Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Doc 28 years old na ako, yung isang wisdom tooth ko sa ibaba ay impacted. Tumubo siya ng patagilig tapos partially erupted siya. Pina xray ko na siya. So far hindi siya sumasakit at according sa xray walang cavity or kung ano pa mang anomalya. Yung isang dentista para sa kanya huwag ko nang ipatanggal kasi wala ngang pain. Yung isa naman patanggal ko na daw for prophylaxis reasons. Kasi pagtanda ko daw mas mahirap na tanggalin at yung recovery is slow and hard. But ukol sa mga nabasa ko sa internet hindi na inaadvocate yung pagbunot ng ipin for propylaxis reasons, sa UK they stopped covering it sa insurance. Tapos sabi nung iba papaalisin lang kung may pus, cavity, pain, cysts etc. E syempre yung operasyon me risks nang nerve damage. Lalo na at me nerves dun sa xray. PEro sabi nung doc parang out of the way naman siya nung ipin. Although hindi niya sinabing: “Ay oo, sigurado akong walang nerve na matataam!” “Out of the way yun” Hindi ganun. Sabi niya lang sa tingin niya hinde. Ngayon to make the long story short, hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka pagsisihan ko at madale ako kapag pinatanggal ko yung ipin na hindi naman masakit. O kaya baka pag uugod ugod na ako, nagka problema tuloy. Ewan ko ba. Ano kata and maigi kong gawin doc?

    1. MY answer will from my own experience. I normally suggest to my patients to have all their 3rd molars taken out only if there is pain or I see in the xray it is impacted, angulated, and possibly may cause damage to its adjacent teeth. What I experienced was… One of my Lower Left Wisdom tooth became a problem and it caused me so much pain (like literally I was crying everytime it hurts). Other remaining 3rd molars (right side, upper and lower) didn’t really bother me at that time. BUt yy oral surgeon suggested have them taken out– all my wisdom teeth, just so I won’t have any problems in the near future. And I did have them taken out. I think I spared myself from the really bad pain experience again and any possible malocclusion. We do suggest treatment, but every dentist will have his / her own treatment. I am suggesting my treatment because I do not want my patient to have a problem in the near future. That our job– we prevent any problems as much as we could

      1. So far doc 28 years old na ako di pa naman siya sumakit nang ganung katindi na napapaiyak na ako. So baka di na siya sumakit ever. Hehehehe. Hindi ko kasi maisip sa ngayon yung need because walang pain, cavity or pus or anything, sa aking 28 years na pamumuhay. But I get what your saying na preventive measure siya. Pero di kaya mas madami yung risks na sasapuin ko, like possible yung nerve damage, and other post-op problems, gaya rin lang nang sinasabi mo na possible din mangyare yung pain at malocclusion? Anong masasabi mo sa wait and see approach? 🙂

        1. I could say further information regarding your case, nerve damage and whatnot , kung nakita ko Diagnostics mo. Post op problem? Hindi ito post problem. Post op healing kamo. Not problem. Pain at malocclusion– yan yung problema na na eencounter ng patient with the presence of 3rd molars. Its your call what you want to do. Our job is to suggest what is best, but its the patients job to choose. If you want to patiently wait for pain and malocclusion, it is your choice

      1. Doc pwede pong pakisagot yung tanong ko? kinakabahan po kasi ako bukas po kasi ako pupunta sa dentist ko. Salamat po ” Dok, kaya pa po bang bunutin ang bagang na wala ng crown at naputol below the gumline at tinubuan na ng laman sa gitna? reply po. thank you”

  2. Doc pwede pong pakisagot yung tanong ko? kinakabahan po kasi ako bukas po kasi ako pupunta sa dentist ko. Salamat po ” Dok, kaya pa po bang bunutin ang bagang na wala ng crown at naputol below the gumline at tinubuan na ng laman sa gitna? reply po. thank you”

