kung paano. Hindi yun natural.