Free Dental Braces Philippines

Edna Angle : Hi doc, I want to ask, where can I find free braces for teeth in the philippines?

Ask the Dentist : Dito sa puso ko. Pero maghanap ka ng braces sa buong pilipinas, mula sa puso lang ang free. Kung ang dentist mo ay kapatid mo, usually free ang braces. Kung ang dentist mo ay nanay mo, kadalasan free ang dental braces. Kung ang dentist mo ay tatay mo, madalas free ang braces. Kung ang dentist mo ay BF mo, usually free ang orthodontic treatment. Ika nga ni Mark Lapid, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!

73 thoughts on “Free Dental Braces Philippines”

  1. hahahahaha,, sobrang natawa naman po ako dito… meron pong mga free bunot,akong naririnig, pero first time po na free braces.

    1. Meron yan try mo manligaw ng Dentist. Kapag BF mo na, ililibre ka niya ng braces. Yun lang piliin mo yung dentist na nag-o-ortho. Mamaya surgeon pala siya, biglang binunot lahat ng ngipin mo.

      1. Hahahaha xD meron ding free pasta at palinis pero doc. ask ko lang po pano kung babae yung dentist ko e babae din ako, pano ko liligawan un? 😀

  2. Hello po, uhm gusto ko lang po itanong kung magkano magpa braces? taga japan po ako kaso mahal ang braces dito *_* tas uuwi ako ng pinas para magpa braces at gusto ko pong malaman kung pwede po ba yun na magpapa braces ako sa pinas tas babalik ako ng japan? at gaano po katagal magtake yung braces?

    1. Magpabraces ka kung saan ka nakatira. Mahihirapan ka kung sa Pinas ka nagpaorthodontic treatment tapos madalang na madalang ka naman sa Pinas. Kahit anong technology ang gamitin sayo, mahirap kung malayo ka sa dentist mo. 🙂

      1. Dang! Nagreply pala kayo Doc! Hahahaha, naunsyame yung pagtawa ko, ngayon lang ako natawa kasi ngayon ko lang nabasa! Tsk. At sana dumami rin ang Dentist na katulad nyo 😀 Haha Salamat Doc, di lang kayo magaling sumagot about teeth problems, magaling pa mambola. Nga pala doc, may braces na ko di ko nasabi sa inyo kaagad. Hindi rin po pala ako nirequest na magpa x-ray nung dentist ko.

        1. Alam mo kung bakit hindi ka nirequest magpa-x-ray ng dentist mo? Anak siya ni Madam Auring. Kaya niyang hulaan kahit ang nasa loob ng buto mo. Kahit mga roots, mga periapical infection at lahat maging ang angulation ng ngipin mo kaya niyang hulaan. Wala ng calculation, wala ng measurement. Mayroon siyang X-Ray vision. Sa mga dentist na nag-o-ortho, exempted lang magpakuha ng xray ang mga kamaganak ni madam Auring at yung mga may lahing Spartan. 🙂

          1. Hahahaha! Sabi ko na nga ba havey na naman ang reply mo Doc e. Ewan ko po dun, haha nagpromise pa naman ako senyo na magpapa x-ray ako before magpa braces, pero di ko natupad. Pagpunta kasi namen sa clinic wala ng tsetse bureche nilagay na braces. Hmmm, nahihiya po kasi akong magtanong bakit di na nya ko hiningan ng x-ray. Pero sa inyo hindi ako nahihiya magtanong e no? General Dentistry siya doc, tas may nakita din naman akong Certificate nya na may “Ortho” blah blah blah siya. Tito po kasi siya ng friend ng friend ko kaya yun. Siguro fault ko din, dapat talaga nagtanong ako ng husto before ako nagpakabit.

          2. Bweno. Hehehe! Ikaw nga eh friend ka ng friend ng pinsan ng kapitbahay na madalas kumain sa tabi ng bahay ng kaibigan ng pinsan ng madalas bumisita sa website ko. Hehehe! Give him a chance, malay mo may special na technique pala siya para maayos ang sungki mo ng wala nang xray xray at cast cast. Gumawa nga ba siya ng cast? Sinukatan ka niya? 🙂 Yun lang, pinastahan ka ba niya? Tinuruan ka kung paano linisin ang mga bracket mo? Binigyan ka ng special toothbursh? Tinuruan ka ba niyang magfloss? Magpaturo ka sa kanya ha. Teka, Ask the Dentist pala ito, hindi Ask the Patient. Dami kong tanong. Hehehe!