  3. hi gusto ko lang po malaman kasi yung wisdom tooth ko my pasta na tpos ngyn nabasag n siya pasuntok po yung ipin pwede po ba ipabunot nalang or pwede pang ipasta at magkano po.thanks

    1. I didn’t get the part why you had to add the word pasuntok in your sentence. Whats the significance of that word in your statement? Anyhow, if the cavity has not reached the nerve, that can be filled, if it has reached the nerve: extraction

      1. pwde po ba bunutin na lang yung wisdom tooth ko?magkano po doc….sorry if i use the word pasuntok kasi pahiga po kasi tumubo yung wisdom tooth ko.

          1. Depends on the Case. But minimum 3rd molar extraction fee is 5K to as much as 15K. The tooth can be evaluated when the dentist sees the case with necessary diagnostics such as Periapical Xray and Panoramic xray

  4. doc natanggal po yung crown ng ngipin ko, ang natira po eh maliit lang na nakausli na malambot. bakit po nagkaganito?

    1. Kung may malabot na part, nagkaroon ng decay sa loob. One of the main causes why it decayed: patient didn’t take care of the tooth with a crown on. Ganon naman nasisira yan, kung pinapabayaan. So at this point, you shouldn’t be doing an online consultation but rather you should be getting an appointment before it is too late to save the tooth. You feel me?

      1. Ano exactly you need for yourself? Hindi ako madam auring. At lalong hindi ako tanungan ng Dental Clinic elsewhere. Medyo, dental related naman ang itanong mo sa akin. Marami kang reference kung saan ka makakahanap ng dental clinic— sa recommended clinic link dito sa website, sa google, sa newspaper, sa yellow pages.

        1. Hanep ang bangis sumagot ni Doc! 😀 Doc san ka ba nagcclinic ikaw na ang pinaka cool na dentist sa balat ng oral cavity hahaha salut!

  5. Doc safe po ba magpapasta ng ngipin pag buntis? 5mos preggy po. natanggal po kasi ung dating napastang ngipin.

  6. Hi doc. Ask ko lang if pwede magpabraces kahit pustiso yung ngipin ko sa harapan tapos po may sungki ako sa taas. Pls reply. Thankyou 🙂

  7. hi . doc ask ko lang mgkahiwalay ang dalawang ngipin ko sa harap pero the rest ng ngipin ko ay maayos wala akong sungki . anu po pa ang mgandang gawin dun sa ngipin ko n mgkahiwalay ??

  8. Doc, natanggal po ang first molar ko. Wala na daw pong makita yung dentist ko, siguro po ay dahil yung nasa loob nalang po ang tira kaya ipaxray ko daw po. Hindi naman po sumasakit o namamaga. Natatakot po ako baka po may abscess at cyst na makita sa xray tulad nong mga nababasa ko sa internet
    Mawawala po ba ang cyst kung meron man pag nabunot na ang ngipin?

    1. Kung yung ngpin na nabunot ay hindi nalinis ng nabuti anupat naiwan yung infection sa ilalim, it could lead to that cyst per. Now, how would you know? through xray upang malaman kung malinis and infection free

  9. Good Day!
    Doc, ano po ang pinakamabisang pandikit sa pustiso, yung silver po sa ngipin, bracket and etc. kasi po hindi po effective yung ibang pandikit tulad ng mighty band. thanks po. reply asap!

  10. Hi doc magtatanong lang po ako,
    galing ako sa pinas at nagpalinis bunot pasta at veneer na tinatawag sa harapan,so here’s my question po ung bagang ko po tatlo ang binunot bali tira2 lang po ito sa mga pinabunot ko dati magkakasunod po kaya tinahi ng dentist ko,pinababalik nya po ako nung saturday para alisin yung tahi d na ko nakabalik kc nag flight na po ako,kelangan ko pa po ba ipaalis ito sa dentist d2 or kusa na po itong matatanggal salamat po sana masagot nyo

  11. Yung porcelain po ba nagco-cause ng pag itim ng gums? Sabi po kasi nun ng dentist, kaya daw po nangitim kasi pinatay yung ugat sa gums ng naka jacket po na ngipin. Magkano po aabutin pag pinapalitan ng bago?

