Illegal Dentistry

Winnie : hi doc, may tatanong ako

pwede bang magkabit ng braces ang nagaaral pa lang nang dentistry. may rumaraket kasi samin dito student siya at sa mcu ngaaral, 5000 up and down ang magpakabit ng braces sakanya..

Ask the Dentist : No. Sugal yan. 6 years bago matapos ang dentistry. Dagdag na 3 years para matuto ng braces. Ano kaya ang alam niya?

Winnie : ay ganon ba doc. eh ano po pala ang Etchant cleaning yun daw kasi ang ginagamit niyang panglinis ng ipin ng mga client niya.

Winnie : at ito po ang mga gamit niya doc.

Ask the Dentist : Oks.

Wisdom tooth and Braces

Rhyzz : Good pm Doc,

Doc ask lng po sna ko regarding sa wisdom tooth, I have braces po kc and im planning na ipatanggal n before this month ends kaso po napansin ko po na sa lower right part na katabi ng 2nd molar ko nkaumbok po ung gums ko, feeling ko papatubo n po ung wisdom tooth ko don. Kaya worried po ako na bka pagpinatanggal ko ung braces and bglang lumabas yung wisdom tooth bka po mgulo n nmn ung alignment ng teeth ko and msayang lng po ung pinaghrapan ko s pgwear ng braces. So ask ko lng po sna kung ano po mas ok, hintayin ko lumabas ung wisdom tooh ko before iremove ung braces or ok lng po na iremove na sya?

Rhyzz : Sensya na po doc ha Iknow I should ask this things to my dentist kaso po nag away kasi kmi kya im planning rin na sa iba ko ipatanggal tong braces ko. Thnks po doc ill just wait for your response.

Ask the Dentist : Papalpak yan pag hindi mo matapos sa kanya. Sa braces, tinatanggal ang 3rd molar. Pampagulo ang 3rd molar. Kaya bago simulang ang braces, dapat tanggal na yan.
Papalpak yan pag hindi mo matapos sa kanya. Sa braces, tinatanggal ang 3rd molar. Pampagulo ang 3rd molar. Kaya bago simulang ang braces, dapat tanggal na yan.

Rhyzz : Eh doc ung last visit ko po s knya kasi un n daw po ung last adjust ko tpos next n balik ko sana for retainers na eh kaso po di na kmi nagkasundo kaya sa ibang dentist nlng po sna ko papatanggal and papakabit ng retainers, ok lng po b un doc?

Ask the Dentist : Ano ang hindi niyo pinagkasunduan? Filipino yan?

Rhyzz : Good afternoon doc, yes po filipino, khit nga po over price sya maningil pinagtyagaan ko nlng kasi s knya na ko nkapagpakabit and di rin po kc sya sumusunod sa usapan mraming beses na po ako ngpnta sa clinic nya na on the way na ko bgla nya ko sasabihan n wag n mgpnta. malayo po kc sya sa tinitirhan ko kya pagpumunta ko s knya nag iinvest tlga ko ng oras and pera for transpo, kya irita much lang na on the way kna ska magsasabi though nag advice nmn ako a day before ako pumunta and ung pinaka worst na ginawa nya po andun na ko sa clinic wla pla sya nka 15x na call yata ako and 10msgs di ngreresponse pag alis ko nlng sinabi na kakarting nya lng dun and bumalik nlng ako sa ibang araw. Magulo kc sya kausap doc. Ayoko ng gnung tao dba tama nmn ako? Hehe hanap kakampi.

Ask the Dentist : Alright. Kung kuntento ka na sa result ng treatment, pwede na tanggalin tapos retainer. Pauwi ka na ba ng pinas?

Rhyzz : Ok po doc ok nmn n po na ko s result. Hindi pa po ako uwi doc eh after some months pa. kung pauwi na ko saiyo ko to paptanggal hehe.

Questions about braces

Roxanne : hi doc, ask lang po ok lng po b wlang molar band yun dulo ng ipin?thanks po

Ask the Dentist : Hindi ok.

Roxanne : An nilagay po buccal tube ? Di p din po b tama yun dapat po b molar band talaga illgay?

Ask the Dentist : Ah. Okie lang yun. Depende yun sa pinagaralan ng dentist.

Roxanne : Which is better, doc?

Ask the Dentist : Wala. Kung saan sanay ang dentist mo. For me better ang molar band. Pero may ex-GF ako buccal tube ang ginagamit, at effective siya sa ganun.

Roxanne : Doc kasi sa upper teeth ko LNG nilagyan ng buccal tube then sa lower wala po.. Puro bracket LNG po kasi wala po ako ipin both left and right s pangalawa bangang Pero s pinakadulo meron p po ako bangang.. Maghihiwalay hiwalay po b yun ipin ko s lower?

Ask the Dentist : Patingin ng x ray.

Roxanne : Asa dentist ko po eh pede ko po b yun kunin doc?

Roxanne : Kapag po b general dentistry di pede magkabit ng braces?
O need ortho ?

Ask the Dentist : Pwede magbraces ang general dentist, provided na nagaral siya ng orthodontics. May specialist na dentist sa othodontics, ang tawag ay orthodontist.

Roxanne : Pero same LNG din po b ang cost n hihingin for braces

Roxanne : Doc sadya po b n ngiging yellowish yun teeth?

Ask the Dentist : Mas mahal yung specialist syempre. Parang sa boyfriend mo, special siya kumpara sa iba.
Nagiging yellowish kung hindi mo nalilinisan.

Roxanne : Haha doc joker sory wala po boyfriend eh..
Kada eat toothbrush nga po agad eh at my listerine p. diba po monthly blik sa dentist monthly din po b may kasama cleaning yun?

Roxanne : E doc yun po b gen dentist kasama po b talaga yun orthodontics? Pasensya n po doc dami tanong hope di po kau makulitan skin thanks po
I mean doc kasama po b s pagaaral ng gen dentist yun orthodontics ? Or another course yun n dapat itake para mapagaralan yun braces?

Roxanne : Doc eto po yun xray ko po

Ask the Dentist : Napakalinaw, kitang kita ko. Hehehe! Anlinaw. Bale ano ang tanong mo base sa napakalinaw na x ray mo?

Roxanne : An hirap nman po kasi kunan haha cge send p po ako
Pasensya n po

Roxanne : Doc kasi sa upper teeth ko LNG nilagyan ng buccal tube then sa lower wala po.. Puro bracket LNG po kasi wala po ako ipin both left and right s pangalawa bangang Pero s pinakadulo meron p po ako bangang.. Maghihiwalay hiwalay po b yun ipin ko s lower?doc eto po yun concern ko
Thanks po
Sana po mejo clear n

Ask the Dentist : Olrayt. Kung ako, lalagyan ko ng molar band sa 2. Tapos bunutin yung 3rd molar mo sa taas. May nakikita akong dentists na hindi naglalagay ng buccal tube sa ganyang case.

Orthodontist Manila Philippines

Warren : gud day doc ask ko lng po, pwd po b mag pa brace. khit pustiso? o kaya pustiso n wlng ngala ngala? ung wire bending nlng? sna doc msgot nyo ako, san po b clinic nyo doc? pra s inyo nlng sn ako p check kung ano pwd gwin nyo s teeth ko? eto po # ko 09482584797 pls po doc tnx

Ask the Dentist : Ang braces ay sa ngipin lang. Pwedeng lagyan ng design, pero hindi advisable. Ilan ang bungi mo? Hindi ako magtitext, dito mo lang mababasa ang reply ko. Paggagastusin mo pa ako, hehehe!

Warren : censya n po ngyon lng reply. isa lng po bungi, gusto ko sna ipa pustiso nlng, tpos brace po ako pwd po b un, bungi ko po s front teeth isa, ano po kya ms mganda?

Warren : pls doc help po

Warren : doc ask ko lng po ano pwd gwin, ?ayaw ko po kc ung jacket or fixed briged nkk bad breath kc un. at may sungki po po ako kaya gusto ko rin po mg pa brace

Ask the Dentist : Hindi mo isusuot yang pustiso kapag nilagay na ang braces.

Warren : paano un doc? nka sadya b sya n nkadikit s braces?

Warren : ung bungi ko po kc s harapan isa

Warren : db po pg nka jacket teeth n plastic lng, mag co cause ng bad breath? kya po ayw ko po mg p jacket , kaya braces nlng po

Warren : doc ask ko lng din totoo po bng nkk agd bng mangangamoy o bad breath b ang jacket n plastic??
doc sn sagutin mo lht ng tinanong ko thanks po

Ask the Dentist : Punta ka sa orthodontist. Ipapaliwanag niya sayo kung ano ang gagawin niya.

Warren : orthodontist b doc, mga dentista?

Ask the Dentist : Yes. May masteral na dentist.

Warren : paano po ako mkaka hanap bigyan u nman ako ng tip

Warren : doc help nman ano ggwin ko naguguluhan kc ako paano ko ipapa ayos to

Ask the Dentist : Punta ka sa dentist bukas.

Warren : totoo b ang jacket po b na plastik agad bng bubulok?
khit na araw araw pang pino flos?

Warren : ano n po about dun s question ko po?

Ask the Dentist : Search mo dito: http://www.askthedentist.tv/ Or punta ka sa dentist mamaya.

Warren : pero pg everyday po b na pino floss ndi b mangangamoy?

Ask the Dentist : Pero sinearch mo ba?

Pwede ba ibraces kapag may bridge na

AAjhenzz : hello doc nakita ko na pala fb nyo. eto po yung xtray ko, kasi po ganito nag punta po talaga ako sa dental clinic ko para mag pa brace eh ayun po nakita na may 3 ako missing na ipin sa right side ko at 1 sa left side sa baba. tapos sabi po eh 7 na bridges gagawin. 6k per teeth daw porcelain ask ko kung mura na po yun? and ano po ba totoo.? na bridges muna bago brace. pwede pa po ba i brace pag naka bridge na yung ipin,, salamat po..

Ask the Dentist : Magpalit ka ng dentist.

