1 hour Dental Implant

Anne : Hi doc :

Tooth history:
Root canal treatment done 6 months ago and crown was fix (plastic lang po?) without metal.

Present condition:
Crown bas broken.
my remaining tooth frontal was broken up too gumline , may remaining tooth at back area still intact.

Options given me here overseas :
1. dental implant (USD 2000)
2. fix bridge (USD 1500)

doc ndi na kaya talaga pwede marestore yun ipin ko ?
reroot canal? or any other options?
i will be coming home in feb 2014 – sa side lang naman po frontal so cosmetically pwede pa akong magsmile na hindi nahahalata….

please advise.

thanks & kind regards ,
anne orlina

Anne : doc just want to inquire if ever magkano po ang

dental implant (1 missing tooth)
or
fix bridge

what is the best option?

kind regards,
anne

Ask the Dentist : Try iparoot canal ulit. Kung pwede pa, magsend ka ng x ray para makita ko. Next to RCT, dental implant ang pinakamainam.
Bakit naman kasi sa dinami dami ng crown, plastic pa? Saan ginawa? Pinas?

Anne : Plastic po. Gawa po sa pinas.
Doc what is your opinion on 1 hour implant po sa phil ?

Ask the Dentist : Hindi definite restoration ang plastic crown. Possible na ang nangyari eh, pinapabalik ka ng dentist mo for follow up. Para mailagay ang definite restoration.
Gusto mong malaki ang chance ng success, let your body heal. Nagbutas ka ng buto, nagsugat ka ng gums. 1 hour, susugal ka na may konting healing? Kahit gaano yan kaccurate, mas mataas ang success sa 6 or more months osseointegration bago ilagay ang crown restoration sa implant.

Anne : Thank you doc for sharing your opiniom on 1 hour dental implant. Nakakaenganyo doc but your opinion help me to decide kung I should really go for it.
May maireccomend po ba kayo na dentist near muntinlupa – I will not be staying sa pinas ng 6 months. Mukhang option ko po talaga is fix bridge kun sakali. Ilang visits po requirement for fix bridge
Doc walang pain yun ipin na niroot canal , necessary po ba extract sya ?
Kung maextract sya this month pwede po ba after few months pa malagyan ng fix bridge pag uwi ko sa pinas.
Doc nagpabunot ako ng wisdom tooth ko last month possible po ba na yun excessive pressure during extraction resulted to breakage of my crown ? assurance ng dentist sa pinas -2 years bago mabasag.
Salamat po ng marami.

Ask the Dentist : ANong ngipin ang tinutukoy mo? Ang pinakamabuti mo gawin bago ang lahat eh magpa-x-ray.
Yung inarct ipa-x ray mo. Baka pwede pa lagyan ng crown.

Ask the Dentist : Ito yung isang case: FPD on RCT Tooth

Leave a Reply