Restoration

Maya: doc, magandang araw po, nagpa pasta ako ng ngipin sa ibabang bahagi bandang kaliwa, dati na itong me pasta (6yrs) pero natanggal ang ibang bahagi… napastahan ito kagabi pero natanggal agad kninang umaga (9 hours after the procedure) tama po bang matanggal ang pasta ng ganun-ganun na lang? hindi po nya tinanggal lahat ng lumang pasta, binawasan lang nya at tinapalan ang ibang bahagi nito. at ngyon nagtitiis ako sa matinding ngilo…balak kong ibalik ito sa knya pero ayoko ng ipahawak sa knya balak ko lang ipaalam sa knya na palpak ang gawa nya sa akin…mababawi ko po ba ang binayad ko? salamat doc.

Ask the Dentist Philippines: Hi Maya. Hindi ko nakita yan ha. Ibabase ko lang sa description mo ang sagot ko.

“Natanggal ang ibang bahagi.” Ibig sabihin malaki ang pasta. Mas malaki na siguro ang pasta kaysa sa ngipin na kakapitan. Madaling matanggal ang pasta kung mas malaki ang pasta kaysa sa ngipin na kakapitan.

“Gabi ginawa.” Malamang pagod na ang dentist na gumawa. Mas mainam na sa umaga ka magpapasta o magpagamot sa dentista. Pagod na ang dentist sa gabi. Kapag pagod ang tao, ang trabaho apektado. Kahit sino.

“Hindi niya tinanggal ang lahat ng lumang pasta.” Pwede. Kung makakasira pa ang pagtanggal ng lahat ng part, mas mabuti iretain na lang yung intact na bahagi.

“Matinding ngilo.” Malalim na yang pasta mo. O kaya dahil babang ngipin, at nasa likod pa marahil, may konting moisture siguro noong nilagay yung pasta. Mahirap talaga magisolate ng ngipin sa baba. Kailangan ng mamahaling gamit para maisolate nang mabuti.

Ibalik mo lang, para magawa ulit. Sa umaga ha. Huwag mo na bawiin, sigurado ako mura lang ang singil ng dentist mo. Gusto mo itanong kung bakit? =)

Dapat na siguro i-dental crown yang ngipin mo. O baka kailangan na din ng RCT. Karamihan naman ng patient, masakit na ang ngipin kaya niya naaalalang ipaayos ang “nasira” niyang pasta.

16 thoughts on “Restoration”

  1. thank you po sa sagot nyo…tama naman po ang pag kakaintindi nyo malaki nga ang pasta ko sa bandang likuran . kaya nga matindi ang paulit-ulit kong tanong ke doc nung gabi na yun kung “dok…ok lang po ba kyo? baka po pagod na kyo?” me clinic kasi ang me idad kong dentista sa bayan malayo ito sa amin kaya nung binalik ko sa knya sa gabi ko pa rin napagawa…sa knyang simpleng clinic sa bahay nya…murang singil? hehehe…medyo mataas po ang rate ni doc kumpara sa ibang dentista na may inuupahang pwesto sa amin… So sa ngyon nagawa na nya ulit pero malamang dalhin ko rin ito sa isa ko pang dentista sa may bandang Timog baka nga kailangan na itong i crown or root canal 🙁 pero mag pa x-ray na lang muna ako bago magpunta sa knya para makita nya agad ang problema…nkikita naman sa x-ray ang kondisyon ng ngipin pati kung may “Nana” di ba doc?
    Salamat po pala sa masipag nyong pag sagot at pagpapaliwanag sa amin sana may iba pang doktor sa ibang larangan ng medisina ang gumaya sa inyong ginagawa.

  2. dok,sumasakit po kasi ang pasta sakin at parang may nana yata sa loob kasi may kumubukol na maliit kapag ginagamit ko pangkagat yung 1st and 2nd molars ko sa lower teeth.ano po bang dapat kong gawin sa ngipin ko?ipapabunot ko na po ba?

  3. hi po dok dalawa po kasi un wala kong nipin sa harap at na pa falseteeth po ako ma kano po ung pa bridge ng dalawang ngipin

  4. doc magkano po magpa-bunot at mag pa-pasta sa inyo? taga paranaque po ako. may mairerecommenda po ba kayo kung san ako makakamura pero safe?

  5. hi po, tatanong ko lang po kung pwede pa magpa braces ulit?? I mean, before po kasi nagpa-brace nako but unfortunately bumalik po kasi hindi nalagyan agad ng retainer for some reason po. possible po kaya na yung tinanggal na brace ko dati pwede pa siyang ibalik doc? your reply to this would definitely help me a lot. thank you.

  6. Doc pwede na po ba magpabunot ng ngipin kahit patak patak na lang po ung buwanang dalaw ung pahabol na lang po sya? Saka po ilang ngipin po pwede bunutin sa isang araw balak ko na po kase ipapustiso nasa harap na tatlong teeth ko at may dalawang na bulok po sa kaliwat kanan. Kaya po kaya ng pitong ngipin in one day

Leave a Reply

%d