Ronald : Good day po! I have a few questions po tungkol sa pasta.
– Kahit po ba malaki na yung butas, pwede pa ring pastahan? I had my pasta done a few years ago sa ilang ngipin ko. Diba po sa process, “kinakayod” po yung bulok na part ng tooth bago lagyan nung pasta? I’m afraid na baka konting part na lang yung matira sa tooth ko pag kinayod at baka di na siya pwede. This time po kasi, malaki-laki siya compared dun sa previous na pinastahan sa akin.
– Yung pasta ko po kasi sa front teeth, medyo nasira. I don’t know if dun po siya nasira sa pagkain ng maasim. Kita po pag malapitan yung division sa ngipin at pasta sa harap. If ever po ba, pwedeng ipabago yun at tatanggalin po ba lahat or aayusin lang yung previous na pasta?
– Pwede po bang magpa-braces kahit may pasta na sa ngipin?
Naging pabaya po ako sa teeth ko, kaya now I’m suffering the consequences. Hope masagot niyo po yung mga tanong ko. Thanks! More power.
Ask the Dentist Philippines : Pwedeng pastahan basta hindi pa umaabot sa pulp at wala pang infection. Kung hindi na makuha sa pasta pwedeng icrown basta hindi pa umaabot sa pulp. Kapag umabot na sa pulp, kailangan iroot canal treatment muna bago pastahan or crown. For more info about dental crowns visit: http://costdentures.com/fixed/metal-ceramic-crown/
Since few years ago na yang pasta mo sa harap, tatanggalin ng buo yan, saka papastahan ulit.
Pwedeng magpabrace kahit napastahan ang mga ngipin mo.
Hi magkano po ang all porcelain crown?
20 thousand pataas bawat isa.