          3. Haha loko ka Doc, tinry ko talaga ianalyze yung connection ng friend ng friend. haha Nakita ako ng nephew ako na 4 years old, bakit daw ako tawa ng tawa. Hahaha.
            Ah syempre naman doc, I’ll give him a chance. Itatanong ko rin po sa kanya on my next visit kung bakit wala ng xray xray. May cast naman po. And I asked him about sa fillings ko, sabi nya di na daw need ire-filling okay pa naman daw po, tinanggal lang nya yung stain. Sa pasta,next appointment po. About sa pag clean ng bracket sabi nya brush my teeth daw in circular motion.Magfloss, hindi.Nagsearch nalang ako sa net!Haha. Di nya ko binigyan ng special toothbrush.May ortho kit po sya kaya lang 500 pesos. Haha KAya di ako bumili. Okay lang na magtanong kayo Doc, para naman kami naman ang sasagot sa queries ninyo! Hahaha. Siguro naman hindi kalabisan kung kayo na rin po ang magtuturo saken ng mga namentioned nyo. Salamat pala Doc as always! 🙂 Sa mabilis na reply. Dahil jan, ang pogi nyo talaga! Hahahaha. Magandang gabi.

          4. Sige Doc, turuan nyo ko nyan! Turu-turuan nyo ko nyan! Haha, aantayin ko yan Doc! Salamat and Have a great day po! 🙂

          5. Haha dito niyo nalang po turo doc 😛 Kasi malayo ang clinic nyo, mahal ang pamasahe. Saka doc, bigay naman kayo ng brand ng toothbrush na maganda for braces 🙂 Salamat doc. Inuulit ko ang pogi nyo! Hahahaha.

          6. Haha dami kong tawa.Aga ng reply, good morning Doc! Mukha namang hindi mahilig mag surf sa internet Dentist ko Doc e di non mababasa. Hahaha. Sa Fb nalang. P-pm ko po kayo. Haha. Naku, nakakahiya na, masyado na kong demanding. San po ba clinic nyo doc? Haha. Ang layo naman yata kasi kung Manila pa. Sige na nga, salamat nalang ulit doc. Have a nice day! Magcoffee na kayo. 😛

          7. Haha, grabe na-naflood ko na pala ng comment to Doc. Haha. Hindi ko pa nga alam clinic nyo e. Hahaha. sa Friturday ako punta Doc! Mabuti naman ako. Sana nasa mabuti din kayong kalagayan. More patients to come! hahaha 😀 😀 😀

  3. hahahaahahah maka iyak na aku sa tawa,,, doc cguro napikon kna sa tanung nya kya namilosopo kana,,,hahhaaah oo nga nmn sa puso lng mhahanap// eh paanu kung tatay ng tatay ng manliligaw mu? free consultation? ahhhahhah

  4. Good Eveningg Doc, my itatanong lg sna po ako sa inyo.

    1. Pwd po bng mgpa’braces kpag my pasta ag ngipin.
    2. Ok lg po bng e braces khit my kulang akong ngipin?
    3. Pano po po kng hndi pantay ag dalawng ngipin ko sa harap, pru pntay nman po yung iba(ngmumukha po akong rabbit tgnan.)
    4. Ma aayos pa po ba ag mga ngipin ko sa ilalim na hndi talaga mgkakapantay?
    5. Mahal po buh ag bayad mgpa’braces?
    6. may mare-recommend po ba kyong mgaling na orthodontic dito sa iloilo?

    pcncya na po kng hndi po akong mgaling ma’tagalog. Bisaya po ksi.
    God Day at Slamat po 😀

  5. Doc, medyo usngal ang upper teeth ko. Bukod dun, maayos ang ngipin ko. Pantay, walang spaces, ok tlaga. Medyo pausngal lang. Ano bang tawag sa condition na un? Ok lang ba magpabrace ako? Magkano po Doc?

