Gaano Katagal ang Braces

Normi : Good evening, doc. Last October 2012 nagpabraces po ako sa kamag anak namin na dentist. Sungki po kasi and patong patong yung ngipin. Pinastahan lahat ng sira bago po ako binrace. Regularly every month po ako nagpapaadjust and checkup sa dentist ko. The last time I went there, plano na po na magretainer na ako. Di ko po sure kung mabilis yun or fahil nabuo ko na yung 30k na package ko. But okay na po ngipin ko, by that I mean pantay na and maayos na ang bite. But recently, napreggy po ang dentist and is an bed rest po. Ilang months na ako di nakavisit kasi nasa province sya. Kinonsulta ko sa ibang dentist wala pa daw ako sa third stage? Inexplain ko po na balak na ako iretainer ng dentist ko the last time we talked. Gaano po ba katagal dapat yung sa braces? Thanks, doc.

Ask the Dentist : max of 2 years, pero mas okie kung below that. Kung hindi aabot ng 1 year, mas mabuti. Iba iba ang pamantayan ng dentist sa pagkakaayos. Sundin mo ang isang dentist lang. Kung ikaw mismo hindi kuntento after ng treatment ng 1 dentist, doon ka magpaortho sa iba.

Normi : Okay po. Thank you po, doc!

Ask the Dentist : Oks.

2 thoughts on “Gaano Katagal ang Braces”

Leave a Reply