  12. 4 po kasi na ngipin ko naka jacket, and sa front teeth pa po, porcelain po lahat, nung nagpa-jacket po ako, naka-10k po ako, 2,500 po isa, 4years na po ito. Kaso nga lang po, ang pangit ng tingnan, kasi ang itim ng gums ko sa harap above ng jacket na ngipin ko. May iba pa po bang cure dito bukod sa palitan ng bago?

  13. Sabi po kasi nung Dentist, yun na daw po yung pinaka maganda, yung porcelain, yun na din po yung pinakamahal, kaya yun po inadvice nya sakin na ipalagay. Nasa magkano po ba nagre-range yung porcelain na jacket? Pag po ba pinalitan, mawawala na yung pangingitim ng gums? Wala na po ibang pang cure bukod sa palitan?

  14. Doc im 15 years old pwede po bang maoperahan ang aking ngipin kung hindi ko ito pabunot ? Kasi po crown na siya at lagi lagi namamaga yung mukha ko

    1. Instead na bunot, have the tooth treated (root canal treatment is the procedure done on infected tooth in order to retain it). So save it. You are too young to have it extracted out. Bring your parents with you as you are still a minor

  15. Hi doc. Gusto ko lang po i consult sa inyo yung bracket placement ko. Nagpalagay po ako self ligating brackets. Pero parang di ako confident sa paglalagay. Mag abroad na po ako next month so i can’t afford to leave na hindi maayos ang braces ko. Relative po kasi namin yung dentist ko kaya nakakahiya magtanong.

    1. First off, kung magpapaconsult ka– hindi yan dinadaan online. Kung binayaran mo ang dentist relative mo, you have all the ultimate right to raise questions regarding your concern. At kung hindi ka bilib sa sarili mong relative dahil you suspect the brackets were not placed right, tell me are you a dentist as well to figure your conclusions out?

  16. Doc i have dentures na po dun sa 4 teeth sa taas, yung iba ko po kasing teeth na natira hindi nakaalign, sungki-sungki po. Kaya po naisip magpabraces. Hindi po ba maganda un?

  17. Doc gud pm!ask q lng po yung daughter ko nag 7 yrs old na po sya pero bakit po kaya lahat ng ngipin nia sa taas hindi pa tumutubo puro pudpud prin doc n color brown?yung lower part nman po tumubo paisa isa kya lng Hindi pantay pantay at mejo magkakalayo doc please help us understand kng bkit wla p ngyon tubo upper teeth nia?Ung ate nmn po niya mgnda ngipin..
    Napacheck q nman po teeth nia nung 5 plng sya sb ng dentist tutubuan dn nmn dw po yun eventually bgo mag 7..

    1. Kailangan i xray yung bata. Upang makita ang condition ng mga permanent teeth. Mukhang hindi niyo sinusupervise ang bata may kilaman sa oral hygiene nor you bring the kid regular to the dentist (base sa statement mo).

  18. hi doc goodpm po. tanong ko lng po pwede po bang magpabraces kahit nabunot na ang dalawang ngipin ng magkatabi sa gilid sa taas? at pwede po ba magpa.anesthesia while magpapasta at cleaning? pls po. thanks

  19. hi doc ask ko lng po mga dapat gawin after magpabunot ng ngipin..medyo nttkot po kc ako..ngpabunot po ako knina..pwede nba ko kumain ng ice cream

  20. Doc ano pong kailangang Kong gawin sa teeth ko kasi po sunki yung upper incisors ko po.kung braces po ang kailangan magkano po ang aabutin dito po sa cavite.11years old na po ako.

