Ilang days ang paggawa ng pustiso

Saudi Boy Adrian Ubando : Gustong gusto ko talaga ang mga Camel dito sa Saudi lalo na kung ako’y nangungulila. Hi Doc, ilang days ang paggawa ng pustiso?

Ask the Dentist : Hi Saudi Boy Adrian Ubando, kumusta naman ang mga camel sa Saudi? 🙂 Depende sa napagusapan niyo ng dentist mo. Kung rush o minadali, mas mahal. Kung fixed bridge at gagawing tama at eksakto sa procedure, dalawang linggo at kailangan mong magpabalik balik sa dentist. Pero madaming dentist na kakilala ko ang nagsusukat, pagbalik mo tapos na ang pustiso.

Kung ako ang gumagawa ng pustiso, average, dalawang linggo at kailangan mong bumalik balik para magawa ko ng tama. Pero mangilang ngilan lang kaming ganito kasi kadalasan na pumupunta sa aming patient ay yaong mga problematic na kaso na talaga.

2 thoughts on “Ilang days ang paggawa ng pustiso”

  1. hello po doc,,, na-curious lang po ako dito sa sinabi nyo,,,ano po ung ibig nyong sabihin na ang kadalasang pumupunta sa inyong mga patient eh mga problematic na kaso na talaga??? ano po ung mga problematic na cases, doc??

Leave a Reply