Dentist Batangas

Ha : Hi doc! Magandang araw po! itatanong ko lang po sana kung ano ang pinaka mainam na gawin sa ngipin ko po. May kasamaan po kasing tingnan ang dalawang ngipin sa unahan at para pong napipingas sya habang tumatagal. May dalawang dentist po akong pinuntahan, magkaiba nga lang po ang payo nila. Yung una pong dentist, ang sabi ay kailangan daw po ipajacket yung dalawa kong ipin sa una.tinanong ko po kung kailangan ko magpabrace, sabi nya, hindi na daw kasi pantay na naman daw yung ipin ko. Then yung isa pa pong dentist eh sabi kailangan daw po muna ipabrace ang ngipin kasi overbite daw po, at para din daw po mejo tumaas yung kaliwa kong ipin kasi mababa na daw po. Tapos saka nya daw po ijajacket yung dalwang ipin. Sana po ay masagot nyo ito.. At kung ipopost nyo man po ito ay sana po pakihide ng aking identity. Marami pong salamat. Mag aatach na din po ako ng pic ng ipin para hindi kayo mahirapan magimagine.hahaha

Ha : Kung halimbawang ngipin nyo po yan, ano pong gagawin nyo? Kung mapapansin nyo po, mas maliit talaga yung left tooth, ewan ko nga ba kung papaanong nauwi sa ganito ang ngipin ko. Hindi ko napansin, not until pinuna ng mom at tito ko sa skype tapos vinideo ko sarili ko at omg, super sama naman nga pala tingnan, looked like a monster na halos. Kitang kita sya pag nagsasalita ako, hindi ko naman yun napansin sa salamin. Sama talaga. <\3 Ask the Dentist : Ipabraces mo muna. Kapag naayos na, saka ka magpaveneers.

Ask the Dentist : http://costdentures.com/ask-the-dentist/veneers-patients-gum-disease/

Ha : Thanks po ng marami.

Ha : Mga magkano po kaya pabrace ngayon? And ano po bang classification ng case ko, ito po ba ay mild or severe po? And gaano po kaya katagal ako kailangan magbrace kung tatanchahin nyo po? 24 y/o po ako..

Ask the Dentist : Mga 40 K pataas.

Ha : thank you po.

Ha : May kilala po ba kayong dentist dito sa batangas?

Ask the Dentist : Wala. QC lang.

4 thoughts on “Dentist Batangas”

  1. dok. pwedi bang magpa brace sa ngipin kahit may postiso ako sa ibabao ng ngipin ko pero sa ilalim walang postiso pero hiwahiwalay kasi ngipin ko taas at baba na parti ano po dapat gawin ko?

      1. dalawa sa gilid ng at isa sa pinaka gitna na ngipin ko nakapostiso…… magkano naman kaya dok 40k lang po yung budget ko, may mairefer ba kayu para sa akin na sigurado na maayus pagkagawa.

        maraming salamat po dok

        1. Hanap ka. Kung nagset ka ng mababang budget, syempre wag kang umasang makakahanap agad ng “siguradong maayos ang pagkakagawa.” May price lagi ang quality. Lalo na sa kaso mo, mahirap gawin yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *