Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Anu po ba gagawen bgo mgpa brace? Ska lht po va my prang locj sa dulo
Ang gagawin ay maghanap ng magaling na dentist. Hanap ka dito ng malapit : http://www.askthedentist.tv/clinics/
Gud pm Doc,
pwede po bang mag pabunot pag sumasakit at maga ang ngipin sa bagang ?
thank you po
Pwede naman. Pero kung hindi moaoopen mouth mo, ipapapremedicate ka
hi po. nadapa ang anak ko at ang isa sa front tooth nya ay pumasok paitaas, sa loob ng kanyang gilagid. paano po ba iyon mareremedyohan? magpapantay pa po ba uli ang ngipin nya?
Pumunta po tayo s dentist asap. Injury pa yan sa ngipin! Hindi na dapat online consultation ito
Doc pag pob a nagpabrace lhat po ba un my lock sa dulo?
Saka anu po b dpat mga ggwen bfore mgpa brace tnx po
Ang dapat mong gawin bago magpabraces ay maghanap ng magaling na dentist. Hanap ka dito ng malapit sayo: http://www.askthedentist.tv/clinics/
Pwede b magpabunot ng ngipin kapag puyat
Oo. Tatagan mo ang loob mo.
Thank sa reply doc?
Oks.
Kelangan po ba talaga ng panoramic x-ray bago bunutin ang ipin??
Para macheck mabuti, kailangan. Pagbunot ng 3rd molars, kailangan. Impacted, kailangan. May impeksyon, kailangan. Bukol, kailangan. Ideally, lahat ng pagbubunot ng ngipin, kailangan ng x ray.
ano po ba ang ginagamit na pandikit ng jacket kapag po natatanggal na ito sa pagkakabit sa ngipin na pinagdikitan
Ipadikit mo sa dentist. Mura lang yan. http://www.denturesaffordable.com/dislodged-dental-crown/
Hello doc. Anong uri po ng xray ang ginagawa kapag mag papa braces po? Salamat po doc!
YUng dentist mo ang hihingi nun.
gusto ko lang po sana magtanung nagpabunot po ako mga first week of november , ung bagang po na pudpod ang pinabunot ko , tapos po nung mabunot na ba po siya hanggang ngayun sumasakit parin hindi pa nagcclose ung butas , kapag nagsesepilyo po ako at nagririnse sumasakit po siya nangingilo po ako . nadadamay pati ung cheek ko masakit din
Walang bayad ang check up. Hindi ko masasabi kung ano ang nangyayari dahil hindi ko makita ngayon, at hindi ko din nakita bago mabunot. Talagang hindi magsasara yan kung sinisilip mo at sinusundot mo. Para magsara yan tuluyan, aabot din ng 1 hanggang 2 buwan.
Hi Doc, i only have 6 upper good teeth remaining. i actually have been wearing dentures for the longest time, all acrylic. the dentist advised me to get the flexible or the flexible with metal, but according to her the flexible will speed-up the bone loss. i’m thinking if i’ll get the flexi para wala ng palate kaso im scared na baka maging sobrang bilis ng shrinkage ng gums ko. i cant afford implant for now, kaya i have no choice..is there an upper denture na walang palate but not the flexi one? Thanks a lot! hope you can enlighten me.
Meron. Precision attachment RPD. : http://costdentures.com/removable/removable-partial-denture-extracoronal-attachment/
http://costdentures.com/fixed/removable-partial-denture-attachment/
Yung nasa artcile ay panglower. Kapag ginawa yan sa uper, possible na walang palate.
thanks for the prompt reply! how much would this kind of dentures cost? thanks again, doc 🙂
Aabot din 50K pataas.
Gudam doc ask q lng po pwd ba Bunyan ang silang bagong na ng ipon kht my tonsillitis d ba deli kaso un.tnx po gsto q na pa unit kc bagang ko ma pudpud na
I cant understand what youre trying to tell me. Malalim na tagalog maiintindihan ko
Pwede po ba pabunot ng bagang kahit my tonsillitis my bukol po kasi ako d po ba delikado un
Naka schedule ka na bang i surgery? Nag medical history taking na kayo ng dentist mo?
Doc ask q lng po kung masakit b magpabridge
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam. Bisita ka sa clinic kung trip mo: http://dentistquezoncity.com/
Gd morning po. Ask ko lng po. Ung anak ko 9yrs old sira na at bulok pudpod na ung 2bagang sbi samin permanent teeth n daw po un. Sumasakit po 1week na neresetahan po cya ng paracetamol naubos npo nya ung isang bote pero pabalik balik prin ang sakit. A
no po ang magandang gawin sa ipin ng anak ko natatakot npo kc magpabunot uli. Salamat po!
Extraction talaga. But you have to psyche your kid the tooth has to be taken out. Huwag mong bibiglain na dadalhin sa clinic at bubunutan kaagad baka ma trauma.
Doc aak ko lng po kung need tlgang bunutan ng ngipin kapag po magpapabraces? Para daw po magkaroon ng space na pag aadjustan ng ngipin? Meron po bang doctor na hindi na nirerecommend ang bunot kpag mag iinstall ng braces?
Send photo tignan ko. Possible na walang bunutin sa mga cases na may dapat bunutin. Pero x 5 sa usual price.
doc may false teeth po ako 4 piraso. 2from my central incisor and 2 from my lateral incisor. tapos problema ko now sira na din 1st pre molar ko im afraid bka pati canine ko masira. anyway ask ko lang po if anu maganda procedure for me. kaya paba ng jacket to, or ipa fix bridge ko nlng ung 5 teeth ko. and magkano aabutin. thanks.
