Affordable Dental Braces

Jeff Adrian: Hi There, i need to consult an ortho. Would like to know where can i find an ortho that is good but doesnt give hight cost in terms of braces and other ortho procedures.

thank you! : )

Ask the Dentist Philippines: Mahirap yan hanapin Jeff. Binabayaran mo ang kaalaman ng Orthodontist. Kaya yung mga magagaling may kamahalan talaga ang bayad mo sa kanila. 🙂

Licensed Dentist

Shermize: pwede p b malaman kung paano machecheck kung licensed dentist ang isang dentista? and pag dental technician po ba xa ang ngkakabit ng braces sa ngpabrace? plz help po….para po kcng manloloko sya and sobrang dumi pa ng place nya?

Ask the Dentist Philippines: Hi Shermize. Oo. Required na nakasabit sa clinic ang PRC Certificate niya. Kung walang nakasabit, wag ka magpagamot sa Dentist na yun. Kung nakasabit ang PRC certificate at may duda ka, contact PRC (www.prc.gov.ph) or local dental chapter.

Dentist lang ang nagkakabit ng braces. P 30 thousand pataas ang presyo ng braces (ortho treatment), kung mababa kaysa P30 thousand, pwede ka magduda kung talagang nakapagaral ng Orthodontics ang Dentist mo.

Kung madumi ang place, common sense ang gamitin mo. Madumi na nga ang place, nagsugal ka pa sa dental health mo. Hehehe!

Orthodontics – Braces

Nina: good pm doc, ask q lng po kung ano dapat gawin q kc po nung magpatingin po q sa dentista q kung pwede po bang ipabrace ung ngipin q kaso may false teeth po q sabi nya pwede daw. inalis nya ung false teeth q nun lagyan nya ng brace kc iuusog ng brace ung spaces ng ngipin q sa harap after months sabi nya ung space dw lalagyan ng rebonding na tinatawag para makakangiti na dw q nagulat nga q kc kala q mismong ung brace ang gagawa ng paraan para mawala ung space na dating my false teeth.

Tapos ginawa na nga ung rebonding na sinasabi nya. Nawala ung space napalitan ng parang ngipin dahil sa rebonding na un after weeks namaga at lumubo ung gums q dahil sa ginawang rebonding kya binutasan nya ng kaunti ung katabing ngipin pra mawala daw ung nana or imfections. after 5 days ok na un maga pero afters 5 months po lumuwag po ung ginawa nyang rebonding pati ung katabing ngipin na pinagbutasan nya nadamay eh di nabungi na q 2 ngipin pa nawala sa halip na isa lng false teeth q noon.

Sabi nya di daw nagsuccess ung rebonding q kaya papalitan ng jacket…eh di pinagbayad na naman nya q sa jacket bukod sa rebonding na ginawa nya. Grabe naman ung jacket na ginawa nya kc ang laki ng ngipin q pati ung 2 katabing ngipin nag iba rin ung hitsura…after a months habang nag aadjust siya ng braces q sabi q kung pwede bang nipisan ung ginawa nyang jacket kc sabi ng mga tao ako dw ung taong nakabraces na may pustiso kc laki nga. Ninipisan nya ng kaunti pero siningil nya parin q sa pagpapanipis, nagulat nga ko kc 4000 siningil sakin…eh 1000 lng naman kada adjust sa braces..Ngaun nagkakaproblema po ko dahil habang lumuluwag po ung braces ko lumalaglag naman ung jacket na ginawa nya tapos ang ikinakaba q ngayon baka tulad ng dati madamay din ung mga katabing ngipin ko… Natatakot q ngayon. Pwede kayang maghabol sa kanya? ano po ba dapat q gawin?

Ask the Dentist Philippines: May kulang sa kuwento mo. Okay ba ang Oral Hygiene mo? Sinusunod mo ba yung instructions ng Dentist mo? Ang success naman ng orthodontic treatment ay nakadepende sa dentist at pasyente.

Bonding ang tawag doon. Hindi rebonding. Depende sa treatment plan, pwedeng gawin ng dentist ang bonding.

Para sa akin, mura ang yung siningil niyang P4,000 sa prosthetic procedure.

Hindi naman kakaiba ang may fixed bridge o crown na nakabraces.

Dapat mo ipakita sa ibang Dentist kung may duda ka. Oras kasi mawala ang tiwala mo sa Dentist, lahat ng procedure na gagawin niya sayo, pagdududahan mo na. Para mawala ang duda mo, ipakita mo sa ibang dentist, second opinion. Hindi ko sinasabing magpalit ka ng dentist, nakadepende sayo yan at sa napagusapan niyo.

Ikonsulta mo sa aktwal at hindi sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist.

Orthodontic Brackets Cementation Cost

Mylene: Panay tanggal po ung brackets ko. Tapos kada po matatanggal singil nya po ko ng P300,eh kadalasang natatanggal, e di bayad ako ng bayad kahit di nmn ako ung may kasalanan. Hindi naman ako kumakagat ng kung anu ano, sadyang mejo malayo pa ung ngipin ko dun sa isa kaya natatanggal pero di ba dapat di na sinisingil yun. Medyo nahihiya kasi ako magsabi sa kanya… feeling ko baka pagalitan pa ako

Ask the Dentist Philippines: Depende kasi sa napag-usapan niyo. Pero usually, babayaran mo kapag natanggalan ka ng bracket. Kasi ididikit niya ulit yun. Mura yung P300. P500 to P1000 ang singil ng iba sa pagdikit. Mahal din kasi ang bayad nila sa cement. Isa pang binabayaran mo doon, yung pinagaralan nila. Mahal din kasi ang pag-aaral ng ortho. Hindi yun simpleng dikitan kapag natanggal, na kayang gawin ng kahit sino.

Cement for Orthodontic Brackets

Mylene: Please turo nyo nmn skin kung san me nagbebenta ng cement ang mahal kasi nya maningil! kada me matatanggal 1k! kababalik ko lng dun last week, tas natanggal nang di ko nmn sinasadya, sadya lng kasing malaki po ung space nung ngipin ko tas may singil kagad n 1k.

Ask the Dentist Philippines: Hindi ka bebentahan ng Cement kahit malaman mo. Hindi dapat na ikaw ang nagsesemento. Hindi kasi sinisimento ng ganun ganun lang. Sabihin mo sa kanya ang side mo. Iba iba kasi ang fee pag natanggalan ng brackets eh. Kung wala kang tiwala sa kanya, lipat ka ng dentist.

Hindi Pantay na Ngipin

Clara: Doc, pano mapantay un ipin koh, kasi hndi po ito pantay?
Ask the Dentist: Mapapantay iyan kung matatanggal natin ang dahilan ng hindi pagkakapantay at papantayin natin sa pamamagitan ng Braces. Mabuting pumunta ka sa dentist upang makita at malaman ang dahilan ng hindi pagkakapantay. Oras na makita kung gaano kalala ng kondisyon, mabubuo natin ang ortho treatment plan para sayo.