  21. Doc pls answer my question po. Pwede po bang magpabraces kapag may fixed bridge sa taas at 4 missing teeth? The rest po kasi sungki-sungki na. After mo maayos position ng teeth ko saka po ako magpaimplants sana. Iniisip ko po mga sungki ko eh. Thank you so much po doc.

  22. Doc, may maliliit na black spots sa ngipin ko. Ano po ba dapat kong gawin? Lumalaki po ba yung spots na yun? Nag woworry lang po ako na baka masira ngipin ko dahil dun. Thankyou po.

      1. doc ano po yung meaning ng 6/7 units ang bridge ko? pa explain naman po kung pano ang mangyayari thank you po doc

  23. Ano po b ang mangyayari pag ntanggal sa pagkakadikit ang fixed bridge? 1 yr plng po ito? At ok lng po ba na after 5 montjs ko pa palagyan.uli ng glue kc ofw po ako.at anu po b ang magging cause nito sa ipin ko n pinagdikitan? Thank you po and more power..

    1. Pag natanggal, obvioualy mahirap ang oral function mo.kapag hindi mo pinadikit kaagad, pwedeng mgkaroon ng cavity around the tooth na pinagkakapitan ng bridge. Wag mong ididikot yan ng super glue kung ayaw mo sumakit ang ulo ng dentist na magdidikit niyan eventually. Ipadikit mo diyan sa dentist sa country you are working currently

  24. Doc. Yung ngipin ko po sira yung bagang ko . Tapos isa lang yung ngipin ng bagang ko sa ibaba..tapos space napo bakit po ganun?. Asap doc thankyou 🙂

        1. I couldnt say a definitive treatment plan for you as I have not seen you personally. Force factor is one major cause behind the fracture of the crowns. Did your dentist mention anything about appliance? Occlusal guard oerhaps?

  25. Doc, good evening po.
    Doc ask ko lang po kung sa upper na ipin po right side malapit po sa pangil mga pang apat na ipin po na my buto po ba dun? At makikita din po ba sa xray kung buto o ugat? Kase nagpabunot ako may nakausli papo sabi ng dentista buto daw po yun nakausli, at pinababalik poko at icucut nya daw po kung gusto ko. Kase tumatama po yung ngipin na nka usli pisngi ko. Saka masama po ba na sunod sunod na anisticia bale pag bumalik ako bukas pang tatlong araw na pagtusok uli ng anisticia sa akin dahil hindi po maayos bunot sa taas na kanan na ipen kopo. Salamat po doc. Sana po makasagot po kayo. Kase gusto ko malaman, para maibalik ko po kung safe po o hindi.

    1. Itong ni link mo na periapical xray, bago lang ba ito? Ang ibig kong sabihin ay, pagkatapos bunutan nagpakuha ka bang muli ng bagong xray?

      Ang nakikita ko sa xray na nilink mo ay ngipin mong 2nd premolar na putol to the level of the gum tissue. Kung itong xray na nilink mo ay post operative, “after surgery“, bumalik ka sa dentist mo at ipatanggal mo.

  26. Hindi pa po ako nakasplint ngayon… Kase gusto ko muna malaman from you if yung splint yung magiging sagot para macorrect ang bite problem ko na nagcause kaya madaling nabasag ang porcelain fixed bridge ko

    1. Kung humihingi ka sa aking ng second opinion, mabibigyan kita ng definitive second opinion may kinalaman sa condition mo kung personal kitang makikita mismo sa chair unit ko dahil kung hanggag online consultation lang you are seeking then I am working & diagnosing blind.

