Dentures Cost in the Philippines

Glen P McGivney: I have 4 missing teeth sa harap. How much do dentures cost in the Philippines? Advise naman po.

Ask the Dentist Philippines: Hi Glen McGivney. Thanks for asking the dentist! Dentures in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Una dahil sa economy, ibinabagay ang presyo sa kakayahan ng tao na makabili. Pangalawa, may mga steps na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo. Madami pang ibang rason.

Sa Cost of Dentures, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, ilan ba ang missing? Pangalawa, de-tanggal ba o hindi natatanggal ang gusto mo. Pangatlo, anong paraan ba natin iakakabit, clasp ba o attachment. Pangapat, anong materyales ang gagamitin natin. Panglima, specialization ng dentist na gagawa ng dentures. Pang-anim, ilang dentist ang gagawa ng dentures. Pampito, saan gagawin ang dentures, sa syudad ba o probinsya? Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Dentures Cost.

Walang fixed price sa dentures. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang prosthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

Madami option sa dentures, depende din sa budget mo at sa kung ano ang kailangan na treatment sa iyong kaso. Ang medyo bago-bago ngayon ay ang dental implants. Ito ay poste na ibabaon sa buto mo para mapagkabitan ng dentures. Medyo may kamahalan ito pero syempe the cost of implants in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dentures and dental implants.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality dentures. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dentures Cost bisitahin ang mga website na ito:

For free dentures consultation, visit Dentures Quezon City.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

529 thoughts on “Dentures Cost in the Philippines”

  1. hi po doc, ngpabunot po ako kanina hapon ng dalawang magkatabing molar tooth sa kaliwang baba po, mag 3 hrs na po pero ndi pa dn po nastop yun bleeding normal po ba yun? uminom na po ako ng hemostan para sa pagdudugo nireseta ng dentist ko sken. salamat po.

  2. Babae po ako. Grabe pa din po pagdurugo siguro po kc ndi ako marelax ngaun lang po kc aq ngpabunot ng bagang tas dalawa pa thanks po doc. nilalagyan ko po ng bulak.

  3. Makakatulong po ba yung paglagay ng splint sa may hearing problem? Base sa xray ay may TMJ ako. Lumalagutok po yung jaw ko on both sides kapag binubukas ko yung mouth ko. Ilang years na din kasi yung hearing problem ko at baka ito nga yung cause. Nagpa consult na ko sa ENT before at ang sabi ay “baka sa inner ear” ang problema at nag advise na gumamit ako ng hearing aid. Gusto ko sana i try magpagawa ng splint kasi medyo asiwa kung gumamit ako ng hearing aid.

  4. Makakatulong po ba yung paglagay ng splint sa may hearing problem? Base sa xray ay may TMJD ako. Lumalagutok po yung jaw ko on both sides kapag binubukas ko yung mouth ko. Ilang years na din kasi yung hearing problem ko at baka ito nga yung cause. Nagpa consult na ko sa ENT before at ang sabi ay β€œbaka sa inner ear” ang problema at nag advise na gumamit ako ng hearing aid. Gusto ko sana i try magpagawa ng splint kasi medyo asiwa kung gumamit ako ng hearing aid.

    Pakisagot lang po dok. thanks.

    1. Bale sino ang may sabing may TMD ka? Dentist? Kung may x ray ka send mo sa FB ko. Sino ang nagsabi sayong splint ang remedyo sa TMD? Dentist o nageureka ka lang?

      Nagpaconsult ka sa EENT. Ano ang mga ginawa niya?

      Kailan ka huling nagpalinis ng tenga? Ilang taon ka na?

      Pakisagot mo din.

    1. Depende kasi sa kung anong denture ang nararapat sa case mo. Alam mo bang may denture na nagkakahalaga ng 1 million? Ito yung implant retained implant suported fixed bridges. Meron ding 100 thousand. Meron ding 7 thousand.

      Meron din for free. Lalo na ngayong eleksyon. Pakiramdaman mo lang kung may free denture service ang tumatakbong mayor sa lugar mo.

  5. Base po sa panoramic xray sa kin, at ang remedy daw po ay splint para ma correct ang alignment ng jaw na nakakabara sa butas malapit sa ears kaya apektado ang hearing ko.