Send photo ng ngipin sa FB ko, or bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/
Doc may pinapasta along ngipin after two weeks so rang sakit pinacheck sa ibang dentist pinaxray sabi may pus DW…bibigyan ako antibiotic and pain reliever balik DW ako pagwala na sakit para ma root canal….wla name sakit Hindi n ako bumalik…3months nakakalipas OK nmn n ngipin ko wala n khit another sakit…..dpat b ipacheck ko ulit kht wla n ako problem….ska pagmay brown n b ngipin dpat na pastahan…..salamat po
Dapat mo bang ipa check kung wala ng problema? Unang una sa lahat, were you paying attention to what your dentist had said about your condition? KAILANGAN I ROOT CANAL dahil nagkaron ng infection yung ngipin. Would you say that is not a problem? To me, it seriously is. Nawala man ang swelling, the infection is just right beneath the tooth. If you think its not a problem, just a matter of time the infection comes back again. Worst case scenario, it could actually swell up your face and fracture your tooth completely to the point it cannot be saved at all . Who is to blame? Of course not your dentist.
You were supposed to come back so schedule for an appointment.
meron po bang gamot na pinapahid lang para mabunot ang ngipin kahit walang injection?
Wala. Yung sinasabi mo ay yung topical gel. Inaapply yan para hindi maramdaman ang penetration ng needle
good day po doc. ask ko lang po sana if mura na po yung 5k na retainer?invisible retainer po?up and down na po.thanks!
Its fine.Usually yan ang minimum charge ng ganoon retainer.
thank you po 🙂
Oks.
Doc sumakit po yung ngipin ko bali po sabay sabay silang apat sa tingin ko po sa gums na po yung problema ano pong masasabi nya yung first attack po ng pain ay tumagal din ng 3 days na gamutan ngayon po naulit ulit ano pong mapapayo nyo?
Pumunta ka sa dentist. Kung hindi alam kung saan pupunta, pumili sa recommended clinics, or kung trip mo, you may visit clinic dentistquezoncity.com.
Mag schedule ka ng appointment para makita yang involved teeth. From there on, mabibigyan ka ng treatment options.
Hi Doc! Gandang araw po sa inyo! tanong ko lang po kung hindi ba masama ang mag gargle ng Listerine 2 times a day umaga’t gabi po Doc after mag toothbrush? kasi po may nagsabi sakin nakakarupok daw po ng mga ngipin yun? Totoo ba yun Doc?
Hindi masama.
Hello poh tatanong ko lang sana kung mag kano pa brace isa lang poh sunki ko at nasa loob
Cost of braces : http://www.costbraces.org/cost-of-braces/
Send photo or bisita ka sa clinic: http://dentistquezoncity.com/
hello po.. nagpajacket poako ng front tooth ko 10 years ago.. overtime po nadisaligned na ung ipin ko sa gitna.. parang may awang sa pagitan ng dalawang ipin po sa harap.. paano po ba maaus un.. salamat po.
Your crowns are 10 years old. They need replacement as of today.
Doc, kakabunot lang ng ngipin ko sa bagang sa taas left side. Yung ngipin na tinanggal pudpod na. Malalim at kailangang sungkitin bago mailabas. Yung surgery ko kanina tumagal ng halos 1hr and 30mins. Nahirapan doctor ko at halos bugbog daw yung paligid ng bagang ko naka 2turok sya ng anesthesia kanina. Pero ang expect ko po sasakit ng sobr to kase bagong bunot. Pero halos 6hours ago na po di pa rin sumasakit yng binunutan. Posible ba doc na di sumakit yung bagang kahit halos bugbog to bago makuha yung 3ugat ng ngipin kase sira na? Posible ba to doc? Di sya sumasakit eh kht bagong bunot. E diba dapat sasakit po ito?
Nako Tonio, wag mo ng asahang sumakit pa. You are fine at this point
Sobrang hirap na bang bunutin ng as in sira ng bagang? 2 bagang kasi ang pudpod na as in decayed na nagsasuffer na kasi ako ang baho sa umaga ng amoy, tapos pag may get together ng friends puro mentos ako kasi ang bilis niyang mamaho, natatakot na tuloy ako pumunta ng dentist kasi balak kong magpabunot. Sa mga nababasa ko pa lang napapaatras na ako. Ngayon lang kasi ako nagkapera
Hanap ka ng magaling na dentist para hindi mahirap.
Doc ano ba mga step para maging dentist graduating high school student po.
Magenrol ka sa University of the East College of Dentist. Magaral ng anim na tao. Magexam. Pagkapasa mo dentist ka na. PM mo ako sa fb kung gusto mo magenrol sa UE. https://www.facebook.com/askthedentistphilippines
1.500 na charge pag nawala po yung brackets sa braces. Hindi po ba masyadong mahal o ayos lang po iyon?
Ayos lang.
Good evening doc. Magkano po magpa-xray? Both panoramics and cephalometrics?
2K up.
Good eve po. Doc isang bwan na po mula nunv bunutan ipin ko sa bagang bakit po till now sumasakit, nakakapa po ng dila ko na parang my maga sa my pisngi ko kung san po ininject yung anesthesia… Doc bkit po till now sasakit at bakit ko parang my maga sa my pongi ko?
Malamang na may infected ka pang mga ngipin.