  27. Opo yung sa xray doc pagkatapos bunutan, kase po sabi unang dentist surgery daw po, hindi daw kaya ng ordinary bunot lang. Kaya po nagpa xray po ko at dinala ko po sa pangalawang dentist po.nagpa and prob. Po may natira pa ang sabi bone daw po yun. Ngaun po namamaga mukha ko.. Salamat doc. Ha.
    Pakita ko po yung after mabunot na ang sabi po ay buto daw po at icucut nya daw po. Okay lang po ba bunutan at tanggalin yun pag maga ang mukhapo

    1. Base sa Xray na pinakita mo, Surgical Extraction ang kailangan diyan. SIgurado kang after extraction itong xray na ito? Dahil sa nakikita ko sa xraY… MAY ROOT PART NG NGIPIN PANG NATITIRA. Kindly make sure na ito nga talaga ay most recent, after extraction.

  28. goodmorning doc. My sira po ako na ngipin sa upper left side tapos wala na po ung third molar ko sa taas ung tabi po ng sira na ngipin. Pwde pa po bang ipabrace un? At ano po pwedeng gawn dun sa sira? Denture po ba o rtc? Thank you po.

  29. Hi doc,ask ko lang po sana kung anonpo dapat gawin,kc meron ako nkapasta na ngipin sa front teeth ko,sa pinacenter po ng gums ko sa taas may 2dot na lagi may nana at nararamdaman ko po na parang ngkakaron nko ng maliit na bukol sa loob malapit sa ilalim ng left nose ko,delikado po ba yun?salamat po.

  30. Hi Doctor! Ask lang po nkabraces po ako ngayon pero madalas matanggal yung lower molar bracket ung magkabilang dulo. Solution po ba nito magpakabit ng molar band? And how much po usually ang cost ng molar band? I already asked my dentist about it, gusto ko lang po malaman opinion niyo. Thanks po.

  31. doc,
    nakausli po yung ngipin (palabas) ko pero pantay pantay naman kaso nahihirapan ako magsmile ng nakasara ang bibig, ano po kaya ang remedyo dun?

  32. Hi Doc . Ano po bang pwede kong gawin kung yung baba ko po ay humaba. ? Mareremedyuhan pa po ba ito ng braces ? Hindi naman po kasi talaga ito mahaba nung bata pa po ako pero simla po nung magGrade 7 ako nagsimula na po ito hanggang ngayon pong grade 9 na ako.

  33. Doc, help po, sobra po ba singil sa akin? kasi nagpabunot ako ng pudpod na unang bagang sa left side as innaubos na sya at mga root na. lang natira, so naging tatlong root yung binunot e sa isang bagang lang un tapos 3x 500 ang singil nya sa akin, sabi nya tatlong root. kc, sabi kc ng ate ko di ba per tooth ang bayad at Hindi per Root, pag bubunutan?

      1. Ipapabridge ko po sna yung right central incisor ko kaso po may crown ung right lateral incisor ko tapos po yung left central incisor ko may pasta.

  34. Doc, may brace po ako magtutwomonths na. Bakit yung gums ko is parang nasasakop na nya yung teeth ko at bigla sya parang napapalapit sa brackets ng ngipin ko? At minsan nagdudugo sya kapag gising ko sa umaga. Paano po ba papapantayin ulit gums ko kapantat ng ngipin ko? Kase para syang maga ganun. AT doc nagkaroon ako ng singaw dahil sumasabit yung bracket, siguro mag-iisa at kalahating linggo na itong singaw ko at parang everyday lumalala sya tipong lumalalim na sya at mas lumalaki. Nilalagyan ko po ng daktarin at nilalagyan ko na din ng dental wax yung brackets para di na ulit sasabit sa mismong singaw. Normal lang po ba yung grabeng ganitong singaw na halos lumalalim at lumlaki? Natatakot po ako at nagwoworry kung bakit ganito. Thank you doc

  35. hello po, ano po pwede solusyon sa brittle teeth?, pansin ko po may mga barag na po yung ngipin ko sa upper front, naba-bother lang po ako baka lalo po syang magcrack. TIA ((:

  36. Hi Doc Good Morning! Just want to ask, if pwede pa maayos ng retainers yung lower teeth ko. I had my braces before twas 7yrs ago i think, 1yr lang yung braces sakin kasi minor case lang naman daw sabi ng Dentist ko so na aligned naman sya within 1 year. Nag retainers din ako right after my Dentist removed my braces pero lagi ko kasi tinatanggal before i eat and before going to bed. Naka thrice na kong pa retainers after braces kasi di na fit yung dating retainers kakatanggal.. Then i noticed na hindi na aligned yung lower teeth ko 🙁 whenever i go to the dentist to have my general cleaning lagi ko tinatanong na ano pwede gawin sa lower teeth ko & they always suggest to have braces again! Huhu hindi na ba pwede i retainers na lang? 🙁 && okay lang ba ipa brace uli even if i have a jacket? Thank you! 🙂

  37. Dok bagong panganak po ako? 10days palang po. Kailan po pwdng magpabunot. Sobrang sakit po ng ngipen q. 🙁 your response is highly appreciated.

  38. 14 years old na po ako . ito po yung problem ko. /Hi Doc . Ano po bang pwede kong gawin kung yung baba ko po ay humaba. ? Mareremedyuhan pa po ba ito ng braces ? Hindi naman po kasi talaga ito mahaba nung bata pa po ako pero simla po nung magGrade 7 ako nagsimula na po ito hanggang ngayon pong grade 9 na ako./ sana po makapagreply ka doc.

  39. Doc Pwede pa ba ako mag pa brace kahit na root canal na yung isang teeth ko sa harap? Sa taas po yun. Pakisagot po. Salamat!

  40. Hi Doc!

    Normal lang po ba yung kakabitan muna ng braces, then pwede pong after ilang days pa after malagyan ng braces magpa-Xray???

    1. Hindi. Hunghang lang ang gagawa niyan. At kung gagawin man yan sa iyo ng dentista, magpalit ka na ngayon palang please lang. Parang ganito ang context ng tanong mo: nagopera ang isang doktor ng katawan ng tao ng walang kahit anong diagnostics; pagkatapos ng operasyon, doon palang niya inutusan ang pasiyente na mag pakuha ng blood chem, xrays, at iba pa.

  41. Hi Doc ^_^
    ask k0 lang p0.. magkano p0 pa fixed bridge po bali 6 na ngipin.. 4 sa harap 1 sa bagang (sa itaas) and 1 sa bagang (ibaba) tnx po ^_^..

  42. Hi doc, ask ko lang po kung delikado po ba magpabunot ng ngipin pag sumasakit pa ito. kasi madami po nagsasabi delikado daw yun. Gusto ko na po kasi ipabunot yung dalawa kong teeth na may sira at sumasakit. Thanks po.

  43. Ah okay po. Pupunta po ako sa dentist bukas para malaman kung ano po dapat gawin. Thank you po sa sagot. Godbless

  44. Doc ask ko lang po, pwede pa bo ba lagyan ng denture kapag buong ngipin wala na? ung lola ko pa kasi gusto po nya magkaipin pra makanguya pa sya ng food. thanks po!

  45. Hi po. Pwede po bang Magtanong? Kasi Sumasakit po Ang ngipin ko sa Baba. Ung Pangalawa sa Huli. Magkatabi ung Sira Pwede po ba. Ipabunoy yung Dalawa na yon? Kahit Sumasakit. Di ko na po kasi kaya ung Sakit ng Ngipin ko. Sumasabay pa ang Sakit ng Ulo ko. Ano po ba ang Dapat Gawin?

        1. Depende sa category ng surgery ang gagawin sa iyo. Kung simple extraction ba o surgical extraction. The fees of simple and surgical are both different. Surgical extraction poses difficulty– so fee is double/triple compared to simple

  46. hello again doc… tanong ko lang 1 week nko nabunutan ng ngipin pero till now namamanhid pa din kalahating lips at chin ko… mag 1 month na din itong namamanhid akala ko pag n bunot n mawawala n pamamanhin… my gamot ba pra d2? nag babalat na kasi lips ko…
    ska pwede na ba mag gym (buhat mabigat) 1 week after mabunutan? tnx po ulit

  47. Hi Doc, nagttaka lang po kasi ako sa ginawa ng dentist ko nung nag pa brace ako nung isang araw..yung 2 dulo po sa baba at itaas, yung wire parang tinupi lang..tapos walang molar band..pero may mga buccal tubes yung last 3 ng left & right both upper & lower braces..Ganun po ba talga yun? Thanks in advance po!

  48. Hi Doc,
    Nagtataka lang po ksi ako sa dentist ko…Kinabitan nya po ako ng brace nung isang araw.. Yung mga dulo po ng wires (taas & baba) parang tinupi lang.Bale po wala syang molar band..May buccal tubes po yung 3 sa right & left ng upper at lower braces..Ganun po ba talga yon? Ayun po ba yung tinatawag na mini metal braces? Thank you po sa sagot!

  49. San po malalaman kung ang dentist ay specialst din po sa tmj.. 🙂 salamat po sa sasagot.. need help lng po natrauma na po ako sa dentist.. kaya ngaun tmj na kailangan ko 🙁 🙁 god bless po

  50. Doc ask ko lang po how long bago mawala yung swelling sa gums and face after normal extraction?.5 days na kasi nung nagpa-extract ako kaso namamaga pa din.. Salamat po

  51. Doc ngpqbunot ako knina tpos ng ala ng dugo me naiwang mliit n ipin mttnggal bng kusa yun o need ibalik sa dentist.

  52. doc ask ko lng po . kase wala na po ung bagang ko then ung ipin ko sa taas bumaba at humaba . sabi nong dentist babawasan daw po masakit po mgpabawas ng ngipin my anethesia po ba yon?. ikacrown po ba yon o babawasan lng? thanks po❤️

    1. Pwedeng ienameloplasty yung dentist mo. Non- conservative kung icacrown yung ngipin, unless nalang may malaking sira yung ngipin. Pwedeng gawin itong procedure na enameloplasty kahit walang anesthesia. But if your pain threshold is low, anesthetic can be used.

  53. Good afternoon po Doc. Ask ko lang if pwede ba magpabunot if meron ka. Sabe kase hindi dahil daw sa hemorrhage? Di na explain ng maayos so di ko po nagets. Also. Ano po ba pde gawin if yung ngipin ko sa harap na jinacket eh nangingitim? Meron pong parang bukol sa taas nya sa may gums tapos inadvise ako na mag mefenamic and amoxicillin. Nawawala cya after a week ng gamutan pero bumabalik after ng ilang months. Even before pa po cya ijacket ganun na cya. Pina xray ko before and sabe may nana daw and pag di naagapan baka umakyat sa utak so dun ako nagstart mag gamot. Yung gums ko po humiwalay sa ngipin ko nun. Parang matatanggal cya and nagstart yun nung pinastahan ako kaya nagiba na ko ng dentist. Any ideas po kung ano nangyare or kung bakit humiwalay yung gums ko? Thanks in advance

    1. Yes pwede kang magpabunot kahit you are on your period. Unless you are medically compromised, like cardiovascular related or serious medical condition, you gotta tell it on your medical history.

      Ano po ba pde gawin if yung ngipin ko sa harap na jinacket eh nangingitim? Replace them. I suggest all porcelain crown to avoid such occurrence.

      Meron pong parang bukol sa taas nya sa may gums tapos inadvise ako na mag mefenamic and amoxicillin.
      Kailangan muna ng root canal treatment yung ngipin to treat the infection. But that has to be done as soon as possible kasi may mga cases matigas ulo ng mga pasiyente, pinapabliban pa nila, nag eend up hindi na masave yung ngipin. Anyhow, act on it asap! After ng root canal treatment, replace the crown na.

      I have to see the gum tissue involved.

