Gusto Dental Implants pero ayaw magpa-x-ray

Reymart : good day po! last two years po pumunta kami sa dentist ipapabunot ko sana ‘yung isa kung ipin dahil nandun siya sa likod ng upper left front teeth ko kaso sabi ng dentist ay hindi daw po pwede kailangan pati rin iyon isa. or parang push mo ‘yung teeth papunta sa unahan. at hindi nalang ako nagpabunot. sabi ko baka ‘it takes for years pa yan bago mapunta sa unahan ‘yung ngipin ko kaya one week after nagpabunot ako. noong una ok lang ‘yung denture kaso nung after a few months (napansin ko na ang gums ko ay parang lumalim then pagngumingiti ako makikita mo talaga na nagpa-denture ako. so nag-search ako sa net nakita ko ang dental implants nagustuhan ko, iba-iba ang prices 50k, 70+k ang mamahal, ok lang sa isa pero sa 2 teeth hindi ko na talaga kaya. so ang nasa isip ko ay mag-implant sa front tooth ko at magpa-bridge? para mas kaya… pwede po ba? ok pa naman ‘yung ibang teeth ko (then nung nagpaposteso ako napansin ko nalang na unti–unting nasisira ang teeth ko yung natatakpan sa metal pati na rin sa posteso ko kahit lagi naman ako nagto-toothbrush. )or any suggestion po? ang magkano po ang cost lahatlahat? thanks po

Ask the Dentist : Ang una mong gawin, magpa-panoramic x ray ka. Yung malinaw. Picture-an mo. Yung malinaw. Tapos send mo sa akin, para makita ko kung ano ang pwede gawin.

Reymart : magkano po ba ang magpa-panoramic xray?baka wala po dito sa mis. occ. ang ganyan…

Ask the Dentist : Sa implants mas madami pang x ray ang kailangan. Kung wala sa mis occ, hopeless kung ganun. Pustiso nga lang ang meron dyan.

Reymart: uo nga po eh!ok po, baka meron sa kabilang city or sa cagayan doon na lang ako magpa-panorami xray. then kailangan pa ba ng xray para malaman kung anong mas babagay sa akin or what?hindi naman siguro po aabot ng 2k ang panoramic xray di po ba?

Reymart : hindi naman po mag-iiba-iba ang form ng mouth, jaw, teeth di po ba? so bakit maraming xrays ang kailangan?para mas-save kunti…wala pa nga akong work butas na butas na ang pocket ko. allowance nga lang tinitipid ko pa dahil gusto kong magpa-implant. ayaw ni mother magpa-implant ako dahil mahal daw sayang din yung thousands. “kuripot ako mas kuripot pa pala siya” pero ok lang forever naman po siguro ‘yun, di po ba?

Ask the Dentist : O sige wag nang xray kasi “hindi naman mag-iiba-iba ang form ng mouth, jaw, teeth”. Hanap ka na lang ng bolang kristal. Para hulaan ko na lang kung ano dapat gawin sayo. Kapag nakakita ka na ng bolang kristal, ipabendisyon mo sa pinakamalapit na bundok diyan. Tapos punta ka din sa pinakamalapit na pari. Sabihan mong halikan niya ang bolang kristal para maipasa ang ancient power ng pari sa bolang kristal. Paguwi mo, picture an mo ang bolang kristal. Tapos send mo sa akin. Tapos huhulaan ko na kung ano ang pinakamainam na dapat gawin sa bibig mo.

Reymart : salamat doc ha! ang galing niyo talaga…

2 thoughts on “Gusto Dental Implants pero ayaw magpa-x-ray”

Leave a Reply

%d