Binunutan ang Incisor Teeth habang bina-Braces

Louela : hi doc good afternoon..
may nabasa po kasi ako dito na dapat isa lang dentist sa braces..nagpa braces po kasi ako.. yung clinic po na pinupuntahan ko eh maraming dentist (associates)..yung nagcheck up po sa akin at yung nagkabit sa lower braces isang dentist lang..then pinabalik nya ko after one week for extraction pero wala sya nung araw na yun pero nandun yung parang pinakahead nila chineck ulit yung ngipin ko then sbi eh for extraction n daw yung 1.1, 1.2 pinabalik ulit ako next sunday pagbalik ko ibang dentist naman ang bumunot sa ngipin ko… ok lang ba yun?…thanks

Ask the Dentist : Anong 1.1?
Hindi ok.

Louela : 11, 12 pala sorry.. ganun po ba..ano po bang dapat kong gawin?
doc yung 11 po kasi talaga ang problema ko kaya ko nagpabraces kasi nakausli na ang sbi po ng dentist eh trauma daw po un konti na lang daw yung nakakapit sa buto kaya for extraction na daw tsaka mobile din daw po..yung 12 naman may abscess pero hindi naman umuuga binunot din nila..

Ask the Dentist : May panoramic x ray ka?

Louela : nasa dentist po eh

Ask the Dentist : Oks.
Hindi ko maintindihan. Lower braces lang?

Louela : lower braces pa lang po yung nakabitan kasi may problem pa daw po yung upper yun nga po yung binunutan ako.. bale pinapabalik ako after one month for installation ng upper.. yung binunutan po saking kinabitan ng denture
lower braces pa lang po yung nakabitan kasi may problem pa daw po yung upper yun nga po yung binunutan ako.. bale pinapabalik ako after one month for installation ng upper.. yung binunutan po sakin na dalawang ngipin kinabitan ng denture

Ask the Dentist : Oks. Hindi ako makapagcooment. Hindi ko nakita xray mo.

Louela : eh doc kung xray nung january pwde ba kasi nagpa xray ako nung january hindi lang ako natuloy magpadentist nun.. yung xray po na nasa dentist eh ung bago nitong july lang

Ask the Dentist : Ano ang gusto mong malaman?

Louela : gusto ko lang po malaman kung tama ba yung mga ginagawa ng dentist sa kin.. kung dapat ko pa po bang ituloy o magsasayang lang ako ng pera

Ask the Dentist : Magkano ang ibinayad mo?
Send mo yung panoramic x ray mo.

Louela : ang total daw po eh 45,000… 2,500 downpayment for lower..2,500 for upper..then 2000.00 for every adjustment..yung dentures naman po para sa dalawang ngipin 3,000.00 then 1,000 for extraction dalawang ngipin

doc eto po yung xray medyo malabo pinicturan ko lang

Ask the Dentist : X-ray hindi litrato.

Louela : folder po kasi yung sinend ko hindi pala pwde..medyo mabagal po mag upload eh..

Ask the Dentist : Central at lateral ang binunot?

Louela : hindi ko po alam kung anong tawag basta ang sabi ng dentist 11, 12

Ask the Dentist : Ngiti ka. Picturean mo ang ngiti mo.

Louela : with dentures?

Ask the Dentist : Oki. Ano ang binunot sayo? Harap na ngipin ba? Taas ba? Sa gitna ba?

Louela : sa taas.. front teeth sa right side at yung katabi

Ask the Dentist : Binigyan ka ba ng option na ipa-RCT?

Louela : hindi po doc.. tinanong ko po kung ano po magandang gawin ang suggest eh extraction daw po kasi kung kakabitan daw ng braces konting galaw lng daw matatangal na

Ask the Dentist : Picture-an mo yung panoramic na nasa kanila. Kasi kung ibabase sa luma mong x ray, hindi kailangan bunutin.

Louela : ok cge po.. kaya lang next month pa yung next sched. ko.. thank you po sa mga info.. medyo napahaba na po usapan natin sorry po sa abala..thanks

Binunutan ang Incisor Teeth habang bina-Braces
Binunutan ang Incisor Teeth habang bina-Braces

6 thoughts on “Binunutan ang Incisor Teeth habang bina-Braces”

  1. doc kailangan po ba bunutan ng 2 ngipin sa upper, gitna pag nag pa brace, tapos sa lower ganon din para magkaroon ng space..wal n bang ibang paraan na hindi na kailangan bunutan? tnnx po..

  2. hi doc ask ko lang po… may nana po ung itaas ng tooth ko. may braces po ako. sabi ng dentist trauma lang po daw ito dahil sa movement ng teeth ko.. thanks doc

Leave a Reply