      1. Got it. Salamat po! I’ll make sure to visit my dentist right away. Last question po. Meron po akong natanggal na ngipin. Siguro mga 4 yrs na rin. Pag kinakapa ko po ng dila ko parang may butas cya (gums) na maliit and til now parang di nag heal. Tinry ko cyang parang sipsipin and may lumalabas na dugo. Pde ko na lang po ba tong hayaan or mas better na ipatahi or something? Nakasched po ako for xray para malaman kung anong dapat gawin sa mga ngipin ko kase medjo napabayaan kaso 2days lang ang off ko sa work kaya inuunti unti.

          1. 1st premolar po sa upper left. Wala na po akong nakakapang ngipin or anything. Di rin naman cya dumudugo ng kusa pero pag lalagyan mo ng pressure, dun lalabas yung dugo. Thanks po!

  54. Doc bat po nagkaroon ng abscess ung bandang bagang ko na sungki? Nagpa x-ray po ako at sabi ng dentista wala nman daw po sira ang ngipin na sungki. Yung katabi nya napastahan na at medyo nangingilo na (2years ng napastahan) ang dapat may sira pero wala dn po base sa x-ray result. Ano po posibleng reason kung bakit bumabalik ang gum abscess ko after ko uminom ng antibiotics in a week? Thanks in advance Doc.

  55. Hi doc ask ko lang kasi yng nanay ko lage sumasakit yng nerve nia daw sa gilagid. Ano po ba dapat gawin sa mga ganun? San po kami magpa check up kc sabi ng dentist ok naman daw walang sira yng mga ipin nia. Pag sumasakit na yng nerves ng iiyak sia. May iniinom syang gamot tegretol . Yun yng binigay sa kanya pag umandar na yng sakit. May magagawa po ba sa kanya? Ano po dapat gawin. Na pa xray na po namin yng teeth nia lahat wala po ok naman po. Pag sumasakit talaga as in nag iiyak sia d nga makapagsalita ng maayos. Ano po dapat gawin?
    Salamat po.

  56. Hi doc ask ko lang po how much magagastos ng apicoectomy surgery, binigyan po kasi ako ng doctor ko ng options e, and nabangit nya yan. Masyadong malaki na daw po yung nana sa front teeth ko. after RCT daw, possible na apicoectomy ko daw po ito. Kahit yung estimated price lang po para medyo my idea ako. Thanks!

  57. Good morning doc! Tanong ko lang po kasi ang orthodontist ko sisingilin ako ng 500 sa bracket na hindi na raw didikit kaya papalitan. Nung pinalitan na nga, natatanggal pa rin sya. Ibig sabihin po ba babayaran ko parin ang mga bracket na hindi na kumakapit? Kahit naibalik ko naman at hindi nawala? Salamat po. (Medyo magulo po ako magtanong pero sana naintindihan niyo haha pasensya po at salamat ulit)

    1. Depende sa napagusapan niyo. Kung sira na ang bracket, walang sense na gamitin pa. Usual ang ganyang presyo kung may ididikit na bracket or nawalang bracket. Pero maaari ring hindi din alam ng dentist mo na tanggalin yung dating cement sa bracket mo. Kaya mabuting bago ka nagpaortho pinagaralan mo kung ang ortho mo ay ortho nga talaga at hindi general dentist lang na natuto sa seminars. Pumili ka dapat ng nagaral talaga.

  58. Doc nag pabunot po ako ng bagang 3rd molar Hindi po na X-Ray tpos my natira pa sabi after a month or 3 months bababa din daw yung ugat tpos saka daw ulit bubunutin yung natira. Normal po ba yun at tama po ba yung procedure na ginawa kahit walang x ray? Sa it’s po po yung binunot kaliwa pinaka dulo. Hope to get an answer po

  59. Ilang araw po pagkatapos magpadenture pwedeng ipangkagat sa pagkain yung pustiso? Ittry ko kasi sanang pgkagat sa tinapay kaso masakit. Thanks

Leave a Reply

%d