Hi Doc nag papasta ako, hindi daw ordinary pasta ang nilagay, cosmetic something yung sinabi eh. Permanent na po ba yun? Eh parang may bubble gum sa likod ng ngipin eh di ako sanay pde po ba yung ipaalis oh yun na yung pasta? At anu-ano pong bawal kainin? Bawal bang uminom ng malamig?
Walang permanent na bagay sa mundo. Walang bawal kainin. Wala ding bawal inumin.
EH nakakatakot kumagat ng chicken, biscuits baka sa isang kagat ko matanggal yung tatlong front teeth ko. Kaya hanggang ngayon di ako kumakain ng mga crispy na pagkain, pinsan di ko na nginunguya. Hahaha nakalimutan kong tanungin dentist eh. 🙁
Kanibal ka? Nginunguya mo ang pinsan mo?
Hello! Normal lang ba na mauna ang brace kesa sa bunot?
Possible depende sa treatment plan.
Doc natatanggal yung bracket? Bakal? O siret kung ano man. Nornal ba yun?
Yung isang piraso lang naman sa dulo yung natanggal. Ngayon parang alambre nalang siya. Natanggal kasi yung bakal. Pasensya sa mga term. Ü
Oks.
Kapag natanggal, ididikit sa next adjustment.
One more thing doc. Natanggal ulit yung sa kabilang side naman but this time naiwan yung bracket tapos naputol kasi yung wire tapos natanggal yung may kulay. Nakain ko yata habang kumakain. Okay lang ba yun? Hindi ba dangerous?
Itext mo yung dentist mo. Para mabuild ang trust. Sa mga tanong mo parang nagDIY braces ka dahil mukhang walang nagpaliwanag sayo ng mga bagay bagay. Kung orthodontist naman ang nagbraces sayo, napakasimple niyan na dapat siya ang tanungin mo dahil binayaran mo siya.
Pwede. Depende sa plano.
Doc pumunta po ako sa clinic nung thursday para magpabunot kse natanggal po yhng pasta nung ngipin ko then lumaki tsaka tumitibok po yung sakit. Kalahati na lang po yung natira sa taas tapos nung thursday nga po bubunutin na. E nung ininjectionan na ayaw tumalab nung anesthesia kse ramdam ko pa din sakit. Sabi may nana daw. Pinainom po ako cephalexin at mefenamic for 1 week. nauga na po nla ng kaunti kaso d natuloy dhil d ko kaya. Mejo sumsakit po sya gang ngayun. Pag balik ko po kaya this coming thursday mawawala na yung nana? Tsaka di ko na mararamdaman yung sakit pag hinuhugot na?
Most likely yes.
Ano po gamot dapat inumin pagkatapos mag pabunot sa bagang para di po sumakit? Ty po
Analgesic meds such as Mefenamic Acid, Ibuprofen
Doc ok lang ba magpabunot ng ipin kung 1 month na buntis?
Hindi.
Doc… ngbraces po ako 3 years ago… by the time it was taken off… I only wore my retainers for about 3-4 months lng… nadeform po yung isang front po na ngipin sa taas n medyo tumaas n kaunti at medyo ntkpan niya ng kaunti ung side ng kattabi niyan ngipin… it i only one tooth… pano po ba maibalik ito without using expensive braces again… an yeah Im only 17 years old
Magpabraces ka. Hanap ka ng hindi tanga. Tapos regular ka magpadjust. Yung retainer hindi yan sinusuot ng 3 months lang. Oks? Isa pa, hindi yan dapat aabot ng 3 years. Umaabot lang yan ng 3 years kapag hindi ka regular nakakapagpapaadjust, dahil hindi mo binigyan ng chance ang dentist mo.
Is there any way / other ways except sa braces? It is only one tooth kasi…
Send photo sa FB ko.
Good morning doc. Ask ko lang po anu po mangyayari pag hindi ko nasundo advise ng dentista ko sabi kasi mag paparoot canal ako sa 2nd to the lower right then 2yrs till now di ko nasusunod kasi medyo mahal po tas ngayon po sumasakit! 🙁 pag binunot po ba ito maghihiwalay teeth ko sa baba? Pleasee reply 🙁
Asahan mo na mapupupudpud yang ngipin to the point the tooth itself cannot be saved through Root Canal Treatment. The sole option you are left with is Extraction or Bunot. Of course, expect mo pag nabunutan ka mag didirfiting or maghihiwahiwalay yung ngipin. So save it now or regret later. Ang option nasa iyo.
Doc anu po b ang mbisang pandikit ng pustiso!
Fixodent. Pero kung more than 5 years old na ang dentures mo, that might need a reline already.
Is it possible that a retainer may adjust and align a single tooth infront if that tooth only need a minor adjustment? I could send you a photo but I dont know how and were…
it is not possible. Only through orthodontic treatment can correct that.
Hi doc, pwede po ba na ipabunot ang bulok na ngipin kahit hindi pa gumagalaw o umuuga?
YES PWEDE
magkno po ba ung invisalign treatment d2 sa ph? para lanh po sa upper set of teeth…
100K up.
Hi doc! Im from leyte then nagpabunot ako 2 weeks ago kaso hindi natanggal kasi nka 3 nang anesthesia e masakit pa dn.. 2nd molar pala. Tinry hatiin ng dentist ko kaso pag ng grind siya sobrang sakit kahit my anesthesia. So ngayon andito na ako sa manila, my advise siya na pa xray ko muna tapos pa oral surgery dw. Ask ko lang if san po ok magpatingin, xray or possible oral surgery nitong ipin ko. Mga magkano din kaya iyon?
