Mabaho ang Hininga

Jhemz : Hi doc??pahide po ng name ko f ever ipost nyo to.kakahya po kaz tanung ko.nagwowork po ako as promo diser sa mall,napifeel ko po kaz mejo mabaho hininga ko,4-5 times naman po ako nagtotoothbrush,gumagamt dn po ako ng mouthwash.Hndi po ako umiinum o naninigarilyo.anu po bang method gagawn ng dentist sa ngipin ko para mawla po ung amoy.please responce.thank you.

Ask the Dentist : Okay. Sagutin mo itong mga tanong ko.
Ilan ang sira sa ngipin mo?
Ilang beses kang magpalinis ng ngipin sa dentist kada taon?
May jacket crown ka ba?
May fixed bridge ka ba?
Binabrush mo ba ang dila mo?

Jhemz : *bale napastahan at nabunot na po ung sira na ngipin ko.

*actually po last 5mos po huling linis ng ngipin ko sa pilipinas.

*wla po akong jacket crown.

*wla din po akong fixed bridge..

*Opo binabrush ko po lage dila ko.pati nga ngala ngala ko binabrush ko po e.

Ask the Dentist : Bago yung huli mong pagpapalinis, ilang buwan bago yun?
Wag naman ngala ngala. Hehehe!

Jhemz : Mga 3-4 mos po.
Frustrated mawala ung amoy.hahaha
Doc d na nagresponce.please i’m serious po.

Ask the Dentist : Mas mabuti kung makakapagsend ka sa akin ng panoramic x ray. Kung okay ang dental health mo, pwedeng systemic. Nakapagpatingin ka na ba sa doctor?
May buhay din ako. Hindi ako laging online at nakaharap sa computer. Kaya late ang reply ko.

Jhemz : Sorry po..hndi pa po ako nakapagpatingin sa doctor e.pag nakapagpa xray po ako send senyo.sori po ult.

18 thoughts on “Mabaho ang Hininga”

  1. Hi Doc, may problem po ako and hindi ko alam kung ano ang cause nito. May jacket crown po ako, dalawa sa front po. napansin ko po kasi na simula nung pinalagay ko po to, nagkaron na ako ng bad breath which is sobrang hindi ko na po mabare, Pag nagbbrush po ako ng teeth and nagmmouthwash yung part na yun pag hinahawakan ko may bad odor parin po. Kakapunta ko lang po sa Dentist ko, last two months ago. nagpacleaning and nagpapasta. Hindi ko naman po nasabi yung problem ko about doon sa crown. Please help me po doc 🙁 I badly need you help kasi magpapasukan nanaman po eh gusto ko po sana maayos na to. Thank you so much po Doc. I will wait for your reply po. 🙂

  2. Doc, ask ko lang sana isa sa taas nabasag sa ngipin ko at isa sa baba. Bakit kaya? Dahil po ba kulang ako sa calcium? And di na po ba pwede un pastahan kasi masakit na po ung nasa baba? Please help po. Thank you. Namumuti din po kasi ung ngipin ko na nabasag at masakit. Then ngayon lang po kasi ako nagkaproblema sa ngipin.

Leave a Reply