    Sa ENT naman nagsimula kami sa mga anti biotic thinking na flu yung cause ng hearing loss. After a series of hearing test no improvement. Ilang beses na niyang nalinis yung both ears at naalis na niya yung mga foreign object sa loob. Last na linis niya ay jan. 2013 lang.
    Then ang last na pinagawa niya ay CT Scan of temporal bone. Negative naman lahat kaya sa tingin niya sa inner ear na ang problema.

    BTW 45 na po pala ako. Thanks again Doc.

  6. hello po πŸ™‚
    recently pinabunot ko po yung #11 ko, and sabi ng dentist kelangan daw tanggalin din yung #10 and #12 para sa bridge. necessary po ba tanggalin yun since both are healthy? and may iba pa ba kayong advice para ma fill yung gap? kitang kita po kasi. thanks. πŸ™‚

  7. Hi, mag ask lang po ako kse may pustiso po ako sa taas 4 teeth, and yung right and left side na bagang is sira na gusto ko sana ipabunot, ano pwede ireplace? Thanks

    1. Doc ask ko lng po kung normal ba na npakasakit at halos maga na gilagid ko sa bagong kabit na pustiso bale 3 pong bagang sa left at 2 sa right..normal po bang napakasakit lalo na pag kumain..thanks doc and more power

      1. doc, magkano po per tooth ung fixed-dentures? 2 ngipin po sakin sa front. ilang days din po malalagyan after mabunot?thanks!

          1. magkatabi po at ung isa ay nakadenture na sira kasi ung katabi kaya 2 na… ask ko lang din po kung magkano difference ng di tanggal at hindi na dentures..salamat!

  8. doc, pwede po ba yung bibili nalang po ako ng materials ng brace tapos ipapakabit ko nalang sa dental clinic?, kung pwede po magkano naman po pakabit?

    may isa pa po akong tanong nakakatulong bang maayos ng retainer yung nakausling ipin? ano po difference ng Metal braces sa Ceramic Braces?

    1. Yung kaalaman ng dentist ang 99% sa binabayaran mo sa braces. Hindi sa materyales. Kung ganyan ang balak mo, wag ka na lang magbraces dahil siguradong magiging cause pa yan ng pagkabungal mo o kaya’y sa pinakamasamang pwedeng mangyari eh cancer.

  9. gud pm poh ask ko lng naka jacket poh kc ngipin ko,kso nakaka bad breath po ata ano po pwd gamot dun pls help poh

  10. hi ! Dok ! Ask ku lang po nakakasira po ba sa ngipin ang pag.nguya o pagkain ng ice ? Mahili po aku ngumuya ng ice ! Nagiging hobby ku na po xa .. Di ku po mapigilan na kumain ng ice .. Everyday at di lang po twice a day minsan po 3 beses pa po .. Di nman po nag ngingilo ngipin ku .. Pero sabi po kc nla nakakasira daw po ? Is that true po ba dok ? Para mlman ku kng kelangan po ba tlagang itigil .. Need ur help , thank u

  11. Hi po doc, ung 2 upper front teeth ko po ala nah and i’ve been using removable denture for 4 years .. ano po bah other solution neto aside sa removable denture?? and yung less expensive po…. di na ako maka smile ng swak na swak kasi lol … thanks po and god bless

  12. hi doc ask ko lang sana kung pwede na step by step muna ang pag pagawa ng pustiso what if mauna muna yung dalawa ko sa harap mdyo short pa po kasi sa budget e thankyou po

  13. doc ask ko lang mahal po ba ang magagastos para makorek ang crossbite medyo labas po kasi yung ngipin ko sa ibaba.

  14. Hi Nakapustiso po ako at malaki yung ngipin ko sa harap kaso yung pustiso Hindi nakapantay sa ngipin ko pag nagpagawa bako ulit maiipantay yon?? Sumusiksik kase sya sa gilagid ko :/. Thank you!

  15. Isa Lang po yun fake na ipin ko sa harap sabi nung pinuntahan kong dentist fixed denture nalang daw ipakabit ko para pumantay sa malaking ipin ko na katabi Nya. Pag nagpafix denture bako pwede pa ipabrace? Parang tabinge din kase yung tubo ng mga ngipin ko. Thank you po.