  6. doc,
    kahit na may problema kami sa mga ngiti namin, napapatawa kami sa mga post at reply dito.
    bata pa ako, d ako makapaghanap ng dentist na jojowain.
    wala din po kaming pera.
    kung sasabihin mong kailangan ko nang magbigti, im sorry, i tried but i failed.
    ano po advice nyo? XD

    1. Ang dapat mong gawin ay huwag mo munang problemahin ang ngipin mo. Magsikap ka muna sa pagaaral upang magkaroon ng magandang negosyo o trabaho balang araw. Sa ngayon, sa health center ka muna umasa or sa dental schools. Balang araw, kaya mo nang gumastos para sa dental health mo. Madaming bungal na nauna sayo na very successful sa buhay nila. Na noong naging matagumpay sila, saka nila pinaayos ang mga ngipin nila.

  7. 1st time q po to narinig free brace, npakapnget po ng ngipin q.. hi aq nga po c Lance, high student..iniisip q po qng kelan q po mtatapos kelangan pigilan ang ngiti q.. nhihiya dn po aq kpag kumakain. :'( ewn q b ky mama at papa nd pinpaaus ngipin q wla pera.. -___- aq lng pinkapanget ang ngipin s mgkakapatid eh.. uggghh please email me or contact me on fb qng gusto nyo po aq tulungan.. http://www.facebook.com/lance.lecaros.3 instead n cla mgsearch n mkakatulong saqn aq p ang gumawa.. nkakahiya cla sobra.. plsss help me!

  8. ang weird nman po nun n kelangan mgkarelasyon muna s isang denstist -___- uggghh I went to the dentist and she said it cost of P50k i’m wondering where i’m going to get it.. my parents doesn’t even help me for everything like tuition fee for ma school, it’sjust ma gramma and she’s near to death and if it will happen i’m gonna be a homeless teenboy and little bit dying.. I really hate ma parents.. please help me!! i’m drowning on this shit life..

  9. I think i have these problems, little underbite and malocclusions teeth. How much the treatment of this? i’m envy with ma big brother and sister they both have nice teeth ma classmates too. I think it’s better to have a overbite teeth ugghh.. most of ma classmates have overbite teeth and it’s not so bad comparing to mine. I’m always shy in school even of ma parents. :'( please help me.. can u gimme real free treatment? please.. my study affected to my teeth.. whenever i go somewhere in school i’m shy.. i always stay in classroom :'( i can’t go in canteen, library and mostly in restroom :'( if my parents not a jerks ugghh.. i really hate ’em

  10. Matagal ko na pong pangarap na magkaroon ng magandang ngipin kasi bata pa lang po ako ay masyado nang sungki-sungki ngipin ko. Sabi nga po ng mga kalaro ko para daw pating ang ngipin ko. Mahirap lang kami kaya hindi ko kayang magpabrace. Nag-aaral ako nang mabuti at ang unang plano ka sa sweldo ko ay magpabrace pero matagal pa yun. I am taking up engineering kaya siguro maganda naman magiging future ko because I am excelling in academics. I hope may makakatulong sa problema ko. Perhaps someone who could offer a discount or installment? I am from Bicol po.

  11. Hi po! Hm po ang braces nyo? Nung h.school po kc ako nag lock jaw po ako.. 23 na po ako ngaun pero d parn po ako nagpapabrace. Nagpaconsult po ako sa isang ortho at cnbe pong severe case daw po ung sakn. Makakaramdm po daw ako ng pananakt ng ulo at pananakt ng likod whch is true naman po na ilang yrs ko na pong nraramdman ung mga ganung sakt. Baka nxt yr pa po ako magpabrace. Ahm db po sa my pgh po b un o hosp. Ng manla ung my mga practitioner?

  12. Dok may underbite problem po ako taz mahaba din ung baba ko severe n po ung pagiging underbite ko , 24 yrs old n ko ….nung bata nmn ako normal nmn ung itsura ng mukha ko! Wla akong pangpa opera dok kya tanong ko lng kung pra po b tong cancer n nagiging malala taz nagkakaroon ng mga komplikasyon…….

  13. Hi doc good eve,
    Ask ko lang po may ma recommend po ba kayo na clinic dito sa pasig, makati or mandaluyong area ? Working student po ako, college level matagal ko na po kasing gustong magpa brace since hs kaya lang, walang pera. Ung tumatanggap po ng installment, ung sapat lang at di kamahalan ang singil. Haha. Salamat po. ???

  14. Ask ko lang po kung bakit po mas mura ang pagpapa-dental braces (at ibang dental services) sa probinsya kaysa sa Cities?

Leave a Reply

%d