Pediatric Dentist

Fab : Hi doc ask ko lang po i have a 3yo son delayed talker po sya. Yung four upper front teeth nya may cavities na po, halos brown na po. He still drinks milk po sa bottle kasi picky eater po kaya bunabawi po namin sa milk pagsleeping na sya. Yung ganon case po doc dapat silver caps or teeth extraction na po? If ever extraction, ano po usually ginagamit laughing gas po or GA? Pagextraction po sa ganon age one tooth per session po or yung 4 teeth po agad?

Ask the Dentist : Masasagot ang tanong mo oras na makita mismo ng dentist ang anak mo. Punta ka sa dentist offline, sa tunay na buhay, hindi through online para makita siya. Kung trip mo, bisita ka sa clinic : http://dentistquezoncity.com/

Pudpod na Ngipin ng Bata

Arviel : gud pm po doc..ngwo2ri po kz aq s daughter q,5yrs old n po xa at ung mga ipin nia ncra n..ung isa po s harap npudpod n pu ng s0bra at parang me laman n s gtna??22bo parn po b ung permanent teeth nia??..e2 po ung pic. sna po m2lungan nio q..mrming salamat po..

Pudpod na ngipin
Pudpod na ngipin

Ask the Dentist : Medyo pabaya ka. Sa pagtubo ng secondary teeth niya wag ka na maging pabaya. Turuan mo magbrush lagi after kumain.

Arviel : opo..e pnu po b doc ung nsa 2mubong laman n s gtna nung pudpod n ipin nia?anu pu b dpt gwn??mkakaapek2 pu b 2 s pglbas ng permanent tit nia??

Ask the Dentist : Bisita ka na sa dentist para maexamine mabuti.

Arviel : ok po..salamat po

Pediatric Dentist Quezon City

Graeys : Ano po difference ng Pediatric dentist at regular na dentist lang? Same procedure/solution lang din po ba ang binibigay nila?

Ask the Dentist : Specialist ang pediatric dentist. Ang general dentist ay pangkalahatan. Tulad sa doctor. Pwedeng magopera kahit sinong doctor, pero ang magaling sa opera ay surgeon.

Graeys : ohh… may alam po ba kayo na pediatric dentist or list ng pediatric dentist na malapit sa rizal or pasig

Ask the Dentist : Wala. Hanap ka na lang dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Kailan Pwede Ipunta sa Dentist ang Bata

Mayrechelle Kane : Doc! Pde ko na ba dalhin sa dentist ang 2 years old kong baby. Sira n ang upper teeth lahat. Dumudugo pg ngbrrush at umiiyak sya kapag ngbbrush. Ready na po ba sya??

Ask the Dentist : Oo. Pagkatubo nga ng ngipin, pwede ka na pumunta eh. http://dental.tips/first-dental-visit/

Mayrechelle Kane : Thank you po. Uhm may mairrcommend po b kaung pedia dentist batangas area

Ask the Dentist : Tignan mo ang malapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/

Baby teeth Philippines

Marcus : ask ko lang 20 years old na ko at may baby teeth pa ko wala na bang pag asang tumubo pa yung tunay na ngipin ko?

Marcus : may tsansa po ba na wala ng tumubong ngipin? may pangyayari po bang ganun? sabi kasi ng mama ko ang baby teeth daw napapalitan e 20 years old na po ako ngayon ngayon lang siya kailangan bunutan kasi gumagalaw na

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita sa loob. Panoramic x ray. Kung wala, pwede ka magpaimplant: http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Sungki ang Ngipin na Tumutubo

Mark : doc tanong ko lang po ..may baby po ako na 6YRS OLD NA .. HINDI PA PO NAWALA MGA NGIPIN NYA KAHIT ISA..YON PO MGA MILK TEETH NYA ..

ngayon po may tumubo po sa lower teeth , sungki po xa. sa tingin nyo po ba pernament na din po ba yon ?? or maaalis din po yon ?? kasi never po sya nabungi eh

thank you doc

Ask the Dentist : Ah. Tumutubo na yung kapalit ng ngipin na nasa ibabaw. Patingin mo na sa pediatric dentist.

Mark : Doc mag send ako ng voice record para ma explain ko ng maayos ah

Mark : Sa lower teeth yon mga lumalabas na ngipin doc eh

(Mark sends a voice record saying “Blah blah blah. Gets niyo ba doc? Gets niyo ba doc?”)

