Fashionable Braces / DIY Braces

Lara Isabel : Doc . Ako po yung nag ask kagabi about sa umuugang ngipin , dhl sa fashionable braces . Last na tanong na doc, may alternative pa po kayang paraan para hndi na umuga ung ngipin ko . After ko ipatanggal to ? Kase po pag ngumunguya ako, nakakagat ko po , mukang lalong umuuga. Thankyou po ulet .

Ask the Dentist : Ang epekto ng DIY Braces at fashionable Braces ay pagkalagas ng ngipin. Mauubos ang ngipin ng nilagyan ng ganitong uri ng kalokohan.

Ang dentist, bago makapaglagay ng Braces, nagaaral ng 9 years. Anim na taon para maging dentist at tatlong taon para maging specialist, bilang orthodontist. Imagine mo na lang kung hindi dentist ang naglagay ng braces.

Kaya dapat mong ipatanggal yang Fashionable Braces mo, yun eh kung ayaw mong maubos yang ngipin mo.

Ask the Dentist : Pagkatanggal ng braces mo, magdidecide ang orthodontist mo kung ano ang dapat gawin. Sa orthodontist ka pumunta at ikuwento mo ang nangyari para alam niya ang gagawin niya. Hanap ka dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Lara Isabel : Ok doc thankyou po ng madami..

14 thoughts on “Fashionable Braces / DIY Braces”

  1. paano po ba mag self adjusting ng braces pupunta n po kc ako s dubai so ako n lng po ang mg aadjust nito pls help po,? pinapalitan lng po b un rubber tapos un n un?

    1. Hindi. Ikaw ang kawawa. Kailangan pa din ng monthly visit sa dentist. At kapag natanggal ang bracket, ikaw ang magkakabit? Hindi yan simpleng lagayan, palitan. Kaya nga nakakatawa yung mga nagpapaDIY Braces at fashionable braces, tiyak ako pagkatapos ng ilang buwan, malalagas mga ngipin nun.

  2. so panu po anugagawin ko? 6 mos n po kc ang braces ko regular nmn po ako ng vivisit s ortho ko.. kaso d ko po alm kung nxt month or nxt 2-3 mos e nsa dubai n ko.. un po kcng friend ko nsa spain for vacation 6 mos may baon xang rubber at continuous elastics xa n daw po ang mgppalit nun every month. safe po b un?

    1. Tanungin mo ang dentist mo kung pwede ka na magretainer. Hindi pwedeng ikaw ang magtreat sa sarili mo. Hindi yan simpleng palitan ng goma. Yung friend mo, asahan mong may problema na sa ngipin yun. Hindi man niya pansin sa ngayon, pag tumagal saka niya mararamdaman o mapapansin.

  3. doc tanong ko lang po nagpalagay po kase ako ng fake braces mag 3days palang po masaket na ngipin ko papatanggal ko na po ito pede po ba sa ortho ipatanggal tnx po GODBLESS natatakot napo ako e

  4. Gud pm po,doc ask ko lang po if paano mattanggal yung pamamaga ng gums po . Yung namamaga po kse ung sa pagitan ng 2 ngipin ko sa may taas bandang gitna ng ngipin ko .sabi po ng dentist ko mawwala dw po un basta continous cleaning lang ska every month adjusting . Natatakot po kse ako , ang pangit po kase pag ngumingiti sa gitna pa nman po ng ngipin ko . May gamot po ba sila na ibbgay para umimpis po thanks po

  5. Goodeve po Isa po ako sa mga DIY Braces ask ko lng kc prang nag move palabas teeth ko then ung lower nmn po prang nagiba ung position.. Ano po kylngan gawin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *