Fixed Bridge Lifespan

Zanhjoe Tapaludoh: Ganu katagal ang lifespan ng isa fixed bridge?

Ask the Dentist Philippines: Kung tama ang pagkakagawa, 7 – 14 years ang itinatagal ng porcelain fused to metal fixed bridge. Yan eh kung:
tama ang pagkakafabricate
tama ang pagkakasemento
tama ang occlusion
tama ang pagkakadjust.
tama ang esthetics
tama ang materyales.
tama ang presyo sa materyales.

Kung hindi tama ang pagkakagawa, 1 day pataas, depende sa tolerance ng katawan mo sa kaabnormalan ang kundisyon at sitwasyon. Kung murang mura ang bridge, halos siguradong hindi tatagal yan. Ang quality, may katumbas na presyo.

Visit this website http://costdentures.com/tag/fpd/, for photos of fixed bridge.

2 thoughts on “Fixed Bridge Lifespan”

  1. I had fixed bridge yesterday, yung 2 front teeth ko. Yung isa baling ipin as a result ng RCT long time ago at yung isa nga pinaliit ng dentist para pagkabitan ng fixed bridge. Ask ko lang kung hanggang kelan ang pangingilo? Hot or cold drink may pangingilo po. And ok lang ba na hindi symmetric yung pagkagawa ng nilagay na fixed bridge kasi yung isa po medyo malapad at mataas compared dun sa isang ipin. I thought pag 2 front teeth dapat parehas. Mas malapad po kc yung ipin covering the prepped tooth kesa dun sa pontic. Mas mataas din po ung ipin covering the prepped tooth dahil daw mataas din yung gums compared sa gums nung ipin na naRCT.

  2. Bridge ba yan o crowns? Base sa pagkakaintindi ko crowns yan. Mukhang nagresearch ka na sa internet.

    Ang gusto kong linawin, ilan ang ngipin sa fpd, dalawa o tatlo? Kasi sinasabi mo may pontic, may missing tooth ang ibig sabihin. Pero dalawa ang dinidescribe mo.

    Pero dahil sport ako, at bahala na din si batman ang tanong mo, bahala na din si batman ang magiging sagot ko.

    Ang pangingilo ay natural lang. 2 days to 1 week, dapat wala ng pangingilo. Kung pangingilo yan. Kung hindi, balik ka sa dentist mo.

    Oo, tama, hahaba ang ngipin mo kapag mababa ang gums mo. Unless, gusto mo magpadagdag ng gums o magpadagdag ng buto, na pwedeng umabot sa 100 thousand ang presyo ng pagpapadagdag. Pwede din naman gawin ang crowns na may fake gingiva, pero siyempre mahal ang bayad, dahil kakaunti lang ang nakakaalam gumawa ng crowns na may gingiva. Mga Prosthodontist na may background sa dental implants lang ang gumagawa.

    Ok lang na hindi pantay, kasi tulad ng bayag, hindi yan magiging eksaktong pantay. Depende yan sa kondisyon ng ngipin mo, at kung nababagay ba sa mukha mo kung ngumiti ka. Pwedeng gawing halos pantay iyan, yun nga lang, gagastos ka ng malaki.

Leave a Reply