Sa clinic: http://dentistquezoncity.com/
Hi po doc. Ask ko lang binutan po kasi ako ng ngipin sa right lower area bali tatlo po including the wisdom tooth kasi sira na po talaga ano po kaya ang pwedeng iremedyo para hindi magalawan ngipin ko kasi yung sa harap po okay naman po naka open bite lang po. Tnx po
Hehehe! Okay lang sayo ang pagkaopen bite mo? Pwede ka magpaimplant, bridge or denture
implant : http://dentistquezoncity.com/implant-dentistry/
brige : http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/
denture : http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/
Tanong ko lng ko doc.. Meron po bang tooth abscess na painless? Kung meron po, ano ang mga symptoms n2? TY
1st query: yes there is
2nd query:
Patients usual sign and symptoms
-They feel a bump outside the gum area (size of this bump depends; may bea s big as a pea) around the infected tooth
– When one puts pressure on it, causes discomfort
– the color is reddish, pinkish
– the texture is squishy
– When one tries to push this bump, a white material oozes out of it (that is basically the abscess/ pus)
– Hard to eat / drink as the infected tooth becomes painful
– An abscess, which basically is a localized infection, can cause fever and headache
– You experience bad taste all of a sudden even if you are not eating anything (that means the pus came out by itself and flown into your mouth)
doc yung dulo ng upper right teeth ko eh bulok at pudpod na mejo may maga ng konti OK lang po ba na nde ko ipabunot ito, and ano yung pwede mangyari. salamat po
Ipabunot mo. Pinakamalalang mangyari ay kanser.
Hello po, sinubukan ko po kasing bunutin yung ngipin ko na ako lang, kaya ayun po, nabasag po sya. Bale napudpud na po sya. Kaya pa po kaya yun mbunot kapag nagpunta po ako ng dentist? Thank you po.
Kaya.
Doc nagpabrace po ako ngayon. After po nung brace, nakita ko po sa salamin na parang madumi ngipin ko na may mga glue. Pano po ba tatanggalin yun? Matatanggal po ba yun sa toothbrush lang? Or need magpunta sa dentist para ipalinis yun?
Sa dentist mo ipalinis.
Ano ano po ba ang malalansang pagkain? Paki list naman po. Kung pwede ung completong listahan pero ok lang po kung kulang. Samalat in advance. Nag pabunot po kasi akong ngipin, ang it’s been a week na pero halos di pa din sya nag hihilom. Sabi po kasi nung iba 3-5 days dapat hilom na. So i guest baka may mga nakakain po akong malalansang pagkain. That’s why i’m asking kung ano ano po ung malalansang pagkain.
Thanks in Advance!
Magpagawa ka ng listahan sa dentist na nagbunot sayo.
hi po doc..gaano po ba katagal ung mga bawal after mung mag.pabunot??
Hanggang magsara ang sugat.
Hello po nag pabunot po ako ng bagang medyo mgaling na.po sya kya lang po npansin ko prang may naiwang ipin…sobrang takot po ako sa dentista ayoko na pong bumalik…msama po ba yin pag hindi natanggal?.may nabasa po ako sabi kusang aangat daw po…actually hindi po sya yunh root ng ipin ko kasi nakita ko an po nung natanggal…
Ipacheck mo sa dentist kung nabunot lahat.
Dok tanong ko lang kung ano po yung nakakapa ko na matigas na parng ngipin nung pagkatapos ko magpa bunot. Pero yung ngipin ko po na nabunot ay nasaakin at kumpleto naman ng mabunot.
Bone
Doc ask ko lang.. masakit n ipin ko sa bagang. May isang buwan ndin siguro simula nung sumakit. Balak ko ipabunot kaso nanghihinayang ako.. kung paparoot canal ko namn. Parang ayoko n din kasi ung pinaroot canal ko natanggal din nabali n ung turnilyo so useless n po.. mas maganda ba ipabunot ko n lng.??
At tska doc pagnagpabunot ako ilang araw bago makapaginom.?
Kapag nagsara na ang sugat, inom ka na.
IpaRCT mo tapos crown : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Ask ko lang po, naka braces po kasi ako, and plano ko po sanang lumipat ng dentist na malapit sa lugar namin. possible po ba yun? hihingin ko po yung records ko sa present dentist ko and ibibigay ko po dun sa lilipatan ko para sya na ang magtuloy.. thanks po
saka nasabi ko nga po sakin ng present dentist ko ngayon na meron daw po akong “bimaxillary protusion” at kelangan mag extract nang apat na ngipin..
Oks.
Try mo.
ok po.. pero, halimbawa po’t kayo yung dentist na lilipatan ko, papayag po ba kayo????
Hindi. Matrabaho ang magpatuloy ng gawa ng ibang dentist.
okay po.. thanks! bale, ang mangyayari po ay magsisimula na naman po ulit ng bago sa panibagong dentist? as in x-ray, cast, at photograph po?
Yes.
Hi po.. sobrang sumasakit po yung ipin ko sa bagang sa kaliwang baba po. Napudpod n po d ko na po nabalim sa dentista kasi lumipat na po ako. Umiinom po ko ponstan pero hindi n po kaya mawala yung sakit. Sana matulungan nyo po ko. Salamat
Oks.
Yung ngipin po sa bagang ko is pudpod na. Then parang nag crack and umuuga. Mabubunot bang buo kusa yun po. Thnks
Oks.
