Kuwentong Barbero este Dentista

Marjorie : hello po. gudafternun. nakita ko po kc un website nyo then naicpan ko magtanung about sa problem ko. Cguro mga 2years ago nagpa-jacket po ako. Sa front teeth po. bale dalawa po nkajacket na ngipin skin. Nagtataka lng po ako kc sumasakit po yun ngipin ko na nkajacket. dba dalawa po sya, yun left tooth lng po sumasakit bale isa lng. bakit po gnun? Wala nmn ako nkaen na mtigas. basta sumakit nlng po. 1day na po sumasakit. Uminom na din ako gamot na mdicol para maibsan un sakit. Pero hndi nmn gnun kasakit. Tolerable nmn po. Cguro rate from 1-10, 10 is highest… mga 4 lng po. Pakitulungan nmn po ako. Salamat.

Ask the Dentist : Gaano na katagal. Plastic or porcelain? Every 5 years dapat palitan ang jacket. Kaya sumakit, malamang infected na ang ngipin. Madaming rason kung bakit nagkakaroon ng infection ang may jacket crown na ngipin. Pag infected na, dapat i-RCT. Check these links:
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

http://www.denturesaffordable.com/prosthodotic-reconstruction-core-build-up/

Ask the Dentist : http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Marjorie : Porcelain po. More than 2 years na po.
Kakayanin po ba kpag ininuman ko ng antibiotic?

Marjorie : Anu po mganda at una ko dpat gawin? Pumunta dentist a?

Ask the Dentist : Kapag nag-antibiotics ka, nandiyan pa din. RCT ang solution. Ang una mong gawin ay pumnta sa clinic na may xray. Pa-x-ray ka.

Marjorie : before po kc ako magpajacket dati pna-root canal ko po un ngipin ko. yun kc ang suggestion ng dentista skn. d nmn po kc totally cra un ngipin ko. napingas po un right tooth ko kakapasta, gnawa ko pnajacket ko nlng. pero ganito din po un pkiramdam ko before ako magpajacket. sumasakit po ulet.

Marjorie : nagpa RCT na ako dati. dba root canal treatment yun? suggestion un ng doctor bago ako ijacket. so maguulit nanaman po ba RCT ulet? nid po ba na palitan nanaman yun jacket ko kht wla pa 5yrs?
Yun jacket ko po pala my silver metal sa loob. nkapalibot sa loob… isa lng po kc tlga yun masakit dati kaso dnamay nya sa jacket yun isa kc panget daw kpag isa lng. tska mejo sungki po kc.
almost 5k po bnayaran ko before sa dlawa ngipin ko kasama na root canal. my discount ako that tym kc student ako at the same time classmate friend ko anak nya,. magkanu po kaya mgagastos ko ngaun,. balak ko kc lumipat ng dentista.
SALAMAT PO.

Ask the Dentist : Talaga? Ina-RCT pero sumasakit? Pa-x-ray mo para malaman natin pareho kung ano nga ba ang nangyari sa ngipin mo. 5 K dalawang ngipin tapos may RCT? Mukha yatang imposible yun, unless boyfriend mo ang gagawa kahit libre pwede. Luging lugi dentist mo sa ginawa niya, kung totoo nga may RCT at porcelain fused to metal jackect crown yan.

Ask the Dentist : Sa dami ng nasagot kong tanong, may mga kwentong hindi kapanipaniwala. Tapos pag pinadala na ang xray mapapatunayang hindi nagtutugma yung kuwento sa tunay na nasa bibig ng pasyente. Kaya pinakamabuting gawin mo, x ray, send mo dito. Para makita nating pareho kung ano ang problema at masolusyunan nang tama.

Marjorie : d po kita pinipilit maniwala sakin. kung anu po cnabi ko sau yun po totoo. actually kauwe ko lng dumaan ako sa dentista kc kapitbahay lng nmin. cnabi ko na sumasakit un ngipin ko na nilagyan nya jacket., lam mo po sagot sakin? gnun daw kadalasan kpag malamig ang panahon. tiningnan pa nga ngipin ko kung my space or butas wla nmn sya nakita. cnabi ko rin na inunuman ko ng antibiotic at mefenamic acid. tama daw yun kpag sumasakit kadalasan daw sa gamot nlng dinadaan. at hndi nya ako nixray noon. pero alam ko ni root canal nya ako kc dame beses sya my tinutusok sa ngipin ko. Salamat po sa tulong nyo. pero hndi po ako nagccnungaling!

Ask the Dentist : Paxray ka send mo dito. Kahit umikot ikot tayo, hindi natin malalaman ang problema, kung walang x ray.
Hanap ka ng ibang dentist para hindi ka mapariwara.

Marjorie : cge po. consult muna ako ng iba dentista. after ko pumunta update ko po ikaw kung anu sabi skin. salamat po.

Ask the Dentist : IPAXRAY mo. Balewala ang sasabihin ng dentist mo kung hindi naman niya ini-x-ray. Anong gagawin niya, tumingin sa bolang kristal?

4 thoughts on “Kuwentong Barbero este Dentista”

  1. Tanong ko lang sana , nung mga nakaraan po kasi, sumakit ngipin ko at namaga ang pisngi ko. Then mga ilang araw nawala na ung sakit ng ngipin ko, yung namamagang bagang 2weeks na nd pa din nawawala at parang lumalaki ito ngayon, pero nd na masakit ngipin . bulok din po kasi yung ngipin ko na yun. Bakit po kaya ganito? Ano ang dapat kong gwin?

Leave a Reply