Canine tooth, delikado bang ipabunot?

Glenn : Good day po. May butas po ang left canine ko.parang abot sa gums. Minsan po may fluid na lumalabas and medyo mabaho. Pwede po ba i papasta ko nalang ito?

Ask the Dentist : Ipakita mo sa dentist kung pwede pa pastahan. Or, magsend ka ng xray sa akin. Sumakit na ba?

Glenn : sumakit na po ito dati. din namaga cheek ko malapit sa nose. but now indi na..ayaw ko din namang mag pa RCT.

Ask the Dentist : Kung sumakit na, sign yan na abot na sa pulp. Kung abot na sa pulp, kailangan I-RCT. Kung ayaw mo magpaRCT ipabunot mo.
Kung infected na ang pulp at pinapasta mo, sasakit din lang. Sayang lsng ang gastos mo. Para mawala ang infection, pwede mo ipa-RCT or ipabunot mo.

Glenn : masyado pong mahaba ang canine ko..baka delikado po ipabunot.

Ask the Dentist : Bale anong tanong mo?

Glenn : di po ba delikado ipabunot ang canine?

Ask the Dentist : Lahat ng bagay delikado. Kahit pagtawid sa daan. Pero nakikita mo ang mga tao, tumatawid. Delikado din ang kumain ng mamantikang pagkain, pero kinakain pa din ng tao. Delikado ang magpaulan, pero madaming kabataan ang naliligo sa ulan. Delikado ang makipagtext habang nadadrive, pero madami pa ding nakikipagtext habang nagmamaneho. Lahat ng bagay delikado, pero hindi sapat na dahilan ito para tumigil ang mundo sa pag-ikot.

Glenn : XD?
Ok po doc.

Ask the Dentist : No problem. 😀

Glenn : may kilala po ba kayong destist sa cebu na magaling at mura

Ask the Dentist : Mahirap hanapin ang combination na yun. Kasi ang dentist, nag-aaral para gumaling. Pera ang kailangan niya para makapag-aral. Saan niya kukunin ang gagastusin niya kung mura siyang maningil?

Leave a Reply

%d