Doc, tumutubo po yung isang wisdom tooth ko masakit po sya ok lang po ba yun? Pang 2days na po ngayon ilang araw po ba bago mawala yung sakit at tumubo? Thanks po..
Kung okie lang sayo ang makaramdam ng sakit, matatawag mo nga yang ok. Ilang taon ka na ba?
hi doc, merry christmas. i am having troubles with my front teeth. naka jacket po yung anim sa front sa taas, its pure porcelain. kaso napapansin ko at ng mga kapatid ko na parang nagkakaroon ng black spots sa loob, parang nasisira yung loob ng ngipin ko and i have only had these for 6 months. nagkaproblem na ako nung una, naalis yung isa dahil nachip yung tunay na ngipin ko na na root canal na din noon. so bumalik ako sa dentist ko at inaayos nya ngayon na chip na naman yung isa pero yung mismong jacket na sa likod lang tapos yung other teeth parang nagrrelease ng after taste feeling ko may sira na, at nagddarken nga yun loob. i can send a photo para mas maintindihan nyo po if ever. gusto ko lang malaman ano dapat kong gawin. i really need help. thank you
Mag shedule ka ng appointment if you are confiding for professional opinion per your case. Hindi lang isang crown we are talking about. 6 crowns Ms Angelica.
Hi doc, bakit po kapag bagong brace ay masakit po? Salamat po
Dahil pinapakilos ang ngipin sa bago niyang posisyon. Sa braces, dapat alam mo ang cellphone number ng dentist mo para sa ganito kasimpleng tanong ay hindi mo na kailangan itanong online. Binabayaran mo siya para magamot ka atmasagot ang mga tanong mo.
Gudeve po doc.. tanong ko lang kailangan po bng bunutin ang wisdom tooth? Kc kumpleto pa po ipin ko. Sumasakit po ng sobra kc di xa makatubo ng sagad.wla n po kc space.
Yes. Dito clinic namin: http://dentistquezoncity.com/
Mga magkano po kaya byad? Tnx po
Kung may available kang xray, you can send it to our facebook page. I can’t quote a treatment na hindi ko nakikita clinically together with radiographs. If you don’t have them yet, schedule for an appointment. If you are a minor, bring a parent or guardian with you
Salamat po doc. May xray n po aq. Khapon lang. Send q po s inyo. Normal lng po b na hndi nwawala skit kht nka ilang inom nko ng mef.acid,?
Olrayt. Send mo sa fb ko.
hello po doc, tanong ko lang po nag pabunot po kasi ako ng ipin pangalawa sa dulo sa ibaba left side , ngayon po namamaga na ung pisngi ko ano po bang dapat kong gawin ? bago po kasi un binunot sabi nung dentista eh may nana na daw at kung sumasakit ba daw un sabi ko naman po eh last week sumakit pero nawala na rin ok lang ba na binunut un ?
salamat po 🙂
You are most welcome.
Yes. Expect swelling in the next 2-7 days. Follow post operative instructions and medications
ok lang po kaya na gumamit ako ng mouthwash ?
thank’s again sa reply 🙂
you are most welcome
Kung hindi irritating sa area. Go ahead, you may. Pero best na pang rinse or gargle ay warm salt water
maraming maraming salamat po talaga 😀
Oks.
doc maayos pa ba ung hiwalay na ngipin?
Yes through orthodontic treatment
Good morning po doc.. nagpabunot po ako ng premolar tooth last week.. ngayon ko lng po nalaman na buntis po pala ako..ano po bang pwedeng mangyari sa baby ko?? Pls. I need ur comment..tnx po..and happy new year
Olrayt. Wag ka na lang magalala. Ingat na lang next time.
Good evening, Doc. Ano po ba ang mas mabuti, tooth jacket o pustiso?
Jacket. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Good day doc. Sumasakit yung ngipin ko yung sa bagang. Pwede po ba syang ipabunot na? Magdedeform po ba yung mukha? Yung mama ko kasi nagpapustiso sya tapos pumayat po siya tgnan.. Ang sabi nya kakabunot daw yun..
Pwede. Oo.
Another thing, Doc. Gaano po ba katagal bago magpalagay ng jacket after bunutan ? Thank you po.
Kung nabunutan ka, wala na ang lalagyan ng jacket. Malamang na bridge ang tinutukoy mo: http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
Hi Doc. Eto po kasing ngipin ko, front tooth po, ay nakadental crown na, kasi nabasag po sya mga 1 and a half year ago so bago palang po ung dental crown. Ngayon po, namamaga po sya at sumasakit po, medyo sensitive na rin. Dapat na po ba syang iRCT? Kung oo po, pano po kaya un? Tatanggalin po ung dental crown?
Oo. Oo. Pwede din naman butasin, provided maganda at magaling ang pagkakagawa ng crown at magaling din ang dentist na mag-a-rct: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Hello po doc. Nagpajacket po ako sa upper pangil ko pero after a year po nabiak na xa snce nalipat kmi sa mnila ngpacheck up ako sa iba kung ano dpat gawin sabi nia d n dw mkabitan un kea ipapacrown bridge dw. Cguro 1/4 part nlng ntira dun sa jacket. D nba tlga mkbitan un? Good choice po ba crown bridge? Also how much po magpabunot ng extra teeth sa inyo
Ipa-RCT mo tapos jacket. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Hanap ka ng magaling. Wag cheapest.
Hi Doc. Nabasa ko sa previous answer niyo na ang mga bawal ay bawal parin hanggang hindi humihilom ang sugat?
