Dumarami ang bumibisita sa Ask the Dentist.
Dumarami ang tanong.
Madami na ding mga tanong ang nasagot. Sa FB man o sa dito sa website.
Sa kaunaunahang pagkakataon, nagexceed ang Ask the Dentist sa bandwidth.
Isa itong tagumpay.
Tagumpay hindi lang sa mga taong may dugo ng Sparta. Maging sa mga simpleng tao. Mga taong walang bahid ng dugo ng Sparta. Mga pinoy na bumuto kay PNoy. Mga pinoy na hindi bumuto kay PNoy. Mga matanda. Mga bata. Mga babae. Mga lalake. Mga maganda. Mga mas maganda.
Naaalala ko tuloy. Noong bata ako. Sabi ko sa nanay kong dentist, balang araw ayokong maging Dentist. Gusto ko maging Engineer. Gusto kong maging Scientist.
Matapos ang mga taon. Ang ate ko naging doctor. Ang kapatid ko naging nurse. Ang kuya ko hindi naging dentist.
Kumuha ako ng exam sa iba’t ibang unibersidad na may Engineering Courses. At ako’y pumasa sa lahat.
Dahil hindi naging dentist ang kuya ko. Kumuha ako ng exam sa University of the East College of Dentistry. Pumasa ako. Naging Dean’s Lister sa Pre Dentistry. Naging Tan Yan Kee Scholar sa Dental Proper.
Matapos ang ilang taon bilang working student. Nakapagtapos ako. Hindi bilang Engineer. Kundi bilang Dentist.
At akalain mo matapos ulit ng siyam na taon sa Dental Practice, nandito ako, sinasagot ko ang mga tanong niyo.
Wow, ayun oh nagbigay din ng konting hint si Doc about sa kanya. Well, you deserved it naman doc. Thanks for answering our questions na minsan e nahihiya naming itanong sa mismong dentist namin pero lagi nyong sinasagot. Salamat sa free online consultation doc kung taga Manila lang ako,sa inyo na talaga po nagpabrace at kayo na ang family dentist namin. More power po sd askthedentist.
O jen, O jen. Nasaan ka na? Nasaan ka na? O jen, o jen. Nasaan ka na? Nasaan ka na? 😀
Sorry sa typo doc, haha ang hirap pag sa mobile phone nagcocomment. Nandito pa rin sa sanlibutang ito. Hahaha.
Saang parte dito sa sanlibutan Jen? Saan Jen? Saan?
Nasa kaibuturan ng lalawigan ng Rizal doc. Hahaha.
May kaibigan ako diyan. Jose ang pangalan. Kilala mo tiyak.
Hmmm na-intrigue ako sayo doc. Mukang super bright kayo. Nakapasa sa lahat ng university na may Engineering courses. Naks! At isa pa, syempre Dentistry kinuha nyo, 9 years sa Dental Practice, meaning to say, matanda na kayo? Hahaha. Joke lang! Hulaan ko mga nasa mid 30’s kayo. Tama po ba?
Nasa mid 18’s ako. 🙂
Haha kapitbahay namen yun doc. Wushu! Asa pa. Hahaha.
Naku tamang tama, pakisabi nama kay Paciano na hinahanap na siya ng nanay nila ni Jose. 🙂