  16. Ang Cool naman ni Doc πŸ™‚ may dentures po ako isang buo sa taas πŸ™‚ malamang pa estimate na lng ako sa Dentist magkano buong dentures na pinakamura lang :D….

  17. Good day po doc magkano po ba aabutin pag pna pasta po yung 2 gitnang ngitin ko tksa po ung tabi nya.. malaki na po yung sira may remedyo pa po kaya dun? kasi halos malapit na sa bagang po na pasta na kasi dati un.. naka kain ako ng may bato sa kanin aun nadurog po tska kelangan na po linisan may mga dumi na po e.. anu po kaya pnaka magandang solusyon dun doc? thanks

  18. Doc, gs2 ko sana pa help po, magkano po ung partial removable dentures po 5 ipen po sa taas, nasira po kase ung pustiso ko, ask po ako estimated price at may marerecommend ka po ba doc? maraming salamat po doc..

  19. doc magkano po sa inyo ang pa root canal? 1st molar po ung akin.. dati po kc ako nag papasta tapos natanggal yung pasta ayun mejo lumala.. huli ko na nalaman nung sumasakit na. tapos nilaliman ng dentist saka nilagyan nya ng temporary na gamot na parang pasta..nawala naman po ung sakit, kaya lang nangingilo cya ng konti pag umiinum ako ng malamig o kaya ng mainit. meron na po ako xray.. pwede ko po ba mapatingin sa inyo. salamat

  20. Good afternoon po, pwede po bang malaman which is better.. Fixed Bridge o Jacket po and materials for it that will really last longer na d nman po kamahalan..? 2 front teeth ko po kc need lagyan, d nga lang po ako makadecide which is better. Please advice naman po…thanks doc.

  21. Hello po ulit Doc, so it means Crown Jacket po ang kailangang ilagay sa fron teeth ko? Naroot canal naman po sya but buo pa po kaya lang ngchange color po dahil daw sa namatay na yung nerve because of root canal (correct me if i wrong na lang po)? Old pasta na rin naman po, but nung naparoot canal ako..ilalim lng yung tinakpan di yung harapan so ang pangit po since old pasta na nagchange pa color ng buong ngipin. I was thinking po na palitan ng Pasta sa harap but sabi po ng Dentist bridge daw po..eh loko naman po, buti hindi ko tinuloy, di naman pala dapat..hhmm, for now cguro papalitan ko na lang muna ng pasta..o crown jacket na po?thanks po ulit sa mga info doc…it’s really a big help πŸ™‚

    1. Ikwento mo ng buo at kung ano ang problema. May bungi ba? Change ng color lang ba ang problem? Buo pa ba ang ngipin? Ano ang problema? At kung makakapagpadala ka ng xray sa FB ko, mas mabuti.

  22. Kahit estimate price per teeth lang Doc…the dentist price is 15k per teeth for flexible false teeth is this reasonable enough? Are there different kinds of flexible false teeth?ano pinakamaganda material para dito?

  23. gusto ko pa ipa-pustiso na lahat ng ngipin ko sa taas kasi puro sira na. gusto ko malaman kung gaano katagal ako malalagyan ng pustiso after bunutin lahat? nakakahiya po kasi na matagal akong bungal. thnx po.

  24. Hi doc! Ask ko lang po kng magkano per piece ung fixed bridge? 2 teeth ko po kc nkajacket na kaso di mganda ung pgkakagawa. Exposed ung teeth ko tpos nasira na din. sabi ng ibang dentist na pinuntahan ko ipafixed bridge ko na pero wla akong idea kng mgkano per tooth. pati ung katabing tooth ng pinajacket ko e nasira na dn. idadamay na dn po ba yun sa ipapabridge o ipapajacket un? thanks.