Kasi nagpabunot ako ng wisdom tooth 10 days ago. Kaso ung sa tahi, napunit ung gum ko after 2 days kasasalita at dahil sa work narin siguro. Kaya open parin ang pinagtanggalan ng wisdom tooth ngaun.. Bawal parin po ba ako sa malalansang pagkain tulad ng manok? Natapos ko naman po ang 7days na antibiotic ska mefenamic.. wala pong sakit, pagdurugo, at pamamaga since mapunit ang tahi.. Salamat po..
Depende sa clinical observation nung dental surgeon mo. Kasi kung hindi pa nag co-close yung extraction site, papasok yung pagkain doon.
Bweno, you are supposed to come back to your surgeon in 7-10 days for tissue check.
Nabali po ang pustiso ko today. Ilang araw po kaya ang pinaka mabilis na paraan para maibalik ulit ung nabaling pustiso?
1 oras.
Hi doc. I always wonder, bakit po sobrang layo ng presyo ng pagpapabunot ng wisdom tooth kumpara sa ibang ngipin? Halos lahat naman po ng dentista ganun. Wala lang po, ijuander, pakiexplain. Salamat po.
Dahil mahirap bunutin ang wisdom tooth. Hindi pareho ang paraan ng pagtanggal kumpara sa ibang ngipin. Kapag ang pagtanggal ng 3rd molar ay itinulad sa pagtanggal sa ibang ngipin mo, maaring mabasag ang mismong panga mo. Kapag nabasag ang panga mo, mas malaki ang magagastos mo sa hospital. Kung sa upper 3rd molars mo naman, mas mahirap pa.
Ihalintulad mo yan sa bayad ng paglilinis ng kuwarto mo kumpara sa paglilinis sa buong mall of asia. Mas mahirap gawin, mas mahal ang bayad.
I couldnt agree more
Good afternoon po.
Nagpapasta po ako ng wisdom tooth nung highschool palang ako. Sabi po kasi ng dentista bawal daw bunutin kasi hindi na daw yun tutubo. Ngayon po may sumingit na ngipin sa pagitan nung pinagpastahan saka ng isa pang ngipin. Tama lang po ba yung ginawa nung dentista o normal lang kasi paling naman talaga yung iba kong ngipin? Salamat.
There is a possibility na nagkaroon na ng movement yung mga ngipin mo. What you need at this point: periodic checkup. Periodically, chinecheck all your teeth– if the growth of wisdom teeth are impacted, have them taken out as soon as now
hi doc dec 28 start sumakit ngipin ko.. dko pnabunot kc nasaisip ko pag n bunutan ako need ng pahinga kawawa mag ina ko kung hnde ko ipag luto ng pag kain s bagong taon..
kaso sakto dec 31 namaga.. hangang ngayon maga p din mukha ko at namamanhid kalahating lips at baba ko.. dahil ba ito s mefenamic at amoxicillin? tuwing ilan oras b dapat pag inom ng gamot? salamat po at happy new year
Unang una sa lahat, alam mo ba ang tamang pag inom ng antibiotic? Sinong nag reseta sa iyo? Ikalawa, ikonsulta na iyan– worst case scenario: mag sweswell up yung kalahati ng mukha mo (kung saan yung side ng pamamaga). So kung hihintayin mo pa yung point na yan, your call. 2 options you have: Save the tooth or lose the tooth.
dec 31 nko nag start inom close kc clinic that day… so nag tanong tanong n lng muna ako sa botika.. mefenamic daw pra maibsan ang sakit then yung amoxicillin daw pra s pamamaga..
Okay. Since ang antibiotic therapy is within 7 day time frame, kailan ka mag papaconsult? You should see a dentist habang under medication ka
tom po monday… try ko nga sana kahpon kaso hirap ako mag lakad naaalog yung maga masakit…. bawal ba mag shave pag namamaga mukha?
Hindi. Kung bearable yung friction coming from the rubbing of blade on your skin, then that is fine. Kung hindi, don’t bother the area.
tnx so much sa rply doc…
niligo ko sumama nman pakiramdam ko, at every night lagi ako nilalamig ng hus2..
Oks
Ano po pala ang purpose o kelan po pala kelangan ang jacket? So kung may bulok akong ngipin sa front, pwede po ba syang ipa jacket? Kung hindi po kelangan bunutan kasi sabi nyo po wala nang paglagyan ng jacket, so ano po ang dapat gawin? Tsaka ano po ang kaibahan ng jacket sa pustiso? Thank you ng marami, Doc.
Send mo photo ng sinasabi mo sa FB ko.
doc 5mos preggy po aq.ung ngipin q po n pinasta dti eh ntanggal kya wlang tigil ang sakit.3days n.namaga n din pisngi q at ngkaron ng nana ung gums.anu dpt q gwin pra mawala ang pamamaga.ndi nman aq niresetahan ng dentist kc need q dw iask s OB q.kso nxt wk p blik q s OB.ndi q n po mtiis ang sakit ng ngipin q.anung mbisang solusyon.tnx
Safe Analgesic: Paracetamol (such as Biogesic). Aspirin could work as well.
Important sa amin ang clearance from your obgyn as your developing child is also our concern.
bakit kelangan i-adjust pag nagpabrace?
Dahil walang mangyayaring pagkaayos kapag hindi. Mauubos lang ang ngipin mo dahil magiging dahilan lang ng pagkasira ng mismong ngipin at pagkalagas ng ngipin dahil sa sakit sa gilagid.
doc ask ko po yung 9yrs old na anak ko nadapa po nabali sa gitna yung front teeth nya, pwede po ba ikabit uli yung ngipin nya? and magkano po usually ang tooth bonding? thank you and Godbless!
Hi Queenie. Kung yung fracture has not reached the nerve at kung yung ngipin can be a candidate for tooth bonding, may cost you minimum of 1k and up. If the fracture has reached the nerve (depending on xray), that needs root canal and crown.
Hi doc, tanong ko lang po kung. Pag napabunot ba sa bagang. May possibilty po na lumuwag yung ngipin sa harap? Ang sabi po kasi ng dentist na pinabunutan ko luluwag daw kaya magpagawa daw ako sa kanila ng dentures sa kanila, pero nung nagtanong ako sa kilalang dentist. Hindi naman daw po luluwag. Need answers po, slamat 🙂
Dapat kang magpagawa ng dentures. Kung sa physiologic movement ng ngipin, hindi luluwag sa harap. Pero magkucollapse doon sa missing kung walang kapalit ang missing. Magmumove ang ngipin patungo sa missing, yung mga katabi at sa opposing. Magiging cause ng periodontal problem din. Kapag may perio problem na, malalagas na ang ngipin mo kapag hindi naagapan.
May ask lang po ako pwede po mag pabunot kahit crown na ? At namamaga na ?
Pwede. Pero advisable, save it. Pagsisisihan mo ang pagpapabunot sa huli
Doc may ask lang po ako sa inyo po my old 15years old
Pwede po ba magpabunot kahit crown na? at namamaga ?please reply
Pwede. Pero dahil bata ka pa, bakit hindi isave ang ngipin na ito through root canal treatment? Last option ang bunot, lalo na kung hindi naman talaga masesave ang ngipin
Hi po doc pag crown na ba pwede pa bunot yung ganun at namamaga ?
Pwede. Pero LIAM, Save your tooth. Have it root canal treated
Doc Mahina Po kasi ang Loob ko !
Ano Po Bang Mangyayari kung Hindi Mo ito Pabunot ?
Hindi talaga ako ang magpapabunot niyan dahil hindi ko yan ngipin.
Ano po bang Mangyayari kung Hindi ko Ito Pabunot ? 15 years old palang po ako !
Edi di ka bungi. Ang bata mo pa kaya para mabungi
hello doc Ano po Mabisang gamot pag kabubunot
ng ngipin
Kaynino ka ba nagpabunot? Sa albularyo dear? Tawagan mo yung dentist mo na nagbunot sayo
Hi doc severe pain na po nararamdaman ko nde parang nde na kaya ni ponstan at dolfenal binigyan po ako ng dentista ng amox kaso nde naman ako makatulog sa sakit ano po kaya pede? Ayaw ko na mag celebrex kasi malala side effect naka 1 week na take dn ako celebrex araw araw thanx
Sharwin, alam mo dear pinupunta na yan sa dentist. The tooth involved needs root canal treatmet at this point. Yun yung sole treatment. Get a schedule TOMORROW WHEN YOU WAKE UP. Kung taga qc ka or malapit sa quezon city area, you can schedule an appointment with us. Visit this link to get contact details: dentistquezoncity.com
Doc balak ko kasing ipatanggal lahat ng ipin ko.mga ugly kasii eh,hahahahha.uhmm.ang tanong ko po is.uhmm.pwede po bng pakabitan ko ng braces ung pustiso??
Before I could even answer your query, I am sorry but what exactly is wrong with your teeth? Hindi ko na ilalagay ang word na might sa gagawin kong sentence, coz YOU WILL DEFINITELY REGRET IT LATER ON WHEN YOU HAVE ALL YOUR TEETH EXTRACTED. Maraming disadvantage! Ang kagwapuhan mo, maglelessen ng about 50%. Your facial aesthetic will be compromised. Very traumatic itong gusto mo sa sarili. I’ve encountered a LOT of patients telling me they didn’t KNOW na ang ngipin hindi yan binubunot lang kaagad for the matter of little pain/discomfort. We do not live in stone age anymore. So kung ano man ang ptoblemo mo sa ngipin mo, bweno marami ng alternative mai-ooffer sa iyo… dental treatment per se.
Per you inquiry, pwede pero not all clinics offer such
Halos lahat na kasii doc eh nabubukbok.naalis pa ung isa sa harapan dahil sa basketball.kaya advice ng mama ko.ipabunot ko na lng po lahat.
Oks.
Doc tanong ko lang po pagkatapos po magpabunot sa ngipin ilang araw o linggo bago pwde malagyan ng pustiso?? Sa harap po kasi bale 4-5 na ngipin po ipapabunot at magkano po kaya yun?? salamat.
Soonest is 2 weeka kung nagmamadali patient. 6-8 weeks mas okay as the gum tissue has settled by that time. May ibat ibang uri ng dentures. Kung maganda at matagalan ang hinahanap mo, syempre that comes with a price
Doc magkano po kaya un porcelain b un?? O kya ung pinakamababang presyo po para alam ko budget ko pagsakaling mgpapabunot n ako thank u po
Wala akong alam na pinakamababa o pinaka mura dahil I DO NOT SETTLE FOR LOW QUALITY TREATMENT DAHIL ALAM KO NA LATER ON, BABALIKAN AKO NG PASIYENTE WITH REGRETS AND I NEVER EVER WANT THAT TO HAPPEN IN MY PRACTICE.
