Kaya pa ba sa Pasta

Makoy : Good evening po doc. Saw your site po sa internet. Ask ko lang po ano pwede gawin dun ngipin kong may butas? Kaya pa po ba ng pasta yan or ipapa bunot na ba? Gusto ko pa sana sya marestore. And how much po kapag lalagyan ng pustiso yung isang ngipin na nabunot? Thanks po.

Malaking Butas
Malaking Butas

Ask the Dentist : Kapag sumakit na, dapat i-RCT. Tapos jacket crown. : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

12 thoughts on “Kaya pa ba sa Pasta”

  1. Hi Doc! Magandang araw po., tanong ko lang po kasi last week nagpapasta po ako dito sa Saudi kasi po Covered po ng Medical Card namin ang Dental Services dito kaya libre po sagot po ng kumpanya namin bale, Egyptian po yung dentist. 7 ngipin po ang pinastahan nya sakin pero bale 4 times nya po ako pinabalik kasi hindi raw po pwedeng sabay sabay lahat pastahan. Doc ang tanong ko po hindi ba masama sa katawan natin yung Anestesia? kasi kada pasta nya sakin tinuturukan nya ko ng anestesia sa gum ko. tsaka Doc maganda po ba yung Pasta na parang nilelaser ng ilaw na kulay Violet? LIGHT CURE daw po ang tawag dun. tsaka doc medyo sumasakit po minsan yung 2 pinastahan nya pag umiinom ako ng malamig or pag humihigop ako ng mainit pero nawawala rin naman agad. Normal lang po ba yun Doc? mawawala rin ba yung sakit na yun pag tumagal na Doc? Thanks Po.

    1. Magandang araw din sa iyo! Kamusta ka diyan sa Saudi? Naway mabuti!
      May kinalaman sa mga tanong mo

      Per 1st question: hindi masama lalo at minimal dose lang binibigay sayo. Mas mainam na tinuturukan ka para mas maging banayad at mabilis ang trabaho. Even sa US, ganon ang procedure. Well ganoon din naman sa Pilipinas. In my observation, mataas ang pain threshold ng Pilipino kaya may mga pagkakataon na hindi na sila nagrerequest ng Anesthesia kapag filling procedures.

      2nd question: yung filling or pasta na nila-light cure is called colored fills (composite). Esthetically pleasing itong material na ito

      3rd question: normal na nagkakaron ka ng sensitivity sensation lalo at malalim yung pinastahan kapag may temperature changes. Nabanggit ba ng dentist mo na malalim yung pinastahan? It should go away in few weeks time. Mag rerecuperate yung ngipin eventually. Pero kapag nagkaroon ka ng Pain sensation na kahit wala kang ginagawa, like maisip mo lang ba yung ngipin just because, and ang mararamadaman mo ay shooting/throbbing pain, come back to your dentist and relay the symptoms okay? He/she will do the necessary diagnostics (xray and some tests) to identify if the tooth needs a special procedure called Root Canal Treatment.

  2. Yes po, tama po kayo..sabi nga po ng dentist sakin pag sumakit daw po ibalik ko sa kanya kasi medyo malalim na daw po yung pinastahan nya sakin kaya pag sumakit daw po bumalik daw ako at i ro root canal nalang nya. kung hindi lang naman nawawala yung sakit pero nawawala naman po eh kaya sa palagay ko hindi ko na nga yata dapat ibalik sa kanya. Doc, medyo di ko naintindihan yung ”2nd question: yung filling or pasta na nila-light cure is called colored fills (composite). Esthetically pleasing itong material na ito”…so ok po ba yung ganyang klaseng pasta? kasi dati nagpapasta na ako sa Pinas hindi naman ganyan ang ginawa nila parang yan po yata yung latest na pang pasta ngayon? tama po ba? … Maraming Salamat po sa Inyong Sagot Mabuhay po Kayo!!!

    1. Yung pinastahan na 2 na malalim, kapag nag escalate lang naman yung pain, unbearable at shooting, well yun na ang mga symptoms na candidate na ito.

      regarding your question, “so ok po ba yung ganyang klaseng pasta?” Of course. Im guessing the filling na nilagay sa iyo before was a silver filling (amalgam)–one of the best filling material. You know over time, people got concious how the filling should look so they opt the colored fills nowadays.

  3. Gudevening po doc ! Ask ko lang po sana kung pwede pa po bang pastahan yung ngipin ko sa unahan,malaki na po ang but as at kalahati pa po yung isang ngipin.

Leave a Reply

%d