Licensed Dentist

Shermize: pwede p b malaman kung paano machecheck kung licensed dentist ang isang dentista? and pag dental technician po ba xa ang ngkakabit ng braces sa ngpabrace? plz help po….para po kcng manloloko sya and sobrang dumi pa ng place nya?

Ask the Dentist Philippines: Hi Shermize. Oo. Required na nakasabit sa clinic ang PRC Certificate niya. Kung walang nakasabit, wag ka magpagamot sa Dentist na yun. Kung nakasabit ang PRC certificate at may duda ka, contact PRC (www.prc.gov.ph) or local dental chapter.

Dentist lang ang nagkakabit ng braces. P 30 thousand pataas ang presyo ng braces (ortho treatment), kung mababa kaysa P30 thousand, pwede ka magduda kung talagang nakapagaral ng Orthodontics ang Dentist mo.

Kung madumi ang place, common sense ang gamitin mo. Madumi na nga ang place, nagsugal ka pa sa dental health mo. Hehehe!

2 thoughts on “Licensed Dentist”

  1. Ask ko lang po kasi 40k ang hininge sakin for braces lower and upper teeth, sabi niya noon sa akin hindi niya ako bunutan ng teeth para hindi sayang, sa tingin ko kailangan ko yon kc over crowded ang teeth ko, tapos ngayon tapos na ako sa binayaran kong 40k, nagdedemand naman siya ngayon ng another bayad, kasi bubunutan na daw niya ang ngipin ko kasi ayaw pumasok ng upper teeth ko at over bite pa. anu po kaya ang pwede kong gawin? kasi sa demand palang niya sa akin ng dagdag na bayad obviously panloloko na yon.. tama po ba? Needs advise po

  2. Para sa akin, mababa ang 40K para sa braces. 🙂 Normal lang yun na sumingil siya. Magbabago talaga ang price depende sa magiging kalalabasan ng ortho treatment. Hindi exact science ang dentistry na kung ano ang treatment sayo ay treatment sa lahat na pare-pareho ang magiging response ng katawan (bibig) ng patient. Yung dagdag na bayad ay base sa alam niyang treatment na nababagay sa response ng paggalaw ng ngipin mo sa force ng ortho treatment niyang nauna.

Leave a Reply