    1. Sabi ng dentist na hindi mo pinuntahan pero tinanong mo, ipa-x-ray mo muna. Send mo x ray sa FB ko. Dahil hindi manghuhula ang dentist na hindi mo pinuntahan pero tinanong mo. πŸ˜€

  25. Hi po gud ask ko LNG po may alternative po b same pustiso.. Unh walang ngalangala tapos tipong Hindi halata name fake teeth sya.tnx po

      1. hi doc may pustiso na po ako. at kelangan bunutin ung 2 kong ngipin kasi sira na at may kelangan din pong pastahin kaso pag binunot ngipin ko baka di na po kumapit ang pustiso ko. napasok po kasi ako sa trabaho. so papagawa na lang ba ko ulit ng pustiso? at ilang days po ba pagawa nito?

  26. tanong ko lang po doc ahh mag iisang taon na po akong nabunotan ng ngipin. isa lang pong premolar wala pa po akong dentures makakasama po ba yun sa mga ngipin ko ??

  27. ask ko lang po doc makakasama po ba yun sa ibang ngipin yung matagalan kang hindi nakapagpapustiso …magiisang taon n po kasi akong nabunutan wala pa po akong dentures ..

  28. ask ko lang po doc magiisang taon na po akong nabunotan ng ngipin wala pa po akong dentures makakasama po ba yun doc ??

  29. hai dok….umuuga na po yung 3 front teeth ko,,,pwede pa po ba itong ipa brace lang at ndi bunutin??? ayaw ko po muna kc mag dentures….tnx po.

  30. Doc may denture ako sa harap-taas, tapos nagpakabit ako ng brace. Ang ginawa nilagyan lang ng pasta yung bungi ko para lang magmukhang ipin. is it possible ba kung denture ang ilalagay sa bungi ko tapos kakabitan din ng brace para pantay tignan?

    1. Ang una mong gawin, siguruhin mong dentist ang gumagawa sayo at hindi fake. Kung siguradong dentist siya, itanong mo sa kanya ang mga tanong mo. At iyong mga agam agam. Dahil kung ang lahat ng plano niya ay itatanong mo sa akin, magugulo ang treatment mo.

  31. Hi doc! goodmorning po. im still a student, well, nung bata pa ako. i had a dentist na di ata marunong. kasi naalala ko. pag may prob ngipin ko, nasira or what, binubunot nya. so ngayon. ang pangit ng ngipin ko sa taas. way back in high school. di ako conscious sa ngipin ko so i seldomly visit my dentist. eto po kasing sa unahan na ngipin ko. yung 2 front teeth na malaki, di po sya pantay. tabingi sya pero di masyado obvious and the other one is longer. at yung ngipin ko between the FANG tooth and the front tooth is missing sa right side ko. and after the FANG tooth, missing ulit ngipin ko. di ko alam kng ano gagawin ko dito. can i please ask you kung ano po magandang gawin para po mabudgetan ko po. i need your genius advice doc. 17 years akong di makapagsmile na labas ang ngipin T_T

  32. hi po doc .. balak ko pong mag pa pasta .. i would like to know if mwawala po b yung pagsakit ng ipin ko kpg pina pastahan ko sya .. mejo maliit lng nmn po kc ung butas nung ipin ko and ayoko sya ipabunot since nsa front sya ..

  33. Doc Ang Budget Ko Ay 1000 Ipapa-denture ko po yung 1 teeth ko sa harap right side , kasya po ba yun salamat po need ko po ng reply . god bless

  34. doc pustiso na po ang mga ngipin ko sa itaas bukod sa ilang bagang na natira at dalawang pangil ko. bale ngayon po umuuga po yung mga pangil ko ano po kaya ang sanhi ng pag uga? kasi wla nmn pong sira yung mga pangil ko.

    1. Dahil madalang ka magpalinis ng ngipin sa dentist. Kasi kapag hindi ka nagpapalinis, gilagid mo ang mamamaga. Kapag namaga ang gilagid, lumiliit ang buto sa loob. Kapag lumiit ang butong kinakapitan ng ngipin, yan ang resulta, umuuga.

