Bridge Quezon City

Eureka : hi doc, good morning po . ako nga pala si mhigz , galing po ako sa ask the dentist site nyo , and nabasa ko rin po ung mga naka post dun , dito ko na lang po kayo nagawang imessage kasi nabanggit nyo na mas nababasa nyo po dito , ganito po kasi un , nagpabunot ako ng 1 ipin last week ,. and now , nag iisip po ako kung ano magandang gawin para hindi naman pangit tignan na bungi . ok sana ung pustiso kaso baka malaglag naman bigla. kaya iniisip ko po kung yung mismong nakadikit na lang , ung bridge at jacket po ba , ano po yung pinag kaiba nya ? dun po kasi ako nalilito ,.. salamat po sa magiging reply nyo

Ask the Dentist : Ang bridge para sa may bungi. Ang crown para sa may sirang ngipin na pwede pa i-restore sa crown. Kaya para sa yo, bridge ang dapat gawin.

Eureka : salamat po sa sagot doc isa pa nga po pala doc, kanina po kasi nung tinitignan ko sa salamin ung ipin ko , napansin ko na may mga maliliit na sira pala ung iba , and yung sa front lower teeth ko po sa likod nito may mga namumuo dito na parang magaspang na kulay dilaw na halos umabot na sa gums , akala ko nga po namuo lang ung kinain ko kanina, nung nag brush ako andun pa rin hindi na-alis,. tingin nyo doc ano ung bagay na un na nasa mga ngipin ko? this week ko pa lang po kasi plano mag pa tingin sa dentist ,. dapat ko rin po bang ipa x-ray ang ngipin ko ? magkano po kaya sa tingin nyo aabutin ng pag papa x-ray ? salamat po ulit doc .

Ask the Dentist : Magpalinis ka muna ng ngipin. Mura lang ang xray. Anong ngipin ba ang binunot? Ganito ang bridge: http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Eureka : ung binunot po ung sa may incisors katabi po ng pangil , hindi ko na po kasi nagawang itanong sa dentist ung kalagayan ng mga ngipin ko kasi sa center lang po ako nag pabunot at marami po kasi akong kasunod ,.. sige po doc magpapalinis na lang muna ako , salamat po ulit ng marami , at babasahin ko na din po yan about sa bridge

Ask the Dentist : Oks

Eureka : doc gudpm po . pasensya na ulit sa istorbo ., about po sa pagpapalinis ng teeth , kasama na rin po ba ung pag aalis ng kaunting bulok na part sa ipin ? or iba na naman po na procedure yun?

Ask the Dentist : Iba pa yun. Pasta siguro tinutukoy mo. Ibang bayad yun.

Eureka : ok po doc. maraming salamat .

Leave a Reply