Jana : Hi Doc, ask ko lang po . Nagcrack kasi yung isang front teeth ko tapos ang nilagyan ng jacket is 3 . Ask ko lang po kung pwede bang ipatanggal yung jacket at lagyan nalang ng pasta para maibalik sa dati? If possible po kasi ayoko sana ipajacket yung teeth ko kasi i’m not comfortable . Thank You po. I
Ask the Dentist : Isa na ang missing? Or kumpleto pa?
Kung makakapag send ka ng photo ng smile mo mas okay. Macro, with flash at walang flash.
Jana : Kumpleto pa po Doc . bale 3 teeth lang yung naka jacket
Ask the Dentist : Kung yan ay papalitan, jacket na din lang. Hindi na pwede sa pasta. Bakit? Hindi ba magandang tignan? O ayaw mo ang pakiramdam? Paanong not comfortable?
Jana : Ok naman po yung jacket maganda po pagkakagawa. Hindi lang po ko comfortable pag kumakaen. Bakit po hindi na sya pwedeng pastahan?
Ask the Dentist : Ah. Tumatama ba kapag ngumunguya ka? Dahil hindi maganda kapag papastahan at siguradong matatanggal agad ang pasta. At na prepare na yang ngipin mo kumbaga natabas na yan para mailagay ang jacket. Kaya kapag pasta, kahit gaano kagaling ng dentist mo, hindi na marerestore ang form at function sa pasta.
Jana : Ganun po ba. Sige po thanks po sa advice. Nanghihinayang po kasi ko sa teeth ko maayos lahat tas yung front teeth lang sira at nakajacket kaya po nagtatanung ako kung pwede pang maibalik sa date.
Ask the Dentist : Nakajacket na ano pa ang sira? Halata bang jacket? 🙂
Jana : Wala na po. I mean yung nagcrack yung sira and naka jacket ay iisa. Sorry! Medyo halata po. Wala na po bang ibang pwedeng gawin para mabalik sa date?
Ask the Dentist : Ang magagawa na lang ay ang gumawa ng jacket crown na hindi halatang jacket crown. Maghanap ka ng magaling na dentist na magaling gumawa ng crown na parang totoong ngipin. Yun nga lang asahan mo na mas mahal ang bayad mo. Ganun talaga kapag maganda ang quality, mas mahal kaysa sa iba. 🙂
Hi po. Tanong ko lng po kung mkakaganda ba sa ipin ang root canal. Yung dentist po kasi na tumingin sa ipin ko sbi iroot canal na.sa front po sya. Nttkot po ako bka pg niroot canal mgkaiba ng kulay.yung pangil po kasi ng ipin ko non pinaroot canal ko nag iba yung kulay. Naging kulay itim sya. Bka kasi pag pumayag ako ng root canal mangitim din sya eh nsa harap pa nman sya ng ipin ko. Ano po ba dapat don.. Tnx po sa advice
Kung infected na ang pulp ng ngipin mo, dapat na iroot canal treatment. Hanap ka ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara. http://iaskthedentist.com/root-canal-treatment/