AAjhenzz : bakit po doc?
mali po ba yung sinabi sakin doc.?
baka may alam kayo. salamat po

Ask the Dentist : Oo madami akong alam kaya nasasagot ko ang mga tanong.

AAjhenzz : Ano magnfang fawinsa case ng ipin ko doc
Magandang gawin.

Ask the Dentist : Ang magandang gawin ay maghanap ka ng magaling na dentist. Maghanap ka tapos sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi.

AAjhenzz : sige po salamat po doc.

Regular Braces

Gloria : Good morning doc. ask ko lng po kung magkano ang presyo ng regular na braces? may problem po kc ung lower teeth ko. mejo nakaforward xa. at parang habang tumatagal lalo xang nafoforward. bka in few years mahugot n cla .

I am sending you supporting photos pra makita nyo po kung ano kalagayan ng ngipin ko. By the way, pustiso nga po pla ang 4 front teeth ko.

Hoping for your reply po. Thanks and God bless!!

Gloria Sevilla of Lucena City

Braces in Lucena
Braces in Lucena

Gloria : Good afternoon doc. I am scanning your website right now (http://www.askthedentist.tv/braces-cost-philippines/). May isa pong nagtanong (last Dec. 8, 2013) kung pwedeng upper brace lang ang ipa-brace. ang sagot nyo po ay “No. Palpak na agad yan. Upper at lower lagi ang braces. Mga tangang dentist lang ang gagawa ng upper lang.”.

paano po ung sken? lower part lng po ang kailangang ibrace then pustiso n po ung s itaas (4 front teeth).

Waiting fo your reply po. Thanks

Ask the Dentist : Upper atlower lagi ang braces. May gagawin diyan para maayos. Depende ang presyos sa lala. Base sa photo mo, medyo mahirap gawin ang kaso mo, Kaya asahan mong medyo mahal ang magagastos mo.

Gloria : mga magkano po kaya sa palagay nyo ang magagastos ko? may maissa-suggest po b kaung dentista dito s lucena city n makapagbibigay ng mura murang halaga? thanks po

Ask the Dentist : Hindi ko masabi. Kailangan ko makitaang bibig mo atxraybago ko masabi. Wala ako kakilala diyan sa Lucena.

Lumalagtok ang Panga

Marie : Doc gud pm. Sungki po ung ngipin ko tapos ung front teeth ko po piapasta ko na dati mejo nag iiba na po ang color niya. Ang main problem ko lang doc pag po humuhikab ako or ngumanganga parang nagmimisalign po ung jaws ko. Tapos lumalagutok ko siya. Pag po ba nagpabrace ako maaus din po ba un? O ibang process pa xa.

Ask the Dentist : Ang una mong gawin ay magpapanoramic x ray. Send mo dito para masagot ko ang tanong mo.

Braces sa Mindanao

Sarsha : Hello po doc! Goodmorning po ask ko lang po kung pwedi po ako magpa brace even my tumutubo po na ngipin sa lower teeth kupo sa gilid po sa luob.. na view ko lang po kasi yung page nyo sa google po and marami po ako nabasa dun kaya nagtanong poko sa inyo d2.

thanks po doc please paki answer lang po tanong ko! Salamat po and god bless!!

Ask the Dentist : Pwede.

Sarsha : Tsaka tanong ko lang din po doc. Kung sa metro manila po ako magpa lagay ng brace kasi sa mindanao pa yung amin e tapos pwedi rin poba na kahit diko na dun ipatanggal ang braces ko?

Ask the Dentist : May monthly adjustment yun. Kung ganyan ang balak mo, mas mabuting wag ka na magpabraces. Ikaw ang kawawa dahil malalagas yang ngipin mo.

Sarsha : Kasi po doc ang lalaki po sa front eh tapos hindi po xa aline nakakahiya po ayaw ko rin po ipabunot kasi dina man po sira ngipin ko!
Di po pwedi ipa adjust sa ibang dentista?

Ask the Dentist : Magpabraces ka kung saan ka nakatirang lugar. Kung saan ka buwan buwan.

Sarsha : ahh sige po thanks doc wala kasi akong idea pero ngaun meron napo hehe

Sarsha : yan lang po problemko sa teeth ko doc! Di naman po cguro malala yan di lang po talaga aline eh
ang lalaki po eh ahaha tapos ang hahaba papo

Mindanao Braces
Mindanao Braces

Ask the Dentist : Oks.

May Crack ang Ngipin

Lorenz : sir nag crack ho yung first premolar ko po, pa vertical po sya pwede po ba i crown yun? kaso yung katabi nya sungke daw sabi ng dentist, hindi ko pa mapaayos kasi po kapos po kami, tatlo po kasi nagcocollege. salamat po.

Ask the Dentist : Kung walang pera, mas mabuting ipabunot na lang.

Lorenz : kung pwede e crown yun? tanong ko lang ho.

Ask the Dentist : Magpa-periapical x ray ka tapos send mo dito, para makita ko kung pwede pa.

Lorenz : osige po. thanks. last question po. kung ipapabunot ko yun diba pwede po ihila ng braces yung bakanteng space ?

Ask the Dentist : Patingin ng xray para malaman ko kung pwede nga hilahin.

%d