Estimated Braces Cost – Root Canal Cost – Crown Cost

Gerome : Hi po kapag i roroot canal ang 2 na ngipin at ipapa crown ang 3 ngipin mga magkano po kaya un? Saka pwedi ba mag pa brace kahit ung 3 ngipin ay naka crown? Thanks
Estimate price for 2root canal and 3crown po saka magkano po ang brace ngaun pag taas lng

Ask the Dentist : Una mong pag-isipan kung gusto mo magpabrace. Paraa maging mas simple ang treatment plan sayo ng dentist mo. Para din hindi gawing dikit diikit ng dentist mo ang crowns mo. Oo pwede ka magbraces kahit may crowns ka. Pero depende din sa pagkakagawa ng crowns.

Gusto mo ng estimate ko, kunyari patient kita. Dalawang anterior teeth na RCT, mga 6 thousand. Sa tatlong crowns mo 16 thousand.

Sa braces mo, P35 thousand pataas. Lilinawin ko lang yang pagkakaintindi mo sa braces. Oo may mga dentist na naglalagay ng braces na taas lang. Pero tanungin mo sila kapag may kilala kang dentist na gumawa, saan nila nabasa na pwedeng gawin yun.

Hindi pwedeng upper lang ang lagyan. Hindi din pwedeng lower lang ang lagyan ng braces. Upper at lower ang nilalagyan. Magkatugma yang maxilla ang mandible mo. Unless may kanser yang baba mo at tatanggalin, yun pwede kang lagyan ng braces sa taas lang.

24 thoughts on “Estimated Braces Cost – Root Canal Cost – Crown Cost”

  1. doc panu po kung ang babang teeth eh kulang na 2 bagang saka 3 front teeth, tapos yung taas lang ang palalagyan ko pwede naman yun?yng front teeth ko kasi sa taas may gap eh.thanks doc plan ko magpa brace sa upper lang po

    1. Para san po ung brace sa ngepen?
      ano po kasi ung ngepen ko medyo mag ka hiwahiwalay hmm pd po bang ipa brace ung ngepen ko para mag diki-dikit?
      or ano dapat gawin para mag dikit-dikit ung ngepen ko?

  2. May nakita at nabasa po akong article about sa dental implant, nilagyan din nila ng braces para pumantay sa ibang ngipin..?? example: yung parehas na central incisor yung may implant..? kaso yung akin isang central at isang lateral incisor -___-” di ko naman mabibigay un x-ray ko kasi last yr pa yun plus nasa clinic nung dentist ko 😐 nakaka stress mag paganda LOL

  3. hi doc..ok lng po bang mag pa brace sa edad ko 15 pa lng po ako at ung isang ngipin ko [molars] eh na tanggal na po..ung gusto ko sanang maayos ung sa center front po..ksi tumagilid po ng konti..tnx po..:)

  4. tanong ko lang po kung….. magkano po ba yung ceramic braces kung ipagdidikit-dikitin lang naman po yung ngipin??? hindi naman ganun kalala po yung spaces!!! mga magkano po??? thanks.. 😀

Leave a Reply