Hi doc sumasakit bagang ko ksi my bulok pwd pb ipapasta un o bunot n agad
Kung gusto mo isave, rct. Kung ayaw mo isave, extraction. But i suggest, save it
doc tuwing kelan dapat magpalinis ng ngipin?
Periodic recall is every 6 months. Very important ito kasi preventive maintenance itong procedure na ito to keep your mouth clean and healthy
Hi doc. Nagpa temporry past po kase last sunday then after po nun mga ilang hours kumirot po yung ngipin ko na pinastahan hanggang kahapon po sobrang sakit talaga tapos may nana po na lumabas. Ngayon po bumalik kami sa dentist kung ano po nangyari sabi daw po baka nung pinasta may nana na daw po talaga sa loob pinapili po ako kung bunot daw or roor canal. Sabi ko bunot nalang kase masyadong mahal yung root canal per session, niresetahan po ako ng gamot na cefalaxin tsaka mefenamic. Matatanggal na po kata yung nana nun? Kase sa sunday na po ako bubunutan tsaka masakit po ba pag tinanggal yung bagong lagay na pasta. Hoping for your reply doc. Medyo kinakabhan po kase ako.
Unang una sa lahat, ang dental fee for root canal treatment ay hindi per session, per canal okay? Yes, by that time mag lessen yung swelling sa infected tooth. Wag kang kabahan kung alam mo ma yung pinuntahang mong dentist ay reputable at skilled– hence, you are in good hands.
Thank you po doc. E masakit po kaya kapag tinanggal yung bgong temporary pasta na nilagay?
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
Doc ano po ba ang bawal na kainin at gawin pag katapos binunutan ng bagang???
Tnx doc
Louie, hindi ka ba binigyan ng instruction ng dentist mo??? That is the responsibility of your dental surgeon. Anyhow, no hot and hard stuff. Bawal malangsa. Bawal grainy and seedy food such as nuts and seeds. Bawal ang paggamit ng straw
Doc, pag tapos po bang magpalinis ng ngipin pwede po bang magparetainer? i mean hindi naman agad agad mga 1week after mag palinis ng ngipin mag paparetainer sana ako pwede po ba?
First off, Tapos ka na ba sa orthodontic treatment mo?
Doc, actually yung tanung ko inadvance kulang isa nalang kase sira kung ngipen pag tapos nun mabunot papalinis na ako. anu po ba ang orthodontic treatment doc? mahal po ba bayad nun?
Orthodontic treatment= braces. Mahal? Sa Pilipinas, ang braces ay affordable
Ah braces po pala. akala ko po kase mga nag papa-braces lang ung mga labas ngipin or di pantay. okay naman po ngipin ko akala ko pwede na mag pa retainer after magpalinis. di kaya ng budget ko mag pa braces at saka taon aabutin nun di ba doc? bago tanggalin.
Yes. Taon
Doc, 4 months na po yung baby ko. E sumasakit po talaga yung ngipin ko. Nasira po yung sa bandang harapan. Pede po bang magpabunot? Sabi po kasi nila bawal daw po.
Punta ka sa pediatric dentist at ipakita. Or send photo sa fb ko.
Doc..mayroon ba namammatay dahil dw s nabinat pagkatapus mabunutan ng ipen dhil naglaba daw pu agad?
Malamang na may health condition na yun bago mabunutan.
Doc pwede po bang magpabrace khit may butas yung bagang ko ?? Thanks po
Hindi.
Doc, kakabunot lang po ng bagang ko sa baba kahapon. Tapos sumsakit po sya ngayon. May nana po sya at namamaga yung pisngi ko. Ano pong dapat gawin?
Inumin ang inireseta at mabuhay nang masaya.
Sakit ng ngipin ko, may butas na ksi … Pwede po ipabunot na ito agad?
Yes. Tibayan mo ang loob mo.
May butas po ngipin ko .. Dpat n po bng ipa bunot?
Kung hindi pa umaabot sa nerve ang butas, kaya pang i-pasta. Sa panahon sa ngayon, last resort ang Bunot! Marami ng treatment ang magagawa para maisalba ang ngipin okay
Pwde bang magpabunot ng ngipin kahit nammaga at sumasakit pa? Sabi ksi sakn hndi daw pwde kasi maiinfection. Gusto ko na po ksi ipabunot ksi sobrang sakit na.
Ipapapremedicate ka bago ang extraction. THen you will come back to the dentist on 3rd/4th day. Basta within 7 days time frame. Bakit hindi pwede bunutin: Kasi yung anesthesia won’t have any effect on the tooth to be extracted! Or… if you want to save the tooth, have it root canal treated.
Binunutan po ng bagang anak ko. 2 days na po nag dudugo pa din. May gamot na antibiotic hemostan at ponstan. Pero dpa din tumigigil pag bleed. Ano po dapat gawin? Tnx po…
Call your dental surgeon! FOLLOW POST OP INSTRUCTIONS. For any heavy bleeding occurence, please bite down on a TEA BAG (TSAA), dry. If bleeding does not stop at this point, CONTACT your DENTAL SURGEON ASAP. Stop using straw, stop spitting aggressively, stop eating hot food, spicy food, malangsa, seedy, grainy. Do not play on the extraction site. If minor bleeding occurs, Bite on a gauze or cotton ball.
Dok, kaya pa po bang bunutin ang bagang na wala ng crown at naputol below the gumline at tinubuan na ng laman sa gitna? reply po. thank you
opo