  35. doc maipapantay pa po ba yung dalawang ngipin ko sa harap sa taas na may parang curve curve sya gawa ng teeth grinding ?? bruxism teeth daw po yun sinearch ko sa google

  36. Hi Doc! Last monday po kasi ngpacheck ako ng ngipin kasi sumasakit sya kapag pinang kakagat ko So ang gnwa po ng dentist, linagyan nya lang po ng temporary pasta kasi i-uunder observtion daw po muna then pagsumakit daw po, bubunutin na daw or root canal kng gusto ko naman daw po. So I decided na bunot nalang po. Kinagabihan po, sumakit na po agad sya kaso po kinabukasan nagkaroon po ako ng menstration kya bwal po agad bunutin. So rinesetahan po ako ni dra ng amoxicillin at mefenamic both 500mg kaso po kahit anong inom ko po ng gamot, sumasakit pa din po. Hndi ko na rn po kayang tiisin kasi sumasakit na rin po hanggang ulo. Ano po ba dapat kong gawin? Kasi 3days na po akong namimilipit sa sakit and after ko naman po i-icebag bumabalik pa din po. Doc, help me naman po. :'( salamat po.

  37. Hi Doc kung mag pa fixed bridge po b ako yung mga ngipen po n permanent dapat po b i root canal lahat bago i fixed bridge? thanks and more power

  38. doc ok lng po ba ung mag pa fixed bridge ako kahit 17 yrs old p lng po ako 1st molar po ang nabunutan sakin ..un lng po

  39. hello po mahirap lang ako pero gusto po sana ,malaman kung magkano yung pinakamura na pustiso sa taas ng bibig actually isa na lang natira at sira na rin yun isang ipin na yun ..sa province po ako

  40. hi doc ok lng ba pay ng 15k sa isang mssing na ipin?bago dw un dentures na un doc na hnde dw nkakabaho ng hininga kaya mahal ok lang ba sa price ganun bigay samen?thnx godbless

  41. hello po doc:)tanong lang po kung di po ba delikado ipabunot lahat ng ngipin ng sabay sabay?sira po kasi lahat para mapapustiso na sana.thanks po:)

  42. hello po doc:)tanong ko lang po kung di po ba delikado ipabunot lahat ng ngipin ng sabay sabay?puro sira na kasi para mapapustiso na din po sana.thanks:)

  43. hi doc..may jacket po ako..yung 4 upper front teeth ko po,yung dalawa sa gitna ay nka root canal..last october2013 po nagstart ko ma feel na medyo sensitive yung isa..parang may hangin na pumapasok sa loob, lalo pag medyo malamig or pag umiinom ako, pero minsan normal lang naman xa..then last week lang ako nkapa check up sa dentist na gumawa..tas pina x-ray nya ako, then sabi nya ok pa naman daw jacket ko at may konti lang na abcess…binigyan nya ko reseta..inumin ko daw for 1 week…safe na po ba yung ngipin ko sa ganun?..may mairecommend ba kau na dentist sa davao city?

  44. Hi Doc, ask ko lang masakit ba magpapasta? Marami kasi papastahan ang Dentist ko sa teeth ko and nauunahan ako ng takot kasi sabi ng mga ka officemate ko sobrang sakit daw. Naka braces po ako and kapag papastahan na ako ng Dentist ko, nauunahan ako ng takot.

  45. masakit poba talaga ang mgpa brace? at anu magiging epekto nito at madami ngpapalagay kahit hindi bagay sa kanila?

    1. Kung masakit ay depende sa pain tolerance ng tao. Ang magiging epekto ng braces ay maaayos ang sungki. Nagbibraces ang tao para maayos ang ngipin nila at hindi sa kadahilanang bagay sa kanya o hindi.

  46. Doc, my denture po ako sa harap Taas apat po. Tapos ngyon po na nakaluwang luwang na po ako at my budget pang Ayos Anu po ba dapat gawin kc Sabi ng kapatid ko at bang dentist C type na po ako..amu pong reason bkt nagkagnun.at ang Sabi pa po possible lumala.Anu pong dapat kong gawin…salamt:)

    1. Hindi ko alam ang C type na tinutukoy mo. Kung albularyo ang nagsabi, dapat matanong mo na din si madam auring, kung sino ang type niyang mananalo sa next Miss Universe. Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist.

  47. doc ano po ba ang magandang panglinis sa pustiso or denture cleaner? dapat po bang itoothbrush din ang pustiso?

