Affordable Jacket Crown Cost

Gilbert : musta po? may jacket (crown) po ko sa front isang ngipin lng after 15 years naputol po ung pinagkakabitan na ngipin. nilagyan ng turnilyo nung dentist para maikabit uli ung crown at ni RCT ko. pero after 1 week nauga na ung crown bumalik ko para ikabit uli kaya lng after 2 weeks umuga na nman. dati 15 years ung tinagal kung hinde pa naputol ung ngipin ko hinde siya matatanggal. Maiikabit pa kyo ung crown ko na kasing tibay nung dati, takot tuloy ko kumagat bka kasi bigla matanggal. May kilala po ba kayo magaling na dentist sa laguna at medyo affordable po.magkano po kaya magagastos? d2 ko nga pla pinakabit uli sa saudi kasi d2 naputol pero sa pinas ko pinagawa ung crown ko.. uuwi po kasi ko sa december..salamat po

Ask the Dentist : May gagawin diyan para hindi matanggal agad. Malaki ang possibility na papalitan ang crown mo. At babaguhin din yang kakabitan. Ang karaniwang magagastos mo para siguradong hindi matanggal agad ay mga P12 K. Kung mabibigyan mo ako ng copy ng X-Ray mas mainam. Mahirap na hanapin ang combination ang “Magaling + Affordable”. Yung mga magagaling, kaya magagaling ay nag-aaral sila. At ang pampaaral ay pera. Bayad sa tuition at bayad sa gamit ng mag-aaral na dentist. Expect na may kamahalan ang mga dentist na naglalagay ng crown na hindi matatanggal agad.

Hanapin mo na lang kung ano pinamadaling puntahan.
http://www.askthedentist.tv/clinics/

Gilbert : maraming salamat po..

Ask the Dentist : No problem

Leave a Reply