Mark : Gnyan ang ngipin nya doc complete pa mga milk teeth nya , sa age nya 6yrs old never xa nabungi

Mark : Ngayon my tumubo sa lower teeth nya sa loob na isaaa ,, pro mukang my kasunod paaa , sa tingin mo doc?? Maalis din ba yon ? Ayoko kasi mging sungki xa eh

Ask the Dentist : Malinaw na malinaw sa una mong naisend na message. Tumutubo na yung kapalit ng ngipin na nasa ibabaw (ibabaw/nauna/1st set/unang mga ngipin na tumubo). Kapalit ng nauna. Kapalit ng 1st set. Imagine-in mo ang ibabaw. Kung ano ang mas mataas, siya ang nasa ibabaw. Kunyari may dalawang palaka, yung isa nasa ibabaw ng isa, kahit nakatagilid konti yan, o bandang loob, alam mong nasa ibabaw yung isa kasi nasabi nating nasa “ibabaw”. Kung sa tingin mo malabo pa din kung ano sa dalawa ang nasa ibabaw, yung ano ang bagong tubo, yun ang nasa ilalim. Kung ano ang bagong tubo siya ang matitira diyan, kung ano ang luma, siya ang bubunutin.

Patingin mo na sa pediatric dentist para makita niya at mapagdesisyunan kung dapat na bunutin yung nasa ibabaw or maghintay pa ng ilang buwan. Usually, sa pinoy, sa lower central incisors, tumutubo sa gulang na 7. Sa kano, 6. Kaya kung dapat na bunutin yung 2 deciduous lower central incisors, ay mapagdedesisyunan lang kapag nakita na ng pediatric dentist. Pediatric dentist ang tawag sa dentist na pambata. Madaming specialization ang dentist, may prosthodontist, may orthodontist, may pediatric dentist.

Mark : Sa tingin mo doc ??? Ndi ba pedeng hntayin nlng na mtanggal mga ngipin nya ?? Takot kc xa sa dentist eh ,,

Ask the Dentist : Sa tingin ko ay hindi ko makita. Bibili pa ako ng bolang kristal para makita ko.

Mark : ahahahahhahahahha :)))

—————————–
Ask the Dentist : Hindi nagsend ng photo si Mark at nagtatanong siya kung ano sa tingin ko. Kaya kailangan ko ng bolang kristal para makita ko.

Tutubo ba Ulit ang Ngipin

Janah : Doc ask ko lang po, kapag tinanggal ko po ba ang sungki ko tutubo po ba ulit? Kung tutubo po siya, doon parin po ba sa dating tinubuan nito? O sa baba po nun? Wala po kasi akong ngipin sa baba ng sungki na yon. Pantay na po ngipin ko eh, yun lng ang problem. THANKS!! :))

Pasta Philippines

Ask the Dentist : Patingin ng photo ng ngipin.

Janah : Yan po. Nakakahiya hahha x))

Janah : Bale yung sira ko po ipapapasta ko po sa saturday.

Ask the Dentist : Wala nang kapalit yan pag nabunot.

Janah : Okay po

Walang tiwala sa sariling dentista

Graeys : recommended ba na ipa-pasta ang mga molars kahit walang sira, once na lumabas na sila para maiwasan daw na masira sila, like ages 7 year old kid. Thanks in advance

Ask the Dentist : HIndi pasta ang tawag doon. Sealant.
Recommended ang sealant pagkatubo ng ngipin. Protection.

Graeys : Hello po. Ano po pwede ipainom o ipahid sa gum. Kasi yung 5 year old kong anak (aug lang po sya nag turn 5) maga na yung dulo ng gum Nya, parang lalabas na ang 1st molar Nya na dapat mga-7 years old pa po diba. Iyak kasi sya ng iyak sakit daw. Wala Nman sinabi noong nagsisimula pa lang sumakit ang dentist na pinagpatignan ko. Tulungan n lng daw ng daliri parang massage massage

Graeys : Baka po may alam kayo. Paracetamol lng po pla Sabi Nya to ease the pain. Pati nakakalagnat po ba ang paglabas nun. Thanks po

Ask the Dentist : Sundin mo kung ano ang sinabi ng dentist mo.

Pediatric Dentist Philippines Online

Rochelle : hello po. ask ko lng po kung anu po b mgandang gawin ksi po ung ngipin ng baby ko namamaga. katatpos lng po mamaga ung gums nya s upper right ngaun nung gumaling n po sumunod nmn ung gums nya s upper left.4 years old plng po xa.

Ask the Dentist : Ipunta mo sa pediatric dentist upang makita kung bakit namamaga. Walang mangyayari kung hanggang online ka lang magtatanong.