  48. doc tanong ko po normal lang po na nasakit ung gums ko kapag tinatamaan ng pustiso sa harap po pustiso ko pansin ko po kasi nasayad ung gums ng pustiso at ung gums ko talaga pantay kasi sya kaya nasayad sila? normal lang po ba to o dapat ko ipatingin sa dentist ko?

  49. doc, isang araw habang naghihikab ako, naglock po yung jaw ko. naibalik ko po ito ng dahan-dahan, kaya lang pagnguya ko, tumutunog (clicking/poping) na po yung left jaw ko na maaaring nagiging dahilan ng pagsakit ng ulo ko. anong treatment po ang pwedeng gawin dito para maibalik sa normal (walang tunog), ayaw ko po pag ooperahan o kakabitan ng bagay. gusto ko po therapy or masahe lang. gaano katagal ang treatment at magkano. salamat po.

    1. Meaning, ikaw ang pumili nang gusto mong gawin sayo, bakit mo pa ako tinatanong. Kahit iba ang dapat gawin diyan, eh ang gusto mo masahe lang, o ano ang pwedeng gawin diyan? Eh di masahe lang. πŸ˜€

  50. maayos po akong nagtanong at nag suggest sa gusto kong treatment, pero pilosopo at parang wala po kayong pinag-aralan kung sumagot. pero tuturuan ko pa rin po kayo ng tamang pagsagot, ganito po dapat ang iisagot nyo sa sitwasyon ko: >>> pasensiya na po kayo, wala po kaming treatment na gusto nyo. period. (very simple answer with respect). peace. bye:-)

    1. Ikaw ang tanungin ko. Masakit ang ulo ko. Ang gusto kong treatment ay masahe lang. Anong treatment ang pwede?

      Ano ang masakit = ulo
      Ano ang gustong treatment = masahe lang
      Ang choice/s = masahe lang
      Ano ang treatment na pwede?

      Bakit mo pa ako tinatanong kung ano ang pwedeng treatment? Kung yun nga lang ang gusto mong treatment?

  51. hi doc im 17. 1year n po siguro nung ngparetainer ako ng di nagcoconsult sa doctor. tpos po nito lang napansin ko na parang natabingi labi ko pag nagsasalita ako. di po ako makapagsalita ng ayos.. natatakot po talaga ko sa nangyayari. di ko din maipikit ng ayos right eye ko. may kinalaman po ba to sa paglalagay ko ng retainer:(

    1. Ang retainer ay isinusuot ng mga tapos nang magbraces. Yung nangyari sayo ay madalas mangyari sa ibang taong nagsuot ng retainer para pamporma lang. Patingin ka na sa dentist, wag mo na daanin sa online.

    1. Pwede. Pero kung gusto mo ma correct yung sungki, orthodontic braces sagot diyan. Tandaan mo, babagsak mukha mo at magiging uneven dahil nagbibigay facial support ang canine. Eventually, maaaring iregret mo ang decision mong pagpapabunot

      1. Good day po dok tanung ko lng po kung magkano po mag pa jacke kc po nabasag ung ngipin ko na basag ng martilyo sa trabao ko po ok lng po b mg p jacket . Godbless po

  52. Hi doc,

    2 molars na po ang nabunot sakin, 1 left, 1 right, parehong nasa baba. So yun mga ngipin ko po sa baba medyo naghihiwalay na and nagssway na pa-side. Ano po dapat gawin dun and ang budget ko po is around 17k. Kukulangin po ba yun? Thanks!

      1. hi ask q lng po ngpa’plastic jacket aq tas my ibang amoy s mismong jacket? ganun po b tlga un? plz response tnx po

        1. Unang una sa lahat, ang plastic jacket ay temporary crown. Hindi ito pangmatagalan. Nirereplace yan ng mas matibay na crown. Kung ayaw mo masira ngipin mo, balikan mo yung dentist na gumawa niyan at ipaconsulta mo yung bad smell. That is not a good sign obviously

  53. Hai doc tanong q lang po pwd ko po ba ipabunot utong ngipin q na parang pangil sa harap…gusto ko sanang maayos to paano po ba saka magkano ang mababayaran?

Leave a Reply to Ask the DentistCancel reply

%d