Pediatric Dentistry Philippines

Siopao : Good eve po, ask ko lang po ung condition ng baby girl ko , 3 yrs old palang po sya and sobrang sumsakit na po talaga teeth nya then ngconsult na po kami sa pediatric dentist and she gave us 2 options : 1st one cost 40 thousand which is bbunutin ung 5 teeth nya sa taas then papastahan ung 4 sa baba then 1 day confine sa hospital w/ dxtros and general anesthesia 2nd option is 20 thousand which is bbunot lang ng 5 then wala ng pasta , wala narin confine. ang question ko po is ganun po ba talaga ang price nun for not permanent teeths? And kung sakali pong ppiliin ung 1st option , anu po ba ang mgging effect, consequence sa pagtubo ng permanent teeth nya? And ung bout sa general anesthesia anu po ba effects nun for a 3 yr old kid? And meron po ba kayong other suggestions bout sa condition nia? Hndi pa po sya ngttake ng any antibiotics calpol lang po or gel for teeth.

Ask the Dentist : Hindi ako makakapagsuggest dahil hindi ko nakita ang baby mo. Ganun talaga ang presyo sa ganyan kabata dahil mahirap ang case. Yung consequence niya ay itanong mo sa pediatric dentist niya.

Pediatric Dentistry Philippines : Restorative Treatment

Lynn : hello po,,, ako po ung may anak na 8yo na may small portion na basag ang front tooth… bale naisip ko lang po na since 8yo pa lang sya eh hindi pa po at its maximum ung laki ng front tooth nya para galawin ng dentist… doc, ano po kaya ang mangyayari dito sa front tooth na to ng anak ko, either for now or kung malaki na sya? please doc, i need your advice,, if you have time po, sana maka-reply kayo… ito po ang pics nya=).

Ask the Dentist : Madali lang yan. Simpleng restoration lang.

Lynn : pwede na po gawin ung procedure kahit 8yo pa lang po sya, doc? thanks po

Ask the Dentist : Hehehe! Nagjo-joke ka yata sa tanong mo.

Pasta sa Bata
Pasta sa Bata

Pediatric Dentist Philippines

Carla : Dearest dentist, my son has sweet tooth and he’s only one. A few weeks ago i noticed his front teeth has this brownish stain near the gum area and its breaking a little when you scratch it. Im worried it will turn into toothache and eventually fall. Can you suggest whats best to do? Thank you so much.

Ask the Dentist : Anong location mo? Punta ka sa pediatric dentist. Pero sa ngayon, turuan mo magbrush. Tapos, turuan mo magbrush. Tapos turuan mo magbrush. Kahit kumain siya ng matamis, turuan mo magbrush. Gamit ka ng may fluoride na toothpaste. Pumunta ka ng dentist, pediatric dentist ang puntahan mo dahil mas alam niya ang dapat gawin sa condition ng anak mo.

Carla : Sa laguna po. Safe po b just in case he swallows a little of the toothpaste while brushing? Should i make him drink water after brushing just to wash any residue left? thank you.

Ask the Dentist : That’s why kailangan mo makahanap ng pediatric dentist. Turuan mo maggargle. Or spit. Dumura. Wag mo paiinumin, syempre.

Ask the Dentist : Safe ang toothpaste, pero wag mo namang painumin o sadyain na makainom para lang mabanlawan yung toothpaste.

Visit Your Dentist Regularly

Edward Angle: How often should I visit my dentist?

Ask the Dentist Philippines: Hi Edward! thanks for visiting our website.

Normally, you should visit your dentist every 6 months. Pero depende pa din sa condition ng oral health mo. Sa may periodontic problem, kailangan bumisita ang patient sa dentist every 3 months. Sa geriatric patients, every 3 months muna tapos i-oobserve ang improvement or kondisyon ng bibig niya.

Mahalagang magpatingin sa dentist every 6 months, para makita agad ng dentist kung may bagong caries, o problema sa ngipin at bibig mo.

Madalas, inu-oral prophylaxis din ang payente tuwing anim na buwan, pero depende pa din nama,n kung hindi maganda ang oral hygiene ng pasyente ginagawa itong every 3 to 4 months.

Huwag kang magtataka kung gawing every 3 months ang pagbisita mo sa dentist, dahil mangyayari talaga ito kung malala ang kondisyon ng oral health mo. Thanks Edward Angle sa iyong tanong. Kumunsulta ka sa Dentist sa tunay na buhay. Tandaan mo Edward, “There is no online material nor website that can substitute a professional advice.”

Bakit nagkakaroon ng cavity ang mga bata

Girlie: Bakit po nagkakaroon ng cavity ang mga bata?
Ask the Dentist: Gaano kabata? Ang kadalasang dahilan, hindi nalilinisan nang wasto ang ngipin ng bata kaya sila nagkakaroon ng cavity. Samahan o ipunta ang bata sa dentista at paturuan ng wastong pag-tu-toothbrush. Mas mainam kung kumunsulta sa Dentistang may training sa Pediatric Dentistry.